You are on page 1of 1

ISYUNG ASYANO: ANG PAGDALUMAT SA MGA NAKATAGONG

DANAS NG MGA KATUTUBO SA MINDANAO AYON SA AKDANG


“MGA LUMADNONG SUGILANON NGA MAHINUKLOGON” NI
MELCHOR MORANTE”

Alivio, Michy Lynn G.


michylynn.alivio@g.msuiit.edu.ph
Escarpe, Mary Jane B.
maryjane.ecarpe@g.msuiit.edu.ph
Didato, Alaisah B.
alaisah.didato@g.msuiit.edu.ph

ABSTRAK
Kilala ang mga Lumad bilang isa sa mga mayroong natatanging kultura at
malawak na lupain. Ngunit sa paglipas ng mga taon unti-unti itong nagbago.
Layunin ng pag-aaral ay masuri ang akdang pampanitikan na nagsasaad sa mga
danas ng mga Lumad katulad ng puwersang pagkuha ng lupain at diskriminasyon
na dahilan sa unti-unting pagkawala ng kultura at tradisyon ng mga Lumad sa
Mindanao at sa iba pang mga katutubo na napabilang sa Asya partikular sa mga
bansang Pilipinas at Indonesia. Nagpasya na suriin at tukuyin ang mga suliranin
na dahilan nito na pinagbabatayan upang matukoy ang mga Isyung Asyano.
Ginamit sa pag-aaral ang paraang Archival Research, upang tingnan ang mga
lumang pananaliksik tulad ng mga pag-aaral na nakalimbag sa mga libro, artikulo
at sa journal na may kaugnayan sa mga suliranin ng mga katutubo sa Mindanao.
Ang ginamit na teorya sa pag-aaral ay ang Repressive State Apparatus na siyang
nagsilbing pundasyon sa ginawang papel. Binibigyan diin ang ideya kung paano
trinato ang mga Lumad.
Bilang resulta, sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa akda, nalaman
ang mga danas ng mga Lumad sa bansang Pilipinas at Indonesia. Napag-alaman
kung paano trinato ang mga ito, sa katunayang ang dalawang bansa ay may
pagkakapareho ng dinanas, ang puwersang paglipat sa kanilang sariling lupain na
tinitirahan. Sa paglipas ng maraming taon, sa tulong ng gobyerno at kilalang mga
lider ng mga Lumad na kung saan na bigyan sila ng proteksyon at pagkilala sa
pamamagitan ng nagpanukala ng mga batas.

Mga Susing Salita: Lumad, Kultura, Danas, Lupain at Lipunan

QR Code ng Artikulo:

You might also like