You are on page 1of 7

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Taong Panuruan 2022-2023

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin at


bilugan ang katumbas na letra ng pinakatamang sagot.
Para sa bilang 1-11. Rama at Sita
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag niya agad sina Rama at
Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.”Baka higante rin yan, ”paalala ni
Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog.Huwag mong iiwan si Sita
kahit anong mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya
napasigaw si Sita.” Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
Halaw sa akdang: “Rama at Sita”

1. Ang mga sumusunod ay katangian ng mga tauhan sa epiko maliban sa _________.


a. Si Rama ay mapagmahal sa kanyang asawa.
b. Si Sita ay mapagmahal at tapat sa kanyang asawa.
c. Si Lakshamanan ay mapagmahal na kapatid at handang tumulong kung kinakailangan.
d. Si Maritsa ay may mabuting kalooban at matuwid na pag-iisip.
2. Ang damdaming ipinakita ni Rama sa bahaging ito ng kwento ay ___?
a. Labis na pagmamahal sa kanyang asawa na si Sita
b. Naging makasarili at mayabang
c. Labis na pagmamahal sa kapatid na si Lakshamanan.
d. Ang kagustuhang mahuli ang gintong usa gamit ang kanyang pana at busog.
3. Ang mga sumusunod ay kakayahang taglay ng pangunahing tauhan maliban sa________.
a. kakayahang ipagtanggol at mahalin ng tapat ang kanyang asawa
b. kakayahang mahalin ang kanyang kapatid
c. Tulad ng ibang tauhan si Rama ay may kakayahang magpalit ng anyo at hugis.
d. Labanan at matalo ang hari ng mga higante at demonyo dahil sa taglay na kakaibang tapang
at lakas.
4. Pinahuli ni Sita sa kanyang asawa ang gintong usa dahil_______.
a. Gustong makuha ni Sita ang mamahaling bato na nasa sungay ng usa.
b. Inakala niya na yun ay si Ravana ang hari ng mga higante at demonyo.
c. Nais niyang malaman kung tuna yang pag-ibig ng asawa sa kanya.
d. Upang maipakita kay Lakshamanan na si Rama ang dapat maging hari.
5. Ang mga sumusunod na pangyayari ay nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan maliban sa ______.
a. Ang pagbibigay paalala ni Lakshamanan sa kapatid.
b. Ang pagbabagong anyo ni Maritsa.
c. Ang paghuli ni Rama sa gintong usa.
d. Ang pag-aalala ni Sita sa kalagayan ng kanyang asawa.
6. Ito ang pinakamalaking tagumpay ni Rama mula sa labanang naganap sa epiko _________
a. Maibalik ang kaharian ng Lanka kay Rama.
b. Napatay siya si Surpanaka.
c. Natalo niya ang hari ng mga higante at demonyo na si Ravana.
d. Maging isang immortal.
7. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.” Mahalin mo lang ako ay
ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan, “ sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang
hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang _________.
a. natatakot c. hindi si Ravana ang kanyang gusto
b. mahal ang kanyang asawa d. naniniwala sa milagro
8. Tinutukoy rito ang dalawang magkaibang antas ng katangian ng tao, bagay, konsepto at iba pa na
pinaghahambing upang matukoy ang kalakasan ng tinuturingan.
a. komparatibo b. magkatulad c. palamang d. pasahol
9. Hambingang ginagamitan ng mga panandang lalo, higit, mas, kaysa, kay, labis, di hamak.
a. komparatibo b. modernisasyon c. palamang d. pasahol
10. Ito ay halimbawa ng pangungusap na may paghahambing.
a. Malakas ang ulan subalit mainit ang panahon.
b. Maaari sana akong pumaroon sa bayan subalit nawala ang aking pera.
c. Ang palad ay kasinlambot ng bulak.
d.Dahil sa masigla ang aking pakiramdam, marami akong natapos na gawain.
11. Ang kanyang mga mata ay sinlinaw ng tubig sa batis ng kagubatan, ang kanyang mukha ay tila
liwanag ng araw sa katanghalian, ang kanyang pisngi at labi ay simpula ng papalubog na araw,at ang kanyang
buhok ay tila pagbagsak ng tubig sa talon. Anong uri ng paghahambing ang isinasaad ng mga salitang may
salungguhit?
a. magkatulad b. pasahol c. di magkatulad d. palamang
Para sa bilang 12-15.
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang – maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang
mga manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at
nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho
sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. “at pumunta nga sila. Lumabas nanaman siya nang
mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima
na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakita pa ng ibang walang at nakita pa ang ibang walang ginagawa. Sinabi
niya sa kanila, “ Bakit tatayo-tayo lang kayo rito sa buong maghapon? “kasi po’y walang magbigay sa amin ng
trabaho, “sagot nila.Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”

12. Hindi pantay-pantay ang ibinigay na karampatang upa ng may-ari ng ubasan sa kanyang mga
manggagawa dahil nakabatay ito sa _________
a. Batay ito sa antas ng kaniyang buhay
b. Batay ito sa kanilang kakayahan ng abilidad
c. Batay ito sa kung sino ang unang tinawag.
d. Batay ito sa pag-uugali ng bawat isa.
13. Kung isa ka sa manggagawang nakatanggap ng parehong upa kahit kulang ang oras mo sa paggawa
ano ang mararamdaman mo?
a. Mahihiya ako at ibabalik ko ang upang ibinigay sa akin.
b. Matutuwa ako dahil hindi ako masyadong nahirapan sa paggawa.
c. Masaya kong tatanggapin ang upa at magpapasalamat sa may-ari ng ubasan at maagang
magtatrabaho kinabukasan.
d. Masaya akong aalis at papasok muli ng kulang sa oras kinabukasan.
14. Kung isa ka sa manggagawang maghapong nagtrabaho at nagtiis ng nakapapasong init ng araw
ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka
ba?
a. Oo, kasi hindi patas yung pagbibigay ng upa sa bawat manggagawa.
b. Oo, kasi maghapon akong nagtrabaho sa nakapapasong init ng araw.
c. Hindi, dahil malinaw ang sinabi ng may-ari ng ubasan na babayaran niya ako ng isang salaping
pilak
d. Hindi, dahil makukuntento na lamang ako sa isang salaping pilak na upa sa akin.
15. Sinabi nila,“Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw.Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming
upa? Kung ikaw ang isa mga huling dumating na isang oras lamang gumawa, Ano ang gagawin mo?
a. Tatanggapin ang ibinigay na upa.
b. Pababayaan lang ang nararapat na oras ng paggawa.
c. Hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama.
d. Ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo.
Para sa bilang 16-35.
16.“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa” Ito ay isang________.
a. pangangatwiran b. pangangaral c. pagpapayo d. pagdadahilan
17. “Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng
kanilang ina”. Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
a. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
b. Habang may buhay, magpakasaya ka.
c. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
d. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid.
18. Bilang mag-aaral, tama ba na lagi kayong sumusunod sa payo ng magulang?
a. Magiging sikat sa pamayanan.
b. Bibigyan ng medalya ng pagkilala.
c. Mapabubuti ang buhay.
d. Hindi masasangkot sa anumang kapahamakan.
19. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano nais ipahiwatig ng
pahayag na nito?
a. Huwag pakialaman ang buhay ng iba.
b. Huwag magtitiwala sa iba.
c. Huwag sasama sa hindi kauri.
d. Iwasan ang pakikipagkaibigan.
20. Sa kaniyang murang edad ay naging ilaw na siya sa tahanan. Ang tinutukoy na ilaw ay ________.
a. kabalintunaan b. literal c. metaporikal d. pag-uyam
21. Paano mo magagamit sa iyong buhay ang mga mag-aaral at mensaheng hatid ng elehiya?
a.Dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay, hindi na papasok araw-araw.
b. Upang matutong maging matatag sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa.
c. Patuloy na alalahanin ang mahal sa buhay na yumao at magmukmok araw-araw.
d. Maging malungkot lagi upang maipakita na ikaw ay nagdadalamhati.
22. Kung ikaw ang may-akda, paano mo ipadarama ang pagmamahal mo sa isang tao?
a. Bigyan lagi ng regalo upang maipadama na siya ay mahalaga.
b. Laging makipagtalo sa magulang upang mapansin ka nila.
c. Susulat ng isang tula na naglalaman ng mga mensahe ng pagmamahal.
d. Mag-aaya ako sa iba’t ibang lugar upang mamasyal kami.
23. Paano naiiba ang tulang elehiya sa iba pang uri ng tula?
a. Ang elehiya ay tula para sa mga yumao na kaanak sa buhay.
b. Ito hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
c. Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
d. Ito ay isang laro na tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran.
24. Ang kaisipang hindi makukuha sa tulang elehiya ay_________.
a. Maging matatag sa buhay.
b. Huwag susuko sa mga pagsubok sa buhay.
c. Harapin ng buong tapang ang mga problema sa ating buhay.
d. Patuloy na isipin ang pagpanaw ng mahal sa buhay at maging malungkot araw-araw.
25. Ang mga sumusunod ay panganib na maaaring sumapit sa isang nagdodroga maliban sa_______.
a. Pagkasira ng katawan at isipan.
b. Putol-putol at magulong pagtulog.
c. Nakakaranas ng sobrang pagbaba ng timbang.
d. Mahimbing na pagtulog.
26. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na detalyeng
pangungusap?
a. Iwasan ang masamang bisyo.
b. Ingatan natin ang ating kalusugan.
c. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay.
d. Lahat ay tama.
27. Ang lahat ng kasanayan ay nalilinang sa pangangatwiran maliban sa__________.
a. Wasto at mabilis na pag-iisip.
b. Maayos at mabisang pagsasalita.
c. Lohikong pagsasanay ng mga kaisipan.
d. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa.
28. Sa pagbabasa ng isang talata, paano magiging madaling makita ang pangunahing ideya nito?
a. Alamin ang paksa ng talata.
b. Isa-isahin ang mga detalye.
c. Hanapin ang mga halimbawa sa talata.
d. Tukuyin ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa.
29. Bilang mag-aaral, paano ka magpapakita ng pagpapahalaga sa iyong sariling bayan?
a. Bumili ng mga produktong mula sa ibang bansa na gagawing kalakal sa Pilipinas.
b. Aawitin ang awiting banyaga at tatangkilikin upang isalin ito sa wika natin.
c.Sasali sa mga paligsahang ginaganap sa ibang bansa upang ikarangal sa tagumpay na
matatamo.
d. Hindi paaalipin sa mga gawa at produktong dayuhan, sa halip na sariling produkto ang
tatangkilikin.
30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi hakbang sa paggawa ng TV / Movie Trailer?
a. Piliin ang artistang gaganap. c. Ginagamit na tagpuan sa pelikula.
b. Kunan ang mga senaryo. d. Buuin ang konsepto.
31. Sa iyong palagay, paano maipakikita ng isang guro ang pagmamahal at pagmamalasakit niya sa
kanyang mga mag-aaral?
a. Sabihan ng masasakit na salita ang mga mag-aaral para matuto.
b. Unawain, pahalagahan at hanapin ang kanyang mga kakayahan at pagyamanin.
c. Pumasok ang guro ng galit upang tumahimik at matakot ang mga mag-aaral.
d. Palagi siyang parusahan sa bawat pagkakamaling nagagawa.
32. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng paghihinuha?
a. Malaking suliranin sa ngayon ang pagbabago ng klima, at mas lalo pa itong lalala sa darating
na panahon
b. Ang kampanya ng pamahalaan na paghiwalayin ang basurang nabubulok at di-nabubulok ay
hindi yata nasusunod ng karamihan.
c. Mayaman man o mahirap na bansa ay dapat magtulungan sa problemang pangkapaligiran.
d. Di malayong makamit naming ang tagumpay kung lahat tayo ay magtutulungan.
33. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakaangkop na hinuha o haka-haka sa paglaganap ng
krimen sa bansa?
a. Tila mahirap masugpo ang kriminalidad dahil sa talamak na korapsyon sa bansa.
b. Kung pag-iibayuhin ng mag pulis ang kanilang gawain, siguro ay madaling masusugpo ang
kriminalidad.
c. Sa tingin ko ay wala ng pag-asang masugpo ang kriminalidad sa bansa.
d. Wala na yatang magagawa ang pamahalaan upang mabawasan ang kriminalidad.
34. Sang-ayon ka ba sa mga magulang na sinasaklawan ang damdamin ng kanilang mga anak?
a. iniintindi b. sinasakop c. pinapakialaman d. pinapangunahan
35. Ang mga taong nahuhumaling sa droga, isang bisyong nagbubunsod sa iba na gumawa ng masama.
a. nahihibang b. nababaliw c. nagugumon d. nagagahaman
Para sa bilang 36 -40.
Maraming patunay na ang paninigarilyo ay may kaugnayan sa pride o pagkalalaki
(Higit sigurong tamang sabihing“pagmamalaki”). Ayaw ng isang tinedyer na sabihing siya ay mahina. Ayaw nilang
maliitin siya ng mga kaibigan. Gusto niyang ipagmalaki siya ng kanyang mga kaibigan. Gusto niyang makisama.
Kaya’t tinatanggap ng isang tinedyer ang alok na sigarilyo ng kaibigan.
Ayon naman sa psychoanalyst, ang paninigarilyo ay kahalili ng pagsipsip sa daliri. Ang paninigarilyo,
kumbaga, ay pag-alala ng isang kasiya-siyang Gawain, tulad ng pagsuso sa ina.

36. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakilala sa aktwal na intensyon ng binasang teksto?
a. Ang paninigarilyo ay nakakaalis ng tension.
b. Ang paninigarilyo ay may kaugnayan sa pride o pagkalalaki.
c. Ang magulang na naninigarilyo ay madalas pinamamarisan ng mga anak.
d. Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay naninigarilyo.
37. “Ayaw ng isang tinedyer na sabihang siya ay mahina.Ayaw niyang maliitin siya ng mga kaibigan.”
Paano makalalayo ang isang mag-aaral na tulad mo sa tukso ng barkada at bisyo?
a. Matulog na lang maghapon sa bahay at huwag ng pumasok..
b. Gumawa ng ibang kapaki-pakinabang na libangan na makapagpapalago ng iyong mga
kaalaman.
c. Pumasok ng lagging huli sa klase.
d. Piliin lamang ang kakausapin sa mga kaklase.
38. Elemento ng sanaysay na pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong sumasagot sa
tanong na “tungkol saan ang akda?” Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-uusapan. Ito rin ang
sentro ng ideya ng buong akda.
a. tono b. paksa c. kaisipan d. ideya
39. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng damdaming makabayan. Alin sa mga ito ang
may pinaka tamang sagot?
a. Dapat nating ipaglaban ang katotohanan upang maipagkapuri ang ating lahi.
b. Kailangan na nating kumilos ngayon habang hindi pa huli ang lahat.
c. Hindi ko saklaw ang damdamin ng bawat isa, ngunit kailangan ko pa ring magbakasakali
upang malinawan ang ating isipan.
d. Ayaw ko ang gawaing pamumuri, ngunit ito’y aking tungkulin ___na pukawin ang damdamin ng
bawat isa upang maging makabayan.
40. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga paraan kung paano makakaiwas sa ipinagbabawal na
gamot maliban sa___________
a. Iwasan ang matinding pagsesermon.
b.Ipakipag-usap sa anak ang mga dahilan kung bakit nakakasama ang paggamit ng droga.
c. Isaalang-alang ang mga napapanood sa telebisyon.
d. Pagalitan lagi ang anak upang matakot .
Para sa bilang 41-44.

Samantala, nanatili ang limang lalaking nakakulong sa compartment ng cabinet sa loob ng tatlong araw na walang
pagkain at walang tubig. Hindi nakatiis ang karpintero, kinatok niya ang compartment ng hari, kinatok naman ng hari ang
compartment ni Vizier, kinatok naman ni Vizier ang compartment ng pulis at pulia sa compartment ni Cadi. Sumigaw ang
Cadi na nagsasabing bakit ba sila nagsasakitan gayong lahat sila ay nakakulong. Nagkarinigan silang lima Napagtanto nila
na sila ay napagkaisahan ng babae. At habang sila – sila ay nagkukwentuhan ng mga pangyayari, nagtataka ang kanilang
kapitbahay sapagkat may ingay ay wala naman silang makitang tao sa loob. Kaya’t napagpasyahan nilang was akin ang
pinto at pasukin ang bahay.

41. Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa kwento?


a. Oo, dahil ang mga kababaihan ay matatapang at matatalino.
b. Hindi, dahil dapat maging tapat siya sa kanyang asawa.
c. Oo, sapagkat may pagkakapantay-pantay ang lalaki at babae.
d. Hindi, kasi ang ilan sa mga kinulong niya ay may mataas na antas sa lipunan.
42. Kung ikaw ang tauhang babae, gagawin mo rin ba ang ginawa niya para mapalaya mo ang mahal mo
sa buhay.
a. Hindi, sapagkat ang babaeng may asawa dapat maging tapat sa kanilang asawa kahit ito ay
nasa malayo
b. Hindi, dahil nakakaawa ang kalagayan ng mga lalaki sa loob ng compartment.
c. Oo, sapagkat iyon ay pagpapakita ng katapangan at katalinuhan.
d. Oo, upang maipakita sa mga lalaki na hindi dapat minamaliit ang kakayahan ng mga
kababaihan.
43. Ang namayaning emosyon sa tekstong ito ay_________.
a. pagkamuhi b. pag-aalala c. paninisi sa bawat isa d. pagkatuwa
44. Ang katangian ng mga lalaking nakulong sa compartment na dapat tularan ng isang kabataang tulad
mo ay________.
a. Maging mahusay sa pangangatwiran sa lahat ng panahon.
b. Magsisi sa huli.
c. Mahiya sa mga ginawang hindi maganda.
d. Tanggapin ang pagkakamali at itama ito.
45. Nang makita nila ang kanilang mga itsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila. Lumabas sila ng
bahay na tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga
kapitbahay. Ang pahayag sa itaas ay bahagi ng ______isang kwento.
a. simula ` b. wakas c. gitna d. tunggalian
46. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pangangatwiran . Alin ang hindi?
a. Upang mabigyang linaw ang isang usapin o isyu.
b. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
c. makapagbahagi ng kaalaman sa ibang tao.
d. makapagpa impress ng sarili.
47. Ito ay pagbibigay kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung
paano ginamit ang salita sa pangungusap?
a. pagpapakahulugang semanteka
b. pagpapakahulugang gramatika
c. pagpapakahulugang retorika
d. pagpapakahulugang ponemiko
48. Nakapaloob ditto ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa,ditto umiinog ang maliliit na
himaymay ng akda. Maaaring ito’y hindi tuwiran binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-
akda para mailahad ito.
a. tono b. kaisipan c. paksa d. ideya
49. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka.” Ano ang layunin ng nagsasalita?
a. nanghihikayat b. nagpapaliwanag c. nagtuturo d. nang-aaliw
50. Ito ay ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa pamamagitan ng mga espesipikong wika na ginamit
ng may-akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa.
a. tono b. kaisipan c. paksa d. ideya

Inihanda ni: Sinuri ni:


Erizza Pastor-Ganancial Ronald R. Bundoc
Guro I Punong Guro II
SUSI NG MGA SAGOT
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Taong Panuruan 2019-2020
1. D 26. D
2. D 27. D
3. C 28. D
4. A 29. D
5. C 30. D
6. C 31. B
7. B 32. B
8. D 33. B
9. C 34. C
10. C 35. A
11. A 36. D
12. C 37. B
13. C 38. B
14. C 39. D
15. A 40. D
16. C 41. B
17. A 42. A
18. C 43. B
19. C 44. D
20. C 45. B
21. B 46. D
22. C 47. A
23. A 48. B
24. D 49. A
25. D 50. A

You might also like