You are on page 1of 2

DLP Blg.

2 Asignatura: FILIPINO Baitang: Markahan: Oras:50min


Ikalima Ikaapat
Mga Kasanayan: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng Code:F5WG-
napakinggang balita. IVa-13.1,
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pag-uulat ng nasaksihang F5PS-IVa-
pangyayari. 12.21
Susi ng Pag-unawa na Uri ng Pangungusap:
Lilinangin:
1. Pasalaysay—Nagbibigay ito ng impormasyon o kaalaman. Nagtatapos sa tuldok.
2. Patanong – Nagtatanong ito o humihiling ng kasagutan. Nagtatapos sa
tandang pananong(?).
3. Pautos--- Nag-uutos o nakikiusap ito. Nagtatapos sa tuldok(.).
4. Padamdam--- Nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng tuwa,
lungkot, pagkagulat, at iba pa. Nagtatapos sa tandang padamdam( ! ).
1. Mga Layunin
Kaalaman Nakikilala ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
Kasanayan Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita.
Kaasalan Nakatutulong upang ang tubig ay mapahahalagahan upang hindi matuyo ang kapaligiran.
Kahalagahan Napahahalagahan ang nagagawa ng tubig sa ating buhay.
2. Nilalaman Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap
3. Mga Kagamitang Laptop, Led-TV, Powerpoint Presentation, larawan,tsart
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Tumawag ng ilang batang magbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan sa kanilang
paligid tulad ng sunog, aksidente,taong lasing na nagwawala ,taong dinakip dahil sa
( 5 min ) druga,may nakitang nagnakaw, etc.at sabihing gamitin ang magagalang na pananalita sa
pagsasalaysay nito. Itanong pagkatapos, Ano-ano ang ginagamit ninyo sa pagsasalaysay
sa inyong nasaksihan? Ano-anong magagalang na pananalita ang ginamit ninyo?

4.2 Mga Gawain/Estratehiya Ano ang El Nino? Bakit dapat nating tipirin ang tubig?
Basahin ng guro ang isang balita tungkol sa pagtitipid ng tubig habang nakikinig ang mga
bata.
( 5 min )
MATINDI ANG KAKULANGAN SA TUBIG!
KAYA KAILANGAN NATING MAGTIPID!
Ayon sa mga siyentipiko ang El Nino ay nangyayari sa tuwing ang hanging papuntang
kanluran ay humina at nagiging dahilan para ang isang masa ng mainit na tubig sa
Australia ay magtungo sa West Coast ng Estados Unidos at magkaroon ng tagtuyot sa
mga bansa na nasa kanluran ng Dagat Pacifico.
Sa halip na katakutan, ang El Nino ay dapat na paghandaan. Konserbahin ang ating
yamang –tubig. Magtipid sa paggamit nito!
Ano ang magagawa ng bawat isa sa atin tungkol dito?

4.3 Pagsusuri Paano nangyayari ang El Nino ayon sa mga siyentipiko? Ano-ano ang dapat nating gawin
upang paghandaan ang El Nino? Ano ang maitatanong mo sa inyong sarili para maiwasan
ang kakulangan sa tubig?( Hayaang isulat sa pisara sa piniling batang sumagot sa mga
( 8 min ) katanungan)
Suriin ang mga pangungusap na nagawa ng mga bata sa mga kasagutan
Maaaring sagot:
1. Nangyayari ang El Nino sa tuwing ang hanging papuntang kanluran ay humina at
nagiging dahilan para ang isang masa ng mainit na tubig sa Australia ay
magtungo sa West Coast ng Estados Unidos at magkaroon ng tagtuyot sa mga
bansa na nasa kanluran ng Dagat Pacifico.
2. Konserbahin ang ating yamang-tubig.
3. Magtipid sa paggamit nito!
4. Ayusin ang tumutulong tubo at gripo.
5. Ano ang magagawa ng bawat isa sa atin tungkol dito?
Ano-anong uri ng pangungusap ang nabuo ninyo? Ano ang masasabi mo sa
unang pangungusap? Naglalahad ba ito ng impormasyon tungkol sa El Nino?
Anong uri ng pangungusap ito? Sa anong bantas ito nagtatapos?( Ganoon din
ang pagsusuri sa ika-2 hanggang ikalimang pangungusap.)
4.4 Pagtatalakay
May iba’t ibang uri ang pangungusap.
1.Pasalaysay—Nagbibigay ito ng impormasyon o kaalaman. Nagtatapos sa tuldok.
( 10 min ) Halimbawa: Ang El Nino ay isang pagkilos ng kalikasan.
2.Patanong – Nagtatanong ito o humihiling ng kasagutan. Nagtatapos sa tandang
pananong(?).
Inihanda ni:

Pangalan: Prima C. Camaongay Paaralan: Sabang Elementary School


Posisyon/Designasyon:Teacher III Sangay:Danao City
Contact Number: 09238021581 Email address: prima_camaongay009@yahoo.com

You might also like