You are on page 1of 10

Subject & Grade level: Science, Grade 3

Topic: Mga Pagbabago sa mga Bagay mula Solid patungo sa anyong Liquid

Treatment: Narration
Run Time: 20 mins.
Script Writer: Kathleen B. Bongolan
MELC: Describe the changes in materials based on the effect of temperature: solid to liquid

SEQUENCE VIDEO AUDIO


1 INSERT OBB (10 seconds)
2 MCU of TEACHER
INTRODUCTIO Magandang araw mga bata. Ako
N (30 ang inyong guro teacher
seconds) Insert background Kathleen B. Bongolan.
inside the classroom
(https://www.youtube. Handa ka na bang matuto sa araw
com/ na ito?

SFX: Yeeeyyyyy…

Mabuti kung ganun!

Kaya kunin mo na ang iyong


Learning resource materials
kagaya ng Self-learning module,
lapis at sagutang papel. At
maging aktibong makinig,
makibahagi, at matuto ng dagdag
kaalaman dito sa “Makulay na
Mundo ng Agham”!

(Music fade in)

3 MCU of TEACHER Sa nakalipas na aralin, ating


REVIEW OF natutunan ang katangian ng
PRIOR liquid at ng gas.
KNOWLEDGE
(1 minute) Magpakita ng mga Napag-alaman natin na ang
larawan ng liquid. liquid ay walang sariling
hugis, ginagaya nito ang hugis
ng paglalagyan dito.

Magpakita ng mga Kasabay nito atin ding napag-


liquid na nagpapakita alaman na ang liquid ay may
ng mabagal at mabilis iba’t ibang paraan ng pagdaloy,
na pagdaloy nito. maaaring ito ay mabagal o
mabilis.
Magpakita ng mga Ito din ay may amoy na kaaya-
liquid na may kaaya- aya o hindi kaaya-aya, at may
aya o hindi kaaya- lasa na matamis, maasim,
yang amoy, may las maalat, mapait, maanghang, o
ana matamis, maasim, kaya’y walang lasa.
maalat, mapait,
maanghang, o kaya’y Pero ang pinakamahalaga,
walang lasa. natutunan din natin na hindi
lahat ng liquid ay ligtas
amoyin at inumin dahil may mga
liquid na nagdudulot ng pinsala
sa ating kalusugan.

Magpakita ng mga Bukod sa liquid, natutunan din


halimbawa ng gas. natin ang mga katangian ng gas.
Ang gas ay walang timbang, wala
itong sariling hugis. Ang hugis
nito ay nakasalalay sa
paglalagyan nito.

Maaaring hindi ito nakikita ng


ating mga mata pero ito ay
ating nararamdaman.
Tulad ng liquid, hindi lahat ng
gas ay maaaring amoyin dahil
may mga gas na nagdudulot ng
pinsala sa ating kalusugan.

4 MCU of Teacher Alam niyo ba na ang matter ay


DRILL/GAME maaaring magbago ng anyo?
(3 minutes)
Halimbawa, ang solid ay pwedeng
maging liquid, paano?

Alamin natin.

Ipakita sa screen ang Ano ang tawag sa antas ng init


katanungan. at lamig ng isang bagay?
Pagkatapos ipakita Kapag mainit ito ay mataas.
ang: Kapag malamig ito ay mababa.
t_mp_ _ _ _ _ra Bibigyan ko kayo ng sampung
Magpakita rin ng 10 Segundo para mag-isip ng inyong
sec.timer. sagot.

Nagsisimula ito sa letrang t at


nagtatapos sa letrang a,
mayroon din itong letrang m, p,
at r. Mayroon itong labin-isang
letra.
Ano ito?

Ipakita ang sagot na: Kung ang sagot niyo ay


temperatura temperatura, TAMA!

SFX: Clappings (Music Fade Out)

Ang temperatura ay ang antas ng


init at lamig ng isang bagay na
may tiyak na sukat.

Narito pa ang isang katanungan.

Ipakita sa screen ang Ano itong instrumentong


katanungan. ginagamit sa pagkuha ng
temperatura ng isang tao o
maging ng isang bagay?
Ipakita ang:
th_ _ m_m_ _ _ _r Bibigyan ko ulit kayo ng
sampung Segundo para mag-isip
Magpakita rin ng 10 ng inyong sagot.
sec.timer.
Mayroon itong labin-isang
letra, nagsisimula ito sa
letrang t at nagtatapos sa
letrang r. Mayroon din itong
letrang h at dalawang letrang
m.

Ipakita ang sagot sa Kung ang sagot niyo ay


screen. thermometer, TAMA!

SFX: Clappings (Music Fade Out)

Ano naman ang kinalaman ng


temperatura at thermometer sa
pagbabagong anyo ng isang
matter?

Maaring magbago ang anyo ng


isang matter kapag nagbago ang
temperatura nito.

Tandaan mataas ang temperatura


kapag mainit, mababa naman ang
temperatura kapag malamig.

Alamin natin kung ano ang


epekto ng temperatura sa
pagbabagong anyo ng matter.

(Magsingit ng isang maikling


Magpakita ng larawan kwento.)
ng bata pero ito ay Jaja: Haayyy… grabe ang init,
parang nagsasalita. parang gusto kong mag ice
Nakasulat sa bandang cream.
itaas na kanang Tindero: Ice cream! Ice cream
bahagi ng bata ang kayo jn. Bili na kayo ng ice
kanyang diyalogo. cream.
Gayundin sa tindero. Jaja: Sakto! Manong pabili.
Tindero: Anong flavor ang gusto
mo?
Jaja: Chocolate manong.
Tindero: Chocolate ice cream,
here it comes.
Jaja: Thank you, manong.

Ang ice cream ay isang solid


sapagkat ito ay may kulay at
timbang na magaan.

Jaja: Halla anong nangyari sa


Magpakita ng larawan ice cream ko? Natunaw ito!
ng ice cream na Ang aking ice cream ay natunaw
patunaw na. nang ito ay nainitan.

Tulad ng sabi natin kanina na


nagkakaroon ng pagbabago sa
kaanyuan ng matter kapag ang
temperatura ay mataas.
5 MCU of Teacher Ang ating pag-aaralan ay:
DISCUSSION
PART (10 Ipakita ang pamagat “Mga Pagbabago mula sa Solid
minutes) ng aralin. patungo sa anyong Liquid”.
May mga pagbabagong nagaganap
sa mga bagay. May mga solid na
nagiging liquid kapag ito ay
nainitan.
Kagaya nang nangyari sa ice
cream sa kwento.
Ang ice cream ay malulusaw
sapagkat nagkaroon ng pagtaas
ng temperatura.
Ang ice cream ay isang solid na
kapag nainitan o naarawan ay
natutunaw o nagiging liquid.
Ang ice cream na solid ay
nagiging liquid kapag mainit o
mataas ang temperatura.

Ipakita ang salitang Tandaan, ang proseso ng


“melting”. pagbabago ng matter mula sa
solid patungo sa liquid ay
tinatawag na melting.

Magpakita ng larawan Pagmasdan ninyong mabuti ang


ng butter na butter na nasa kawali bago ito
nakalagay sa kawali. mainitan. Anong uri ng matter
ito?
Kung ang sagot mo ay solid,
TAMA!
SFX: Clappings (Music Fade Out)
Sapagkat ito ay may sariling
hugis, kulay, laki at tekstura.
Magpakita ng video na
natutunaw ang butter Kapag nilagay ang butter sa
sa kawali nang ito ay kawali at sinindihan, ito ay
pinainitan/sinindihan matutunaw, ito ay magiging
liquid.
Mawawalan na ito ng sariling
hugis, ginagaya nalang nito ang
hugis ng lalagyan nito. Kapag
ang butter ay nainitan, ito ay
matutunaw.
Ibig sabihin nagkakaroon ng
pagbabago sa pagtaas ng
temperatura.
Ang butter ay isang halimbawa
ng solid na kapag nainitan ay
nagiging liquid.
Magpakita ng larawan
Narito pa ang isang halimbawa,
ng yelo na may
katabing kandila. ang yelong ito kapag tinapat
natin sa bagay na mainit tulad
ng kandila, ito ay matutunaw.
Magpakita ng larawan Ang yelo na dating solid ay
ng yelo a tunaw na.
nagiging liquid.
Ipakita sa screen ang Muli ang prosesong ito ay
salitang melting. tinatawag na “melting”.

6 MCU of Teacher Ngayon naman mga bata dumako


EXERCISE #1 tayo sa isang pagsasanay.
(LOTS) (2 Kumuha ng lapis at sagutang
minutes) papel.

Isulat ang salitang TAMA kung


Ipakita sa screen ang ang pangungusap ay tama at
panuto ng gawain. salitang MALI naman kung hindi.
Bibigyan ko kayo ng 30 segundo
para sumagot.
1. Kapag ang yelo ay
Ipakita ang mga nalamigan, ito ay
pahayag sa bawat natutunaw.
aytem. 2. Ang asukal ay nagiging
liquid kapag ito ay
nainitan.
3. Ang krayola ay solid parin
kapag ito ay nainitan.
4. Ang kandila ay natutunaw
kapag sinindihan.
5. Kapg hinawakan mo ang
piraso ng yelo, ito ay
natutunaw sa iyong mga
kamay.

Ngayon naman mga bata, atin


nang sagutan ang inyong ginawa.
1. Kapag ang yelo ay
Ipakita muli ang mga nalamigan, ito ay
pahayag bawat aytem. natutunaw.
MALI!
SFX: Ting…

Sapagkat ang yelong nainitan


lamang ang natutunaw.

2. Ang asukal ay nagiging


liquid kapag ito ay
nainitan.
TAMA!
SFX: Ting…

Sapagkat nagkakaroon ng pagtaas


ng temperature na nagiging
dahilan upang ito ay matunaw at
maging liquid.

3. Ang krayola ay solid parin


kapag ito ay nainitan.
MALI!
SFX: Ting…
Sapagkat ang krayola ay
nagiging liquid kapag ito ay
nainitan.

4. Ang kandila ay natutunaw


kapag sinindihan.
TAMA!
SFX: Ting…

Sapagkat nagkakaroon ng pagtaas


ng temperature na nagiging
dahilan upang ito ay matunaw at
magiging liquid.

5. Kapag hinawakan mo ang


piraso ng yelo, ito ay
natunaw sa iyong mga
kamay.
TAMA!
SFX: Ting…

Sapagkat nagkakaroon ng pagtaas


ng temperatura na nagiging
dahilan upang ito ay matunaw at
maging liquid.

Ilan ang nakuha mong tamang


sagot? Mataas ba o mababa?
Kung mataas, magaling!
Kung mababa pwedeng-pwede pa
kayong bumawi sa susunod na
pagsasanay.

7 MCU of Teacher
EXERCISE #2 Halina kayo mga bata at samahan
(HOTS) (2 ako sa isang eksperimento.
minutes)
Nais kong itala ninyo ang
inyong maoobserbahan sa ating
Ipakita sa screen: gagawing eksperimento.
Ngalan May Paano
nagbago nagbago
Gumuhit kayo ng tatlong column,
sa unang column, isulat niyo
ang “ngalan” ng mga bagay na
gagamitin natin.
Sa ikalawang column, isulat
ninyo ang salitang “May
nagbago”. Sapagkat maglalagay
tayo ng “OO” kung may nagbago
sa bagay na gagamitin natin.
Sa ikatlong column isulat kung
“Paano nagbago”, halimbawa, ito
ay naging liquid.

Narito ang mga bagay na ating


Ipakita sa screen ang gagamitin:
mga larawan ng: Ice candy, tsokolate at butter.
Ice candy, tsokolate,
at butter. Masdan ninyong mabuti, ang mga
bagay na ito ay solid, sapagkat
ang mga ito ay may sariling
kulay, hugis, laki at tekstura.
Simulan natin.

Mga bata, kung nais isagawa ang


Magpakita sa screen eksperimento, mainam na
ng video na natutunaw magpatulong sa nakatatanda.
ang ice candy sa
pinggan, natutunaw Balikan na natin ang mga bagay
ang tsokolate at na nabaggit.
butter kapag
pinainitan sa kawali.
Unahin natin ang icecandy.
Ipakita sa screen: Nagbago ba ito ng kaanyuan?
Ngalan May Paano SFX: Ting…
nagbago nagbago

Ice oo Naging
Kung ang sagot niyo ay “OO”,
candy liquid TAMA!
Ang ice candy ay naging liquid.
SFX: Clappings (Music fade out)

Ipakita sa screen: Tingnan naman natin ang


Ngalan May Paano tsokolate.
nagbago nagbago Nagbago ba ito ng kaanyuan?
Ice oo nagging
candy liquid
Kung ang sagot niyo ay “OO”,
tsokolat oo naging TAMA!
e liquid Ang tsokolate ay naging liquid.

Ipakita sa screen: At panghuli ay butter.


Ngalan May Paano Nagbago bai to ng kaanyuan?
nagbago nagbago
Kung ang sagot niyo ay “OO”,
Ice oo naging TAMA!
candy liquid Ang butter ay naging liquid.
tsokolat oo naging
e liquid
butter oo naging Ano kaya ang dahilan kung bakit
liquid
ang ice candy, tsokolate, at
butter ay nagbabago ng anyo
mula sa solid patungo sa
liquid?

Tandaan, kapag mainit/tumaas


ang temperatura dahilan upang
magkaroon ng pagbabago sa
kaanyuan ng matter, mula sa
pagiging solid patungo sa
anyong liquid. Ang proseso ng
pagbabagong anyo ng matter mula
sa pagiging solid patungo sa
liquid ay tinatawag na melting.

8 MCU OF TEACHER Bilang takdang aralin, nais


ASSIGNMENTS kong itala ninyo ang kasagutan
/REMINDERS Magpakita ng larawan sa sitwasyong ito:
(40 ng tsokolate. Ang mantika ay tumigas sa
seconds) lalagyan nito, nais itong
gamitin ng iyong ina sa
pagluluto. Ano kaya ang gagawin
ng iyong ina?

9 MCU OF TEACHER
EXTRO SPIEL At yan muna sa araw na ito at
(30 alam kong marami kang natutunan
seconds) na pwedeng ibahagi sa iba…
upang magkaroon din sila ng
matalinong pag-iisip na nakuha
natin dito sa m
“Makulay na Mundo ng Agham”.

Ako muli si teacher Kathleen.


Stay safe and healthy.
Paalam.

SFX: Music In then Fade Out


10 INSERT CBB (10 seconds)
11 INSERT REFERENCES

Approved by:
_______________________________
Position

You might also like