You are on page 1of 1

GALOSO, Kendrick Martin R.

1. Kahulugan ng retorika ayon sa mga ilang dalubhasa

Ayon kay William D. Halsey at Emmanuel Friedman (1979)


- Ang retorika ay isang verbal na agham at humahakdaw pa sa lojic at balarila.

Sebastian, 1967
- Isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at
kaakit-akit na pagsulat at pananalita

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban,


- Ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag
upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.

2. Apat na diskurso ng retorika at ang mga layunin nito.


a. Ekspositori
- Ito'y isang pagpapaliwanag na walang pagkampi at may sapat na detalye na
pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos
na maunawaan ng may interes.
b. Argumentatib
- Tinutukoy rito na tiyak na kinakailangan ang mabisang panghikayat at di-
mapasusubaling pagsisiwalat ng mga prinsipyo o paninindigan
c. Deskriptiv
- Anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa
isang tao, sa isang hayop, sa isang bagay, sa isang lugar o sa isang
pangyayari sa pamamagitan ng makukulay na salita.
- Naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o
tagapakinig
-
d. Narativ
- Ito ay may layuning magsalaysay o magkuwento ng mga magkakaugnay-
ugnay na pangyayari.
- Ang batayan nito'y maaaring mga sariling karanasan, mga pangyayaring
napakinggan/narinig, nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan o
nabalitaan.
- Maaari ring magkuwento ng mga pangyayaring likhang-isip lamang

3. Ano ang kapangyarihan ng wikang Flipino sa pag-aaral ng retorika?


a.

You might also like