You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGKAKATAO 7

UNANG MARKAHAN
2022-2023

Panuto:Basahin at unawaing mabuting ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong yugto ng buhay ng tao na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transitional


period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod?
A. Yugto ng pag-aasawa at panganganak
B. Yugto ng pagdadalaga at pagbibinata
C. Yugto ng pagkakaibigan
D. Yugto ng pagtanda
2. Alin sa sumusunod na palatandaang pag-unlad ang kabilang sa aspetong pangkaisipan?
A. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan.
B. Dumadalang ang pangangailangan na makasama ang pamilya.
C. Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa.
D. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.
3. Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon. Anong aspetong
palatandaang pag-unlad ito napabilang?
A.Pangkaisipan B. Pandamdamin C. Panlipunan D. Moral
4. Ang sumusunod ay mga mahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos sa bawat yugto ng
pagtanda ng tao,maliban sa:
A.Kakayahang iakma ang sarili B. Motibasyon C. Pangarap D. Gabay
5. Ilang taong gulang nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang taong nagdadalaga at
nagbibinata?
A. Sa pagitan ng sampu (8) hanggang labing-anim (14) na taong gulang
B. Sa pagitan ng sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong gulang
C. Sa pagitan ng sampu (12) hanggang labing-anim (18) na taong gulang
D. Sa pagitan ng sampu (14) hanggang labing-anim (20) na taong gulang
6. Ano ang tawag sa glandulang tumutulong sa paglaki ng katawan at pag-unlad ng kaisipan sa
panahon ng puberty stage?
A.Sebaceous gland B. Salivary gland C. Pituitary gland D. Adrenal gland

7. Alin sa mga sumusunod na mga pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata and hindi
kabilang?
A. Pag-unlad ng mga bahaging pangkasarian
B. Pagbabago sa sukat ng katawan
C. Pagsulong ng taas at bigat
D. Pagkulubot ng balat
8. Bakit mahalagang magkaroon ng pansariling kalendaryo ukol sa pagreregla?
A. upang malaman ang iyong cycle at kung kailan ka magkakaroon mula ng regla
B. upang maiwasan ang pagsakit sa panahon ng pagreregla
C. upang hindi makalimutan ang araw ng pagreregla
D. lahat ng nabanggit
9. Kailan ginagawa ang pagtutuli sa mga lalaki?
A. 10 hanggang 12 na taong gulang
B. 10 hanggang 13 na taong gulang
C. 10 hanggang 14 na taong gulang
D. 10 hanggang 15 na taong gulang
10. Bakit kailangang gumamit ng maluwang na pantalon, shorts o padyama pagkatapos tuliin?
A. upang mahanginan at matuyo agad ang sugat
B. upang di madapuan ng bakterya ang sugat
C. upang di maimpeksiyon ang sugat
D. Wala sa nabanggit
11. Paano nakakatulong ang pag-ehersisyo nang wasto sa panahon ng pagreregla?
A. Sa pamamagitan ng pag eehersisyo nababawasan ang kirot ng pagreregla.
B. Sa pamamagitan ng pag-eehersisyo ay naiiwasan ang masasamang amoy.
C. Sa pamamagitan ng pag-ehersisyo ay napapabilis ang paghinto ng regla.
D. Sa pamamagitan ng pag-eehersisyo ay nagiging maayos ang daloy ng regla.
12. Ang mga sumusunod ay dapat gawin sa panahon ng pagreregla,maliban sa:
A. Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng sariwang katas ng prutas.
B. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ika-apat na oras o kung kinakailangan.
C. Ugaliing na linisin ang iba pang bahagi ng katawan.
D. Huwag maligo.
13. Ano ang tawag sa karamdamang pamimintig ng puson o ang pagkirot nito tuwing magkakaroon ng
regla ang babae sanhi ng pag-urong ng laman ng bahay-bata at ang unti-unting pagdaloy ng dugo
mula sa paligid nito?
A.Pelvic inflammatory disease  B. Endometriosis C. DysmenorrheaD. Diarrhea
14. Alin sa sumusunod na karamdaman ang hudyat na kawalan ng kapasidad upang magka-anak sa
gulang na 45-50?
A.Pelvic inflammatory disease B. Prolapsed uterus  C. Endometriosis D. Menopause
15. Alin sa sumusunod na yugto ng buhay ang itinuturing pinakamasaya ngunit sa iba’y nakakatakot
na pangyayari sa buhay ng bawat tao?
A. Pagdadalaga at Pagbibinata
B. Pagkakaroon ng Kasintahan
C. Pagkakaroon ng Kaibigan
D. Pagtanda at Pag-aasawa
16. Ang mga sumusunod ay inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata ayon kay Robert J. Havighurst, maliban sa:
A. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal.
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
C. Pagtanggi ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
D. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya.
17. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng paghahanda para sa paghahanapbuhay bilang
kakayahan na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
A. pagiging masipag sa lahat ng gawaing bahay
B. pag-aaral ng mabuti
C. pag-iimpok ng pera
D. Lahat ng nabanggit
18. Nakita mong tinapon ng iyong kapitbahay ang isang patay na hayop sa ilog, ano ang nararapat
mong gawin?
A. Kausapin at pagsabihan ang kapitbahay na mali ang kanyang ginawa at hindi na dapat itong
ulitin.
B. Sigawan ang kapitbahay na kunin ang patay na hayop na itinapon sa ilog.
C. Pagalitan ang kapitbahay sa ginawang mali.
D. Isumbong sa barangay.
19. Sino ang nagsabing ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan?
A.Plato at Aristotle B. Thorndike at Barnhart C. Freudat Skinner D. Roders at Bandur
20. Sino ang bumuo ng teoryang “Multiple Intelligences”?
A.Kurt Lewin B. Howard Gardner C. Jean Piaget D. Ivan Pavlov
21. Sa anong multiple intelligences napabilang ang taong mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin
at pag – ayos ng mga ideya?
A.Visual/Spatial B. Verbal/Linguistic C. Intrapersonal D. Existential
22. Ano ang isa sa mga katangian ng isang naturalist?
A. Natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran.
B. Natututo sa pamamagitan ng pag – uulit, ritmo, o musika.
C. Natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw.
D. Ito ang talino sa pag – uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.

23. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng talinong bodily/kinesthetic?


A. Natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran .
B. Mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran.
C. Natuto sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw.
D. Wala sa nabanggit.
24. Saan napabilang ang taong mahilig sa sining, arkitektura at inhenyeriya?
A.Verbal/Linguistic B. Mathematical/ Logical C. Interpersonal D. Visual/Spatial
25. Sa anong larangan mas nararapat ang taong may talinong interpersonal?
A.Pagsasaka B. Konstruksyon C.Abogasya D. Politika
26. Ano ang nararapat gawin sa aking kakayhan at talent?
A.gamitin B. isabuhay C.paunlarin D. Lahat ng nabanggit
27. Si Ana ay isang magaling na mang-aawait?Anong talinong taglay ni Ana?
A.Musical/Rhytmic B. Bodily/Kinesthetic C. Verbal/Linguistic D. Existential
28. Sinong atleta ang nagsabing mas mahalagang bigyan ng tuon ang kakayahang magsanay araw-
araw at magkaroon ng komitment sa pagpapahusay sa taglay na talent?
A. Brian Green B. Lebron James C. John Cena D. Roger Federer

29. Bakit mahalagang paunlarin ang talento at kakayahan?


A. upang mapanatili ang kahusayan sa angking talento at kakayahan
B. upang ito ay mas mahasa pa at hindi mawala
C. upang mapanatili ang magandang kalusugan
D. Lahat ng nabanggit.
30. Paano nakakatulong sa kapwa tao ang angking talento at kakayahan?
A. napapadali ang paggawa ng mga bagay-bagay
B. nakapagbibigay ito ng saya at inspirasyon sa kapwa
C. naaagapan nito ang isang problema
D. Lahat ng nabanggit.
31. Bakit kailangang maging mapanuri sa pagtanggap ng mga pananaw ng ibang tao?
E. dahil hindi lahat ay makatulong sa paghubog ng iyong pananaw sa sarili
F. dahil nakapagbibigay ito ng kabutihan para sa sarili
G. dahil nahuhubog dito ang ating kaugalian
H. dahil nagbibigay ito ng kasiyahan sa iba
32. Ang mga sumusunod ay katangian ng positibong konsepto sa sarili, maliban
E. may sapat na kasanayan para sa pagbabago
F. may pagnanais na magbago
G. madaling makiangkop
H. mapamaraan
33. Anong tawag sa isang proseso na kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng malalim na
kamalayan at pagkilala sa sarili?
A. introspeksiyon B. interaksiyon C. imbensiyon D. Wala sa nabanggit
34. Alin sa mga sumusunod na katangian ang nagpapakita ng malawak na pananaw at kakayahang
tumanggap sa mga puna ng iba?
A. may sapat na kasanayan para sa pagbabago
B. may pagnanais na magbago
C. madaling makiangkop
D. mapamaraan
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng tiwala sa
sarili?
E. Ugaliin ang may tiwala at pananalig sa puong maykapal sa kahit anong gawain.
F. Makilahok at makibahagi sa mga makabuluhang samahan o programa.
G. Iwasang tumulong sa iba at iwasang makialam sa gawaing panlipunan.
H. Wala sa nabanggit
36. Bakit kaillangang makihalobilo at makisama sa mga taong may tiwala sa iyo?
A. dahil sila ang mga taong nakapagpapalakas ng iyong loob upang harapin ang iyong
gampanin
B. dahil sila ay maaari mong magamit sa iyong pang araw-araw na gawain
C. dahil sila lamang ang makakaintindi sa iyong kalagayan
D. dahil sila ang magdadala sa iyo sa kasawian
37. Bakit mahalagang magtiwala sa Diyos?
E. dahil ang Diyos ang magsisilbing direksyon na magbibigay lakas ng loob upang harapin ang
mga pagbabago sa buhay
F. dahil ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas upang mapagtagumpayan ang lahat ng
hamon sa buhay
G. dahil ang Diyos lamang ang ating natatanging sandigan sa ating pang araw-araw na gawain.
H. Lahat ng nabanggit.
38. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa iyong sarili ay nangangahulugan ng
______________________________.
A. maorganisadong tao sa pagharap ng hapon sa buhay
B. may tungkulin na dapat gampanin sa sarili
C. may tiwala sa iyong kakayahan at talino
D. may tunguhin ka para sa kapwa
39. Paano nakakatulong ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan sa mga taong makakatutulong
sa iyo?
E. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng positibong pananaw at tiwala sa sarili
F. Sa pamamagitan ng pagbibigay kapahamakan sa iyong buhay
G. Sa pamamagitan ng pagligaw sa iyo sa tamang landas.
H. Sa pamamagitan ng pagdala sa iyo mapanganib na bisyo.
40. Alin sa sumusunod ang organisado at magkaugnay na mga katangian tungkol sa sarili?
A. Pananaw sa buhay B. Pagkabuo sa pagkatao C. Pananaw sa sarili D. Konsepto sa sarili

41. Ito ay ang katangian ng mahusay na konsepto sa sarili na may makatotohanang pananaw tungkol
sa sarili batay sa karanasan o mga kilos, salita o gawa.
A. Panalig sa sarili B. Pagnanais na magbago C. Makatotohanan D. Kasanayan sa sarili
42. Alin sa mga sumusunod na konsepto sa sarili na nagsasabing ang pagbabago sa sarili ay isang
mahabang proseso. Mahalagang prosesong introspeksiyon, pakikipag-usap sa sarili, pagtanggap
sa sarili, pagkabukas-loob, pagpapahayag ng sarili, at apirmasyon o pagsang-ayon sa sarili?
A. May sapat na kasanayan para sa pagbabago.
B. May pagnanais na magbago
C. Ang madaling makiangkop
D. May makatotohanan
43. Si Nessa ay napakagaling sa mathematics ngunit may problem siya sa pakikipag-ugnayan sa
ibang tao, dahilang malimit siyang lumalabas sa kanilang tahanan upang makakilala ng mga
kaibigan. Alin sa mga katangian ng positibong kosepto sa sarili ang kinakailangan niya upang
matulungan ang kanyang pangangailangan sa pakikipagkapwa?
A. May sapat na kasanayan sa pagbabago
B. May pagnanais na magbago
C. Madaling makiangkop
D. Makatotohanan
44. Labis ang paniniwala ni Jane na makapagtapos siya ng pag-aaral sapagkat may Diyos siyang
itinuturing sandigan sa lahat. Anong hakbang tungo sa pagpapaunlad ng tiwala sa sarili ang
ipinapakita ni Jane?
A. Ugaliin ang may tiwala at pananalig sa Puong Maykapal sa kahit anong gawain.
B. Gawing batayan ang iyong mga kalakasan at katatagan sa pagganap ng mga tungkulin.
C. Makilahok at makibahagi sa mga makabuluhang samahan o programa.
D. Magtala ng makatotohanang gampanin sa sarili.
45. Paano makakamtan ang pagkakaroon ng tiwala o kompyansa sa iyong sarili ?
A. Kapag nagagampanan ang mga gawain nang buong husay at galing.
B. Kapag sinusukuan ang mga pagsubok at hamon sa buhay.
C. Kapag magsusumikap sa pag-aaral.
D. Wala sa nabanggit
46. Ito ay talinong mabilis na matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
A. Existential B. Naturalist C. Musical D. Visual
47. Kaninong teorya ang Multiple Intelligences?
A. Ericson B. Covey C. Gardner D. Thorndike
48. Anong tawag sa talino ng pagbigkas o pagsulat ng salita.
A. Visual B. Verbal C. Logical D. Bodily Kinesthetic
49. Ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay talinong.
A. Intrapersonal B. Existential C. Bodily D. Interpersonal
50. Ang klasi ng talino sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng
suliranin ay tinatawag na.
A. Logical B. Musical C. Interpersonal D. Naturalist.
51. Alin sa mga sumusunod ang kilala rin bilang pampalipas- oras, pasatiyempo, himagal o dibersyon?
A. Kakayahan B. Talento C. Hilig D. Kaugalian
52. Ano ang dalawang aspekto ng hilig?
A. Larangan at Tuon ng Atensiyon
B. Kasanayan at Panahon
C. Determinasyon at Bilis
D. Oras at Galing
53. Nasisiyahan si Fe sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina, sa anong larangan ng hilig ito
napabilang?
A. Mechanical B. Persuasive C. Literary D. Clerical
54. Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang Gawain, alin sa
sumusunod ang hindi kabilang dito ”?
A. ideya B. datos C. hayop D. bagay
55. Nasisiyahan si Erwin sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-imbento ng mga
bagay o produkto. Anong larangan ng hilig ang ipinamamalas niya?
A. Literary B. Artistic C. Scientific D. Clerical

56. Anong tuon atensiyon ang may kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, at detalye?
E. Ideya B. Datos C. Hayop D. Bagay
57. Bakit kailangan mong malaman ang gusto mong propesyon sa buhay?
E. upang mas malinang pa ang iyong kakayahang taglay na maaring magamit sa propesyong
gusto.
F. upang maiwasan palaging paglipat ng kurso dahil nasasayang nito ang panahon at pera.
G. upang mapaghandaan ang inaasam-asam mong propesyon.
H. Lahat ng nabanggit.
58. Paano ba nalilinang ang kakayahang taglay ng isang tao?
A. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng talento at kakayahan
B. Sa pamamagitan ng pagsasawalang bahala ng talento at kakayahan.
C. Sa pamamagitan ng pag aksaya ng oras sa ibang mga bagay.
D. Sa pamamagitan ng hindi paggamit nito.
59. Ang paggamit sa bola, ring at court ng mga atleta ay napabilang sa anong tuon atensiyon?
A. tuon ideya B. tuon datos C.tuon bagay D. tuon hayop
60. Ang sumusunod ay mga tungkuling dapat isabuhay sa ating pamayanan, maliban sa:
A. Pagiging responsabling mamamayan sa pamamagitan ng tamang pagtapon ng mga basura.
B. Lumahok sa bayanihan at iba pang gawaing nakakabuti sa pamayanan.
C. Pag-alaga sa likas na yaman ng pamayanan
D. Pagiging pabaya sa pag-aaral.

You might also like