You are on page 1of 1

ANG BAYANI NG AKING BUHAY

Ang mga bayani ng aking buhay ay ang aking ama,ina at tita sa ibang
bansa.Bayani ko sila dahil sa umpisa sila ang gumagabay sa akin kung
magkakamali ako sa aking mga desisyon.Ang ikalawa bakit ko sila bayani
ay dahil sila ang bumubuhay sa akin,halimbawa sila ang
nagpapakain,sumusuporta sa aking mga gawain sa paaralan pati na sa
bahay naming.Sa dakong huli,bayani ko ang aking tita maliban sa aking
magulang dahil siya ay sumusuporta sa aming magkakapatid sa pag-aaral
upang makapagtapos kami ng pag-aaral para masuportahan din namin ang
aming mga magulang sa susunod na kami na ang mag tratrabaho para sa
kanila.

Ang mga bayani ng aking buhay ay mga importanteng tao sa aking buhay
at kung iispin ang bayani ay isang taong inalay ang kaniyang buhay para sa
bayan.Sa madaling sabi,inalay rin ng aking ama,ina at tita ang kanilang
buhay para lang sa akin walang dudang nagpapakahirap sila ng trabaho
upang mapakain at masuportahan ako at mga kapatid ko sa pang-araw-
araw napangangailangan naming.Bilang pagtatapos,ako’y nagpapasalamat
sa kanila kung wala sila wala rin ako sa mundong ito na maging masaya
katulad ng iba.

You might also like