You are on page 1of 20

MODYUL SA FIL101

Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

KURSO WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN


(Subject)

YUNIT Yunit V
(Chapter)

PAMAGAT NG WIKA AT SEKSWALIDAD


ARALIN
(Lesson Title)

Sa loob ng dalawang linggo (May 24-June 4, 2021), ang mga


mag-aaral ay inaasahang matamo ang sumusunod na layunin
ng aralin:

1. nakapagbabahagi ng sariling ideya sa pagkakaiba ng seks at


kasarian o gender;
2. napalalawak ang batayang kaalaman sa wika at
LAYUNIN NG
sekswalidad;
ARALIN
(Lesson Objectives) 3. nakatutukoy ng batayang konsepto sa kaugnayan ang wika
at sekwalidad;
4. nakapagpapaliwanag ng ugnayan ng wika at sekwalidad;
5. nakapaglalahad ng iba’t ibang konsepto ng kasarian batay
sa wikang ginagamit ng partikular na mga pangakat gaya ng
mga bakla, tomboy, at iba pa; at
6. nakapaglalapat ng mga batayang kaalaman sa wika at
sekswalidad batay sa kinabibilangang lipunan; at
7. napapahalagahan ang iba’t ibang kasarian batay sa iba’t
ibang sekswalidad tungo sa pagkakapantay-pantay.

LAGOM NG
Ilalahad sa Modyul V na ito ang iba’t ibang konsepto, prisnipyo,
PANANAW
(Overview/) at usaping panlipunan na may kaugnayan sa wika at sekswalidad
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

upang mapalawak ang kamalayang sekswalidad sa lipunang


mababaw ang pagtingin at pag-unawa sa seks, kasarian, at
sekswalidad. Sa pamamagitan ng mga ito, magkakaroon ng
isang malinaw na kabatirang sekswalidad sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng kasarian tungo sa paggalang,
pagpapahalaga, at pagkakapantay-pantay ng oportunidad at
karapatan.

1. Ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang seks?


2. May pagkakaiba ba ang salitang seks at kasarian?
3. Ano-ano ang mga isyung panlipunan na tumatalakay sa
sekswalidad?
4. Bakit kinakailangang talakayin o pag-usapan ang
sekswalidad sa isang lipunan kung babae at lalaki lamang
PAGSUSURI
ang kinikilala?
(Analysis)
5. Mahalaga bang himay-himayin ang isyu ng sekswalidad
upang mapanatili ang kapayapaan sa isang lipunan?
6. May malaki bang gampanin ang wika sa usaping
sekswalidad? Bakit?
7. Ano ang iyong gampanin sa lipunang may iba’t ibang
sekswalidad?

PAGLALAHAD INTRODUKSYON
(Abstraction)
Hindi na bago sa demokratikong bansa ang usaping
sekswalidad. Ang bawat indibidwal ay malayang pumili ng
kanyang sariling kasarian sa kabila ng pagkilala sa kanyang
natatanging seks. Kaya hindi nakapagtataka na abng bansang
Pilipinas ay dahan-dahang tinatanggap ang komunidad ng
LGBTQA+. Ngunit ang komunidad na ito ay hindi
demokratikong maituturing gaya ng bansa. Demokratikong
itinuturing ngunit hindi malaya.

Sa kultura at lipunang Pilipino, dalawa lamang ang kinikilalang


seks; babae at lalaki lamang. Isang kombensyonal na pananaw
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

sa seks na nakakabit ang mga gampanin o tungkulin na mas


kilala sa tawag na gender roles. Ito ang pagtatakda sa tungkulin
ng isang tao sa isang lipunan na batay sa kanyang seks. Ang
babae ay inaasahang sa bahay lamang; nagluluto, naglalaba,
nagwawalis, naghuhugas ng pinggan, nanahi at higit sa lahat
itinuturing na ilaw ng tahanan dahil siya ang ina at asawa.
Samantala, ang lalaki naman ay inaasahang siya ang haligi ng
tahanan. Pangunahing tungkulin niya ang maghanapbuhay
para sa kanyang pamilya. Sa mga araw na wala siyang trabaho,
siya ay inaasahang magsibak ng kahoy, mag-iigib, magsaka,
magmamaneho, at iba pang mga gawaing nangangailangan ng
pisikal na lakas.

Sa pagdaan ng panahon, ang mga paniniwalang ito ay unti-


unting nagbabago dahil na rin sa iba’t ibang oryentasyon. Ang
mga salik panlipunan gaya ng mga edukasyon, teknolohiya,
karapatan, at iba pa ay malaki ang impluwensiya sa usaping
sekswalidad sa isang lipunan.

Masasabi na isa sa mga may malaking faktor na pagbabago ng


pananaw sa sekswalidad ay ang media. Tuluyang hinubaran ng
media ang paniniwalang kombensyonal sa sekswalidad.
Dumagdag ang impluwensya nina Vice Ganda at Tambalang
Donekla. Ang mga kilalang artista ay lantaran din ang kanilang
pag-aanunsyo sa pagbabago ng kanilang kasarian gaya ni
Charice Pempengco na naging Jake Zyrus.

Sa kabila ng dahan-dahang pagbabagong, hindi


maipagkakailang masalimuot at komplikado pa rin ang usaping
sekswalidad sa bansang Pilipinas dahil sa pagkakaiba-iba ng
paniniwala at kultura ng bawat isa.

SEKS VS KASARIAN

Sa wikang Filipino ang salitang kasarian ay ginagamit upang


bigyan ng kahulugan ang sex at gender. Ito ay nagbibigay ng
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

malaking problema sa mga usapin sa bansa na may kaugnayan


sa sekswalidad dahil madalas na pinagpapalit ng mga tao ang
kahulugan ng kasarian upang tukuyin ang sex at gender.

Ang sex o seks ay tumutukoy sa isang biyolohikal na konsepto


na nakabatay sa mga biyolohikal na katangian ng isang tao
tulad ng pagkakaiba ng genitalia (ari) ng mga lalaki at
babae. Sa kabilang banda ang gender naman ay tumutukoy sa
pansarili, panlipunan at pangkulturang perspektibo ng mga tao
sa kanilang kasarian. Sa madaling salita ang sex ay isang
biyolohikal na katangian na taglay nang isang tao simula ng
siya ay pinanganak at maaari lamang ito mabago kung dadaan
sa isang operasyon ang tao na ito para baguhin ang kanyang
kasarian. Ang gender naman ay nahuhubog ng personal na
pananaw ng isang tao at ang gawi ng lipunan na nakapalibot sa
kanya.

Karaniwang kaalaman na mayroon lamang dalawang


sex: lalaki at babae. Ngunit mayroon din tayong mga tao na
tinatawag na intersex. Ang intersex ay tumutukoy sa mga
pisikal na katangian at/o ang sekswal na katangian na hindi
maikakategorya bilang lalaki o babae. Ito ay maaaring dulot ng
problema sa chromosome ng tao o ang depormasyon ng ari sa
kanyang kapanganakan(halimabawa ay pagtataglay ng
parehong ari ng dalawang sexes). Ayon sa mga pag-aaral, 1 sa
100 tao ang maaaring ipanganak na intersex.

Ang gender ay ginagamit din upang tukuyin kung babae o lalaki


ang isang tao ngunit ang ginagamit na batayan ay ang mga
panlipunan at pang-kulturang pagkakaiba ng dalawang
kasarian. Minsan ay ginagamit din ang gender upang tukuyin
ang pagkakilanlan ng isang tao na hindi pasok sa karaniwang
kahulugan ng lalaki at babae.

Ang karaniwang batayan ng gender ay ang gender identity at


roles na mayroon sa lipunan: ito ay pagiging masculine o
feminine. Sila ay inaasahan na susunod sa mga katangian o
gawain na itinakda at kinikilala ng lipunan. Isa sa halimbawa
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

nito ay may mga tao ng tinuturing nila ang kanilang sarili bilang
non-binary, kung saan ang isang non-binary ay hindi
sumusunod sa tradisyonal na male-female binary ng lipunan.
Isang halimbawa ay pagsusuot ng mga pananamit na ginawa
para sa kabilang kasarian at kumikilos na tulad sa kabilang
kasarian.

Ang gender identity ay personal. Ito ay kung paano natin


nakikita ang ating sarili batay sa ating kasarian, kung tayo ba
ay lalaki, babae o wala sa dalawa. Karaniwan na magkatugma
ang gender identity at ang kanilang gender expression(kung
paano nila ipakita ang kanilang kasarian sa pamamagitan
pananamit, kilos at iba pa) batay sa sex na taglay nila noong
sila ay pinanganak. Ngunit, may ilan na tao sa lipunan ang hindi
sumusunod sa nakagawiang gender identity, ang mga taong ito
ay tinatawag na “transgender” o “gender non-conforming”.

Mayroon din na bigender kung saan ang isang tao ay


gumaganap sa gender role ng parehong lalaki at babae. Hindi
rin nawawala ang mga agender, mga tao na hindi tinuturing ang
kanilang sarili na bahagi ng kahit anong kasarian.

Sa kasalukuyan, bukas ang mga usapin sa kasarian hindi tulad


dati na ito ay taboo at iniiwasan talakayin ng mga tao. Sa ibang
bansa ito ay binibigyan ng malaking atensyon at sila ay
nagnanais na gumawa ng karampatang batas at karapatan
para sa mga tao na bahagi ng iba’t ibang gender identity.
Samantala sa Pilipinas ito ay pinagdedebatehan pa ng mga
mambabatas at mga miyembro ng simbahan at lipunan dahil sa
konserbatibo at tradisyonal na pananaw ng karamihang
Pilipino.

GENDER IDENTITY / KASARIAN PAGKAKILANLAN

Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng pakiramdam ng


isang tao tungkol sa sarili, at ang karamdaman ng pagiging
lalaki o babae. Ang kasarian pagkakilanlan ng isang tao ay
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon. Ang kasarian


pagkakilanlan ng mga tao ay maaaring naiiba mula sa kanilang
kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at maaaring
kabilang dito ang:

Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay


ng mahigit sa isang kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga
tao na nakilanlan na transsexual, at mga tao na naglalarawan
sa kanilang mga sarili nasa isang “kasarian isprekto” o nakatira
sa labas ng mga kategoriya ng “lalaki” o “babae.”

Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian


nang sila’y ipinanganak, pero na kumikilala sa kanilang sarili
nang naiiba. Maaaring anaghahanap sila o nagpapasailalim
sila ng isa o higit pang mga medikal na pagpapagamot upang
iakma ang kanilang mga katawan sa nararamdaman nilang
pagkakilanlan sa loob nila, tulad ng hormone therapy, sex-
reassignment surgery, o iba pang mga pamamaraan.

Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki”


o “babae”, batay sa kanilang pangkatawang katangian sa
kapanganakan o pagkatapos ng pagkababae o pagkalalake.
Ang salitang ito ay pumapalit sa hindi magandang salitang
“bakla.”

Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiya


kagalingan -- ay nagbibihis sa mga kasuotankaraniwang
kaugnay ng “kabilang” kasarian.

Trans: Isang pangkalahatang salita na ginagamit upang


ilarawan ang mga indibidwal na, sa iba’t-ibang grado, hindi
tumutugma sa karaniwang inalalarawan ng lipunan bilang isang
lalaki o babae.
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

SEKSWAL NA ORYENTATSYON

Ang sexual orientation naman ay tumutukoy sa ating


pisikal, emosyonal at sekswal na atraksyon sa ibang tao.
Ang normal na inaasahan ng lipunan ay ang lalaki ay bumubuo
ng romantikong relasyon sa mga babae at ang mga babae sa
lalaki naman, ito ang tinuturing na heterosexuality. Ngunit may
mga tao na nagkakaramdam ng atraksyon sa mga tao ng
kaparehong kasarian at ito ang tinatawag na homosexuality.
Sa madaling salita, ang gender identity ay makikita sa paraan
kung manamit, kumilos, at kung paano mo nakikita ang iyong
sarili kung ikaw ba ay lalaki, babae o wala sa nabanggit. Ang
sexual orientation naman ay nalalaman sa pamamagitan sa
kung kanino ka nagkakagusto at nakakaramdam ng
romantikong atraksyon.

Ilan sa mga halimbawa ng sexual orientation ay ang


sumusunod:

Homosexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa


kaparehong kasarian.
Heterosexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa opposite
sex
Bisexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa parehong sex.
Asexuality, ang isang tao ay hindi nagkakaroon ng atraksyon
sa kahit anong kasarian.

BAKIT MAHALAGANG ALAMIN ANG PAGKAKAIBA


NG GENDER IDENTITY AT SEXUAL ORIENTATION?

Kung hindi natin nauunawaan ang pagkakaiba ng gender at


sexual orientation, tayo maaaring agarang manghusga sa
sekswalidad ng isang bata na hindi nauunawaan kung sino ba
talaga siya. Kadalasan ang kapag nakakakita tayo ng mga tao
na may gender expression na salungat sa katanggap-tanggap
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

sa lipunan, nabibigyan agad ng panghuhusga ang mga sekwal


na oryentasyon ng tao na iyon.

Ilan sa halimbawa nito ay isang batang lalaki na naglalaro ng luto-


lutuan, siya ay makakatanggap ng pangungutya na siya ay gay o
bakla. Ang mga batang babae naman na mas nais na magsuot
ng mga damit na panlalaki ay tinatawag na lesbian o tomboy. Ito
ay mga di magandang pananaw dahil ang kanyang expresyon ng
kasarian ay hindi katumbas ng kanyang sexual orientation.

Ang mga ganitong pagtrato sa mga sekwalidad ay minsan


nagdudulot ng mas malaking pagkalito sa pagkatao ng maraming
kabataan dahil sa madalas na iniuugnay ang gender expression
nila sa kanilang sexual orientation. Ang hindi mabuting pananaw
sa pagpapakita ng gender identity ay nagdudulot ng paglayo ng
ilang bata sa mga propesyon o kasanayan na nais nila dahil lang
maaari silang mapagkamalan na gay o lesbian kung susunod sila
sa ilang propesyon kahit na salungat ito sa tinuturing na normal
ng lipunan kaugnay sa kasarian.

Mahalaga na alamin natin ang pagkakaiba nila upang higit na


maunawaan ng bawat isa sa lipunan ang mga hinaing na
nakaugat sa kasarian ng mga miyembro nito. Ang pagbaliwala sa
mga ganitong isyu ay maaari o sa kasalakuyan nang nagdudulot
ng di pakapantay- pantay sa hanapbuhay, relihiyon, tahanan, at
lipunan. Kailangan natin unwain ito upang makagawa ng mga
patakaran at batas na makakapagpagaan sa mga problema na
nagmula sa hindi pantay na pananaw at pagtrato.

WIKA AT KASARIAN
Deborah tannen at Jesus Federico Hernandez

DEBORAH TANNEN. Isang university professor at propesora ng


linggwistika sa Georgetown University. Manunulat din siya ng
maraming libro at artikulo tungkol sa wika at ang epekto ng
pangkaraniwang pakikipag-usap sa relasyon ng tao.

JESUS FEDERICO HERNANDEZ. Dating Chair ng


Departamento ng Lingguwistika sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang
"Pasok sa Banga (Wika ng mga Bakla)" ay iprinisenta niya sa
Sawikaan 2010 sa UP Diliman noong July 29, 2010.
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

Naglahad ang dalawang dalubwika kaugnay sa konsepto ng wika


at kasarian.

Ayon kay Tannen, ang mga babae at lalaki ay pinapalaki sa


magkaibang kultura. Ito ang dahilan kaya ang komunikasyon sa
pagitan nila ay nagiging cross-cultural na komunikasyon. Dahil
sila ay tumatanda sa magkaibang mundo, nagbibigay daan ito sa
pagkakaroon ng magkaibang estilo ng pag-uusap sa pagitan ng
mga lalaki at babae. Ito ay kilala bilang GENDERLECTS.

1. STATUS VS SUPPORT

• Ang mga lalaki ay nabubuhay sa isang mundo na


kompetitibo ang kombersasyon. Sinusubukan nilang
makuha ang upper hand upang mapigilan ang iba na
dominahin sila.

• Para sa babae naman, ang pakikipagusap ay paraan para


makakuha ng apirmasyon at suporta sa kanilang mga
ideya.

2. INDEPENDENCE VS INTIMACY

• Ang mga babae ay karaniwang nagbibigay ng


importansya sa kalapitan at pagsuporta upang mapanatili
ang intimacy.
• Ang mga lalaki na nag-aalala tungkol sa kanyang
katayuan o estado ay mas nagbibigay ng importansya sa
hindi pag-asa sa iba.

3. ADVICE VS UNDERSTANDING

• Para sa karamihan ng mga lalaki, ang isang reklamo o


daing ay hamon upang makahanap ng solusyon.

4. INFORMATION VS FEELINGS

• Ayon daw sa kasaysayan, ang mga alalahanin ng mga


lalaki ay tinuturing na mas mahalaga kaysa sa mga
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

alalahanin ng mga babae. Ngayon ay maaring ibaliktad


ang sitwasyong ito na ang pagbibigay ng impormasyon ay
hindi kasing importante ng pagbabahagi ng emosyon.
Mula sa pananaw ng mag-aaral ng wika, walang isang
wika ang hihigit sa iba dahil sila ay pantay.

5. ORDERS VS PROPOSALS

• Ang mga babae ay kadalasan nagpapahiwatig ng payo sa


hindi direktong paraan.
• Ang mga lalaki naman ay mas madalas na gumagamit ng
direktong pahiwatig o mga utos.

6. CONFLICT VS COMPROMISE

• Sa pag-iiwas sa di pagkakasunduan, ang ibang babae ay


hindi harapang tututol sa iba kahit na mas mabuti at
mabisa para sa isang babae ang ipahayag ang kanyang
sarili.

7. MAGKAIBANG ESTILO NG KOMUNIKASYON

• RAPPORT-TALK - para sa mga babae, sila ay gumagamit


ng pakikipag-usap upang mapalapit sa iba.
• REPORT-TALK - para sa mga lalaki, ang pag-uusap ay
para makakuha ng impormasyon.
• METAMESSAGES - mga impormasyon tungkol sa
relasyon at saloobin ng mga tao na sangkot sa usapan. Ito
ay resulta ng magkakaibang intensyon sa pakikipag-usap

Ang mga lalake at babae ay mas gugustuhin na maintindihan ang


isa't isa sa kanilang estilo dahil iniisip natin na nabubuhay tayo sa
parehong mundo ng komunikasyon. Ayon kay Tannen, kung pag-
iisipan lang natin ito, karamihan ng hindi pag-kakasunduan ay
maaring maiwasan. Ang pag-unawa sa paraan ng komunikasyon
ng magkaibang kasarian ay magiging isang tulay para mas
mapabuti ang pakikipagtalastasan at relasyon ng mga tao.
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

TALASALITAAN: WIKA AT KASARIAN

Ang usaping pangwika at pangkasarian na pinamagatang “Wika


at Kasarian: Mulang Katuturan Tungong Kamulatan” ay
itinampok sa Talasalitaan bilang pakikiisa ng UP Diliman sa
pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan.

Ang Talasalitaan ay isang panayam na isinagawa ng Sentro ng


Wikang Filipino (SWF) at sa pakikipagtulungan sa Diliman
Gender Office (DGO) at University Center for Women and
Gender Studies (UCWGS) na ginanap noong Marso 4 sa
Pulungang Recto, Bulwagang Rizal.

Ang mga panauhing tagapagsalita ay sina Prop. Portia P. Padilla


ng Kolehiyo ng Edukasyon at Dr. Nancy Kimuell-Gabriel,
tagapag-ugnay sa Opisina ukol sa Kasarian ng Diliman
samantalang nagsilbing reaktor naman si Prop. Oscar Serquiña
ng Kolehiyo ng Arte at Literatura.

Kamalayan sa kasarian. Sa unang bahagi ng panayam ay


tinalakay ni Padilla ang paksang “Kamalayan sa Kasarian sa
Pamamagitan ng Edukasyong Pangwika” kung saan binanggit
niya ang ugnayan ng wika, kultura at kamalayan sa kasarian.

Ilan sa mga ibinigay niyang halimbawa ay ang mga salitang


“maprinsipyo” “mapagkimkim,” “maasikaso” at “mayabang” na
hango sa imbentaryong ginawa ni Dr. Vivian Velez-Lukey sa
kanyang pananaliksik na pinamagatang “Pagkababae at
Pagkalalake (Femininity and Masculinity): Developing a
Filipino Gender Trait Inventory and Predicting Self-Esteem
and Sexism” kung saan sinasabing ang mga salita ay may
katumbas na kasarian.

Ayon sa pag-aaral ni Velez-Lukey, sinasabing ang ‘maprinsipyo’


ay katangian daw ng lalaki; ang ‘magpakimkim’ ay sa babae;
‘maasikaso’ sa babae at ‘mayabang’ sa lalaki.
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

Paliwanag ni Padilla, “May kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto


ng wika, na kapag natututo tayo ng wika ay hindi lamang wika
ang natututunan natin kundi pati kultura rin dahil ang kultura ay
konektado sa wika at ang kamalayan sa kasarian ay
naiimpluwensiyahn ng kultura. Ngunit hindi lang iyon,
naiimpluwensiyahan ng malakas at mapanuring kamalayan ang
namamayaning kultura.”

Dagdag nito, sinabi niya na ayon sa mga pag-aaral tungkol sa


wika, kasarian at pagkakaiba, “Magkaiba raw ang mga lalaki at
babae sa paggamit ng wika. Magkaiba rin silang mag-isip kung
paano natututunan ang wika. Magkaiba rin sila sa paggamit ng
mga stratehiya sa pagkatuto ng wika.”

Tinalakay rin ni Padilla ang kakulangan ng mga pananaliksik


tungkol sa kasarian at pagtuturo at pagkatuto ng wika, Ingles
man ito, Filipino o iba pang wika sa Pilipinas.

“Tiningnan ko ang mga ginawang pag-aaral ng aming mga


sariling mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon at sa nakaraang
10 taon o higit pa, walang pag-aaral tungkol sa wika at kasarian
na ginawa ang mga kaguruan man o mga estudyante sa
masterado o doktoradong antas,” ani niya.

Sa proseso naman ng pagmumulat sa mga mag-aaral ukol sa


usaping pangkasarian sa konteksto ng mother-tongue based
multilingual education sa bagong K to 12 na kurikulum, ani ni
Padilla, “Kung titingnan ang kurikulum ng mother-tongue ng
Filipino at ng Ingles sa bagong K to 12, walang natatanging tuon
sa papel ng kasarian o sa kasarian din ng salik sa pagkatuto ng
wika. Pero sa pagtaya at pagpili ng mga materyal panturo,
kagaya ng teksbuk o supplementary materials, kasama ang
kasarian sa social content guidelines.”

Binanggit din ni Padilla na isa sa mahahalagang hakbang sa


pagtuturo o pagkatuto ng wika ay ang alisin sa laylayan ang
usapin ng kasarian lalo na sa mga kurso na may kaugnayan sa
wika, gamit ng wika at pagkatuto ng wika.
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

“Pero hindi maaaring gawin iyun kung hindi ka muna maalam sa


bagay na ito. Kailangang maging maalam ngunit kailangan ding
makialam kung kinakailangan. Kailangang ding bigyang-pansin
hindi lamang ang pagkakaiba sa kasarian kundi pati na rin ang
pagkakapareho at pagkakapantay-pantay ng mga tao ano man
ang kanilang kasarian,” ani niya.

Edukasyon na malay at tumutugon sa kasarian. Sa


ikalawang bahagi naman ng panayam, isa sa mga tinalakay ni
Kimuell-Gabriel ay ang resulta ng tatlong oras na gender-
sensitivity orientation (GSO) para sa mga mag-aaral na
isinagawa ng Diliman Gender Office (DGO) noong Peb. 22.

Sa tatlong oras na GSO, ani ni Kimuell-Gabriel, marahil kung


tumagal ng isang semestre ang pag-aaral tungkol sa kasarian,
“Mas malay marahil ang lahat sa sekswal na panggigipit at mas
makakapag-ingat, mami-minimize kung hindi man lubos na
mapapawi.”

Kanya ring minungkahi na mas mainam lalo kung sa unang taon


palang sa Unibersidad ay dumadaan na sa kursong
pangkasarian ang mga mag-aaral upang maging gabay nila ito
sa pang-araw-araw na buhay sa loob at labas ng kampus.

Tungkol naman sa isinasagawang kurikular na pagbabago sa


General Education (GE) Program ng UP, ayon kay Kimuell-
Gabriel “Isinususog natin ang pangangailangang gawing bahagi
ang gender-sensitivity bilang isang nakapahayag na layunin ng
GE Program at ang pagkakaroon ng lahat ngestudyante ng
isang kursong pangkasarian. Ibig sabihin, bago grumadweyt ng
Unibersidad, kailangang dumaan sa isa man lang kursong
pangkasarian ang lahat ng mag-aaral sa UP.”

Ani niya, “Ang paglilinang ng edukasyong malay sa kasariaan ay


tumutugon sa panawagan ng UP na magpaunlad ng kritikal na
pag-iisip, paglinang ng mabuting asal, dangal at pagkatao, at
magtaguyod ng katarungang panlipunan. Hindi makukumpleto
ang rekado kung hindi isasahog ang layunin ng pagiging malay
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

BEKIMON: EBOLUSYON NG SALITANG BAKLA


Tomas U. Santos

NOONG una “jejemon,” ngayon “bekimon.”

Tunay ngang daynamiko ang wikang Filipino dahil sa pagsibol ng


isa na namang panibagong terminong ginagamit na ng marami—
ang “bekimon.”

Unang sumikat sa Internet, itinuturing ang mga “bekimon” na


bagong mukha ng salitang bakla sa Pilipinas. Mula ito sa salitang
kolokyal na “beki” na nangangahulugang bakla, habang ang
salitang “mon” ay nanggaling sa mga nausong “jejemon”, o mga
taong mahilig gumamit ng mga special characters sa pagtetext.

Ang terminong “bekimon” ay nilikha ni Bern Josep Persia, isang


aminadong “bekimon” sa sikat na sikat na video sa website na
YouTube. Kita sa kaniyang mga video ang paggamit niya ng
salitang “bekimon” sa iba’t ibang lugar at pagkakataon. Ito ay ang
ebolusyon ng dating “swardspeak” at gay lingo, na matagal nang
namamalasak sa lipunang Filipino.

BAGONG SOSYOLEK NG LIPUNAN

Sa nagdaang Sawikaan 2010 noong Agosto, ipinakilala ni Jesus


Hernandez, tagapangulo ng Departamento ng Linggwistiks sa
Unibersidad ng Pilipinas (UP), ang “bekimon” bilang bagong
sosyolek o jargon ng lipunan.

Ayon kay Hernandez sa kaniyang papel na pinamagatang “Pasok


sa Banga: ang mga sosyolek bilang batis ng mga salita sa
Filipino,” na kaniyang binasa noong ika-29 at 30 ng Agosto sa
Sawikaan na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas, ang wika ay
masasabing sumasabay sa pagbabago ng panahon at lipunan,
isang mahalagang katangian sa paghubog ng wika.

Ang wika, giit niya, ay may baryasyon na tinatawag na sosyolek.


Ito ay dulot ng mga pagpapangkat ng mga grupo ng mananalita at
pakikipag-uganayan ng mga mananalita sa ibang sektor ng
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

lipunan. Isa sa mga pinakamatingkad na sosyolek sa lipunan ay


ang “swardspeak” o mas kilala bilang gay lingo.

Kumpara sa ibang sosyolek, ang “bekimon” ay mayroong


kakaibang pagkakabuo ng salita na makikita sa pamamagitan ng
mga paraang paglalapi tulad ng anek sa “anekwabum”; pagpapalit
ng tunog gaya ng “bo-o” bilang tao; paggamit ng mga akronim
gaya ng OPM o “Oh Promise Me,” na nangangahulugang
sinungaling; pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng buong salita
gaya ng “chika-chika,” na nangangahulugang pag-uusap;
pagkakaltas, gaya ng “anda” na galing sa “ang datung,” na
nangangahulugang pera; katunog ng isang salita kasama na ang
paggamit ng mga pangalan ng mga sikat na mga lugar at mga tao
gaya ng “Carmi Martin,” na may ibig sabihin na karma; at
panghihiram gaya ng Ingles na salita na “fly” na
nangangahulugang pag-alis.

SANTUWARYO NG MGA PANGARAP

Ayon sa kaniya, isang mahalagang katangian ng salitang bakla ay


ang “pagkukubli,” kung saan ang orihinal na anyo ng salita ay
iniiba ang pamamaraan ng pagbuo upang hindi maintindihan.

Sa tingin ni Hernandez, ito ay dahil sa konteksto ng


pakipagtutunggali ng mga bakla sa kulturang patriyarkal ng
lipunan, kung saan nagkakaroon ng stigma na ang pagiging bakla
ay isang kasalanan o kamalasan. Ang katangiang ito ang siyang
dahilan ng mabilis na pagbabago ng mga salita at ito ay
nagsisilbing instrumento ng mga bakla upang makipagtunggalian
sa lipunang mapanghusga.

Dagdag pa niya, sa larangan ng showbiz, kung saan makikita na


talamak ang paggamit ng salitang bakla, ang media ay
nagsisilbing instrumento ng pagpakakalat at pagpasisikat ng mga
salita sa lipunan.

Bagaman hindi lahat ng salitang bakla ay pumapasok sa


kamalayan ng maraming Filipino, masasabing ang isang salita ay
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

nagiging ganap na bahagi lamang ng pambansang wika


pagkatapos nitong dumaan sa pagiging slang ng mga Filipino.

BEKIMON SA AKADEMYA

Ayon kay Alvin Ringgo Reyes, guro sa Filipino sa College of


Tourism and Hospitality Management, ang “bekimon” ay hindi
isang bagong penomena sa wikang Filipino dahil matagal na itong
ginagamit sa bansa gamit ang ibang katawagan.

“Kung uugatin natin [kung] kailan nagsimula itong mga salita na


ito na naiiba ang istruktura, partikular na ang napakamalikhain
nilang morphology o ang pagkakabuo ng salita, ito ay dati pa,
panahon pa lamang ni Marcos ay may gumagamit na ng gay
lingo,” aniya.

Kaniya ring inihambing ang media noon sa kung anong klaseng


media mayroon tayo ngayon. Ayon sa kaniya, ang programa sa
radyo na “Tambalang Balasubas at Balahura” ay isang testimonya
ng malayang paggamit ng wika sa media ngayon.

TATAD LEADS FIGHT VS. 'ANTI-FAMILY' AGENCY

“Marahil ang pagkakaiba sa mga gumagamit nito ay ang


linggwistikong pananaw. Halimbawa, kung ang isang propesor ay
lulubusin ang kaniyang academic freedom at gagamit siya ng
ganitong klase ng wika (bekimon) sa pagtuturo at kaniyang
mapatutunayan na ito ay mas mabisa kumpara sa karaniwang
istruktura, maituturing siyang isang ‘bekimon’ kahit siya ay hindi
kabilang sa third sex,” aniya.

Iginiit naman ni Reyes na siya ay hindi tutol sa paggamit ng


“bekimon” dahil para sa kaniya, ito lamang ay isang malikhaing
paggamit ng wika.

“Ang wika ay mayroong kani-kaniyang teritoryo. Kung ikaw ay


nasa akademiya tulad ng UST, na isa sa mga tagapanday ng
tamang istruktura ng wika mula simula’t sapul, kung ihahambing
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

sa La Salle, Ateneo, at UP, tayo ay maituturing na purista,” ani


Reyes.

Ngunit para sa kaniya, ang paggamit ng “bekimon” sa akademiya


ay maituturing na trespassing dahil sa pamantayan ng
akademikong wika.

“Kung ang akademiya ang siyang paggagamitan mo ng ‘bekimon’,


maituturing itong trespassing dahil ang wika na dapat mamayani
rito ay akademikong wika. Ngunit kung ito ay pangkaraniwang
kuwentuhan at gusto ninyo maging masaya ang normal na paksa,
ang paggamit ng ‘bekimon’ ay makatutulong,” ani Reyes.

Dagdag pa niya, ang “bekimon” ay sagot sa pangangailangan ng


tao na mapaganda pa ang usapan, kung kaya’t hindi ito agad
mawawala sa dilang Filipino.

“Maaaring lumipas ‘yong tawag na ‘bekimon’ ngunit ang lalim ng


paggamit nito ng mga mamamayan, sa palagay ko, ay
mahihirapang kumupas,” ani Reyes.

Aniya, ang kapalasakan ng wikang bakla ay dahil sa mga


mensaheng gusto nilang ikubli at dahil sa paghahangad ng mga
bakla na magkaroon ng espasyo sa lipunan.

“Ang mga bakla ay gumagamit ng ganitong klase ng wika


(bekimon) upang makabuo ng sila ng espasyo sa isang lipunang
masyado silang nasusupil,” ani Reyes.

MGA TOMASINONG ‘BEKIMON’

Ikinuwento ni Marc Alcala, 20, ng Conservatory of Music, na siya


minsan ay tinatawag na “Beki” dahil sa kaniyang paggamit ng
“bekimon”.

“Noong unang nauso ang ‘jejemon’ lumabas rin ang ‘bekimon’.


Kung tutuusin, mas nauna ang gay lingo kaysa sa sa kanila
(jejemon) ngunit noong sumikat ang mga jejemon, gumawa ang
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

gay community ng ‘bekimon’ upang hindi malimutan ng tao ang


gay lingo,” ani Alcala.

Maituturing ni Alcala na “hawa-hawa” ang pagkatuto ng “bekimon”


dahil siya mismo ay ganito natuto. Laking gulat niya nang
makarinig siya ng mga tunay na lalaking gumagamit ng salitang
bakla.

“Kahit mga straight guys din ay minsan gumagamit na nito


(bekimon), kaya nagugulat ako. Minsan sa text sinasabi nila
“haller” o kaya “echos mo,” kaya natatawa ako,” ani Alcala.

Tulad ni Alcala, isa pang Tomasino na aminadong nagsasalita at


gumagamit ng “bekimon” ay si Shereen de la Cruz, 19, ng Faculty
of Arts and Letters. Dahil sa kaniyang paggamit ng wika ng mga
bakla, batid niya na siya ay isa sa mga tinaguriang babaeng bakla.

“Hindi naman ako nasasaktan kapag tinatawag nila akong


babaeng bakla. Marahil nasabi lang nila iyon dahil sa aking
pananalita, ngunit para sa akin, ekspresyon ko lamang iyon,” ani
De la Cruz.

Ayon kay De la Cruz, ang kaniyang pagkatuto ng “bekimon” ay


dahil sa impluwensiya ng kaniyang mga kaibigang bakla.

“Dahil sa marami akong kaibigan na bakla, tuwing nagkakausap


kami, marami akong natututunan na bagong mga salitang bakla,”
aniya.

Dagdag pa niya, nakagagaan ng kaniyang loob tuwing nakikita


niyang masaya ang kaniyang mga kinakausap. Ginagamit din ni
De la Cruz ang “bekimon” maski sa hindi bakla.

“Naiintindihan naman ito ng lahat dahil ang mga salitang ito


(bekimon) ay hango rin sa salitang katunog nito, tulad ng ‘crayola’
na nangangahulugang umiyak (cry),” aniya. Patricia Isabela B.
Evangelista
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

Sanggunian:

Santiago, Erlinda, et al. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-Unlad


Pangkolehiyo. Navotas, Metro Manila, National Bookstore Inc., 1989.

“Talasalitaan: Wika at Kasarian.” UPDate Diliman, University of the Philippines


Diliman, upd.edu.ph/talasalitaan-wika-at-kasarian. Accessed 13 Nov.
2020.

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4441533/pdf/nihms690996.pd
f.

http://www.ohrc.on.ca/tl/pagkakakilanlan-ng-kasarian

https://www.plannedparenthood.org/learn/sexual-orientation-gender/gender-
gender-identity

https://www.cbsnews.com/news/the-difference-between-sexual-orientation-
and-gender-identity/

https://www.apa.org/topics/lgbt/orientation
https://youngwomenshealth.org/2011/01/24/sexual-orientation-gender-
identity/

https://www.haikudeck.com/wika-at-kasarian-education-presentation-
jv0RNGZ0oa

PANUNURING PAMPANITIKAN

Basahin ang maikling kuwento na Manika mula sa Cotabatao


Literary Journal ni Mubarak Tahir na nailathala noong 2018.
Buksan ang link na;
https://cotabatoliteraryjournal.com/2018/06/01/manika/

PAGLALAPAT Pagkatapos mabasa ang kuwento, humanap ng isang (1)


(Application)
suliraning pangkasarian (gender conflict) na makikita sa loob ng
kuwento at gumawa ng papel na pananaliksik hinggil sa paksang
ito. Huwag kaligtaang isamang talakayin kung paano
ginampanan ng wika ang usaping sekswalidad sa loob ng
pelikula. Lakipan ng hindi baba sa limang (5) kaugnay na
literatura o pananaliksik bilang pagpapatibay sa gender conflict.
Gumawa ng sariling pamagat ng papel. Huwag kaligtaag ilagay
ang sipi o citation ng diyalogo o pangyayari bilang hanguan ng
MODYUL SA FIL101
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL

gender conflict sa loob ng kuwento. Gawing batayan sa


paggawa ng papel ang krayterya na:
KAHINGIAN 1-3 4-6 7-10

NILALAMAN
Maayos ang
pagkakalahad ng Hindi nailahad Bahagyang Mahusay ang
mga paksa nang maayos ang maayos ang pagkakalahad ng
maging ng mga pagkakalahad ng mga
kaugnay na mahahalagang mga impormasyon.
pananaliksik o impormasyon. impormasyon
literatura. ngunit
kainakailangan
pang pagbutihan.

MEKANIKS Humigit sa 2 ang 1 mali Walang mali


Wasto ang salita, mali
baybay,bantas,
dokumentasyon,
at sanggunian na
ginamit

KAHUSAYAN
Mahusay na Hindi pinagbutihan Pinagsumikapan Mahusay na
ginawa ang ang ginawang g pagbutihin. ginawa ang papel
papel na papel. at malayo sa
kamalian.
30 puntos

IKALAWANG PAGSUSULIT

PAGTATAYA
Magkakaroon ng isang ikalimang mahabang pagsusulit. Saklaw
(Evaluation)
nito ang mga paksang tinanalakay sa Modyul V. Itatakda ng guro
ang iskedyul ng pagsusulit na gagawin sa pamamagitan ng
Moodle (VLE).

Inihanda ni:

Fakulti

You might also like