You are on page 1of 78

EPP V

Date: ____________

I. Layunin:
 Natatalakay ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata

Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa Sarili

II. Paksang Aralin:


Mga Pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 2-3; BEC A.1.1.1 ph 56


Kagamitan : Larawan ng nagdadalaga at nagbibinata, at mga bata

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak:
Paghambingin ang mga larawan. May pagkakaiba ba ang nakalarawan? Anu-ano ang
inyong napansin? Anu-ano ang kaibahan sa pisikal na kaanyuan

B. Panlinang na Gawain:
1. Ipahinuha ang pagbabagong nagaganap sa isang batang nagdadalaga at nagbibinata. Itala sa
pisara.
2. Pangkatin ang mga bata at bigyan ng ilang minuto upang mabatid sa batayang aklat kung
tama ang hinuha.
3. Pagtatalakayan ng mga pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata
Hal.
Nagdadalaga Nagbibinata
a. Tumatangkad a. Tumatangkad
b. Nagkakaroon ng tagihawat b. Lumalaki at bumababa ang boses
c. Nagiging palaayos sa sarili c. Lumalapad ang dibdib
4. Paglalahat
Anu-ano ang mga pagbabagon nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat.
Itala ang mga pagbabagon nagaganap sa inyong sarili sa pisara.
Nagdadalaga Nagbibinata
a. a.
b. b.
c. c.

IV. Pagtataya:
Ilan sa pagbabagong nagaganap sa nagbibinata/nagdadalaga ay ang sumusunod.
Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik sa wastong sagot.
_____ 1. Buwanang Dalaw a. pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga
_____ 2. Puberty b. menstruation
_____ 3. Lumalapad ang balakang c. panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
V. Takdang-Aralin:
Ipaliwanag ang maaring maging epekto ng pagbabagong pisikal sa sarili.
Bakit dapat natin itong unawain at tanggapin ng maluwag sa ating kalooban?
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natatalakay ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng katawan sa panahon ng pagreregla/
kapag bagong tuli.

Pagpapahalaga: Kalinisan

II. Paksang Aralin:


Pangangalaga ng katawan sa panahon ng pagreregla, kapag bagong tuli

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 7-9; Patnubay ng Guro ph. 4-5; BEC A.1.1.2 p, 56
Kagamitan : larawan ng sanitary napkin/mgagamit, di-komersyal na gamut ng bagong tuli

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
- Pag-usapan kung kailang o anong gulang nagkaroon ng regal ang isang babe, at kung ilang
araw umabot ang isang menstrual cycle. Pag-usapan din ang pagtutli.
- Ipakita ang larawan ng sanitary napkin, itanong kung sino ang gumagamit nito.
- Itanong kung sino ang nagpatuli na, at ano ang nararamdaman nila.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pangkatin sa dalawang grupo ang bata.
Ang isang grupo ay mag-uusap tungkol sa pangangailangan ng katawan sa panahon ng
pagreregla at ikalawa ay tungkol sa pangagalaga ng bagong tuli. Pag-uulat ng dalawang
grupo tungkol sa sariling nasaliksik tungkol sa pangangalaga ng katawan sa panahon ng
pagreregla/bagong tuli.

2. Pagtalakay sa ulat at pagsago sa mga tanong


Anu-ano ang 2 uri ng pasador na maaring gamitin kapag may regal?
Anu-ano ang dapat gawin ng isang batang bagong tuli?

3. Paglalahat
Pangatwiranan kung bakit dapat malaman ang kahalagahan ng wastong pangangalaga o
kalinisan ng katawan sa panahon ng pagreregla/kapag bagong tuli.

IV. Pagtataya:
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita n wastong pangangalaga sa panahon ng
regal/tuli, Mali kung di-wasto.
_____ 1. Dapat maligo kapag may regal.
_____ 2. Hindi kakain ng maasim kapag may regla/bagong tuli.
_____ 3. Ang regla ay isang sakit.

V. Takdang-Aralin:
Makipag-usap sa nanay, tatay o nakatatandang kapatid na babae (ate), lalaki(kuya), tungkol sa
kanilang karanasa ng sila’y nagdadalaga/nagbibinata.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang wastong pangangalaga ng katawan sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga

Pagpapahalaga: Kalinisan

II. Paksang Aralin:


Pagsasagawa ng Pangangalaga sa katawan sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 7-8; Patnubay ng Guro; BEC A.1.1.3 ph 56


Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Itanong kung anu-ano ang mga pangunahing pagkasariang pagbabago ang nagaganap sa isang
nagdadalaga at nagbibinata. Ganyakin ang mga bata na magsalaysay ng karanasan nang una
siyang dinatnan ng regla.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad sa pamamagitan ng Brain Storming. Pagbibigay ng Guro ng tanong tungkol sa
pagsasagawa ng wastong pangangalaga ng katawan sa panahon ng pagdadalaga. Itala sa
pisara ang lahat ng sagot ng mga bata. Lagyan ng tsek ang tamang sagot at ekis ang maling
sagot.

2. Pagtalakayan o Pagsusuri
Bakit kailangan ang pag-iingat at kalinisan ng katawan sa panahon ng pag-reregla?
Paano ninyo isasagawa ang pangangalaga sa inyon sarili kapag may regla?

3. Paglalahat
Magbigay ng mga paraan ng pagsasagawa ng pangangalaga ng inyong sarili kapag
kayo’y may regla.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Paano ka maliligo kapag may regla?
Ano ang dapat mong gawin kapag sumasakit ang iyong puson kapag may regla?

IV. Pagtataya:
Isulat kung tama o mali ang sumusunod na kaugalian kapag may regla.
_____ 1. Huwag kumain ng maasim na pagkain.
_____ 2. Manatiling nakahiga kapag may regla.
_____ 3. Kailangan ang kalinisan sa katawan kapag may regla.

V. Takdang-Aralin:
Maghanda ang bawat pangkat ng isang cartolina na nagpapakita ng pagsasagawa ng
pangangalaga sa katawan kapag may regla.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nagagamit ang angkop na kasuotan sa iba’t-ibang panahon at pagkakataon

Pagpapahalaga: Pagkamaingat

II. Paksang Aralin:


Angkop na kasuotan sa iba’t-ibang panahon at pagkakataon

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 11-12; BEC A.1.2.1 ph 56


Kagamitan : Tunay na kasuotan at mga larawan ng iba’t-ibang uri ng kasuotan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Hanay A Hanay B
1. Damit Pantrabaho a. kasuotang yari sa plastic o goma
2. Damit Pantag-ulan b. kasuotang manipis at nagbibigay ng magaan
na pakiramdam
3. Damit Pagtag-init c. kasuotang yari sa makapa na tela o kaagad
kinakapitan ng dumi
2. Pagganyak
Tanungin ang mga bata. Gusto ba ninyong malaman ang mga damit na angkop sa lugar at
okasyon na inyong pupuntahan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Tingnan natin ang iba’t-ibang uri ng kasuotan (tama o mali) – damit ng manggagawa,
uniporme, duster, pantulog, short, sando at damit panlaro.
Alin kasuotan ang gusto ninyo?
Ipakuha isa-isa sa mga bata.

2. Talakayin kung kalian isusuot ang napiling kasuotan at bakit. Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng
kasuotan ang maaring isuot na.
a. pumasok
b. panlaro o pang-ehersisyo
c. pantulog o pambahay

3. Paglalahat
Anu-ano ang angkop na kausotan sa iba’t-ibang panahon at pagkakataon?
Anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsusuot ng iba’t-ibang kasuotan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
“Fashion Show” ng bawat pangkat
Ipalabas sa mga bata ang dala nilang damit.
Pagtanghalin ang bawat pangkat, sabay na sasabihin ang angkop na
Panahon at pagkakataon kung ito ay isusuot.
IV. Pagtataya:
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang magagara at kaakit-akit na damit ay isinusuot kung _________.
a. maglalarao c. dadalo sa party
b. matutulog d. magtatrabaho
2. Papasok sa paaralan si Patricia, ano ang kanyang isusuot?
a. short c. uniporme
b. t-shirt d. panjama
3. Ang maluwang at maginhawa sa katawan na damit ay isinusuot na _________.
a. panlaro c. pambahay
b. pansimba d. pang-okasyon

V. Takdang-Aralin:
Gumupit ng mga larawan ng iba’t-ibang kasuotan at idikit sa typewriting ayon sa kanilang uri.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakasusunod sa mga pagnkaligtasan at pangkalusugang gawi na may kinalaman s wastong
pangangalaga ng kasuotan

Pagpapahalaga: Kalinisan at Kaayusan

II. Paksang Aralin:


Pangangalaga sa Kasuotan

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 13; BEC A.1.2.2 ph 56


Kagamitan : Mga larawan ng malinis na bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Tukuyin kung anong uri ng kasuotan ang dapat isuot na naayon sa pagkakataon at sa
panahon
a. Kaarawan ng matalik mong kaibigan at si Lea na inaasahan dadalo. Ano ang damit na
isusuot mo bago ka matulog?
b. Kailangang pumasok ka sa paaralan ng maaga, anong uri ng damit ang isussuot mo?

2. Pagganyak:
Tingnan nating kung sino sa kamag-aral ang may pinakamaayos at pinakamalinis na
pananamit.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Alamin natin sa kamag-aral ninyong may pinakamalinis na damit ang wastong paraan ng
pangangalaga niya sa kanyang kasuotan.

2. Pagtalakay
a. Anu-anong pangangalaga ang ginagawa mo upang mapanatiling malinis at maayos ang
kasuotan habang ito ay suot mo? At pagkahubad mo sa isinuot mong damit?
b. Paano namang pangangalaga ang ginawa mo kapag ang damit na di sinadadyan
namantsahan? Natastas at naalis ang butones?

3. Paglalahat
Bakit kailangang nating pangalagaan ang mga kasuotan sa araw-araw? Ano ang dapat
gawin?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Tumawag ng 2 bata. Ang unang bata, sasabihin ang wastong pangangalaga sa kalinisan
ng kasuotan,. Ang ikalawang bata, isasakilos ang ibinigay na pamamaraan ng pangangalaga
sa kalinisan ng damit.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng  kung wasto at x kung mali.
_____ 1. Iwasan ang pag-upo sa maruruming lugar.
_____ 2. Gawing punasan ang laylayan ng damit.
_____ 3. Tahiin ang tanggal o tastas na butones.

V. Takdang-Aralin:
Pangalagaan ang kasuotan araw-araw.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Makapagkukumpuni ng sira/punit ng damit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng
pahilis/ tatlong sulok na punit

Pagpapahalaga: Matiyaga at Masinop sa Paggawa

II. Paksang Aralin:


Pagkukumpuni ng sira/punit na damit - Pagsusulsi

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 14; BEC A.1.2.3 ph 56


Kagamitan : Pinalakihang larawan ng maayos na pagsusulsi; mga kagamitan sa pananahi
(sewing kit), retaso

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang iba’t-ibang paraan ng pangangalaga sa kasuotan?

2. Pagganyak
Magkaroon ng Pantomine
May nakaupon batang babae. Nagbabasa siya ng aklat. Bigla siyang tatayo at nasabit sa
pako ang kanyang damit. Nagkaroon ng punit ang kanyang palda. Ano kaya ang gagawin
niya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ang pagsusulisi ay isang paraan ang pagkukumpuni ng mga punit na kasuotan. Ginagawa
ito bago labhan ang damit. Tahing patustos ang ginagamit sa pagsusulsi sa kamay. Maaring
magsulsi rin sa makina o sewing machine.
Ipaliwanag ang pagsusulsi ng pahilis/tatlong sulok nap unit sa pamamagitan ng larawan.

2. Pagsusuri/Pagtalakay
Mga tuntunin o hakbang sa pagsusulsi
a. Gumamit ng manipis na karayon na may mahabang mata at matulis sa dulo.
b. Gumamit ng sinulid na kasing-uri at kakulay ng damit na susulsehan.
c. Hawakan ang damit sa karayagan o sa harapan nito
d. Magsimulang manahi sa kanan patungong kaliwa. Gawing pantay-pantay ang laki ng
bawat tahing patustos.
e. Iwasang maging pantay-pantay ang haba ng bawat linya ng tahi. Gawing salit-salitan ang
haba ng tahi pagdating sa dulo upang maiwasan ang panibagong punit s dakong
panagsulsihan.
f. Gawing lapat at katmtaman ang higp9it ng mga tahi. Kukulubot ang tahi kung sobrang
higpit.
g. Plantsahin ang sinulsihan nap unit upang maging malinis at lapat

3. Paglalahat
Paano nating maisasagawa nang maayos at wasto ang pagkukmpuni ng punit na damit?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat.
Pagsulsihin ang mga bata ng pahilis nap unit/tatlong sulok na punit.

IV. Pagtataya:
Sagutin ang tseklis
Pamantayan Oo Bahagya Hindi
1. Kumpleto ba ang kagaitan ko sa pananahi?
2. Lapat ba at katamtaman ang higpit ng mga tahi?
3. Malinis ba at maayos ang sinulsihang punit?

V. Takdang-Aralin:
Magsulsi ng tatlong sulok na punit sa kapirasong tela.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakapagkukumpuni ng sira/punit ng damit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng
pagtatagpi

Pagpapahalaga: Maingat sa Paggawa, Matiyaga

II. Paksang Aralin:


Pagkukumpuni ng sirang kasuotan

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 15-16; BEC A.1.2.3 ph 56


Kagamitan : Sewing kit

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang karaniwang sira ng kasuotan?

2. Pagganyak
Pagpapakita ng iba’t ibang ________ ng kasuotan tulad ng butas. Anong pagkukumpuni
ang maaring gawing dito?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ang Pagtatagpi
a. Ang mga butas na gawa ng mapanirang kulisap at iba pang peste ay kinukumpuni sa
pamamagitan ng pagtatagpi. Ginagamitan ng kapiraong telang katulad ng nabuas na dait
kapag nagtatagpi. Ang tagpi ay maaring galling sa mga retaso ng damit. Kung wala nito,
maaring lumuha ng maliit na piraso sa ilalim ng laylayan ng damit na kukumpunihin para
rito.
b. Pagpapakitang gawa habang nagpapaliwanag ng mga hakbang sa pagtatagpi.
(p. 15-16 ng aklat)

2. Pagsasagawa ng wastong hakbang sa pagtatagpi. Isagawa ng maingat.

3. Paglalahat
Bakit dapat kayong matutong magkumpuni ng mga kasuotan tulad ng pagtatagpi?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Nagkaroon ng butas ang paborito mong short. Ano ang gagawin mo? Paano ito
isasagawa?

IV. Pagtataya:
Gamitin ang iskor kard sa pagmamarka
Katangian Puntos Puntos ng Bata
1. Nagugupitan ang himulmol sa gilid ng butas 20%
2. Nagugupitan ang 4 na sulok ng butas at naitupi
papasok 20%
3. Naitupi ang mga gilid ng pagtagpi 20%
4. Wasto ba ang paglalapt ng pagtatagpi sa telang
may butas 20%
5. Naaspili at naihilbana ang gilid ng pagtagpi
at gilid ng butas 20%
100%
V. Takdang-Aralin:
Magsulsi ng dait na may punit.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang wastong pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan

Pagpapahalaga: Maingat sa Paggawa - Matiyaga

II. Paksang Aralin:


Pagkukumpuni ng kasuotan

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 13-16; BEC A.1.2.3.2 ph 57


Kagamitan : Sewing kit, sirang kasuotan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pagkukumpuni ng damit?

2. Pagganyak
Magkaroon ng Pantomine
Nagbabasa ka ng aklat, bigla kang tatayo at masasabit sa pako ang iyng damit.
Nagkaroon ng punit ang palda. Ano ang gagawin mo?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Mga karaniwang sira ng kasuotan;
a. punit - tuwid nap unit, pahilis nap unit, tatlong sulok na punit
b. butas
c. tastas na ladlaran ng damit

2. Pagsusuri sa sira ng kasuotan at pagbibigay ng angkop na paraan ng pagkukumpuni nito,


tulad ng pagsusulsi, pagtagpi at paglililip.

3. Paglalahat
Paano maisasagawa nang maayos at wasto ang pag-kukumpuni ng damit?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pagkumpuni sad ala na sirang kasuotan ng bawat mag-aaral.
Isagawa ito ng angkop at maayos

IV. Pagtataya:
Sagutin ang tseklis
Mga Pamantayan o Bahagya Hindi
1. Kumpleto ang kagamitan sa pananahi
2. Malinis at maayos ang pagkumpuni
3. Natapos ang gawain sa takdang panahon
V. Takdang-Aralin:
Magkumpuni ng sirang kasuotan ng mga kasambahay. Gawin itong maayos at wasto upang
maisuot pang muli ang damit.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipapakita ang wastong pamamaraan ng pamamalantsa

Pagpapahalaga: Maingat na Paggawa

II. Paksang Aralin:


Wastong Pamamaraan ng Pamamalantsa

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 20-21; BEC A.1.2.4 ph 57


Kagamitan : Kagamitan sa pamamalantsa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Sa anu-anong paraan makukumpuni ang sira ng kasuotan?

2. Pagganyak
Sino ang may suot na inalmirulan?
Bakit kailangang almirulan ang mga kasuotan o iba pang kasuotang kagamitang
pambahay?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Hatiin ang mga bata sa dalawang pangkat at ipagawa ang sumusunod. Ipangkat ang mga
damit na dapat plantsahin at hindi dapat plantsahin. Gamitin ang plaskard na nakasulat ang
iba’t ibangg kasuotan o kagamitan.

2. Pagtatalakay
Mga hakbang sa pamamalantsa. Ito ay paraan ng pag-aalis ng lukot sa damit dulot ng
paglalaba.
a. Ihanda ang kagamitan tulad ng plantsa, plantsahan o pakabayo at mga damit. Punasan
ang ilalim ng plantsa bago gamitin.
b. Plantsahin muna ang makakapal na damit bago ang maninipis. Baligtarin ang amit at
plantsahin ang mba bulsa, hugpungan at ang dobleng kapal ng tela ng kuwelyo at
laylayan.
c. Ibalik muli sa karayagan ang damit at plantsahin ang kuwelyo, manggas, likod at
harapang bahagi ng damit. Sa palda at pantaloon, unahin ang bahaging baywang bago
plantsahin ang kabuuan.
d. Isabit sa hanger o tiklupin ng maayos bago itago sa aparador o cabinet.

3. Paglalahat
Bakit mahalagang matutong mamalantsa ng damit o kasuotan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
May dadaluhan kang kaarawan ngunit labada pa ang blouse na gusto mong isuot.
Nagpasya ka na plantsahin ito, sabihin ang hakbang na gagawin mo.
IV. Pagtataya:
Pagsasagawa ng 5 pangkat ng pamamalantsa ng polo/blouse. Gamitin ang tseklis
Pamantayan Oo Bahagya Hindi
1. Kumpleto ba ang kagamitan sa pamamalantsa?
2. Naging maingat basa paggawa?
3. Natapos ba ang gagawin sa takdang panahon?

V. Takdang-Aralin:
Ipagawa ang pamamalantsa ng sariling uniporme. Sumangguni sa nanay o nakatatandang kapatid
sa simula upang makuha ang kanilang tiwala sa inyong kakayahan.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natatalakay ang mga salita na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkain

Pagpapahalaga: Pagtitipid.

II. Paksang Aralin:


Pagbabalak ng Pagkain

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 70-73; BEC A.2.2.3.1 ph 59; MG p. 43


Kagamitan : Larawan ng pagkain, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pagkaing kailangan n gating katawan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Mga dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkain.
a. Isaalang-alang at gamiting gabay ang tatlong pangunahing pangkat ng pagkain sa
pagbabalak at paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.
b. Pangangailangan ng katawan ng bawat kasapi
c. Badyet para sa pagkain.
d. Panahon na iuukol sa paghahanda at pagluluto.
e. Paggamit ng huwaran ng pagkain o meal pattern bilang gabay sa pagbabalak ng agahan,
tanghalian at hapunan.

2. Pagtalakay
Suriin ang menu ng agahan at tanghalian kung naisa-alang-alang ang mga salik sa
pagbabalak ng pagkain.

3. Paglalahat
Ano an gating gagamiting gabay kapag nagbabalak ng pagkain?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Suriin kung naisa-alang-alang ni Aling Marina ang salik sa pagbabalak ng pagkain, sa
nakatalang pagkain sa hapunan.
kanin ginisang amplaya
pritong isda pakwan

IV. Pagtataya:
Isulat sa patlang kung tama o mali ang isinasaad ng mga sumusunod na pahayag.
_____ 1. Palagiang sundin ang gusting kainin ng mga bata.
_____ 2. May mga pagkaing hindi mahal pero masustansiya.
_____ 3. Higit na masusutansiya ang pagkaing mahal
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng tala ng inyong kinain para sa hapunan.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakapagbabalak ng masustansiya, mura at sapat na pagkain para sa mag-anak

Pagpapahalaga: Pagkamalikhain at Pagtitipid

II. Paksang Aralin:


Pagbabalak ng Masustansiya, Mura at Sapat na Pagkain ng Mag-anak

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 70-73; BEC A.2.2.3.2 ph 59; Manwal ng Guro p. 43-45
Kagamitan : Hulmahan ng pagkain; talaan ng mga pagkain; pangkat ng pagkain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga salita na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkain?

2. Pagganyak:
Ipasalaysay sa mga bata ang kanilang kuro-kuro o karanasan sa pagpaplano o pagbabalak
ng pagkain sa kanilang mag-anak.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
a. Ipakikita ng guro ang mga kagamitan/gabay sa pagbabalak ng masustansiya, mura at
sapat na pagkain tulad ng:
- hulwaran ng pagkain
- halimbawa ng mga menu o nilutong pagkain
- pangkat ng pagkain
b. Aktual na ipakikita ang halimbawa. Isaalang-alang ang sustansiyang makukuha sa mga
pagkain, halaga at kung ito’y sapat o angkop sa mag-anak.

2. Pagsusuri/Pagtalakay
Ano ang kaibhan ng hulwaran ng agahan at sa tanghalian o hapunan?
Makukuha ba ang sustansiya na kailangan n gating katawan?
Kung masusunod ba ang hulwaran ay makapgbabalak na kayo ng pagkain para sa tatlong
kainan?

3. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbabalak ng pagkain?
Kung mahusay ang pagbabalak ng pagkain, ano ang naibibigay nito sa mag-anak?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Papagbalakin ang mga bata ng masustansiya, mura, sapat at napapahanon na pagkain para
sa almusal.
IV. Pagtataya:
Magbalak ng pagkain o menu para sa hapunan. Bigyang halaga ang kaalamang napag-aralan sa
pamamagitan ng iskor kard.
Talaan ng Pagkain Oo Bahagya Hindi
1. Madali bang ihanda ang mga potahe?
2. Maayos ba ang kumbinasyon ng mga putaheng ihahain
sa bawat pagkain?
3. Nababagay ba ang inilistang pagkain para sa oras na ito
ay kaainin?

V. Takdang-Aralin:
Magbalak ng talaan ng pagkain para sa buong mag-anak para sa isang linggo.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang wastong paraan ng pamimili

Pagpapahalaga: Pagiging Mapanuri

II. Paksang Aralin:


Wastong Pamamaraan ng Pamimili

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 74-76; BEC A.2.2.3.3 ph 59; MG p. 45-47


Kagamitan : Larawan ng Namimili sa palengke, grocerya, supermarket; karne ng baka, baboy,
manok; timbangan o kiluhan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Paano makapagbabalak ng mura ngunit masustansiyang pagkain?

2. Pagganyak:
Saan kaya kumukuha ng mga sangkap na kailangan sa pagluluto ng pagkain?
Nakapunta na ba kayo sa palengke, groserya, supermarket?
Anong pananda ang dapat gawin upang mapadali ang pamimili?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Magpakita ng mga pagkaing sariwa o mataas ang uri. Pag-usapan ang mga katanigan ng
bawat isa at iba pang tuntunin at paalala sa pamimili.

2. Pagtalakay
Anu-ano ang dapat tandaan sa pamimili ng pagkaing sariwa gaya ng isda, karne ng baboy
at manok, mga gulay, prutas at iba pang uri ng pagkain?
Paano mamimili ng mga pagkaing nasa lata?
Bakit dapat tayong matuto sa tamang paggamit ng timbangan o kiluhan?

3. Paglalahat
Anu-ano ang dapat tandaan sa pamimili ng mga pagkaing sariwa at iba pang mataas na
uri ng pagkain?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Papaghandain ng dula-dulaan tungkol sa wastong paraan
ng pamimili.

IV. Pagtataya:
Punan ang patlang nang tamang sagot upang maisagawa nang wasto ang pamimili.
1. Gumawa muna ng ___________ bago mamalengke.
2. Bumili ng pagkaing ___________ upang makatipid.
3. Ang sariwang karne ng baboy ay ___________ ang laman.
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng listahan o talaan ng mga pagkaing bibilhin ng inyong nanay para sa kinabukasang
pangangailangan.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakagagawa ng talatakdaan ng mga gawain ng mag-anak para sa isang araw.

Pagpapahalaga: Pagtutulungan at Pagkakaisa sa Gawain

II. Paksang Aralin:


Paggawa ng Talatakdaan ng mga gawain para sa isang araw

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 43-45; BEC A.2.2.2.2 ph 59


Kagamitan : larawan ng modelong talatakdaan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga paraan ng pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan?

2. Paghahawan ng balakid:
Ibigay ang kahulugan
a. talatakdaan b. pormat c. pansarili

3. Pagganyak:
Sa umagang paggising n’yo, ano ang una n’yong ginagawa? Sino ang naghahanda ng
pagkain? Sino ang magliligpit ng inyong hapag kainan? Iugnay ito sa aralin

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagbasa ng batayang aklat p. 43-45

2. Pagtalakay
Ano ang kahulugan ng talatakdaan ng gawain?
Anu-ano ang kahalagahan ng talatakdaan ng gawain?
Ipakita ang wastong paraan ng paggawa ng talatakdaan.

3. Paglalahat
Bakit mahalaga na magkaroon ng sariling talatakdaan ang isang mag-anak?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Bumuo ng isang talatakdaan ng mag-anak para sa isang linggo.

IV. Pagtataya:
Gumamit ng tseklis sa pagmamarka ng mga gawain
Pamantayan Oo Hindi Bahagya
1. Ang gawain ay matatapos sa nakatakdang oras
2. Nakasulat lahat ang mga gawain sa isang araw
3. Ang bawat isa ay magagampanang maayos ang
Nakatakdang gawain
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng talatakdaan sa araw-araw na may pasok .
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natatalakay ang mga paraan ng pag-aalaga ng maysakit, matanda at iba pang kasapi ng mag-anak

Pagpapahalaga: Pagkamaalalahanin at Pagkamasipag

II. Paksang Aralin:


Paraan ng Pag-aalaga ng Maysakit, Matanda at iba pang Kasapi ng Mag-anak

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 35-40; BEC A.2.2.1.1


Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ibigay ang katangiang dapat mong taglayin, kung ikawa ay mag-aalaga ng maysakit o
may kapansanan.

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang nagkaroon ng sakit/karamdaman?
Ano ang ginawa sa inyo ng inyong mga magulang?
Paano kayo inalagaan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Igrupo ang bata at ipaulat ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng maysakit.

2. Pagtalakay
Anu-ano ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng maysakit?
Paano ang wastong paraan nag pagkuha ng sumusunod na impormasyon tungkol sa
maysakit?
a. paghinga b. pulso c. temperature

3. Paglalahat
Bakit mahalagang malaman ang wastong paraan ng pag-aalaga ng maysakit?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Igrupo ang mga bata at ipapakita ang sumusunod na paraan sa:
a. pag-aalaga sa maysakit
b. pag-aalaga sa matanda

IV. Pagtataya:
Isulat ang T kung tama ang pangungusap ang M kung mali
_____ 1. Malamig na tubig ang dapat ipunas sa taong maysakit.
_____ 2. Iwanang nag-iisa ang maysakit.
_____ 3. Ipadama ang pagmamahal sa mga matatanda.
V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang mga paraan ng pag-aalaga sa maysakit, matatanda at iba pang kasapi ng mag-anak.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipakikita ang wastong pamamaraan/panuntunang pangkalusugan/pangkaligtasan sa pag-aalaga
ng maysakit matanda at iba pa.

Pagpapahalaga: Pagmamahal at Pagtitiyaga

II. Paksang Aralin:


Wastong Pag-aalaga sa Maysakit

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 38-40; BEC A.2.2.1.2


Kagamitan : Larawan ng may sakit; mga kasangkapan at kagamitang gamit sa pag-aalaga ng
maysakit

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang tinatawag nating reseta? Liquid diet? Temperatura? Bakit mahalagang ito ay
ating alam?

2. Pagganyak:
Sino ang katulong ng doctor sa panggagamot? Ano sa palagay n’yo ang trabaho/gawain
ng isang nars? May kilala ba kayong nars?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
a. Pagbasa sa batayang aklat tungkol sa aralin
b. Pag-iisa-isa sa mga paraan ng wastong pangangalaga ng maysakit/matatanda.

2. Pagtalakay
Anu-ano ang alituntunin sa pag-aalaga ng maysakit?
Paano ang wastong paraan sa pag-aalaga ng may kapansanan?
Bakit kailangang maayos ang tahanan?

3. Paglalahat
Ang wastong pangangalaga sa maysakit ay dapat sundin upang mapadali ang kanilang
paggaling.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Igrupo ang mga bata at ipakita ang wastong paraan sa mga sumusunod
a. pag-aayos
b. pagpupunas sa maysakit

IV. Pagtataya:
Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali
_____ 1. Unang pagsilibihan ang maysakit bago ang mag-anak.
_____ 2. Hindi dapat dundin ang reseta ng doctor.
_____ 3. Maligamgam ang pagmamahal sa maysakit.

V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang mga paraan ng pag-aayos at pagpapaganda nag tahanan?
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga paraan ng pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan

Pagpapahalaga: Kagandahan, Kaayusan at Kalinisan

II. Paksang Aralin:


Pag-aayos at Pagpapaganda ng Tahanan

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 41-60; BEC A.2.2.2.1


Kagamitan : Larawan ng iba’t ibang silid ng tahanan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Iba’t ibang silid ng tahanan

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan at pagtatanong tungkol diot.
Sino ang nag-aayos ng inyong tahanan?
Paano ka makatutulong sa pag-aayos ng inyong tahanan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ipakuha ang teksto at pagtatanong tungkol dito. Pag-usapan ang mga gawaing pang-araw-
araw, panlinguhan o pangbuwanan.

2. Pagtalakay
Bakit kailangang pagandahin ang loob ng tahanan?
Anu-anong palamuti ang maaring ilagay sa loob ng tahanan?
Bakit naglalagay ng palamuti sa tahanan?

3. Paglalahat
Ang mga alituntunin sa paglalagay ng mga plamuti sa tahanan at paglilinis ng buhay ay
dapat sundin upang maging maganda, kasiya-siya at maayos tingnan ng mag-anak.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Bakit mahalagang malaman ang mga paraan ng pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng  ang tamang hanay kung ang paraan ang pag-aayos ng tahanan ay pang-araw-araw,
lingguhan o buwanan.
Pang-araw-araw Lingguhan Buwanan
1. Pagtatapon ng basura
2. Pagpupunas ng alikabok sa mga
Kasangkapan
3. Paglalagay ng plorwaks
V. Takdang-Aralin:
Isulat ang inyong mga gawain sa pang-araw-araw at ilagay din kung anong oras n’yo ito
isinasagawa.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakagagawa ng kagamitang pantahanan tungo sa pagpapaganda at pag-aayos ng tahanan sa
mahusay at matipid na pamamaraan

Pagpapahalaga: Pagkamalikhain

II. Paksang Aralin:


Paggawa ng Kagamitang Pantahanan – Bulaklak na Yari sa Straw

Sanggunian : BEC A.2.2.2.5 ph58


Kagamitan : Mga straw, stick, gunting, scotch tape

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga gawaing gingawa sa loob ng tahanan?

2. Pagganyak:
Anu-ano ba ang mga karaniwan nating nakikita na palamuti sa tahanan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ipakita ang natapos na mga bulaklak na yari sa straw. Magpakitang halimbawa kung
paano ito ginawa. Ipaliwanag ang bawat hakbang.

2. Pagtalakay
Pag-usapan ang gawa ng mga bata
Pagpapakitang gawa ng mga bata
Pag-aayos ng mga natapos nga bulaklak

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga hakbang sa paggawa ng bulaklak na yari sa straw.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Paggawa ng mga bata, pag-aayos at paglalagay nito sa vase.

IV. Pagtataya:
Gumamit ng iskor kard
Oo Hindi
1. Naiaayos ba lahat ng kagamitang gagamitin?
2. Nasunod ba ang mga hakbang sa paggawa ng bulaklak?
3. Natapos bas a takdang oras ang gawain?

V. Takdang-Aralin:
Ipagpatuloy sa bahay ang hindi natapos na proyekto.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakasusunod sa wasto at matipid na pagmamaraan ng paghahanda ng pagkain nang may
kasiyahan.

Pagpapahalaga: Kalinisan, Katipiran: Paggawa ng may Kalinisan

II. Paksang Aralin:


Paghahanda ng Pagkain

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 76-79; BEC A.2.2.3.4.1 d.59


Kagamitan : Larawan ng kagamitan sa paghahanda ng pagkain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Paano tayo mamimili ng isda? Gulay? Prutas? Karne?

2. Pagganyak:
Ano ang inihandang pagkain ng nanay mo kaninang umaga?
Alam mo ba kung paano niya ito inihanda?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan
Paano at saan ginagamit ang mga kagamitang ito?

2. Pagtalakay
Anu-ano ang mga paraan ng paghahanda ng pagkain?
Paano ito ginagawa?
Anu-ano ang gagawin sa kasangkapan bago at matapos gamitin?
Paano makapgtitipid ng mga sangkap sa paghahanda ng pagkain?
Anong uri ng damdamin ang dapat nating madama habang naghahanda ng pagkain?

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga pamamaraan ng paghahanda ng pagkain?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatin ang mga bata as 4 na grupo at ipakitang gawa nila ang tig-3 paraan ng
paghahanda ng pagkain nang may kasiyahan, pag-iingat at pagtitipid.

IV. Pagtataya:
Gamitin ang tseklis sa paghahanda ng pagkain. Lagyan ng  ang hanay na sinunod.
Tseklis ng Paghahanda ng Pagkain
Oo Hindi
1. Inalis ko ang roes at alahas.
2. Naghugas ako ng kamay bago ko hinawakan ang pagkain
3. Nagsuot ako ng epron at headband bago gumawa
4. Tahimik, masaya at maingat ako habang gumagawa
5. Maingat ako sa mga kagamitang may talim

V. Takdang-Aralin:
1. Anu-ano ang mga pamamaraan ng pagluluto ng pagkain.
2. Iguhit ang mga paraan ng paghahanda ng pagkain sa isang putting papel.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakasusunod sa wasto at matipid na pamamaraan ng pagluluto ng pagkain nang may kasiyahan

Pagpapahalaga: Katipiran, Kalinisan

II. Paksang Aralin:


Mga Paraan ng Pagluluto

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 79-83; BEC A.2.2.3.4.2 d. 59


Kagamitan : Plaskard ng mga paraan sa pagluluto ng pagkain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga paraan ng paghahanda ng pagkain?
Paano natin ito maisasagawa nang may kalinisan, katipiran kasiyahan at pag-iingat?

2. Pagganyak:
Pagbasa at pagdidikit ng plaskard sa pisara
Alam ba ninyo kung paano ito ginagawa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Narito ang iba’t ibang paraan ng pagluluto ng pagkain. Paano natin ito gagawin?

2. Pagtalakay
Bakit dapat nating lutuin ang mga pagkain?
Paano makatitipid sa mga sangkap na gagamitin?
Bakit dapat magtipid at maging maingat habang nagluluto?
Paano nating mapapanatiling malinis ang lugar na pinaggawaan?

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga paraan ng pagluluto ng pagkain?
Paano natin ito gagawin?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Ilista ang mga kasangkapan, kagamitan at mga sangkap sa pagluluto bukas, gayundin ang
paraan ng paglulutong gagawin.

IV. Pagtataya:
Sagutin ng tama o mali ang mga sumusunod n sitwasyon.
_____ 1. Ang pagpapakulo, paglalaga at pagbabanli ay ginagamitan ng tubig.
_____ 2. Pagsasangkutsa ang tawag sa paraan ng pagluluto ng pagkain sa ibabaw ng uling.
_____ 3. Ang pagluluto ng cake, biskwit, at tinapay ay ginagamitan ng paghuhurno.
V. Takdang-Aralin:
Magdala ng kagamitan, kasangkapan at mga sangkap sa pagluluto bukas.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang wasto at matipid na pamamaraan ng pagluluto ng pagkain nany may kasiyahan

Pagpapahalaga: Kalinisan, Katipiran: Pakikiisa sa Paggawa

II. Paksang Aralin:


Pagsasagawa ng Wasto at Matipid n Pamamaraan ng Pagluluto

Sanggunian : BEC A.2.2.3.4.3 ph 59


Kagamitan : Mga kasangkapan, kagamitan at sangkap sa pagluluto

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pamamaraan ng pagluluto?
Alin ang pinakamatipid?

2. Pagganyak:
Anu-anong paraan ng pagluluto ang gagawin ninyo ngayon?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Anu-anong putahe ang inyong iluluto?
Kumpleto ba ang mga kagamitan at sangkap na inyong gagamitin?

2. Pagtalakay
a. Nakalista ba at alam ninyo kun anu-ano ang mga sangkap ng gagamitin at kung gaano
karami ang kakailanganin?
b. Malinis ba ang mga kasangkapan sa pagluluto at ano ang gagawin dito pagkatapos
magluto?
c. Paano mo maipakikita ang pakikiisa sa inyong grupo?

3. Paglalahat
Paano ninyo isasagawa ang sunud-sunod na paraan ng pag-luluto?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Isagawa ang pagluluto ng mga putahe/resiping inyong iginayak.

IV. Pagtataya:
Gamitin ang tseklis. Sagutin ang mga pamantayan ng Oo, Bahagya, Hindi:
Pamantayan Oo Bahagya Hindi
1. Kumpleto ang mga dinala naming kagamitan at sangkap.
2. Nag-iingat sa paghawak ng mga kagamitang may talim.
3. Nailuto ang putahe nang tamang-tama.
4. Natapos ang gawain sa takdang panahon.
5. Gumawa nang may kasiyahan, pag-iingat at pagkakaisa.

V. Takdang-Aralin:
Paano ang iba’t ibang paraan ng pagdudulot ng pagkain?
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakapagdudulot ng pagkain s buong mag-anak sa wastong paraan at ng may kasiyahan.

Pagpapahalaga: Kalinisan, Kaayusan

II. Paksang Aralin:


Pagdudulot ng Pagkain sa Hapag-Kainan

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 84-86; BEC A.2.2.3.5 ph 59


Kagamitan : tunay na kagamitan sa pagkain, larawan ng mga paraan ng paghahain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang wastong paraan ng pagluluto ng pagkain?
Anong paraan ang ginamit ninyo sa pagluluto?

2. Paghahawan ng Balakid:
table napkin
placemat
cover

3. Pagganyak:
Pagpapakita ng isang larawan ng paghahain ng karaniwang ginagamit ng isang mag-anak
gamit ang mga tunay na kagamitan sa pagkain.
Paano ang wastong paghahain sa mesa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng hapag-kainan na may iba’t ibang paraan ng paghahain.
Ipakitang turo ang aktuwal na hakbang sa pagdudulot ng pagkain sa hapag-kainan

2. Pagtalakay
Anu-ano ang mga paraan ng pag-aayos ng hapag-kainan?
Anu-ano ang katangian ng bawat isa?
Paano napapanatiling malinis at maayos ang hapag-kainan?

3. Paglalahat
Anong uri ng pagdudulot ng pagkain ang angkop na gamitin ng isang mag-anak sa araw-
araw?
Paano ito ginagawa? Ano ang dapat mong maging damdamin habang ginagawa ito?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Ipagawa sa bawat pangkat ang tamang pagdudulot ng pagkain- Family o English Style.
IV. Pagtataya:
Gamitin ang tseklis. Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat pamantayan.
1. Kumpleto ang kagamitan sa paghahain.
2. Malinis, maayos at maingat ang paghahain.
3. Wasto ang pagkakaayos ng mga kagamitan sa pagkain
4. Naisagawa ang Family o English Style ng pagdudulot ng pagkain nang may kasiyahan.

V. Takdang-Aralin:
Ipaguhit sa putting papel ang iba’t ibang paraan ng pagdudulot ng pagkain.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipakikita ang kasiyahan sa paglilinis ng pinaglutuan at ng hapag-kainan nang may kasiyahan.

Pagpapahalaga: Kalinisan, Kaayusan: Kasiyahan sa Paggawa

II. Paksang Aralin:


Pagliligpit at Paghuhugas ng mg Pinagkainan: Pagliligpit ng mga Kagamitan sa Kusina

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 86 ; BEC A.2.2.3.6 ph 59


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 91-93
Kagamitan : Mga larawang nagpapakita ng naghuhugas at nagliligpit sa kusina, malinis at maayos
na kusina

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Dula-dulaan
Paano ang iba’t ibang paraan ng pag-aayos ng hapag-kainan?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng malinis at maayos na kusina.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
Paano kaya natin makakamit ang isang malinis at maayos na kusina?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagkatapos kumain ng mag-anak, ano ang gagawain sa pinakainan at pinaglutuan?
Sino ang dapat na maglinis at mag-ayos sa kusina?

2. Pagtalakay
Paano ang tamag pagliligpit ng pinagkainan?
Paano ang sunod-sunod na hakbang sa paghuhugas ng kasangkapan?
Ano ang maaring gawin habang naghihintay maluto ang pagkain?
Ano ang kahalagahan ng pagiging malinis, maayos at maingat na pagliligpit at
paghuhugas ng mga kagamitan sa pagkain at pagluluto?

3. Paglalahat
Pagsunod-sunurin ang mga pamamaraan ng pagliligpit at paghuhugas ng mg pinagkainan
at pinaglutuan.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Ipagawa ang sunod-sunod na paraan ng pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan at
pinaglutuan.

IV. Pagtataya:
Sagutin ng tama o Mali
_____ 1. Inuuna ang paghuhugs ng kagamitan sa apgluluto kaysa kagamitan sa pagkain.
_____ 2. Dapat na patuyuin muna ang kasangkapan bago itago.
_____ 3. Sa pagtatanggal ng sebo ay dapat gumamit ng maligamgam na tubig

V. Takdang-Aralin:
Isagawa sa bahay ang natutunan sa aralin.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga pangunahing gawaing pangkabuhayan sa pamayanan

Pagpapahalaga: Kasipagan

II. Paksang Aralin:


Mga Gawaing Pangkabuhayan

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 107-108; BEC A.1.1. ph 9


Kagamitan : Larawan ng mga pangunahing gawaing pagkabuhayan sa pamayanan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Bakit mahalaga ang paggawa?
Pag-usapang muli ang hanapbuhay ng ama, ina at mg kapatid.

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan. Pag-usapan ang tungkol sa larawang ipinakita ng guro.
Ano ang pangunahing hanapbuhay dito sa ating pamayanan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pag-usapan ang mga gawaing pangkabuhayan sa pamayanan
- Pagsasaka - Pananahi
- Paghahayupan - Paghahalaman

2. Pagtalakay
Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao sa ating lugar?
Bakit ganitong uri ng hanapbuhay ang trabaho ng mga tagarito?
Anong kabutihan ang maidudulot ng mgal ikas na yaman sa kabuhayan ng mga tao sa
isang pamayanan?

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga gawaing pangkabuhayan sa inyong pamayanan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Ipasulat sa mga bata ang gawaing pangkabuhayan na umiiral sa pamayanan
Ipalista din ang mga produktong nakukuha mula sa mg gawaing itinala.

IV. Pagtataya:
Piliin mula sa Hanay B ang mga produktong ibinibigay ng mga gawaing pangkabuhayan sa
Hanay A. isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
A B
1. Pangingisda a. yaring damit
2. Pagsasaka b. daing
3. Pananahi c. palay
4. Pag-aalaga ng hayop d. baboy

V. Takdang-Aralin:
Gumupit o gumuhit ng isa o dalawang uri ng gawaing pangkabuhayan s inyong pamayanan.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natatalakay kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mag-anak at pamayanan ang
mga gawaing mapagkakakitaan.

Pagpapahalaga: Kasipagan

II. Paksang Aralin:


Mga Gawaing Mapagkakakitaan

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 107-108; BEC B.1.2 ph 59


Kagamitan : Larawan ng mg pangunahing gawaing pangkabuhayan sa pamayanan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pag-usapang muli ang hanapbuhay ng bawat kasapi ng mag-anak

2. Pagganyak:
Ipamasid sa mga bata ang mga larawan at hayaang kilalanin ng mga bata ang
nakalarawan.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ngayon ay pag-aralan natin kung paano makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng
mag-anak at pamayanan ang mga gawaing mapagkakakitaan.
Magpapakita ang piling mga bata ng isang dula-dulaan na magpapakita ng kabutihang
dulot ng paghahalaman sa kanilang pamilya o mag-anak.

2. Pagtalakay
Pag-usapan ang ginawang dula-dulaan.
Paano nakatulong sa pamilya Santos ang kanilang paghahaaman?
Ano naman ang masasaabi ninyo sa pamilya Cruz?
Paano naman nakatulong sa kanila ang kanilang pinagkakakitaan?

3. Paglalahat

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Ipatala sa mga bata ang mga gawaing mapagkakakitaan ng mga mag-anak at pamayanan.
Itala din kung paano ito nakatutulong s kanilang pamumuhay.

IV. Pagtataya:
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mag-anak at pamayanan ang gawaing
mapagkakitaan?

V. Takdang-Aralin:
Sumulat at gumuhit ng mga gawain na maaring pagkakitaan ng mag-anak sa isang pamayanan.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naiuugnay ang uri ng hanapbuhay sa pagtugon sa pangangailangan ng mag-anak.

Pagpapahalaga: Kasipagan

II. Paksang Aralin:


Mga Pangunahing Uri ng Paggawa

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 1080-109; BEC B.1.3 ph 60


Kagamitan : Larawan ng mga pangunahing hanapbuhay sa pamayanan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pangunahing gawain sa ating pamayanan?

2. Pagganyak:
Sa inyong palagay, anong uri ng hanapbuhay ang kailangan ng isang mag-anak?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pag-usapan ang tungkol sa hanapbuhay na makatutugon sa pangangailangan ng mag-
anak.
Hal. Pagsasaka, Paghahabi, Pagkakarpintero

2. Pagtalakay
Magpasalaysay sa mga bata ng tungkol sa hanap-buhay ng kanilang magulang.
Ipabanggit ang mga pangangailangang natutugunan s pamamagitan ng kanilang hanapbuhay.
Ano ang hanapbuhay ng inyong mga magulang?
Matutugunan bang lahat ng kita ng inyong mga magulang ang inyong mga
pangangailangan sa pang-araw-araw?

3. Paglalahat
Bakit kailangang may hanapbuhay ang mga miyembro ng ating mag-anak?
Paano matutugunan nito ang pangangailangan ng mag-anak?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Paano nakatutulong ang iba’t ibang gawain sa pagtugon sa pangangailangan ng mag-
anak?

IV. Pagtataya:
Piliin kung anong uri ng pangangailangan sa Hanay B ang kaugnay na hanapbuhay sa Hanay A.
Isulat ang titik sa sagutang papel.
A.
1. Pagtitinda a. isda at mga lamang-dagat
2. Pananahi b. de-lata, gamut, sabon atbp.
3. Pagsasaka c. damit at iba pang yari sa tela
4. Pangingisda d. bigas, gulay at prutas

V. Takdang-Aralin:
Iguhit ang uri ng hanapbuhay ng inyong mga magulang.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natatalakay kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng gawaing mapgkakakitaan ng mag-anak
ang kanais-nais na kaugalian at pagpapahalaga sa paggawa.

Pagpapahalaga: Moral sa Paggawa

II. Paksang Aralin:


Ang Moral sa Paggawa

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 110-111; BEC B.2.1.1 ph 60


Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pagtatanong sa mga bata tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan na napag-aralan noong
nasa ikaapat na baitang.

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan na nagsisilbing
libangan ng mag-anak.
Mayroon ba kayong taniman ng gulay sa inyong bakuran o likod-bahay?
May naidudulot ba itong kabutihan sa iyong mag-anak at pamayanan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Magpakita ng mga larawan tungkol sa mga gawain na nagpapakita ng mga kanais-nais na
kaugalian at mga larawang nagpapakita ng mga batang ayaw gumawa nang kusa.

2. Pagtalakay
Pagkumpirmain ang dalawang larawan
Bakit ninyo nasabing nagpapakita ng kanais-nais na kaugalian at pagpapahalaga sa
paggawa ang isang larawan? Bakit kabaligtaran ang isang larawan?
Paano makatutulong ang kanais-nais na kaugalian sa paggawa sa pag-unlad ng
kabuhayan sa pamilay?

3. Paglalahat
Bakit mahalagang ipakita ang kanais-nais na pag-uugali at pagpapahalaga sa paggawa?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Ano ang kahalagahan ng kanais-nais na pag-uugali at pagpapahalaga sa paggawa?
Ipakita ang mga kanais-nais na ugali sa pamamagitan ng dula-dulaan.

IV. Pagtataya:
Sagutin ng Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng kanais-nais na kaugalian at Mali kung
hindi.
_____ 1. Gawin ang gusting gawing at walang pakialam sa mga kapitbahay.
_____ 2. Gumawa nang kusa, hindi sapilitan at may pagpapahalaga sa oras.
_____ 3. Ang mga kasangkapang ginamit ay pabayaan na lang kahit saan.

V. Takdang-Aralin:
Magtanong sa mga nakatatanda at isulat ang ilang mga mapaglilibangan ng bawat pamilya at
bukod dito ay napagkakakitaan pa rin nila.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang kanai-nais na kaugalian at pagpapahalaga sa paggawa habang ginagampanan
ang gawain

Pagpapahalaga: Mabuting Pag-uugali

II. Paksang Aralin:


Kaugalian at Pagpapahalaga sa Paggawa

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 110-111; BEC B.2.2 ph 60


Kagamitan : Larawan ng mga batang gumagawa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang kahalagahan ng kanai-nais na kaugalian at pagpapahalaga sa paggawa?

2. Pagganyak:
Nakapagtanim naba kayo ng halaman?
Ano ang inyong karanasan dito na hindi ninyo makalilimutan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng isang batang gumagawa ng kusa.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Ganito ba kayo habang gumagawa?
Bigyang katwiran ang inyong sagot.

2. Pagtalakay
Bakit mahalagang ipakita o ipahayag ang kanais-nais na pag-uugali at pagpapahalaga sa
paggawa?
Paano ma maipakikita ang kanais-nais na kaugalian sa paggawa?
Ano ang mabuting bunga ng mga moral na paggawa?

3. Paglalahat
Paano mo maipakikita ang mga kanais-nais na kaugalian sa paggawa?
Magbigay ng ilang kanais-nais na pag-uugali sa paggawa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Gumawa ng isang maikling dula-dulaan na
nagpapakita ng mga kanais-nais na kaugalian at pagpapahalaga sa paggawa.
Pagtatanim
Pagdidilig
Pagbubungkal ng lupa
IV. Pagtataya:
Gamitin ang tseklis. Sagutin ng Oo kung ito ay nagpapakita ng kasiyahan habang gumagawa at
Hindi kung napipilitan lang sa paggawa.
Kaugalian Oo Hindi
1. Gumagawa kahit nakasimangot
2. Nakangiti o pumipito habang nagdidilig ng halaman
3. Nagdadabog habang gumagawa sa halaman

V. Takdang-Aralin:
Magdala ng mga halamang ornamental na matatagpuan sa inyong pamayanan.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga halamang ornamental sa pamayanan na maaring itanim

Pagpapahalaga: Kasipagan

II. Paksang Aralin:


Mga Halamang Ornamental sa Pamayanan

Sanggunian : BEC B.3.1.1 ph 60


Kagamitan : larawan ng mga halamang ornamental/ namumulaklak

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang halamang ornamental?
Magbigay ng ilang halimbawa?

2. Pagganyak:
Bakit mahalaga ang mga bulaklak sa paligid?
Paano itinatanim ang mga halamang ornamental? Namumulaklak?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Isama ang mga mag-aaral sa halamanan ng paaralan at kilalanin ang mga halamang
ornamental na matatagpuan dito.

2. Pagtalakay
Talakayin ang iba’t ibang halamang ornamental na nakita sa halamanan at ang iba pa na
matatagpuan sa pamayanan.
Sampaguita Satan
Rose Gumamela
Pag-usapan ang mga sumusunod:
Anu-anong halamang ornamental ang maaring itanim?
Paano ang wastong pagtatanim?
Ano ang kahalagahan ng halamang ornamental?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatin sa dalawa ang mga bata.
Paligsahan sila sa pagtukoy kung anong uri ng kagamitan at kasangkapan ang ipakikita
ng guro. Sasabihin din ng mga bata kung ano ang gamit ng bawat isang kagamitan o
kasangkapan.

IV. Pagtataya:
Iugnay ang mga kasangkapan at kagamitan sa Hanay A sa gamit nito sa Hanay B
A
1. Pala a. pampantay ng lupa
2. Asarol b. gamit sa paglilipat ng lupa
3. Kalaykay c. pambungkal ng lupa

V. Takdang-Aralin:
Iguhit ang mga kasangkapan at kagamitan sa paghahalaman sa puting papel. Gumawa ng isang
album ng mga kagamitan.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman at gamit ng bawat isa.

Pagpapahalaga: Pagkamasipag

II. Paksang Aralin:


Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paghahalaman

Sanggunian : BEC B.3.2.1.1 d. 60;


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 111-113
Kagamitan : Larawan nag nagdadalaga at nagbibinata, at mga bata

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga halamang ornamental na maaring itanim at ipagbili?
Magbigay ng halimbawa.

2. Pagganyak:
Inutusan kayong magtanim ng halaman. Anu-ano ang mga kagamitang kakailanganin
ninyo?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ipakita ang tsart ng mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman.
Itanong sa mga bata kung alam nila kung anu-ano ang tawag sa mga kagamitan at
kasangkapan sa paghahalaman at kung no ang gamta ng bawat isa.

2. Pagtalakay
Anu-ano ang mga kagamitang ito?
Paano at saan ito ginagamit?
Anu-anong kasangkapan ang magkakatulad ang gamit?
Anong kabutihan ang maidudulot ng mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman at
kung ano an gamit ng bawat isa?

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga kasangkapan at kagamitan sa paghahalaman at ano ang gamit ng bawat
isa?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Magbigay ng dalawang uri ng halamang ornamental sa pamayanan na kung itatanim ay
makatutulong hindi lamang sa pagpapaganda ng paligid bagkus ay makatutulong din sa pag-
unlad ng kabuhayan ng mag-anak.

IV. Pagtataya:
Lagyan ng  ang mga halamang ornamental sa ating pamayanan itanim at ekis x kung hindi.
1. kalabasa 3. rose
2. sampaguita 4. dapo

V. Takdang-Aralin:
Magtanim ng mga halamang ornamental sa loob ng sariling bakuran.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga kagamitang paghalili sa mga kasangkapan sa paghahalaman

Pagpapahalaga: Pagkamalikhain

II. Paksang Aralin:


Mga Kagamitang Panghalili

Sanggunian : BEC B.3.2.1 ph 60


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 114
Kagamitan : Mga tunay o larawan n mga kagamitang maaring ipanghalili sa mga kasangkapan sa
paghahalaman

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga kasangkapan/kagamitan sa paghahalaman?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan o tunay na bagay ng mga kasangkapan sa paghahalaman
Anu-ano ang mga kasangkapang ito?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Hatin sa apat na pangkat ang mga bata
Hayaang magbigay ng mga halimbawa ng mga kagamitang panghalili sa mga
kasangkapan sa paghahalaman ang bawat bata sa kanilang grupo.
Ipatala ang mga ito sa kanilang kwadero.

2. Pagtalakay
Talakayin ang mga ibinigay na halimbawa ng mga bata
Anong kasangkapan ang maaring ihalili sa pandilig o rigadera?
Paano naman makakagawa ng kalaykay kung walang magagamit?
Anong kagamitan ang maaring ipanghalili sa bareta?

3. Paglalahat
Anu-anong mga kagamitan ang maaring ipanghalili sa mga kasangkapan sa
paghahalaman?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pinagdadala kayo ng inyong guro ng asarol na gagamitin sa pagbubungkal ng lupang
tatamnan. Wala kayo nito. Ano ang maari mong dalhin upang may magamit ka sa
pagbubungkal ng lupa?
IV. Pagtataya:
Piliin ang mga kagamitan sa Hanay A na maaaring ipanghalili sa mga kagamitan sa
paghahalaman sa Hanay B. isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
A B
1. Timba at tabong butas a. Bareta
2 Matulis na kahoy at bakal b. Pala
3. Pandakot c. Rigadera
4. Lumang sinyanse/Sandok d. Kalaykay
5. Walis tingting e. Trowel/ Dulos

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng isa o dalawang kasangkapang panghalili sa mga kasangkapan sa paghahalaman
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipamalas ang pagkamaparaan upang matugunan ang kakulangan sa kasangkapan/kagamitan sa
pagtatanim

Pagpapahalaga: Pagkamaparaan

II. Paksang Aralin:


Pagkamaparaan sa Pagtugon sa Kakulangan sa Kasangkapan/Kagamitan sa Pagtatanim

Sanggunian : BEC B.3.2.2 d.61


Kagamitan : mga kawayan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga kasangkapang maaring ipanghalili sa mga kasangkapan sa
paghahalaman?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga kasangkapan sa pagtatanim.
Ano ang gagawin ninyo kung wala kayong ganitong uri ng kasangkapan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagkatin ang mga bata at itanong kung ano ang maari nilang gamitin sa pagtatanim kung
walang kasangkapan sa pagtatanim?

2. Pagtalakay
Pagtalakay kung paano nila mabubungkal ang taniman ng walan asarol.
Anu-anong kasangkapan ang maaaring gamitin sa pagtatanim?
Pag-iisa-isa ng mga maaaring pamalit sa mga kasangkapan sa pagtatanim.

3. Paglalahat
Paano makatutulong ang pagiging maparaan upang matugunan ang kakulangan sa
kasangkapan/kagamitan sa pagtatanim?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pinagtatanim kayo ng halaman sa loob ng inyong bakuran pero wala kahit isang
kagamitan sa pagtatanim.
Ano ang inyong gagawin?

IV. Pagtataya:
Sagutin ng Tama o Mali ang kaisipang ipinahahayag
_____ 1. Sa halip na asaro ay maari tayong gumamit ng kawayang dulos sa pagbubungkal ng lupa.
_____ 2. Maari tayong gumamit ng mga lata o gallon sa pagdidilig ng halaman.
_____ 3. Hinid magiging maayos ang pagtatanim kung hindi tayo gagamit ng tulos at pisi.
V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman?
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang panuntunang pangkalusugan/pangkaligtasan sa paghahalaman

Pagpapahalaga: Pangkalusugan; Pangkaligtasan

II. Paksang Aralin:


Pagsasagawa ng Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paghahalaman

Sanggunian : BEC B.3.3 ph 61


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 122
Kagamitan : Mga tunay o larawan ng kasangkapan sa paghahalaman

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Paano ang wastong paghawak at paggamit ng bawat kasangkapan sa paghahalaman?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga kasangkapan sa paghahalaman.
Sabihin na ang mga kasangkapang ito ay kanilang gagamitin sa paghahalaman.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Anu-ano ang mga tuntuning dapat nating sundin habang tayo ay naghahalaman?
Isulat sa pisara ang mga panuntunang sasabihin ng mga bata.

2. Pagtalakay
Talakaying isa-isa ang mga panuntunang nakasulat sa pisara.
Bakit kailangang suriin muna ang mga kasangkapan bago ito gamitin?
Saang lugar dapat ilagay ang matutulis na kasangkapan kapag hindi ginagamit?
Bakit kailangang iligpit ang mga kasangkapan matapos itong gamitin?

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga dapat nating gawin upang hindi tayo masugatan at malayo sa panganib
habang ginagamit ang mga kasangkapan sa pagtatanim?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatin ang mga bata sa 5 grupo at isama sila sa halamanan.
Ipahanda ang kamang kanilang tataniman. Subaybayan sila sa kanilang ginagawa.

IV. Pagtataya:
Gamiting ang iskor kard sa pagmamarka sa mga bata habang isinasagawa ng mga bata ang
kanilang kamang pagtataniman.
Antas ng Kasanayan
5 - Napakahusay 3 - Mahusay 1 - Hindi Mahusay
4. - Higit na mahusay 2 - Mahusay-husay
1. Inayos ang mga kasangkapan bago gamitin.
2. Naging maingat sa paggamit ng kasangkapan.
3. Isinauli sa tamang lalagyan ang mga kasangkapan pagkatapos gamitin.

V. Takdang-Aralin:
Iguhit sa isang putting papel ang mga kasangkapang gingagamit sa paghahalaman.
Magdala ng pisi at 4 na pisarasong tulos.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nakagagawa ng simpleng plano/layout ng taniman

Pagpapahalaga: Paggawa ng may Kaayusan

II. Paksang Aralin:


Paggawa ng Plano ng Taniman

Sanggunian : BEC B.3.4.2 ph 61


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 118
Kagamitan : pisi, 4 na pirasong tulos o patpat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga paraan ng pagtatanim?
Paano ito isinasagawa?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng pisi at mga tulos o patpat
Anu-ano ang mga ito?
Saan at paano ito ginagamit o gagamitin?
Anu-ano ang mga dapat nating gawin bago magtanim?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Upang maging matagumpay ang atign gagawing halamanan ay kailangang gumawa muna
tayo ng plano o layout ng taniman.
Paano ito isasagawa?
Paano mo ito maihahalintulad sa plano ng isang ipatatayong bahay?

2. Pagtalakay
Pangkating ang mga bata sa tatlo. Ang unang pangkat ay magpapalano ng halamanang
gulay, ang isa ay halamang ornamental at ang huli ay halamanang prutas.
Anu-anong mga bagay ang dapat nating isaalang-alang sa paggawa ng plano ng taniman?
Paano ang paggawa ng plano ng taniman?
Paano itong magiging malinis at maayos?]

3. Paglalahat
Paano ang paggawa ng plano/layout ng taniman?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Hayaang magplano ang tatlong pangkat.
Ipasulat ang planong nagawa ng bawat pangkat. Hayaang gawing ng mga bata ang layout
ng kanilang ginawa.
IV. Pagtataya:
Gumawa ng simpleng plano/layout ng taniman na may magkahalong prutas at gulay sa isang
papel.

V. Takdang-Aralin:
Igawa ng plano/layout ng taniman ang inyong bakuran sa isang putting papel.
Magdala ng halamang ornamental na maaring itanim.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Nasusunod ang wastong paraan ng di-tuwirang pagtatanim ng mga halamang ornamental

Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

II. Paksang Aralin:


Wastong Paraan ng Di-tuwirang Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental - Pagpupunla

Sanggunian : BEC B.3.4.2.2 ph 61


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 124
Kagamitan : Larawan ng mga halamang ornamental, kahong punlaan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Paano ang mga hakbangin sa paghahanda ng lupang pagtataniman ng halaman?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng mga halamang ornamental pagkatapos umawit ng “Roses are
red.”
Anong uri ng halaman ang nasa larawan?
Paano ito itinatanim?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Paano itinatanim ang halamang ornamental?
Anu-ano ang mga halamang ornamental na itinatanim ng di-tuwiran?

2. Pagtalakay
Anu-ano ang mga kagamitang ginagamit sa di-tuwirang pagtatanim?
Anong pinakamahalagang kagamitan ang ginagamit sa di-tuwirang pagtatanim ng
halamang ornamental?
Paano inaalagaan ang buto/binhi hanggang sa ito a;y maari nang itanim sa permanenteng
taniman?

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga hakbang sa di-tuwirang pagtatanim ng mga halamang ornamental?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatin ang mga bata sa tatlo.
Hayaang sabihin ng mga bata ang sunod-sunod na hakbang sa di-tuwirang pagtatanim ng
mga halamang ornamental.
IV. Pagtataya:
Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na hakbang sa di-tuwirang pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa pamamagitan ng bilang 1, 2, 3, 4, 5. Isa para sa pinakauna at 5 para sa pinahuli.
_____ 1. Alisin na ang takip ng punlaan.
_____ 2. Ihanda ang butong mahusay na itanim/ipunla.
_____ 3. Ilipat ngang buong ingat ang punla.
_____ 4. Ihanda ang kahong punlaan nam ay tamang lupa.
_____ 5. Diligan ang mga punla bago ilipat sa permanenteng taniman.

V. Takdang-Aralin:
Magdala ng punla ng halamang ornamental para itanim.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang wastong paraan ng di-tuwirang pagtatanim ng mga halamang ornamental

Pagpapahalaga: Kusang Paggawa: Pakikiisa

II. Paksang Aralin:


Wastong Paraan ng Di-tuwirang Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Sanggunian : BEC B.3.5 ph 61


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 124
Kagamitan : Mga punla ng halamang ornamental tulad ng zinnia, sunflower, at iba pa; larawan ng
mga batang naglilipat-tanim

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Paano ang paghahanda ng lupang taniman?
Anu-ano ang mga hakbang pagsasagawa nito?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga punla ng halamang ornamental tulad ng zinnia o sunflower
Anong uri ng halamang punla ito?
Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Anong uri ng pagtatanim ang dapat nating gamitin sa mga halamang tulad ng zinnia at
sunflower.
Paano natin ito dapat gawin?

2. Pagtalakay
Pangkatin ang mga bata sa lima.
Itanong ang mga bagay na dapat gawin sa mga pangkatang gawain. Bigyang diin ang
pakikiisa ng bawat kasapi.
Ipaisa-isa sa bawat pangkat ang mga paraan ng di-tuwirang pagtatanim ng halamang
ornamental.

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga wastong hakbang sa di-tuwirang pagtatanim ng halamang ornamental?
Paano ito isinasagawa?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng di-tuwirang pagtatanim ng halamang ornamental.
IV. Pagtataya:
Gamitin ang sumusunod na tseklis sa pagmamarka ng natapos na gawain ng bawat pangkat.
Mga Pamantayan Marka Puna
1. Kumpleto ang kagamitang ginamit
2. Naihandang mabuti ang taniman
3. Napiling mabuti ang punla
4. Nailipat nang buong ingat ang punla
5. Nakikiisa nang mabuti sa gawain ang bawat
kasapi ng pangkat
Antas ng Kasanayan
5 - Napakahusay 3 - Mahusay 1 - Hindi Mahusay
4. - Higit na mahusay 2 - Mahusay-husay

V. Takdang-Aralin:
1. Magsagawa ng di-tuwirang pagtatanim ng halaman sa kanya-kanyang bakuran.
2. Magdala ng mg nabubulok na bagay tulad ng mga sumusunod:
Balat ng prutas o gulay
Ligaw na damo
Dumi ng hayop (tuyo)
Dayami
Asin at apog
Patabang kemikal
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipakikita ang hakbang sa paggawa ng compost/basket composting

Pagpapahalaga: Pagkakaisa; Pagkamalinis

II. Paksang Aralin:


Paggawa ng Compost/Basket Composting

Sanggunian : BEC B.3.6.1 ph 61; Umunlad sa Paggawa, d. 129-131


Kagamitan : Mga nabubulok na bagay, plaskard ng mga pangalan ng mga bagay na nabubulok at
di-nabubulok, mga larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga sangkap na kailangan ng halaman upang lumaki ito nang malusog?

2. Pagganyak:
Pagbasa ng plaskard ng pangalan ng mga bagay. Ipapangkat ito sa nabubulok at di-
nabubulok.
Paligsahan ng grupo ng mga babae at lalaki.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ipabasa ang mga bagay na nabubulok. Ipakita ang larawan ng mga ito. Itanong kung
anu-ano ang mga ito.
Ano ang maaring gawin sa mga nabubulok na bagay tulad nito?

2. Pagtalakay
Anu-ano ang dalawang uri ng abono?
Anu-ano ang kaibhan at pagkakatulad ng dalawang uri ng abono?
Ano ang kahalagahan ng patabang organiko?
Paano mapapanatili ang kalinisan ng lugar?

3. Paglalahat
Ipaisa-isa sa mga bata ang mga hakbang sa paggawa ng compost at basket composting.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa nang pagkatan?
Ipagawa sa mga bata ang sunod-sunod na pamamaraan sa paggawa ng compost at basket
composting.

IV. Pagtataya:
Iguhit ng sunod-sunod na paraan ng paggawa ng compost at basket composting.
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng sariling compost/basket composting sa inyong bakuran. Gamitin ang mga natutunan
sa aralin.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipakikita ang wastong pangangalaga ng lupa at mga pananim

Pagpapahalaga: Pagkamasipag, Pagkamatiyaga

II. Paksang Aralin:


Pag-aalaga ng mga Pananim

Sanggunian : BEC B.3.6.2 ph 61; Umunlad sa Paggawa, d. 128-129


Kagamitan : Tsart, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng halaman?
Paano maiingatan ang paglilipat tanim ng mga halaman?

2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan na nagsasagawa ng mga kilos sa wastong pangangalaga ng mga
pananim.
Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
May mga wastong paraan ng pangangalaga ng lupa at mga pananim. Anu-ano ito?
Ibigay ang mga pamantayan sa pagbasa ng tahimik?
Ipabasa ang batayang aklat d. 128-129

2. Pagtalakay
Kailan at gaan kadalas ang pagdidilig ng halaman?
Ano ang dapat na gawin sa mga ligaw na damo? Bakit?
Bakit kailangang pangalagaan ang lupa at mga pananim?
Paano maipakikita ang kasipagan at pagkamatiyaga sa pangangalaga ng halaman?

3. Paglalahat
Anu-ano ang dapat nating isaisip sa tuwing tayo ay mangangalaga ng lupa at mga
pananim?
Paano natin ito isasagawa nang maayos?
Paano makabubuti ang kasipagan at pagiging matiyaga sa pangangalaga ng halaman?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Ibigay ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.
Paalagaan sa mga bata ang kanilang itinamim.
IV. Pagtataya:
Sagutin ang tseklis ng Oo, Bahagya, at Hindi upang mabigyang-halaga ang pangangalaga ng mga
bata sa kanilang mga pananim.
Mga Pamantayan
1. Dinidiligan ba ang mga halaman sa tamang oras at dami?
2. Inalisan ba ang mga ligaw na damo ang mga halaman?
3. Nalalgyan ba ng pataba ang mga halamang nanganailangan?

V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng 2-3 paraan ng pangangalaga sa lupa at mga pananim na ginagawa ninyo sa inyong
bakuran.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga palatandaan ng mga bunga/tanim na dapat nang anihin

Pagpapahalaga: Pagkamaagap

II. Paksang Aralin:


Platandaan ng mga Bunga/Tanim na Aanihin

Sanggunian : BEC B.3.7.1 ph 61; Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 132


Kagamitan : plaskard, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Tumawag ng piling bata na magsasalaysay a sa nagging karanasan sa pag-aani ng
halaman.

2. Pagganyak:
Masiglang awit: Bahay Kubo
Pagbibigay ng guro ng plaskard na may titik alpabeto ang bawat pangkat. Ilalarawan ng
grupo ang palatandaan ng mga bunga/tanim at mag-uunahan ang mga grupo sa pagbuo ng
pangalan nito.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pag-uulat ng mga pangkat na maglalahad sa mga palatandaan ng mga bunga kung maari
na itong anihin.

2. Pagtalakay
Pagpapalitan ng tanong at sagot ng mga nag-uulat at mga nakikinig.
Pagbibigay katanungan n guro para sa karagdagang impormasyon.
a. Paano malalaman na ang bunga/tanim ay maari nang anihin?
b. Bakit mahalaga na maging maagap sa pag-aani ng tanim/bunga ng mga halaman?

3. Paglalahat
Ano ang palatandaan ng bunga/tanim na aanihin na?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pagpapangkat ng mga bata
Ipagawa ang talaan na nagpapakita kun kailang aanihin ang mga bunga/tanim.
Pagsasagawa ng bawat pangkat sa nakatakdang gawain sa tuong ng teksto.
Halamang Gulay Palatandaan kung Kailan Aanihin
(Takdang Panahon ng Pag-aani)
a.
b.
c.
IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutan papel.
1. Ang _____ ay karaniwang inaani kapag mamula-mula na ang kulay ng balat nito.
a. okra c. kamatis
b. sitaw d. kalabasa
2, abg _____ ng bunga ay karaniwan ding nagpapahiwatig kun maari nang anihin ang gulay.
a. laki c. hugis
b. kulay d. tigs o lambot
3. Ito ang uri ng gulay na inaani bago magbulaklak.
a. sitaw c. upo
b. talong d. petsay

V. Takdang-Aralin:
Tandaan at isagawa ang tamang panahon ng pag-aani ng bunga/tanim sa inyong bakuran.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipakikita ang paraan ng pag-aani ng produkto

Pagpapahalaga: Pagkamasunurin; Pagkamaingat

II. Paksang Aralin:


Paraan ng Pag-aani ng gma Gulay

Sanggunian : BEC B.3.7.2 ph 61;


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 132
Kagamitan : Mga halimbawa ng mga kagamitan sa pag-aani at mga gulay

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga palatandaan ng mga bunga/tanim na maari nang anihin?

2. Pagganyak:
Tanungin ang mga bata kung anu-anong uri ng gulay na kanilang itinatanim ang may
mga bunga na.
Paano kaya ang paraan ng pa-aani nito?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Magpakita ng halimbawa ng mga bunga at lamang-ugat. Ipasuri kung ang mga ito ay
maari nang anihin.

2. Pagtalakay
Talakayin ang mga palatandaan ng halamang maari nang anihin, mga kasangkapan at
kagamitang kakailanganin
Ipakitang-turo ang wasong pamamaraan ng pag-aani ng iba’t ibang uri ng halaman.

3. Paglalahat
Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pag-aani ng pag-aani ng produkto?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
Pangkatin ang mga bata
Hayaang ipakita nga bawat pangkat ang wastong paraan ng pag-aani ng iba’t ibang uri ng
halaman. Gabayan sila sa gawaing ito.

IV. Pagtataya:
Ipasagot sa mga bata ang tseklis sa ibaba. Gamitin ito sa pagbibigay-puntos.
Tseklis sa Pag-aani ng Halaman
Mga Pamantayan Oo Bahagya Hindi
1. Alam ko ang mga palatandaan ng gulay na maari
ng anihin.
2. Nasunod ko ang palatandaan ng tanim na maari nang
anihin
3. Gumamit ako ng wastong kagamitan
4. Ang mga gulay na inani ko ay husto sa gulang at maayos
5. Naging maayos ang paraan ng pag-aani at maingat

V. Takdang-Aralin:
1. Bisitahin ang mga gulay na itinatanim sa inyong mga bakuran. Tingnan kung may mga bunga na
maari ng anihin. Sundin ang natutunang jparaan ng pag-aani.
2. Magtanong sa mga magulang o nakatatanda sa ma paraan ng pagtatabi/pagtitingal ng mga
produktong inani.
EPP V
Date: ____________

I. Layunin:
 Naipaita ang wastong paraan ng pag-iimbak ng inani

Pagpapahalaga: Kalinisan, Kaayusan

II. Paksang Aralin:


Pag-iimbak ng Produktong Inani

Sanggunian : BEC B.3.8.1 ph 61;


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan d. 133
Kagamitan : Larawan ng mga kagamitan sa pag-iimbak

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Paano ang mga paraan ng pag-aani ng produktong gulay?

2. Pag-aalis ng Balakid:
Pag-iimbak

3. Pagganyak:
Tanungin ang mga bata kung napunta na sila sa bahaging prutasan at gulayan sa
palengke.
Ano ang napansin ninyo sa mga gulay at prutas na itinitinda sa palengke?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpahayagin ang mga bata tungkol sa kanilang nasaliksik na paraan ng pagtatabi at
pagtitinggal ng mga produktong inani.

2. Pagtalakay
Gamitin ang larawan. Pag-usapan ang wastong pagraan ng pag-iimbak ng mga
produktong inani upang ito ay maipagbili nang maganda ang presyo.
Paano ang wastong pag-iimbak ng mga produktong butyl tulad ng palay, munggo, mais at
iba pa?
Pare-pareho ba ang ginagawa sa mga bungang-ugat? Bakit?
Paano mapapanatili ang kalinisan at kaahyusan sa lugar na pinag-iimbakan ng mga
produkto?

3. Paglalahat
Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pag-iimbak ng mga produktogn inaani?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat
May mga tanim kayong petsay at maaari na itong anihin. Pagkaan ng petsay, paano mo
ito iimbakin?
Anong kabutihan ang makukuha natin mula sa maayos na pag-iimbak ng inaning
produkto?

IV. Pagtataya:
Sagutin ng Tama kung nagpapaktia ng wastong paraan ng pag-iimbak ng inani at Mali naman
kung hindi.
1. Ang mga bungang butyl ay maaring imbakin kahit na bagong ani at hindi na ibilad sa init ng
araw.
2. Kahong yari sa kahoy ang mainam na lalagyan ng mga gulay na dadalhin sa pamilihan.
3. Makatutulong ang dahon ng saging sa pagpapanatiling sariwa ng mga gulay na inani.

V. Takdang-Aralin:
Magtanung-tanong sa mga naghahalaman kung saan dinadala ang mga pananim nilang inaani.

You might also like