You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: ________

Paaralan: ____________________________Petsa: ___________________

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang. Isulat


ang letra ng tamang sagot.

1. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan. Ikaw ay may


kakayahang gumuhit ng mga larawan. Ano ang dapat mong
gawin sa talentong ibinigay sa iyo ng Diyos?

a. ibabahagi ko sa iba
b. ikahihiya ko
c. ipagyayabang ko
d. itatago ko na lamang

2. Magiliw na umawit si Ana ng paborito niyang awitin sa harap


ng kanyang mga kaibigan. Ano ang dapat maramdaman ni
Ana habang siya ay pinupuri sa kanyang natatanging talento
o kakayahan?

a. magagalit
b. magyayabang
c. malulungkot
d. matutuwa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

3. Labis ang kasiyahan na nadarama ni Shane tuwing nakakikita


siya ng mga sumasayaw. Nais din niyang matutong sumayaw
ngunit sinabihan siya na “matigas ang iyong baywang”. Ano
ang dapat gawin ni Shane?

a. Awayin ang nagsabi na matigas ang kanyang baywang.


b. Ipahilot ang baywang upang ito ay lumambot.
c. Itigil na lamang ang pagsasayaw upang hindi na
mapahiya.
d. Mag-ensayo araw-araw upang matuto at gumaling sa
pagsayaw.

4. Bakit kailangang tuklasin mo ang iyong talento o hilig at


kinakailangang magtiwala sa sariling kakayahan?

a. Magsisilbi itong kalakasan sa lahat ng gawain.


b. Magsisilbi itong kahinaan sa pang araw-araw na gawain.
c. Upang makalamang at maipagyabang sa kapwa.
d. Upang mapaunlad sa pamamagitan nang paggamit nito
sa araw-araw.

5. Gumagawa ka ng proyekto nang dumating ang pinsan mo at


niyaya kang magbisikleta sa labas. Ano ang nararapat mong
gawin?

a. Paaalisin mo ang iyong pinsan at hindi ka sasama.


b. Sasama ka agad sa iyong pinsan upang magbisikleta sa
labas.
c. Pagsasabayin ang pagbibisikleta at paggawa ng
proyekto.
d. Tatapusin muna ang proyekto at makikipaglaro sa oras na
matapos ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

6. Nakangiti at masayang tinanggap ni Elsa ang mungkahi ng


kanyang guro. Ang batang may matatag na kalooban ay
____________.

a. May bukas na isip sa pagtanggap ng puna ng ibang tao.


b. May pagpipigil sa sarili upang huwag makapanakit ng iba.
c. Nag-iisip muna bago gumawa ng anumang aksiyon o kilos.
d. Lahat ng nabanggit.

7. Ang mga mag-aaral ng baitang tatlo ay aktibong lumalahok


sa programa patungkol sa kalusugan. Alin sa mga sumusunod
na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng tamang
pangangalaga ng katawan?

a. Naliligo si Paolo araw araw bago pumasok sa eskwela.


b. Maganang kinakain ni Basya ang baon niyang softdrinks at
sitsirya.
c. Natutulog nang maaga si Alma upang makakuha nang
sapat na tulog.
d. Sinisipilyo ni Kristal ang ngipin tatlong beses sa isang araw.

8. Maagang gumising si Mara upang magawa ang mga


tungkuling nakaatas sa kanya sa kanilang tahanan. Bakit
mahalagang sundin ang tagubiling itinakda sa bawat kasapi
ng pamilya?

a.Upang magkaroon nang maayos at masayang samahan


ng pamilya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

b.Upang magkaintindihan at unawaan ang bawat kasapi ng


pamilya.
c.Upang maipakitang respeto at disiplina sa bawat kasapi
ng pamilya.
d.Lahat ng nabanggit.

9. Nakita ni Lino na hindi makatayo ang kanyang kaibigan dahil


masakit ang paa nito. Ano ang nararapat gawin ni Lino?

a. Hindi niya papansinin ang kanyang kaibigan.


b. Magpapanggap siya na hindi niya ito nakita.
c. Tutulungan niya itong makatayo.
d. Titingnan lamang niya ito sa kanyang kalagayan.

10. Nabalitaan ni Ben na may sakit ang kanyang pinsan. Alin


sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
pagmamalasakit ni Ben sa kanyang pinsan?

a. Hindi niya pinansin ang kalagayan ng kanyang pinsan.


b. Dinalaw niya ang pinsan at may dalang masustansiyang
pagkain.
c. Pinagtawanan niya dahil nagkasakit ang kanyang pinsan.
d. Pinuntahan niya at pinagmasdan ang kalagayan.

11. May paligsahan ng pag-awit sa Barangay nila Mila.


Magaling umawit ang kababata niyang si Lani na isang bulag.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nararapat gawin ni
Mila?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

a. Hihikayatin niya na sumali si Lina.


b. Hindi niya papansinin si Lina.
c. Hindi niya sasabihin ang paligsahan kay Lina.
d. Wala sa mga nabanggit

12. May nakasabay si Albert na putol ang isang kamay at


madami itong dalang mga gamit. Alin sa mga sumusunod na
sitwasyon ang nagpapakita ng malasakit sa taong may
kapansanan?

a. Nilagpasan at hindi pinansin ni Albert ang nakasabay na


putol ang isang kamay.
b. Tiningnan lamang ni Albert ang dalang gamit ng
nakasabay na putol ang isang kamay.
c. Pinagalitan ni Albert ang taong putol ang kamay dahil sa

dami ng dalang gamit nito.

d. Tinulungan ni Albert sa pagbubuhat ang nakasabay

niyang putol ang kamay.

13. May bagong lipat na kapitbahay na Muslim sila Lito. Ano


ang maaaring gawin ni Lito?

a. Makikipagkaibigan siya.
b. Makikipaglaro siya.
c. Makikipag-usap siya.
d. Lahat ng mga nabanggit.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

14. May proyekto ang paaralan nila Mimi para sa mga


Muslim. Paano makatutulong si Mimi sa proyekto?

a. Makikiisa sa proyekto.
b. Ibabahagi sa iba ang proyekto.
c. Tutulong sa proyekto.
d. Lahat ng nabanggit.

15. Nagbigay ng pangkatang gawain si Binibining Santos sa


kanyang mag-aaral. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
HINDI nagpapakita ng pakikiisa.

a. Niyaya ni Elisa si Faye na makinig sa grupo.


b. Sumasang-ayon sa lider si Emman.
c. Pinupuna ni Ferdie ang opinyon ng mga kagrupo.
d. Tumutulong si Miyoko sa pangkatang gawain.
16. Nagkaroon ng paligsahan ng Quiz Bee sa paaralan nila
Ken. Isinali siya ng kanyang guro at nakamit ni Ken ang unang
pwesto. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
naramdaman ni Ken?

a. Nagalak ang kanyang puso.


b. Masaya siya sa kanyang pagkapanalo.
c. Mapagkumbaba niyang tinanggap ang kanyang
pagkapanalo.
d. Lahat ng nabanggit.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

17. Isang gabi, nakadungaw si Anna sa kanilang bintana.


Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Maria, ang nanay
ng kaniyang kaibigan. Ano ang dapat gawin ni Anna?
a. Dali-daling aalis si Anna at magtatago sa loob ng bahay.
b. Sisigawan nya si Aling Maria at hahanapin ang kaibigan.
c. Kakawayan at babatiin nya si Aling Maria ng magandang
gabi.
d. Hindi niya papansinin si Aling Maria.

18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI


nagpapakita ng magandang kaugaliang Pilipino?
a. Si Jena ay nagmamano sa mga nakatatanda tuwing aalis o
uuwi ng bahay.
b. Si Buboy ay laging sumusunod sa utos ng kanyang mga
magulang.
c. Sumisimangot si Ken tuwing uutusan siyang maghugas ng
pinggan.
d. Mapapansin ang paggamit ng “po” at “opo” ng
magkapatid na Ben at Jen sa kanilang pakikipag-usap sa
nakatatanda.

19. Oras ng recess, nakita mo na hindi nakahanay ang iyong


kaklase sa pagbili sa kantina. Ano ang iyong gagawin?
a. Makikipag-siksikan upang mauna sa pagbili.
b. Paalalahanan ng mahinahon ang mga kaklase na ayusin
ang pila.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

c. Makipaglaro muna sa kaklase habang hindi naghihintay.


d. Sigawan ang mga kaklase na pumila ng maayos.

20. Ipinagmamalaki ng inyong paaralan ang maayos at


maganda nitong hardin. Nakita mo ang isang mag-aaaral na
pumipitas ng mga bulaklak sa hardin. Pinagsabihan mo siya na
bawal pumitas ng bulaklak, subalit nagpatuloy pa rin siya sa
kaniyang pagpitas. Ano ang iyong gagawin?
a. Kukuhanin ang mga napitas na bulaklak at itatapon ito sa
basurahan.
b. Sisigawan at aawayin ang mag-aaral.
c. Hihingi ng tulong sa isang guro upang sawayin ang mag-
aaral.
d. Makikisali na lang sa pagpitas ng magagandang bulaklak.

21. Bilang isang batang responsable at matulungin, ano ang


iyong unang gagawin pagkagising sa umaga?
a. Babangon at aayusin ang mga unan at pinaghigaan.
b. Kukuhanin ang cellphone at maglalaro na agad.
c. Lalabas ng bahay at maghahanap ng kalaro.
d. Hahanapin si nanay at maghahanap ng pagkain.

22. Natutunan mo sa paaralan ang wastong pagbubuklod-


buklod ng mga basura. Pagdating mo sa bahay nakita mong
magkakahalo ang inyong mga basura. Ano ang iyong
gagawin?
a. Walang gagawin dahil bahala na si nanay sa basura.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

b. Sasabihin kay nanay ang natutunan sa paaralan.


c. Ikukwento sa kapamilya ang natutunan at magpapatulong
na gumawa ng mga basurahan para sa bawat uri ng
basura.
d. Sasabihin sa guro na hindi kayo nagbubuklod-buklod ng
mga basura.

23. Nakasakay kayo ng iyong nanay sa dyip patungo sa


paaralan. Bababa na kayo. Ano ang pinakamainam mong
sabihin?
a. Mama, para po!
b. Mama, sa tamang babaan na lang po!
c. Para!
d. Kuya, sa tabi lang po!

24. Narinig mo sa radyo na may babala ng malakas na pag-


ulan ngayong araw. Aalis kayo ng iyong nanay upang
magpatingin sa doktor. Ano ang iyong pinakamainam na
gagawin?
a. Magdadala na lamang ng jaket para kung sakaling umulan
ay hindi ka mababasa.
b. Wala akong gagawin. Bahala na si nanay sa akin.
c. Sasabihin sa nanay na may babala ng malakas na ulan at
magdadala kayo ng payong at jaket.
d. Hindi maniniwala sa babalang narinig kasi minsan ay
nagkakamali rin naman sila.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

25. Ang iyong pamilya ay maghahanda ng Emergency Box


bilang paghahanda para sa sakuna o kalamidad. Sinabi ng
tatay mo na mahahalagang bagay lamang ang ilalagay.
Ano-ano ang dapat ilagay sa Emergency Box?
a. Softdrinks, candy, at chichirya.
b. Gamot, tsinelas, damit, paboritong laruan, at libro.
c. De-latang pagkain, kalan, juice, kurtina at kumot.
d. Tubig, biskwit, kumot, damit, de-latang pagkain, gamot,
baterya at flashlight.

26. May babala ng bagyo sa inyong lugar. Inaasahan ang


matinding pagbaha. Ang inyong bahay ay malapit sa ilog.
Ano ang iyong gagawin?

a. Sabihin sa nanay ang babala at tumulong sa pag-aayos ng


gamit para kayo ay makalipat sa mas mataas at ligtas na
lugar.
b. Hintayin muna kung aabutin kayo ng baha bago lumipat ng
tirahan.
c. Makipaglaro sa kapit-bahay at umuwi kapag nagsimula ng
umulan.
d. Maligo sa ulan at hintayin ang baha upang makalangoy.

27. Paano mo maipakikita ang pananalig sa Diyos?


a. Sapat na ang pagdarasal araw-araw.
b. Tumulong sa kapuwa at magpa-picture.
c. Maging mabuti sa lahat at sundin ang mga utos ng
Panginoong Diyos.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

d. Mag-aral nang mabuti at huwag manalangin.

28. Ano ang tamang gawain sa loob ng simbahan?


a. Kumain
b. Maglaro
c. Manalangin
d. Makipag chat

29. Nakita mong pinupunit ng iyong kamag-aral ang mga


pahina ng isang banal na aklat.
a. Kukunin ko ito sa kanya at ako naman ang pupunit.
b. Hahayaan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa.
c. Tutulungan ko siya sa pagpunit nito.
d. Sasabihan ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng
banal na aklat.

30. Malakas ang tunog ng radyo habang nakikinig ang iyong


Tatay ng balita. Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na
Muslim na inyong kapitbahay.

a. Tatahimik na lamang ako habang sila ay nagdarasal.


b. Magpapaalam ka sa iyong Tatay na hihinaan mo ang radyo
dahil nagdarasal ang aming kapitbahay.
c. Hihintayin ko ang aking Tatay na sabihan akong hinaan ang
radyo.
d. Sasayaw ako habang malakas ang radyo.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

Talaan ng Tamang Sagot


1. a 16. d
2. d 17. c
3. d 18. c
4. a 19. b
5. d 20. c
6. a 21. a
7. b 22. c
8. d 23. b
9. c 24. c
10. b 25. d
11. a 26. a
12. d 27. c
13. d 28. c
14. d 29. d
15. c 30. b
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON SA
PANDAYAGNOSTIKONG PAGSUSULIT SA ESP 3

Level of Behavior, Format, No.,


No. of No.
% of SOLO & Placement of Items and the
Competencies Weeks of
Item Taxonomy Dimension of Knowledge
Taught Item
R U Ap An E C
Nakatutukoy ng natatanging
Kakayahan.
2 2 6.7% 1,2
Hal. talentong ibinigay ng
Diyos (EsP3PKP- Ia – 13)
Nakapagpapakita ng mga
natatanging kakayahan
nang may pagtitiwala sa 2 2 6.7% 3 4
sarili.
(EsP3PKP- Ia – 14)
Napahahalagahan ang
kakayahan sa paggawa. 2 1 3.33% 5
(EsP3PKP- Ib 15)
Nakatutukoy ng mga
damdamin na
nagpapamalas ng 2 1 3.33% 6
katatagan ng kalooban.
(EsP3PKP- Ic – 16)
Nakagagawa ng mga
wastong kilos at
gawi sa pangangalaga ng
1 1 3.33% 7
sariling
kalusugan at kaligtasan.
(EsP3PKP- Ie – 18)
Nakasusunod sa mga
pamantayan/tuntunin ng 1 1 3.33% 8
mag-anak. (EsP3PKP- Ii – 22)
Nakapagpapadama ng 2 2 6.7% 9 10
malasakit sa kapwa na
may karamdaman sa
pamamagitan ng mga
simpleng gawain
1.1. pagtulong at pag-
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

aalaga
1.2. pagdalaw, pag-aliw
at
pagdadala ng pagkain o
anumang bagay na
kailangan (EsP3P- IIa-b –
14)

Nakapagpapakita ng
malasakit sa may mga
kapansanan sa
pamamagitan ng:

2.1. pagbibigay ng
simpleng tulong sa
kanilang
pangangailangan

2.2. pagbibigay ng
pagkakataon upang
11
sumali at lumahok sa mga 3 2 6.7%
12
palaro o larangan ng
isport at iba pang
programang
pampaaralan
2.3 pagbibigay ng
pagkakataon
upang sumali at lumahok
sa mga
palaro at iba pang
paligsahan sa
pamayanan
(EsP3P- IIc-e – 15)
Naisasaalang-alang ang 2 2 6.7% 13 14
katayuan/ kalagayan/
pangkat etnikong
kinabibilangan ng kapwa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

bata sa pamamagitan ng:


pagbabahagi ng pagkain,
laruan, damit, gamit at iba
pa
(EsP3P- IIf-g –16)
Nakapagpapakita nang
may
kasiyahan sa pakikiisa sa
mga
gawaing pambata
1 2 6.7% 15 16
Hal. paglalaro
programa sa paaralan
(paligsahan, pagdiriwang
at iba pa)
(EsP3P- IIh-i – 17)
Nakapagpapakita ng mga 17,18
kaugaliang Pilipino tulad ng:
pagmamano,
paggamit ng "po" at "opo",
pagsunod sa tamang 2 2 6.7%
tagubilin ng mga
nakatatanda
(EsP3PPP- IIIa-b – 14)
Nakapagpapahayag na isang
tanda ng mabuting pag-
uugali ng Pilipino ang 19,
pagsunod sa tuntunin ng 2 2 6.7%
20
pamayanan
(EsP3PPP- IIIc-d– 15)
Nakapagpapanatili ng
malinis at ligtas na
pamayanan sa pamamagitan
ng: paglilinis at pakikiisa sa
gawaing pantahanan at
pangkapaligiran wastong 21,
2 2 6.7%
pagtatapon ng basura 22
palagiang pakikilahok sa
proyekto ng pamayanan na
may kinalaman sa
kapaligiran
(EsP3PPP- IIIe-g – 16)
Nakasusunod sa mga 2 2 6.7% 23,
tuntuning may kinalaman sa
kaligtasan tulad ng mga
24
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

babala at batas trapiko


pagsakay/pagbaba sa
takdang lugar
(EsP3PPP- IIIh – 17)
Nakapagpapanatili ng ligtas
na pamayanan sa
pamamagitan ng pagiging
handa sa sakuna o 2 2 6.7% 26 25
kalamidad
(EsP3PPP- IIIi – 18)
Nakapagpapakita ng pananalig sa
27-
Diyos 5 2 6.7%
(EsP3PD-IVa– 7) 28
Nakapagpapakita ng paggalang sa
29-
paniniwala ng iba tungkol sa Diyos 5 2 6.7%
(EsP3PD- IVb–8) 30
TOTAL 30 100% 2 2 8 4 9 5

You might also like