You are on page 1of 3

MINDCARE TUTORIAL CENTER

Purok Malipayon, San Isidro, General Santos City


09509552808/ 09068528021
1st QUARTER EXAMINATION
FILIPINO 9
Test I. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.Piliin ang tamang
sagot.

1. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso.


A. papalubog na ang araw
B. madaling-araw
C. katanghaliang tapat
D. hatinggabi
2. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop.
A. Pagkain
B. Patibong
C. Kampilan
D. Pana
3. sang matabang usa ang kanyang nadale.
A. Nahuli
B. Nakita
C. Naisama
D. Nadaanan
4. Sa halip na kumibo ay nag-isip na lang ng ibang paraan ang babae.
A. Humuni
B. Lumipad
C. Sumigaw
D. Kumilos
5. Namangha siya sa nakita niyang kakaibang bagay.
A. Nagalit
B. Nagsalita
C. Nagulat
D. Nanabik

Test II. Kompletuhin

Salita Proseso Uri ng morpoponemiko

Sing + tamis
Pang + basa

Takutin

Biruin
Kuha + in Pagkakaltas

Tanim + an Metatesis
Kita + mo Pag-aangkop
Test III.

1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pahayag gamit ang tono bilang masidhing patunay na masaya ka sa iyong
pagbabago?
A. Nagbago na, ako.
B. Nagbago na ako!
C. Nagbago na ako.
D. Nagbago na ako?
2. Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig ng pantig batay sa kahulugang nakatala sa panaklong. Kaibigan (Friend)
A. /Kaibi.gan/
B. /Kaibig.an/
C. /Kai.bigan/
D. /Ka.ibigan/
3. Ito ang nagpapalinaw ng mensahe o intensiyong nais ipahatid sa kausap.
A. Diin
B. Antala
C. Tono
D. Haba
4. Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig ng pantig batay sa kahulugang nakatala sa panaklong. Kasama (Companion)
A. /Kas.ama/
B. /Kasa.ma/
C. /Ka.sama/
D. /Ka.sa.ma/
5. Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang
maging mas maliwanag ang pagpaparating ng tamang damdamin sa pagpapahayag. Alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang sa mga ponemang suprasegmental?
A. Palaisipan
B. Intonasyon, Tono at Punto
C. Haba at Diin
D. Hinto o Antala
6. Ang wika ay ________________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon. Alin ang angkop na salita para sa
pangungusap?
A. /bu.hay/
B. /buhay/
C. buh-ay
D. /bu—hay/
7. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon at kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
A. Hinto o Antala
B. Haba at Diin
C. Palaisipan
D. Intonasyon, Tono at Punto
8. Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig ng pantig batay sa kahulugang nakatala sa panaklong. Manonood (To watch)
A. /Mano.nood/
B. /Mano, nood/
C. /Manono.od/
D. /Ma.nonood/
9. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito? “Hindi, akin ang makapal na aklat na iyan!”
A. Sinasabing hindi makapal ang aklat.
B. Sinasabing makapal ang aklat na itinuturo.
C. Sinasabing siya ang may-ari ng aklat na itinuro.
D. Sinasabing hindi sa kanya ang aklat na itinuturo.
10. Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig ng pantig batay sa kahulugang nakatala sa panaklong. Magsasaka (Farmer)
A. /Magsa.saka/
B. /Mag.sasaka/
C. /Magsasa.ka/
D. /Magsasa, ka/
11. Ang tono, intonasyon at punto ay naipakikita sa pamamagitan ng paggamit ng______?
A. pahilis na guhit o kuwit
B. mga bantas (tuldok, tandang padamdam at tandang pananong)
C. tuldok at malaking letra
12. Ang antala o hinto ay naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng ________?
A. pahilis na guhit o kuwit
B. tuldok at malaking letra
C. mga bantas (tuldok, tandang padamdam at tandang pananong)
13. Ang diin ay naipapakita sa paggamit ng ________?
A. pahilis na guhit o kuwit
B. mga bantas (tuldok, tandang padamdam at tandang pananong)
C. tuldok at malaking letra
14. Ang ponema ay galing sa salitang Griyego na phoneme na ibig sabihan ay_________?
A. makabuluhang tunog
B. makabuluhang salita
C. makabuluhang letra
15. Ang ponemang segmental ay tunog na kumakatawan sa mga patinig at katinig na titik
A. Mali
B. Tama

You might also like