You are on page 1of 9

Modyul sa Kursong

FILKOM 1100-KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Modyul 1. Aralin 3

BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

O
Ang komunikasyon ay may dalawang uri,
Kaya marapat na matutong magsuri;

N
Hindi lamang ito sa salita at gawi,

PI
Mga anyo nito ay samot-sari.

LI
FI
I. MGA TUNGUHIN

G
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay:N
1. Nailalarawan ang komunikasyong berbal at di-berbal;
TO

2. Napaghahambing at napag-iiba ang komunikasyong berbal at di-berbal; at


3. Naikakapit ang mga konseptong pangkomunikasyon sa bawat sitwasyong
pangkomunikasyon.
EN

II. PAGTALAKAY SA ARALIN


M

Panimula
TA

Tumingin ka sa iyong paligid, alin sa mga bagay na makikita rito ang nagsasaad ng
kahulugan. Paano ito nagsasaad ng kahulugan? Ipaliwanag mo ito sa pamamagitan ng
AR

isang talataan na hindi kukulangin sa limang (5) pangungusap.


EP

Talakay
D

Halos pare-pareho ang kahulugan ng komunikasyon gaya ng nabanggit na sa


sinusundang modyul (Modyul 1 Aralin 2) ngunit sa pagkakataong ito ay higit na bigyang-pansin
at suriing mabuti ang mga depinisyong ibinigay ng UP Diksyunaryong Filipino at nina Atienza.
Mapapansing ang pagpapakahulugan lamang nila ang gumamit ng terminong senyas at
pagsenyas. May komunikasyon nga ba sa pamamagitan nito? Tama, mayroon nga. Ito ay
bunga ng katotohanang bukod sa wika ay may iba pang maaaring magamit sa
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pakikipagkomunikasyon subalit dapat tandaan na wala pa ring makahihigit sa kapangyarihan ng


wika upang lahat ng nararamdaman at naiisip ng isang indibidwal ay kanyang maipahayag nang
malinaw at kongkreto. Ang mga senyas ay maaaring magbigay ng mensahe o kahulugan subalit
hindi kasinglawak ng kahulugang ibinibigay ng wika ang kaya nitong gawin. Kung gayon, ang
komunikasyon ay maaaring maging berbal (may wika) at di-berbal (walang wika).

Komunikasyong Berbal

O
Sa pahayag nina Angeles et al (2013) Ang komunikasyong berbal ay pagpapadala ng
mesahe sa pamamagitan g mga pasalitang simbolo na siyang nagrerepresenta sa mga ideya at

N
bagay-bagay.

PI
Mahalagang bigyang-pansin ang mga sumusunod upang mabigyang-paliwanag ang mga
simbolong berbal

LI
1. Referent ang tawag sa mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita

FI
2. Common Reference kung parehong ang kahulugang ibinibigay ng mga taong
kasangkot sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.

G
3. Kontekstong berbal naman kung ang tinutukoy ay ang kahulugang makukuha sa
isang salita batay sa ugnayan nito sa iba pang salita sa loob ng isang pahayag.
N
4. Ang paraan ng pagbigkas o Manner of Utterance ay maaaring magbigay ng
TO

kahulugang konotatibo. Tinatawag din itong paralanguage.

Komunikasyong Di-berbal
EN

Batid mo ba kung ano ang mga uri ng komunikasyong di-berbal o iyong ginagamitan ng
mga senyas? Narito ang mga uri nito :
M

ORAS (chronemics)
TA

Ang oras at ang paggamit nito ay may kahulugan.


Halimbawa, nakatakda kang kapanayamin para sa isang
AR

trabaho, ang appointment ay alas otso ng umaga subalit


halos alas diyes ka nang dumating. Anong iisipin ng
employer mo sa iyo? Kilala ang mga Pilipino sa leybel na
EP

“Filipino Time”, na nangangahulugan nang pagiging huli sa


oras na itinakda. Tandaan na ito ay isang negatibong
D

katangian. Ang TAMANG PAGGAMIT ng oras ay kadikit ng


mga salitang DISIPLINA at RESPETO. Disiplina sa sarili at
respeto sa ibang tao.

Pwede ring bigyang pagpapakahulugan at paglalarawan


https://www.google.com/search?q=clock+picture+cart

ang salitang ORAS depende sa sitwasyon o kalagayan. Halimbawa: MABAGAL ang oras kapag
naghihintay. MABILIS kapag huli na sa gawain. MAIKLI kapag masaya. MATAGAL kapag naiinip.
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa ganitong sitwasyon masasabi na ang pagpapakahulugan sa oras ay nakadepende sa


nararamdaman at hindi sa kung ano ang nakasaad sa orasan.

MATA (Opthalmics)

Gaya ng liriko ng isang awit, “ …sa mata makikita

O
ang aking damdamin. “ Maraming kahulugan ang makukuha
buhat sa mga mata at paraan ng pagtingin. Ang nangugusap na

N
mga mata ay maaaring mangahulugan ng pag-ibig o umiibig,
ang matang mabalasik ay nagpapakita ng galit, ang malamlam

PI
na mata ay nagpapakita ng kalungkutan, ang mapungay na
mata ay maaaring mangahulugan ng antok o pagod. Sinasabing

LI
ang tunay na damdamin ng isang tao ay makikita sa mga mata
nito kahit hindi niya ito sabihi

FI
https://www.google.com/search?q=eye+pictures+cartoon

G
SIMBOLO (Iconics)
N
Ang mga simbolo na makikita sa paligid ay mayroon ding
kahulugan. Pinagkasunduan ito ng mga taong nakikipagkomunikasyon
TO

upang maging madali at mabilis ang unawaan. May mga pagkakataon


kasi na hindi na kailangan pa ang salita upang maibigay ang mensahe.
Halimbawa na lamang ay sa usapin ng batas pangtrapiko, sa mga ospital
EN

at sa iba pang mga lugar.


M

https://www.google.com/search?q=justice+picture
TA

HAPLOS (Haptics)
“Ang haplos ng ina ay haplos ng pagmamahal.” Ayon sa pag-aaral,
AR

ang isang batang pinalaki sa paghaplos ng kanyang ina ay lalaking


may tiwala sa sarili. Ilang pagkakataon na bang nang dahil sa
EP

“sense of touch” ay gumaan ang pakiramdam ng isang taong may


suliranin. Iba-iba ang ibig ipakahulugan ng mga salitang kaugnay
nito gaya ng pagtapik, paghaplos, paghimas at iba pa.
D

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+paghaplos
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

KULAY (colorics)
Ang mga kulay ay may hatid ding mga kahulugan. Asul ang kulay ng
kapayapaan, puti ang kalinisan at wagas na pagmamahal, pula ang matinding
damdamin at iba pa. Hindi na kinakailangang ipaghumiyawan ng isang tao na
pumanaw ang kanyang mahal sa buhay. Ang itim na pin sa kanyang dibdib ay
sapat na. Maging sa larangan ng politika ay ginagamit rin ito upang ipakilala
ang iba’t ibang partido o grupo.

O
https://www.google.com/search?q=stop+light+cartoon

N
PI
GALAW NG KATAWAN (kinesics)

LI
Kabilang sa galaw ng katawan ang pagkumpas ng mga
kamay. Ginagawa ito upang bigyang-diin ang mga bagay na sinasabi.

FI
May mga bagay na hindi masabi ng mga salita kaya idinaraan sa
pagkumpas at paggalaw ng katawan. Kaya lang ay kinakailangang

G
maging angkop ang gagawing pagkilos at pagkumpas upang maging
maayos ang pakikipagkomunikasyon. N
TO

https://www.google.com/search?q=traffic+enforcer+cartoon
EN

ESPASYO (proxemics)
M

Tumutukoy ito sa agwat o pagitan ng mga taong sangkot sa


TA

gawaing pangkomunikasyon. Halimbawa kapag nasanay kang


laging malapit ang espasyo ng pag-uusap ng dalawa mong
AR

kaklase, sa oras na makita mong sila’y magkalayo ay mapaiisip ka.


Ano kaya ang nangyari sa kanila? May problema ba?
EP

https://www.google.com/search?q=proxemics+example+pictures
D
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

PARALANGUAGE

Ito ay ang di-berbal na tunog na naririnig at nagsasaad kung paano sinasabi ang isang
bagay. Kabilang dito ang pitch, bolyum, bilis at kalidad ng tinig kapag nagsasalita.

Bagamat sinasabing wika ang pangunahing instrumento sa komunikasyon ay hindi rin


naman maipagkakaila at matatawaran ang importansya ng di-berbal na komunikasyon. Madalas
ay ginagamit itong pamalit o panghalili sa mga salitang hindi masabi-sabi. Hindi nga ba’t sa

O
kasalukuyang panahon na nagmamadali ang bawat isa at tila ba napakahalaga ng bawat oras,
sa halip na gumamit ng mga salita sa text message o chat ay gumagamit na lamang ng iba’t

N
ibang emoticons.

PI
Tandaan na maaari rin naman itong gamitin nang magkasabay upang higit na maging

LI
tiyak at malinaw ang mensaheng inihahatid. Mahalaga nga lamang na maging magkatugma ang
berbal at di-berbal kung sabay na gagamitin upang walang maging sagabal sa proseso ng

FI
komunikasyon.

G
Ayon nga kay George Bernard Shaw, “The single biggest problem in communication is
the illusion that it has taken place.” Ayaw naman siguro nating maging ilusyon lamang ang ating
N
pakikipagkomunikasyon hindi ba?
TO

Bilang kalahok sa isang gawaing pangkomunikasyon, naipahahayag mo ba nang mabuti


ang mga dapat mong ipahayag gamit ang komunikasyong berbal at di-derbal? Madali mo ba
EN

namang nauunawaan ang mga ipinahahayag ng iba? Kung oo ang iyong sagot ay binabati kita
subalit kung hindi, huwag mag-alala sapagkat tutulungan ka ng kursong ito upang mapaghusay
ang iyong kakayahang pangkomunikasyon.
M
TA

Ngayong alam mo na ang kahulugan at mga uri ng komunikasyon,narito naman ang


mga dahilan kung bakit tayo nakikipagkomunikasyon? Alam mo ba na sa mga panahong gising
AR

tayo, ang malaking bahagi nito ay inilalaan natin sa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. Sa
loob ng ating sari-sariling tahanan ay patuloy ang interaksyon natin sa ating mga magulang,
EP

kapatid at sa iba pang mga kasama natin sa ating tahanan. Ganoon din naman sa paglabas
natin ng ating tahanan at kahit saang lugar tayo dumako ay patuloy pa rin ang ating
pakikipag-interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Bakit natin ito ginagawa?
D

Ayon kina Baird, Knower at Becker mula sa aklat nina Irabagon, et al (2003),
nakikipagkomunikasyon tayo dahil sa sumusunod:

1. Makapagbigay ng kaalaman. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit tayo


nakikipagkomunikasyon. Nais natin na ang anumang nadarama o nababatid natin ay maibahagi
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa iba sapagkat hindi hanggang sa sarili lamang ang komunikasyon, higit na magiging
makabuluhan ito kung naibabahagi sa iba.
2. Mapagtibay ang mga umiiral na saloobin o gawi. Anumang saloobin o
gawi ay ating mapagtitibay o mapatutunayan kung atin itong naibabahagi sa iba. Nagkakaroon
tayo ng pagkukuro o paglilimi o pagbabalanse ng mga bagay-bagay kung ang iba ay
nakapagbibigay ng kanilang pananaw at unawa sa kung anuman ang ibinahagi natin sa kanila.
3. Magbigay-halaga sa mga isyung nararapat talakayin at siyasatin.
Napakaraming usapin o isyu sa ating lipunan at sa buhay sa kabuuan, dahil sa ating

O
pakikipagkomunikasyon nabibigyan nang sapat na panahon, atensyon at maging ng solusyon
ang mga dapat talakayin at siyasatin.

N
4. Mabawasan ang mga pag-aalinlangan. Sa mga bagay na hindi ganap o buo

PI
ang ating unawa o kaya’y mayroon tayong pag-aalinlangan, makatutulong ang
pakikipagkomunikasyon sa mga may kabatiran dito upang mabawasan o tuluyang mawala ang

LI
mga pag-aalinlangan.
5. Maiangkop at maihambing ang sariling ideya at saloobin sa ideya at

FI
saloobin naman ng ibang tao kung kinakailangan. Gaya ng paliwanag sa pangalawang
layunin ng pakikipagkomunikasyon, mahalaga ang paghahambing ng mga saloobin at ideya ng

G
bawat isa tungo sa pagkakasundo at pagkakaisa ng mga sangkot sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon sapagkat dito nagkakaroon ng realisasyon sa kahalagahan at katumpakan
N
ng mga inilatag na ideya’t saloobin.
6. Makipagkaibigan at makipagkapwa-tao. Gaya ng pahayag sa Ingles na “No
TO

man is an island”, mahirap mabuhay at mamuhay nang mag-isa lamang, kailangan natin ang
ating kapwa upang patuloy na mabuhay. Hanggat naririyan ang ating kapwa at marunong
EN

tayong makipagkapwa-tao ay may komunikasyon.

III. PAGPAPATIBAY
M
TA

Narito ang link ng maikling video tungkol sa komunikasyon na mapapanood sa Youtube


upang higit na maunawaan ang komunikasyon, katangian at konsepto nito.
AR

https://www.youtube.com/watch?v=4D3MlfKPg9w&ab_channel=T.RinaFilipinongAralin
https://www.youtube.com/watch?v=dH7ebA1Mq9A&ab_channel=CherCresh
EP

https://www.youtube.com/watch?v=p0X2b06_6r8&ab_channel=KuwagongPusoy
D
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

IV. PAGTATAYA

Tukuyin kung anong uri ng komunikasyon di-berbal ang inilalarawan sa bawat bilang.

1. Pagkindat ng mata para magpapansin kay Jasmine Franzine Kim.


2. Pagtindig nang tuwid ng mga sundalo.
3. Pagkumpas ng kamay ng pulis upang patigilin ang mga sasakyan.
4. Pag – upo sa magkabilang dulo ng mesa sa hapag – kainan.

O
5. Pagkahuli ni Amiel sa klase kapag alas – siyete.
6. Pagkalabit ni Raphael kay Ellen.

N
7. Paggamit ng color coding sa mga folder na isusumite.
8. Paglakas ng tinig ni Sarah Mae tanda ng galit kay Orlando.

PI
9. Paglalagay ng paruparo upang magsaad ng restroom ng lalaki.
10. Paglalagay ng INC sa grading sheet.

LI
V. TAKDANG ARALIN

FI
G
Magmasid sa iyong paligid, maaaring sa inyong barangay o bayan. Anong
komunikasyong di-berbal ang kadalasan mong nakikita. Kunan mo ito ng mga larawan
N
at ilagay sa short bond paper at ipaliwang kung ano ang kinakatawan nito. Maaari na
ang sampung larawan para rito.
TO

VI. MGA SANGGUNIAN


EN

Angeles, C. I. (2020). Instruksyong modyular sa kursong FILKOM 1100-


M

kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino: Central Luzon State University


TA

Angeles,C.I.,Tuazon,M.Q.T.,Fabrigas,N.P.F.,Agaton,F.L.,Rosales,G.B.,Angeles,W.B.,Soriano
,L.A. (2017). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino.
AR

Panday-lahi Publishing House, Inc.


EP

Bernales,R.A., Angeles, C. I.,Cabrera,H.I.De


Vera,N.D.,Gabuyo,A.P.,Gonzales,A.L.M.,Ledesma,G.M.,Pura,A.V.,Tacorda,A.L.,Tuaz
on,M.Q.T.,Villanueva,J.M. (2013). Akademikong filipino para sa kompetetibong
D

pilipino. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Irabagon,C.C.,Babasoro,P.R.,Bulaong,J.C.,Dollete,R.D.,Gonzales,C.C.,Quijano,M.L.R.,Salv
ador,J.S.,Tuazon,M.Q.T. (2003). Sining ng komunikasyon. Mutya Publishing
House, Inc.
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

San Juan, D. M., Quijano, M. L. R., De Vera, M. R., Perez, S. D., Adigue, A. P., Villanueva,
J. M., Bimuyac, M. B. (2018). Bahaginan. Kontekstwalisadong komunikasyon sa
filipino. Mutya Publishing House, Inc.

O
N
PI
LI
FI
G
N
TO
EN
M
TA
AR
EP
D

You might also like