You are on page 1of 26

2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagbabago ng Sariling Komunidad
sa Iba’t ibang Aspeto
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagbabago ng Sariling Komunidad sa Iba’t ibang
Aspeto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat/ Tagalapat: Anibay F. Santos
Editor: Lamberto F. Gamurot, PhD
Tagasuri: Bobby P. Caoagdan, EdD
Allan T. Manalo, EdD
Tagaguhit/ Tagalapat: Hersa F. Huet
Tagaguhit: Diane V. Facun
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor R. Nuesca, EdD
Angelica M. Burayag, PhD
Paulino D. De Pano, EdD
Bobby P. Caoagdan, EdD
Helen R. Bose, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagbabago ng Sariling Komunidad
sa Iba’t ibang Aspeto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Pagbabago ng Sariling Komunidad
sa Iba’t ibang Aspeto.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa patnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagbabago ng Sariling Komunidad sa Iba’t ibang Aspeto.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para


sa patnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makapaglalahad ng mga pagbabago sa sariling
komunidad gaya ng pagbabago sa heograpiya, politika,
ekonomiya at sosyo-kultural.

Ngayon Noon

1
Subukin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Ngayon o Noon


ayon sa sinasabi ng bawat kalagayang nagaganap sa
isang komunidad.

________1. Sipa, patintero at luksong tinik ang libangan


ng mga bata.

________2. Bus at dyip ang kanilang sinasakyan.

________3. Baro at saya ang damit na isinusuot ng mga


kababaihan

________4. Tinayuan ng mga gusali ang mga bundok.

________5. Nalaman ang mga putaheng banyaga


gaya ng spaghetti at hamburger.

2
Aralin Pagbabago ng Sariling

1 Komunidad sa Iba’t ibang


Aspeto
Mula sa pagkakatatag ng isang komunidad ay may
iba pang mga pagbabago na nangyayari. Tulad ng
pagbabago sa mga istruktura, pananamit,
transportasyon, pangalan ng mga kalye pagkain,
libangan at iba pa.

Balikan

Panuto: Isulat sa tamang hanay ang mga sumusunod na


kalagayang naganap sa komunidad. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Noon, balsa o bangka ang gamit sa paglalakbay ng


mga komunidad na malapit sa mga anyong tubig.
2. Marami nang itinayong mga pabrika at gusali noon.
3. Datu ang tawag sa namumuno sa isang barangay
noon.
4. Marami ng alam na mga putaheng banyaga ngayon.
5. Maong na pantalon ang karaniwang isinusuot ng mga
kalalakian noon.

Bilang Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon


1
2
3
4
5

3
Mga Tala para sa Guro
Sa paglipas ng panahon, maraming
pagbabago ang nangyari sa komunidad. Ang
pagbabagong ito ay dahil sa pagtugon ng mga
tao sa kanilang paligid at mga
pangangailangan.

Tuklasin

Ano-anong Kagaya rin ba ng


pagbabago ang pagbabago sa larawan
iyong nakikita sa ang pagbabago sa
inyong komunidad? inyong komunidad?

Ngayon

Noon

4
Suriin

Narito ang mga halimbawa ng pagbabagong


naganap sa isang komunidad.

 Pagbabago sa Katangiang Pisikal


Ang kapaligiran ng komunidad sa ngayon ay ibang-
iba sa hitsura nito noon. Marami sa mga anyong lupa at
anyong tubig sa kapaligiran ay nagbago. Ito ay dahil sa
patuloy na pagdami ng pangangailangan ng mga
mamamayan.
Kasabay nang paglaki ng populasyon ay ang
paglaki din ng pangangailangan ng tao sa espayo.
Bilang pagtugon, patuloy na ginagawang lugar-
panirahan o panghanapbuhayan ang ilang mga
anyong lupa at mga anyong tubig.
Halimbawa nito ang
mga anyong lupa
gaya ng kabundukan
na pinatag at
tinatayuan ng mga
gusali at mga
kabahayan, dating ilog
na tinambakan at
ginawang panahanan
at iba pa.
Isa namang masamang pagbabago sa kapaligiran
ay ang patuloy na pagdumi nito na sanhi ng iba’t ibang
polusyon.

5
 Pagbabago sa Pamahalaan
Bago paman dumating ang mga Kastila, may sarili ng
kultura, tradisyon at sistema ng pamamahala ang mga
Pilipino. Ang pamahalaang ito ang gumagabay sa
pang-araw-araw nilang pamumuhay.
Pinamunuan ng mga
Datu ang mga barangay
noon at Raja o Lakan
naman ang namumuno sa
higit na malaking barangay.

Ngayon, kapitan ang


tawag sa namumuno sa
isang barangay. Alkalde
o Mayor naman ang
tawag sa namumuno sa
isang bayan o lungsod
na binubuo ng mga
barangay.
Sa paglipas ng panahon unti-unting nadagdagan
ang mga namumuno gaya ng Gobernador, Kongresista,
Senador at Pangulo.

 Pagbabago sa Ekonomiya
Sa sinaunang ekonomiya,
ang mga tao sa isang
komunidad ay makakapamili
lamang sa limitadong produkto
na malapit sa kanya sapagkat
limitado rin ang pasilidad sa
transportasyon. Ang
halimbawang ipinapakita ng
mga Mangyan, Tasaday at
katulad na tribo ang
makakapagpatunay nito.

6
Habang ang ekonomiya ay tumatatag, bumubuti rin
ang transportasyon.
Noon, ang mga hayop
tulad ng kabayo, kalabaw,
at baka na unang gamit ng
mga tao para sa kanilang
paglalakbay sa lupa ay
kinakabitan lamang ng
karitela, kariton o kalesa.
Samantala, sa mga
komunidad na malapit sa
mga anyong tubig ay balsa
at bangka naman ang
gamit nila.
Dahil sa pangangailangan ng ekonomiya sa higit na
mabilis na transportasyon, nagbago ang anyo ng mga
sasakyan.
Nagkaroon ng riles at
tren, at trambiya na
isang uri rin ng tren na
pinatatakbo ng koryente
o enerhiya. Hindi
nagtagal nagkaroon din
ng mga barko, bus,
kotse, traysikel at dyip.
Nagkaroon na rin ng
maayos at matibay na
daan.
May mga tulay, pantalan, at modernong paliparan
na rin. Sa pamamaraang ito, ang bawat tao sa
komunidad ay nakipag-ugnayan sa ibang tao at
nakipagpalitan na ng kanya-kanyang produkto.

7
 Pagbabagong sosyo-kultural
Ang pananamit ng mga tao ay isa rin sa mga
nagbabago sa komunidad.
Baro at saya ang isa sa
mga isinusuot noon ng mga
kababaihan. Sa mga
kalalakihan naman ay camisa
de chino at mahabang pang-
ibaba ang isinusuot. Sa
pagdaan ng panahon,
nagkaroon ng iba’t ibang uri
ng pantaas at pang-ibabang
kasuotan. Halimbawa nito ang
maong na pantalon, blusa,
gown at iba pa.
Maging ang mga pagkain sa komunidad ay marami
na ring pagbabago.
Sa ngayon, napakarami
na ng mga putahe ng
pagkain. Sa mga
komunidad sa lungsod,
pangkaraniwan na ang
mga pagkaing
banyaga. Kabilang dito
ang hamburger, pizza,
spaghetti, siomai, siopao,
kimchi at iba pa.
Nagbago rin ang libangan
ng mga tao sa komunidad.
Simple lamang ang laro ng
mga bata noon gaya ng piko,
sipa, trumpo, sungka, patintero
at luksong tinik.

8
Sa ngayon,
napakarami ng
maaaring paglibangan
sa komunidad. Nariyan
ang radyo at telebisyon,
babasahin, sine, internet
at mga electronic
gadgets.

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang tsek sa iyong sagutang papel kung


ang larawan na nagpapakita ng pagbabagong
naganap sa isang komunidad at ekis naman kung
hindi.

____1.

Ngayon Noon

9
____2.

Ngayon Noon

____3

Ngayon Noon

_____4.

Ngayon Noon

_____5.

Ngayon Noon

10
Isaisip

Ano- ano ang mga nagbago sa komunidad?

Ang kapaligiran, pamahalaan, mga


transportasyon, libangan, pagkain at pananamit sa
komunidad ay nagbago dulot ng pagpasok ng mga
makabagong impluwensiya ng teknolohiya at kulturang
banyaga.

Kahit may mga pagbabago sa paraan ng


pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad marami
pa ring kaugalian at gawi ang nananatili hanggang sa
kasalukuyan.

11
Isagawa

A. Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang mga


pagbabagong naganap sa iyong komunidad. Gayahin
ang unang halimbawa.

Bagay/ Ngayon Noon


Pangyayari

Transportasyon

Kapaligiran

Kasuotan

Pagkain

Kalsada

12
B. Panuto: Ilarawan ang mga pagbabago sa iyong
komunidad ngayon at noon. Ipakita ito gamit ang Venn
Diagram. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ngayon Noon
Hindi
Nagbago
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Tayahin

Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin ang tamang


kaisipan para sa patlang. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Noon, baro at saya ang isinusuot ng mga kababaihan.


Ngayon ang kanilang isinusuot.
a. blusa at pantalon
b. camisa de chino
c. barong tagalog
d. kimona at saya

13
2. Noon, paglalaro ng sipa ang libangan ng mga bata.
Ngayon, ______________ang kanilang libangan.
a. paglalaro ng sungka
b. paglalaro ng patintero
c. paglalaro ng mga electronic gadgets
d. paglalaro ng luksong tinik

3. Noon, datu ang namumuno sa isang barangay.


Ngayon, pinamumunuan ito ng isang __________.
a. Rajah
b. Kapitan
c. Pangulo
d. Kagawad
.
4. Noon, mga putaheng Filipino ang karaniwang iniluluto.
Ngayon ____________________________________________.
a. maaanghang na putahe ang kanilang niluluto
b. wala silang alam na putaheng banyaga
c. marami na silang alam na putaheng banyaga
d. mga kakanin lamang ang kanilang iniluluto
.
5. Noon, ang mga tao sa isang komunidad ay
makakapamili lamang sa limitadong produkto na
malapit sa kanila dahil sa limitadong transportasyon.
Ngayon ay _______________________________________.
a. mabagal pa rin ang transportasyon
b. mabilis at makabago na ang transportasyon
c. wala ng masakyan na transportasyon
d. mga hayop ang kanilang ginagamit sa
paglalakbay

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Mag-interbyu ng mga nakatatanda sa inyong


pamilya o komunidad. Isulat sa iyong sagutang papel
ang kanilang sagot sa mga sumusunod na mga tanong.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano po ang
pagkakaiba sa libangan
ng mga bata ngayon sa
mga libangan ng mga
bata noon?

2. Bilang nakatatanda sa
komunidad, alin po ang
mas mainam, ang
libangan ng mga bata
ngayon o ang libangan
ng mga bata noon? At
bakit po?

15
16
Subukin Balikan Pagyamanin Isagawa
1. Noon 1. Sumasang-ayon 1. X A.
2. Ngayon 2. Hindi-sumasang- 2. /
3. Noon ayon 3. X Ang mga
4. Ngayon 3. Sumasang-ayon 4. / iguguhit ay
5. Ngayon 4. Sumasang-ayon 5. / nababatay sa
5. Hindi sumasang- pagbabagong
ayon naganap sa
komunidad.
B.
Ang mga sagot
ay nababatay sa
pagbabagong
naganap sa
komunidad.
Tayahin Karagdagang Gawain
1. a Ang sagot ay
2. c batay sa opinyon ng
3. b nakatatanda sa
4. c komunidad
5. b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Admin, Guro. "Most Essential Learning Competencies (Melcs)-Complete Files - Guro Ako". Guro Ako,
2020. http://guroako.com/2020/06/02/most-essential-learning-competencies-melcs-completefiles/.

Gloria Cruz. Charity Capunitan, Emelita Dela Rosa, and Leo Arrobang. "K TO 12 GRADE 2
LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN". Slideshare.Net, 2013.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-in-araling-panlipunan.

Christopher Madrigal. Pagsulong At Pagbabago, Komunidad 2 (Edisyong K-12). Reprint, Makati


City,Philippines: Diwa Learning System Inc., 2014.

Cristobal Pagoso. "Ekonomiks". Google Books.https://books.google.com.ph

Edna Severo. Araling Panlipunan 2 Kagamitan Ng Mag-Aaral Sa Kapampangan. 1st ed. Reprint,
Pasig City, Philippines: Department of Education- Bureau of Elementary Education, 2013.

"Sistema Ng Pamamahala Ng Sinaunang Pilipino". Authorstream, 2016.


http://www.authorstream.com/Presentation/ayah481025-2958108-sistema-ng-pamamahala-
sinaunang-pilipino/.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like