You are on page 1of 2

FILIPINO 10-MODYUL

UNANG ARAW
PANGALAN:_________________________________PANGKAT:_______________________
A. Panitikan – Hele ng Ina sa kanyang Panganay (Tula mula sa Uganda)
B. Gramatika – Pagsusuri ng kasiningan at bisa ng tula
` Wastong Gamit ng simbolismo at matatalinhagang pahayag
Pag-aantas ng mga salita ayon sa damdamin

Panimula:
1. Paano mo masusuri ang kasiningan ng isang tula?

2. Bakit ginagamit ang simbolismo at matatalinhagang pahayag sa isang tula?

Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag.Ang matatalinghagang


pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Narito ang ilang halimbawa ng matatalinghagang pahayag at ang kahulugan ng mga ito.
Matalinghagang Pahayag at ang katumbas na kahulugan nito
magsunog ng kilay- mag-aral nang mabuti
balitang kutser- hindi totoo
mababa ang luha - iyakin
tulog mantika - mahabang oras ng pagtulog
Ang simbolo ay mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan tulad
halimbawa ng tula ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa. Ngunit ang
pagpapakahulugan ng mambabasa ay kailangang hindi malayo sa tunay na intensyon ng
makata sa simbolo
Halimbawa, ang puti ay sumisimbolo sa kalinisan o kadalisayan; samantalang ang pula
naman ay sumisimbolo sa katapangan o kaguluhan.
Madalas, gumagamit din ang mga makata ng isang babae sa kanilang mga tula upang
magbigay-imahen sa bansang Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo o
imahen,
mas nauunawaan ng mambabasa ang pangkaisipan at pandamdaming implikasyon ng tula.
Malinaw na ba sa iyo ang ibig sabihin ng simbolo o imahen at matalinhagang pahayag?
Gawain 1.Isa-isahin Mo!
:Magbigay ka ng mga matatalinhagang pananalita at simbolismo sa salitang nasa
puso.Isulat sa sagutang papel

INA

You might also like