You are on page 1of 2

LETTER TO NANAY

Mareng lots, ate lots sister lota tawag sa lola kong naglingkod sa simbahan
Tagalinis ng simbahan, taga basa sa dambana
Sa karamihan sya ay Naging inspirasyon
Paglilingkod sa Diyos ng buong katapatan

Naging butihing asawa ng aming tatay


Ina sa tatlong babae naging nanay
Lola sa mga apong maiingay
Extended nanay sa mga apo sa tuhod na mas maingay

Puno ng ibat ibang eksena


Iyakan, sigawan, sumbungan pati iyakan
Ngunit mas di malilimutan ang mga tawanang nauuwi sa hagalpakan
Mga alaala ng lumipas di malilimutan

Huwag muna mag asawa pag-aaral muna


Magtapos ng kolehiyo saka mag asawa
Dahil masunurin na apo ako dba
Sinunod payo nasobrahan pa nga

Nakapagtapos kaming lahat


Sa tulong mo at pangangalaga
Pagtitipid inyong ginawa
Ni tatay para sa aming lahat

Labing limang taong pag aaral


Labing limang taong pangangaral
Tatlongput dalawang taong pagmamahal
Tatlongput dalawang taong pagkalinga

Di malilimutan mga alaala


Turong pinakita di lamang sa salita
Pinuno ng pag-asa aming mga mata
Pagmamahal at payo nyong dalawa

Babaunin sa pagtanda, ipapanama sa mga bata


Ipapamamalaki sa madla
Nanay kong kay dakila
Di magtatapos iyong pagkalinga
Sa kabilang buhay kami’y masdan
Pamilya mong inaruga
Sapat nang kami ay masdan huwag ka lang magparamdam
Dahil apong mataray

You might also like