You are on page 1of 4

Pangalan ng Guro: Bb. Miralorlyn A.

Illustrisimo
ORAS PETSA /ARAW PANGKAT LUGAR
10:10-11:05 n.u Abril 14, 2023 / Biyernes Anthurium NILO 202

BANGHAY-ARALIN
FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHAN
Ikaapat Linggo

PAUNLARIN 2
I. LAYUNIN

 Nasusuri ang mga Pahayag na Ginamit sa Paghihinuha ng Kahulugan ng Salita o


Pangyayari (F7WG-IIIfg-15)
II. PAKSA

Panitikan:
Kagamitan: Pantulong na Biswal
Sanggunian: PIVOT 4A Learning Materials, Panitikang Rehiyon
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagkuha ng Liban
 Pagpapaalala ng Safety Health Protocol

AKTIBITI

MUNGKAHING ESTRATEHIYA: Pagbabalik-Aral

Kahulugan

Mga pahayag sa paghihinuha

Pagbibigay ng sariling halimbawa


Paghihinuha
Gabay na Tanong:

1. Ano ang pag hihinuha?


2. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga salita o pahayag sa pagbibigay hinuha.
3. Magbigay ng sariling halimbaa ng paghihinuha.

Presentasyon
Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na ...
ang mga salitang posible, maaari, puwede, marahil,siguro, baka,sa palagay ko at ibang kauri nito ay
mga ekspresiyong, nagpapahayag ng posibilidad. Maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o
masiguro. Ginagamit ito sa pagsasabi ng mga bagay na maaaring mangyari.
Halimbawa:
1. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo.
2. Maaari kang yumaman kapag pinagbuti mo ang iyong negosyo.
3. Puwede kang maging presidente ng kumpanya kapag pinanatili mo ang iyong
kasipagan.
4. Marahil ay nagsisisi din siya sa kaniyang ginawa.
5. Siguro ay hindi na malilimutan kailanman ng mga tao ang. matitinding
kalamidad na tumama sa ating bansa.
6. Baka wala nang punong abutan ang susunod na henerasyon kung hindi natin
lingatan ang kalikasan.

AN ALIS
IS

Subukan natin!
ABSTRAKSYON

Pagyamanin natin!

Panuto: Tinalakay natin ang mga Pahayag na Ginamit sa Paghihinuha ng Kahulugan ng


Salita o Pangyayari, gamit ang natutuhan dito ay bumuo ng isang hinuha mula sa mga sumusunod
na pangyayari.

Hal.
Wastong pag-gamit ng social media platforms gaya ng Facebook at tiktok.

Marahil ay magiging positibo ang epekto kung wasto ang pag gamit ng mga tao sa kanilang
mga social media platforms gaya ng Facebook at tiktok.

1. Pag-sunod ng mga tao sa Health Protocols ukol sa Covid 19.


2. Pag gamit ng google sa pag-sasaliksik.
APLIKASYON

Tayahin natin!

Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tsek (√) kung ito ay nagpapahayag ng
posibilidad, ekis (x) naman kung hindi. Gawin sa ¼ na bahagi ng papel.

1. Umuulan ng malakas, marahil ay may bagyo.


2. Dahil sa pagbabago ng klima, maraming sakahan ang hindi na pakikinabangan.
3. Maaari bang humingi ng tulong?
4. Posibleng yumaman ang taong may lakas ng loob na magtayo ng negosyo.
5. Siguro ay parating na ang aking hinihintay na padala.

Index ng Masteri

5
4
3
2
1

Inihanda nina:

NANETH M. DACOL
GEZIEL MAE S. DE JOYA
Guro sa Filipino 7

Sinuri nina:
DAISY O. CUERDO/MARY JANE DIONIO
Filipino 7, TAP

Isasakatuparan ni:

MIRALORLYN A. ILLUSTRISIMO
Guro sa Filipino 7

Binigyang-pansin ni:

CHRISTOPHER R. VILLARALBO
Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino

You might also like