You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Oriental Mindoro
NAUJAN EAST DISTRICT

MARIANO P.LEUTERIO MEMORIAL SCHOOL


Andres Ylagan, Naujan

Detailed Lesson Plan in Science III


Date : Enero 18,2019
Time: 9:45 – 10:35
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Mga tao , hayop, halaman, lawa, sapa, burol, at iba pang anyong lupa, at ang kanilang
Kahalagahan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Maipahayag ang kanilang pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng gabay ng
guro at mga pansariling gawain
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nakagagawa ng obserbasyon tungkol sa mabuti at masamang epekto ng araw sa mga
tao
S3ES-IVg-h-h-8
II. Nilalaman
Paksa : Pamamaraan upang makaiwas sa masamang epekto ng sikat ng araw
Sanggunian : TG p.128-130 , Tx p.181,
Kagamitan: brown envelope, manila paper, ICT, kamatis, talong , alcohol lamp,
posporo, alcohol, fire tong
Pagpapahalaga: Pag-iingat at Pakikiisa
Integrasyon : Music , ESP, Health , Mathematics
Estratehiya: Cooperative learning , dramatization , and realia
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Bata
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga po
B. Panlinang na Gawain
A. Balik - aral
Sino ang nakakatanda ng pinag-aralan
natin kahapon? Ako po Madam!!!
Mahusay !!! Kung talagang natatandaan
ninyo may ibibigay akong stick na may
. Makinig sa pangungusap
na sasabihin ko. Kung tama ang pangungusap
itataas ninyo ang stick na at kung mali
naman itataas ninyo ang stick na .

Bigyan natin ng ang galing , galing


mo clap ang mga nanalo 5,6,7,8,ang galing galing mo

B. Pagganyak
May panonoorin kayong video kailangan
ninyong intindihin at gagawa kayo ng
tungkol dito.
Naintindihan ba ninyo? Opo

Magaling!!!

Subalit , alamin ninyo kung tungkol saan


ang inyong pinanood at magbibigay kayo
ng tanong pagkatapos. Opo

Ang mga bata ay inaasahang makapagbibigay


ng tanong

C. Paglalahad
Mga bata magkakaroon tayo ng experiment
Ito ay may kaugnayan sa matinding sikat
ng araw sa mga tao.

Ipaliliwanag ng guro ang mga hakbang o ang


rubriks bago gawin ang experiment

Kategorya Criteria Kabuuang Puntos Score


Pagkakaayos ●Nailahad ng maayos ang
Activity 10
●Naisagawa ng tahimik
ang activity
Nilalaman
● Ang lahat ng tanong ay 10
nasagot ng maliwanag.
Pagtatanghal(Presentation) ●Ang nag uulat ay may
magandang eye contact sa 5
mga kaklase, hindi
nahihiya,
● ang haba ng paggawa ng
experiment ay nasa
tamang oras
Score Kabuuang Pontos 25
D . Pagtalakay / Pangkatang Gawain

● Ibibigay ng guro ang kanilang pangkatang Gawain

PAALA:
1. Mag- ingat sa paghawak ng posporo upang sindihan ang alcohol lamp at baka mapaso.
2. Ilagay ang glabs sa kamay upang hindi maramdaman ang init ng tong.
3. Itapat ng maayos ang talong o kamatis sa alcohol lamp

GROUP 1
● Sindihan ang Alcohol Lamp
●Hawakan ang talong gamit ang panipit o tongs sa loob ng 10 minuto
●Masdan ang balat ng talong.

Sagutin ang tanong:


1. Ano ang nangyari sa talong matapos itong itapat sa alcohol lamp sa loob ng 10
minuto?
2. Anong bahagi ng katawan inihalintulad ang talong?
3. Iguhit ang larawan ng talong bago ito isalang sa alcohol lamp at iguhit ang talong
matapos itong isalang sa alcohol lamp
4. Kung isinalang mo ang kamatis sa alcohol lamp ng makaanim na beses o 6x6 ilan ang
sagot?
5. Magbigay ng isang halimbawa upang makaiwas sa matinding sikat ng araw..Ipakita
ito sa pamamagitan ng aksyon

GROUP 2
● Sindihan ang Alcohol Lamp
●Hawakan ang kamatis gamit ang panipit o tongs sa loob ng 10 minuto
●Masdan ang kamatis

Sagutin ang tanong:


1. Ano ang nangyari sa kamatis matapos itong itapat sa alcohol lamp sa loob ng 10
minuto?
2. Anong bahagi ng katawan inihalintulad ang kamatis?
3. Iguhit ang larawan ng kamatis bago ito isalang sa alcohol lamp at iguhit ang kamatis
matapos itong isalang sa alcohol lamp at kulayan ito
4. Kung isinalang mo ang kamatis sa alcohol lamp ng makawalong beses o 8 x 8 ilan
ang sagot?
5. Maaari kaya nating maiwasan ang sobrang sikat ng araw , ipakita ito sa pamamagitan
ng aksyon.

GROUP 3
● Sindihan ang Alcohol Lamp
●Hawakan ang talong gamit ang panipit o tongs sa loob ng 10 minuto
●Masdan ang balat ng talong

Sagutin ang tanong:


1. Ano ang nangyari sa talong matapos itong itapat sa alcohol lamp sa loob ng 10
minuto?
2. Anong bahagi ng katawan inihalintulad ang talong?
3. Iguhit ang larawan ng talong bago ito isalang sa alcohol lamp at iguhit ang talong
matapos itong isalang sa alcohol lamp
4. Kung isinalang mo ang talong sa alcohol lamp ng makapitong beses o 7x7 ilan ang
sagot?
5. Ano ang masamang maidudulot sa atin ng sobrang sikat ng araw? Ipakita ito sa
pamamagitan ng aksyon.
GROUP 4
● Sindihan ang Alcohol Lamp
●Hawakan ang kamatis gamit ang panipit o tongs sa loob ng 10 minuto
●Masdan ang balat ng kamatis

Sagutin ang tanong:


1. Ano ang nangyari sa kamatis matapos itong itapat sa alcohol lamp sa loob ng 10
minuto?
2. Anong bahagi ng katawan inihalintulad ang kamatis?
3. Iguhit ang larawan ng kamatis bago ito isalang sa alcohol lamp at iguhit ang kamatis
matapos itong isalang sa alcohol lamp at kulayan ito
4. Kung isinalang mo ang kamatis sa alcohol lamp ng makapitong beses o 9 x7 ilan ang
sagot?
5. Ano ang masamang maidudulot sa atin ng sobrang sikat ng araw? Ipakita ito sa
pamamagitan ng aksyon

E. Paglalahat
Ano ang natutuhan ninyo sa ating aralin? Masama ang epekto ng
matinding sikat ng araw sa
tao.
Magaling!!!

Ano ang magiging epekto ng matinding sikat


ng araw sa tao? Sun burn, heat stroke,
dehydrate

F. Paglalapat :

Pagsagot sa binigay na tanong ng mga bata


IV. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang
pamamamaraan upang makaiwas sa masamang epekto ng sikat ng araw at ekis (x) naman
kung hindi.
______ 1. Manatili sa ilalim ng sikat ng araw ng walang gamit na pananggalang sa init.
______ 2. Magsuot ng sunglasses kapag sobrang tindi ng sikat ng araw.
_______3. Maglagay ng sunblock lotion kapag matagal na mananatili sa ilalim ng sikat ng araw.
_______4. Uminom ng maraming tubig kapag sobrang init ng panahon upang hindi madehydrate.
_______5. Maglaro sa labas ng bahay kung tanghaling tapat kung saan matindi ang sikat ng araw.

V. Takdang – Aralin:
Magbigay ng dalawang epekto ng matinding sikat ng araw sa mga hayop .

Inihanda ni:
GINA A. MARTINEZ
Teacher III

Observer 1 Observer 2

MELINDA M. ALZATE CAROLL O. MATCHIMURA,Ph.D.


Master Teacher I Principal III

You might also like