You are on page 1of 1

“Bullying"

Ang salitang bullying ay maaaring napaka simple lang kung iisipin.


Pero lingid sa kaalaman ng lahat, ang salitang bullying ay kayang sumira
ng isang buhay, kayang lumugmok ng isang tao, at higit sa lahat ay
kumitil ng isang buhay. Hindi biro ang isang salitang akala natin ay
napakasimple lamang ngunit ang epekto pala ay ganoon nalang ka bigat
at nakakatakot.

Mga simpleng pagpintas sa pisikal na anyo ng isang tao hanggang


sa mga pagmamaliit sa kakayahan at kapansanan ay bakas sa lipunan.
Ang epekto ng mga ganitong pamimintas at pagmamaliit ay lubhang
nakakabahala lalong-lalo na sa mga taong hindi ganoon ka taas ang
pasensya at pag-intindi. Kaya ang kadalasang nangyayare, ay
nagreresulta sa depresyon na humahantong sa masalimuot na
pagpapakamatay.

Ang mga pagpapakamatay na bunga ng bullying ay lubhang


nakababahala. Kaya mahalagang sa maagang panahon ay mamulat ang
lipunan sa masamng epekto ng bullying upang maiwasan ang mga
ganitong pangyayare. Mahalaga ang aktibong partisipasyon ng buong
lipunan o komunidad upang masugpo ang patuloy na pagdami ng
biktima ng bullying.

You might also like