You are on page 1of 8

MUSIKA Time:______________

Date: ______________ Day: ____________

I. Layunin
Nakatutukoy ang kumpas o beat ng isang tunog o awit
Naisasagawa ang kumpas o beat ng isang awit gamit ang pagpalakpak o pagtapik sa ibabaw ng upuan
Naipapalakpak o natatapik sa desk ang tunog n amalakas at mahina

II. Paksa: maintains a steady beat when chanting, walking, tapping, clapping, and playing musical instruments
MU1RH-Ic-4
Kagamitan: tsart ng awit, power point presentation. ICT
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Sabihin kung malakas o mahina ang tunog na likha
1. Kulog 2. Orasan 3. Sirena ng pulis 4. Huni ng ibon 5. Sirena ng bumbero

2. Pangganyak:
Awit: Ningning ng Munting Bituin

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Gamit ang TV ipaawit ng may tugtog ang Ningning ng Munting Bituin
Lahatan, pangkatan,dalawahan

D. Pagtalakay
Talakayan ang kumpas ng awit sa pamamagitan ng pagtapik o pagpalakpak ng mga bata.
Gawin ang pagsasanay hanggang masanay ang mga bata

E. Pagtatasa
Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay iisip ng isang awit at itatapik nila ang kumpas sa desk at pagpalakpak

F. Paglalahat
Ano ang napag-aralan natin ngayon.

IV. Pagtataya:

Awitin ang Ako ay may lobo kasabay ang pagtapik sa desk at pagpalakpak ng beat nito.

V. Kasunduan:
Pag-aralan muli ang mga awit na natutuhan kasabay ang pagpalakpak at pagtapik sa desk.
1
Page

1
MUSIKA Time: _____________
Date: ______________ Day: ____________

I. Layunin
Nakatutukoy ang kumpas o beat ng isang tunog o awit
Naisasagawa ang kumpas o beat ng isang awit gamit ang pagpalakpak o pagtapik sa ibabaw ng upuan
Naipapalakpak o natatapik sa desk ang tunog n amalakas at mahina

II. Paksa: maintains a steady beat when chanting, walking, tapping, clapping, and playing musical instruments
MU1RH-Ic-4
Kagamitan: tsart ng awit, power point presentation. ICT
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Awitin ang Ä ko ay May Lobo” at itapik ito sa desk at ipalakpak.

2. Pangganyak:
Awit: Leron Leron Sinta

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Gamit ang TV ipaawit ng may tugtog ang Leron Leron Sinta
Lahatan, pangkatan,dalawahan

2. Pagtalakay
Talakayan ang kumpas ng awit sa pamamagitan ng paglakad at pagmartsa ng mga bata.
Gawin ang pagsasanay hanggang masanay ang mga bata

3. Pagtatasa
Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay iisip ng isang awit at ilalakad nila at imamartsa

4. Paglalahat
Ano ang napag-aralan natin ngayon.

IV. Pagtataya:

Awitin ang Bahay Kubo at ilakad at imartsa habang inaawit.

V. Kasunduan:
Pag-aralan muli ang mga awit na natutuhan kasabay ang paglakad at pagmartsa.
2
Page

2
ARTS Time:___________
Date: _________________ Day: ___________

I. Layunin:
Natuttukoy ang iba’t ibang uri linya,hugis at textura sa isang sining
Nakagagawa ng isang sining na may ibat ibang uri ng linya, hugis at textura
Naipagmamalaki ang likhang sining

II. Paksang Aralin: . identifies different lines, shapes, texture used by artists in drawing A1EL-Ic
A. Talasalitaan
Sining, kulay, linya
B. Elemento at Prinsipyo
Linya, kulay, linya
C. Kagamitan
Bond paper, krayola, lapis
D. Sanggunian: K-12 Art
Curriculum Guide in Arts ph 9

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano-ano ang kaya nyo nang iguhit?
2. Pagganyak:
Magpakita ng iba’t ibang uri ng sining gamit ang power point.
Ano ang masasabisa sa mga larawang ipinakita?
Alin sa mga larawan ang kaya mong iguhit o gawin?
Hayaang magkwento ang mga bata ng kanilang karanasan tungkol dito.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain:
Paghahanda sa paggawa ng isang sining/pagguhit ng larawan
2. Paghahanda ng mga kagamitan
Ihanda ang lahat ng gagamitin
3. Pagsasagawa sa gawain.
Pagmomodelo ng guro sa pagguhit
Hayaang gumawa ang mga bata ng kanilag sariling likhang sining o guhit at kulayan.

C. Pagpoproseso
Ano ang masasabi ninyo sa inyong iginuhit?
Ano ano ang bumubuo ng mga ito?
Ano-ano ang uri ng hugis na makikita sa sining?
Ano-anong hugis ang makikita sa sining?
Ano-anong tekstura ng sining ang makikita sa sining?

D.. Paglalahat:
Tandaan:
Ang isang larawan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng linya, hugis at tekstura. Ang mga ito ang nagpapaganda sa isang
likhang sining.

IV. Pagtataya:
Idisplay ang mga nagawa ng mga bata sa klase
Tayahin ang gawa ng mga bata gamit ang rubrics
3
Page

3
CRITERIA SCORE
Nakasunod sa panuntunan ng pagguhit at nakaguhit

Nakaguhit ngunit may bahagyang lampas ang pagkulay

Nakaguhit subalit kailangan pa ang pagsasanay

V. Kasunduan:
Gumawa ng likhang sining sa bahay.

4
Page

4
P.E. Time:___________
Date: _________________ Day: ___________

I. Layunin:
Nakatutukoy ang iba’t ibang bahagi ng katawan na naikikilos
Nakakagagawa ng iba’t ibang hugis gamit ang bahagi ng katawan
Nakalalahok sa talakayan ng may kawilihan

II. Paksa:
Aralin: creates shapes by using different body parts PE1BM-Ic-d-2

Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I p. 12


Kagamitan; larawan, laptop
Integrasyon, Matematika at ESP

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sumayaw sa saliw ng tugtugin/ehersisyo

2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan isang bata at tukuyin ang bahagi ng katawan nito gamit ang power point
Ipagaya ang kilos nito habang sinasabi ang mga bahagi

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang iba’t ibang hugis .
Sa pagmomodelo ng guro ipagaya ito gamit ang bahagi ng katawan.
2. Pagtalakay
Talakayin ang ginawa ng mga bata.
Talakayin paggawa ng iba’t ibang hugis.
3. Gawin Natin
Ipagaya sa mga bata ang paggaya ng mga hugis gamit ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

C. Paglalahat:
Ano-ano ang bahagi ng ating katawan na maaari makagawa ng iba’t ibang hugis?

D. Pagsasanay
Pangkatang pagpapakita ng paggaya ng pangkat sa iba’t ibang uri ng hugis.

IV. Pagtataya
Isagawa ang paggaya ng iba’t ibat hugis gamit ang iba’t ibang bahagi ng katawan.
1. Bilog
2. Tatsulok
3. Parisukat
4. Parihaba
5. diamante
5

V. Kasunduan
Page

Pag-aralan ang natutuhang aralin sa bahay

5
HEALTH Time:___________
Date: _________________ Day: ___________

I. Layunin:
Nakatutukoy ang masamang epekto ng hindi masusustansyang pagkain
Naiisa-isa ang hindi mabuting dulot ng pagkain ng hindi masustansyang pagkain
Nakapagbabahagi ng karanasan sa klase tungkol sa pagkaing ng masustansyang pagkain

II. Paksa:
A. tells the consequences of eating less healthful foods H1N-Ic-d-2
B. Kagamitan: laptop, larawan, tsart
C. Sanggunian: K-12 Health Curriculum Guide Page 9
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Magbigay ng mga masusustansyang pagkain.
2. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan ng mga malnourished at sakitin gamit ang power point.
Ipalarawan sa mga bata ang anyo ng mga bata sa larawan.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ilahad mga larawan ng masamand dulot ng pagkain ng hindi masustansyang pagkain
Hal. Pagkain ng sitsirya
Nagiging payat at nagkakasakit sa bato dahil sa sobrang alat ng pagkain.
3. Pagtalakay:
Talakayin ang mga pagkaing masustansya na dapat kinakain upang maging malusog.
Sabihin ang kahalagahan ng pagkain ng masustansyang pagkain.
Talakayin din ang masasamang dulot ng hindi pagkain ng masustansyang pagkain.
Hayaan silang magbahagi ng kanilang kinakain araw-araw.

C. Paglalahat:
Ano-ano ang mga pagkaing masustansya?
Ano ano ang mga pagkaing hindi masustansya?
Ano ang masamang epekto nito sa ating kalusugan?

D. Paglalapat:
Pangkatang Gawain:
Ang bawat pangkat ay guguhit ng mga masamang dulot ng hindi pagkain ng masustansyang pagkain.

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek ang masamang epekto ng hindi pagkain ng masustansyang pagkain.

______1. Nagkakasakit
______2. Bumababa ang mga marka
______3. Nagiging malusog
______4. Humihina sa klase
______5. Nagiging payat

V. Kasunduan:
Magtala ng mga pagkaing hindi masustansya.
6
Page

6
7
Page 7
8
Page 8

You might also like