You are on page 1of 4

PAARALAN Lucena West I Elementary School BAITANG Four

DETALYADONG BANGHAY GURO John Darrel A. Ravina ASIGNATURA EPP


ARALIN PETSA/ May 8, 2023 KWARTER IKAAPAT
ORAS
I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
A. Pamantayang Pangnilalaman pagsusukat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pang-
industriya at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng isang pamayanan
B. Pamantayang Pagganap
Naisasagawa ng may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga
batayang gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad ng
kabuhayan ng sariling pamayanan

Naisasagawa ang pagleletra, pagbuo ng linya at pagguhit.


C. MGA KASANAYANG PAGKATATUTO/ EPP4IA-0a3
Objectives. Write the Learning
Competencies Code for each
II.NILALAMAN Pagleletra
A. SANGGUNIAN
Gabay sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 TG pp. 210--212
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral Kagamitan ng Mag-aaral sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
4 LM pp.452-455
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal
Learning Resources
5. Iba pang Kagamitang Panturo
Panturong Biswal: LCD projector, laptop, metacards, mga larawan

III.GAWAING PAGKATUTO

A. Balik-aral Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang isinasaad ng pangungusap ay
wasto at ekis (X) kung mali.
1. Ang meter stick ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi sa
pagsusukat sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.
2. Ang zigzag rule ay kasangkapang panukat na madalag sinagamit
sa pananahi ng pantalon, damit, palda at barong.
3. Ang T-square ay ginagamit sa paarko, pakurba, at mahabang linya
sa mga gawaing pagguhit.
4. Ang protractor ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw
ay gumagawa ng mga anggulo mula sa mga iginuguhit na mga
linya.
5. Ang ruler at triangle ay ginagamit sa linyang pahilis at pahiga.

B. Pagganyak Ang pagleletra ay may iba`t-ibang disenyo o uri. Ang bawat uri nito
ay may gamit. Sa mga pangalan ng mga establisimiento tulad ng mga
bangko, supermarket, palengke at gusali. Ito ay ginagamitan ng mga letra
upang ito ay makilala, ang mga pangalan ng paaralan, simbahan, kalye at
kalsada. Ito ay ginagamitan ng mga letra ayon sa disenyo at mga istilo.
C. Paglalahad ng Layunin Sa araling ito kayo ay inaasahang :

• Nakikilala ang mga uri ng letra


• Natutukoy ang mga uri ng letra
• Napahahalagahan ang gamit ng mga uri ng letra
D. Paghahawan ng Balakid Letra-o titik ay isang elemento ng sistemang alpabeto ng pagsulat, gaya
ng Alpabetong Griyego at ang mga sumunod dito. Ang bawat titik sa isang
sinusulat na wika ay kadalasang may kaakibat na isang tunog o ponema sa
sinasalitang wika.
Disenyo- na tinatawag ding sulawing, sulam, sulambi o antangan, ay ang
pagpaplanong naglalatag ng basehan para sa paggawa ng bawat isang
bagay o sistema.
Istilo- ay gawi ng paggawa ng isang tao sa isang bagay.
E. Paglalahad ng bagong aralin

Ang pagleletra ay may iba`t-ibang disenyo o uri. Ang bawat uri nito ay may
gamit. Sa mga pangalan ng mga establisimiento tulad ng mga bangko,
supermarket, palengke at gusali. Ito ay ginagamitan ng mga letra upang ito
ay makilala, ang mga pangalan ng paaralan, simbahan, kalye at kalsada.
Ito ay ginagamitan ng mga letra ayon sa disenyo at mga istilo.
F. Pagtatalakayan Pag-aralan ang iba`t-ibang uri ng letra. Pansinin ang pagkakaiba ng bawat
isa.

Mga Uri ng Letra

Ang bawat uri ng letra ay may kani-kaniyang pinaggagamitan. Ang Gothic


bilang pinakasimpleng uri ng letra ay ginagamit sa ordinaryong panulat,
samantalang ang Text ay ginagamit sa mga pagtititik sa mga sertipiko at
diploma.

G. Paglalahat Ang pagleletra ay malayang ginagawa upang makabuo ng mga letra at


numero sa pamamagitan ng kamay. Ito ay hindi lamang isinusulat kundi
sadyang inileletra, sapagkat higit na madali at mabilis isagawa bukod pa sa
bihirang pagkakaroon ng pagkakamali.

May iba`t-ibang uri ng letra. Sa bawat uri nito ay may iba`t-ibang disenyo at
gamit. Ang gamit nito ay naayon din sa paggagamitan nito. May mga
letrang simple at may komplikado ang disenyo.

H. Pinatnubayang-gawain Magsanay sa pagguhit ng letra gamit ang batayang istilo sa pagleletra.


I. Malayang Pagsasanay Isulat ang mga titik sa aplabetong Ingles gamit ang iba`t-ibang uri ng letra.
J. Paglalapat Sagutin ang mga tanong.
1. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagtititik?
2. Bakit pinakamhirap iguhit ang istilong text?
K. Pagtataya Isulat ang mga titik ng mga alpabetong Ingles gamit ang Script na
pagleletra.
Takdang- gawain Isulat ang mga titik ng mga alpabetong Ingles gamit ang Text na pagleletra.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

You might also like