You are on page 1of 7

Lesson Plan in MSEP VI

Date: Week 12 (August 24 August 28, 2015)


Musika VI

I. Layunin
Naibibigay ang halaga ng nota / pahinga sa kumpas na 6/8.
II. Paksang Aralin
A. Kasanayan
B. Lunsarang Awit
C. Sanggunian
D. Kagamitan
E. Pagpapahalaga

:
:
:
:
:

Ritmo- Pagbibigay ng halaga ng mga nota at pahinga


sa palakumpasang 6/8.
I;m A Filipino, 6/8
Halinat Umawit 6 pp. 11-12
tsart ng mga nota at pahinga sa palakumpasang 6/8.
Masinsinan at makabuluhang pakikinig.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magtanim ay Di Biro
2. Pagsasanay
Ritmo Ipalakpak ang mga sumusunod na mga hulwarang ritmo sa
6/8.
a.
b.
c.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Anu-anong mga palakumpasan ang inyong napag-aralan ?
2. Paglalahad
Ilahad ang mga nota at pahinga sa palakumpasang 6/8.

3. Pagtatalakay
- Kung ang kawalong notay may halagang 1 kumpas, ilan kaya ang
halaga ng sumusunod na mga nota at pahinga ?
- Paano tayo makikinig ng masinsinan ? Ipaliwanag ang dapat
gawin upang makapakinig ng masinsinan.
4. Paglalapat
Basahin ang mga nota sa lunsarang awit.
5. Paglalahat
Ano ang ibig sabihin ng palakumpasang 6/8 ?
IV. Pagtataya
Isulat ang katumbas ng bawat nota o pahinga sa 6/8.

V. Kasunduan
Gumawa ng talahanayan ng mga ibat iabang uri ng mga nota at pahinga at ang
katumbas ng bawat isa.

SINING VI
I.

Layunin:
Natatalakay ang sentro ng kawilihan at pagbibigay-diin sa isang komposisyon

II. Paksang-Aralin:
Sentro ng Kawilihan
Sanggunian: Umawit at Gumuhit 6 ph. 115
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pag-usapan kung paano mabibigyangdiin ang sentro ng kawilihan.
2. Itanong:
Paano nabibigyang-diin ang sentro ng kawilihan sa pamamagitan ng
kulay?
sa pamamagitan ng mga hugis at an yo?
sa pamamagitan ng lugar o puwesto nito sa isang larawan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Itanong:
Maipagmamalaki mo ba ang ating bansang Pilipinas? Bakit?
Anu-anong mga bagay ang maipagmamalaki mo sa ating bansa?
Paano mo maipagmamalaki ang ating bansa?
2. Sabihin:
Ngayon ay gagawa kayo ng isang komposisyon o larawan tungkol sa mga
bagay na maipagmamalaki mo sa ating bansa. Sa iyong pagguhit ay ipakita
mo ang iyong kaalaman tungkol sa Sentro ng Kawilihan.
C. Gawaing Pansining:
1. Itanong:
Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
2. Basahin ang tsart at gawin ang isinasaad nito.
Sentro ng Kawilihan
(Ang Maipagmamalaki Ko sa Aking Bansa)
Mga Kagamitan: Papel na puti, lapis, krayon o "water color" at "marking pen".
Pamamaraan:
1. Umisip ng mga bagay sa ating bansa na maaaring ipagmalaki sa mga
dayuhan.
2. Iplano kung paano mo ito magagawang sentro ng kawilihan sa isang
disenyo,
3. Iguhit ang bagay na napili at ipakita ang sentro ng kawilihan sa
pamamagitan ng kulay, anyo o linya sa kinalalagyang luagr sa
kabuuan ng papel.
4. Lagyan ng pamagat.

IV. Pagtataya:
Itanong:
1. Anong bagay na maipagmamalaki sa ating bansa ang iginuhit mo?
2. Paano mo ito binigyang-diin sa iyong disenyo?
V. Takdang Aralin:
Ano ang pagkakaiba ng teksturang tunay, artipisyal at biswal? Maglagay ng mga
halimbawa.

EDUKASYONG PAMPALAKAS VI
I. Layunin
Naisasagawa ang ibat ibantg kilos na gumagamit ng mga kasangkapang
pangkamay ayon sa ritmo.
Nasusunod ang mga panuntunang pangkalusugan habang nagsasagawa ng
anumang kilos.

II. Paksang Aralin


A. Paksa

B. Sanggunian
:
C. Kagamitan
:
D. Pagpapahalaga :

Paggamit ng Kasangkapang Pangkamay ayon sa


Ritmo
Aklat sa EPK VI
buklod, dumb bells, caseette
Pagsunod sa panuto.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pampasiglang Awitin
2. Balik-aral
Ano ang pagkakaiba ng kilos lokomotor at di-lokomotor ?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipagawa ang sumusunod na gawain sa saliw ng masiglang
tugtugin.
a. Itaas mo ang buklod sa ibabaw ng iyong ulo. Hawakan mo ang buklod na ang
daliri mo ay nakaturo sa itaas.
b. Ibaba ang buklod sa ibabaw ng iyong tuhod. Hayaan mo naming nakaturo sa
lupa ang mga daliri.
c. Gawin ng pauit-ulit ang mga hakbang a at b sa loob ng 32 bilang.

2. Paglalahad
Pahanayin ang mga bata.

Ibigay ang mga panuto :


a. Kumuha ng dalawang dumb bells at hawakan ang mga ito ng tig-isang kamay
habang nakalawit nang pantay-hita ang ito sa tagiliran.
b. Itaas ang mga dumb bells nang pantay-balikat.
c. Itaas ang mga dumb bells ng magkatabi sa ibabaw ng ulo habang nakaunat
ang mga bisig.
d. Muling hawakan nang pantay-balikat ang mga dumb bells.
e. Bumalik sa panimulang ayos.
f. Ulitin ang bilang 1 hanggang 5 sa loob lamang ng 16 na bilang.
-

Ipagawa sa mga bata hanggang sa mamaster nila an gmga hakbang.

C. Pangwakas na Gawain
Ipagawa ang isa pang gawaing ginagamitan ng kasangkapang
pangkamay, halimbawa, wand.
D. Pagbubuo ng Kaisipan
Anu-ano ang mg kasangkapang pangkamay ang maaari nating gamitin sa
saliw ng tugtugin ?
IV. Pagtataya
-

Pangkatin sa apat ang mga bata


Ipagawa nang pangkatan ang gawain ginagamitan ng kasangkapang
pangkamay.

V. Kasunduan
Magkasundong magsanay sa paggamit ng mga kasangkapang pangkamay.
Magkasundong magdala ng dlawang metrong lubid o jumping rope.

You might also like