You are on page 1of 2

LIWANAG

Nawawala ang buwan


Kapag naaaninag na nito ang sikat ng araw,
Na parang ang mapagmahal ay siyang nilalayuan
Nang minamahal.

Iyong napagtanto na ang


Pulang sinulid ay isa lamang
Guni-guni at marahil ang dahilan
Kung bakit ika’y nagugulumihanan

Makukulay na paru-paro,
Na aking nilunok,
Na sa aking kalamnan
Ay nanlulumo.

Mga bulaklak
Na siyang namumulaklak
At gayun din ay malalanta
Kapag nawala na ang liwanag ng aking araw.
KAHULUGAN
ANG PANGANGAHULUGAN NG
TULANG AKING NAISULAT AY
TUNGKOL SA TAONG UMASA SA
PAG-IBIG NA HINDI SIYA SIGURADO
KUNG ITO'Y MAIBABALIK. MASAKIT
MAN ANG UMASA PERO ANO NAMAN
ANG MALI SA PAG-IBIG KUNG
TOTOONG MAHAL MO ANG ISANG
TAO. NA KAHIT IKA'Y MASAKTAN
AY SULIT PARIN DAHIL NAKILALA
MO ANG LIWANAG NG IYONG
MUNDO.

You might also like