You are on page 1of 17

Linggo 8 Araw 3

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong
sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang paksa ng napakinggang talumpati.
2. Naipapaliwanag ang kahulugan at katangian ng talumpati.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S.Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex
Bookstore, Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Talumpati ng Pangulo

Panlahatang Gawain: Iparinig at ipapanood sa klase ang talumpati ni


Pangulong Benigno Aquino III. Maaring gamitin ang video ng
Pambansang Kongreso ng wika na may link na
https//www.youtube.com/watch?v=cANB8bMTuiM

Aktibiti 2: “Talaan ng Nilalaman”

Pangkatin ang klase sa apat at hayaang magbahagi ang bawat


isa ng impormasyong nakita sa pinanood na video.
79
Isaayos ang mga impormasyon gamit ang angkop na graphic
organizer. Pumili ng isang miyembro para sa pag-uulat.

Halimbawa:
Talumpati ni Benigno Aquino: Pambansang Kongreso
Panlahat na Kaisipan Espisipikong Kaisipan
1.
2.
3.

B. Analisis:

1. Saan ka karaniwang nakakapanood at nakakarinig ng talumpati?


2. Kapag nakakapanood ka ng talumpati, ano ang nagiging pidbak mo?
3. Para sa iyo, ano ang katangiang hinahanap mo sa isang talumpati at sa
isang mananalumpati?
4. Ano ang epekto sa iyo ng napakinggang talumpati bilang mag-aaral at sa
paghahanda para sa pagsulat ng sariling talumpati?

Tanggapin ang lahat ng sagot at paliwanag ng mag-aaral. Sabihin sa


klase na ang napakinggan ay isang talumpating tekstong binibigkas sa
harap ng maraming tao at ito ay isang uri ng akademikong teksto/sulatin na
maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at
pangangatwiran.

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, ipaliwanag ang mga layunin ng


pagtatalumpati:

Talumpati

binibigkas sa
nanghihikayat naglalarawan nagsasalaysay naglalahad nangangatwiran
maraming tao

D. Aplikasyon: Sulat..Sulat din Kapag may Time

Ipatala sa mag-aaral ang mga napansing kagalingan at kahinaan ng


talumpating napakinggan/napanood upang maging batayan ng susulating
talumpati. Isulat ito sa notbuk.

Talumpati ni Benigno Aquino: Pambansang Kongreso


Kagalingan Kahinaan
1.

80
Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan
Kategorya 10-9 6-7 g Husay pang Husayin
6-5 4-1
Kaangkupan Ang mga Angkop ang May mga Lahat ng
sa datos/gawain datos/gawaing datos/gawain inilahad ay
Task/Layunin ay inilahad ay inilahad na hindi higit na
nagpapakita gaanong nangangailang
ng nagpapakita an ng
kaangkupan ng kaangkupan
kaangkupan sa gawain.
Kalinawan ng Napakahusay Mahusay ang Maliwanag Hindi malinaw
Presentasyon ng ginawang ginawang ang ang ginawang
pagpapaliwana pagpapaliwan ginawang pagpapakita
g/pagkakabuo ag/ pagpapaliwa ng mensaheng
ng mensaheng pagkakabuo nag/ nais ipabatid
ipinababatid. ng mensaheng pagkakabuo
ipinababatid ng
mensaheng
ipinababatid
Kooperasyon Ang lahat ng May Dalawa sa Halos lahat
miyembro ng pagkakaisa at miyembro ng ang miyembro
pangkat ay pagtutulungan pangkat ay ng pangkat ay
nagkakaisa at ang bawat hindi maayos walang
respeto sa miyembro. na disiplina. Hindi
isa’t-isa. Maayos ang nakikilahok maayos ang
napakaayos ng ipinakitang sa gawain. presentasyon.
kanilang presentasyon Maayos ang Nangangailang
ipinakitang ng bawat isa. ipinakita an ng disiplina
presentasyon nilang at respeto sa
dahil lahat ng presentasyon bawat isa.
miyembro ay at may kailangan lahat
kumikilos sa respeto sa ng miyembro
gawaing bawat isa. ay
nakaatang sa nikikipagtulung
bawat isa. an sa gawain.
Pagkamalikha Napakamalikh Malikhain at Maayos na Walang buhay
in/ Kasiningan ain at mahusay na napalutang ang ipinakitang
napakahusay pagpapalutang ang ideya na pagpapalutang
ng sa nais n nais ipabatid. ng mensahe at
pagpapalutang ipabatid na ideya
sa nais mensahe/impo
ipabatid na rmasyon
mensahe/impo
rmasyon

IV. Kasunduan:

Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal ni


Pangulong Benigno Aquino III at maghanda para sa talakayan kinabukasan.
81
Lingo 8 Araw 4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng
akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nauunawaan ang kahulugan ng pangangatwiran, paglalahad,
pagsasalaysay at paglalarawan.
2. Nauuri ang mga ideyang nakapaloob sa talumpati batay sa nabanggit na
paraan ng pagpapahayag.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex
Bookstore, Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Concept Web

Panlahatang Gawain: Magdrowing ng concept web sa pisara gamit ang


ilustrasyon sa ibaba

82
Gamit ang concept web, tumawag ng mga mag- aaral at ipasulat
sa pisara kung anong mga salita ang maaari nilang iugnay sa
paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan.

Aktibiti 2: Paghahabi ng Salita

Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Italaga ang bawat grupo


sa bawat isang termino na nakapalibot sa salitang talumpati. Ipasulat
sa manila paper ang mga salitang ibinahagi ng kamag-aaral at bumuo
ng isang konkretong kahulugan nito. Ibahagi sa klase pagkatapos.
Pangkat 1- Pangangatwiran
Pangkat 2- Paglalarawan
Pangkat 3- Pagsasalaysay
Pangkat 4- Paglalahad

B. Analisis:

1. Ibahagi ang nabuong kahulugan ng pagsasalaysay, pangangatwiran,


paglalahad at paglalarawan.
2. Naunawaan bang mabuti ang kahulugan ng paglalahad,
pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan. Patunayan ang
sagot
3. Kung susulat ka ng talumpati, alin sa mga nabanggit na paraan ang
gagamitin mo? Ipaliwanag ang sagot

Isa-isahin ang mga salitang isinulat ng mga mag-aaral at


talakayin ang katangian ng paglalahad, pangangatwiran,
pagsasalaysay at paglalarawan batay sa mga salitang ito.

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, magbigay ng paglalagom ng


paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa talumpati.

Pangangatwiran

Paraan ng
pagpapaha
Paglalahad Paglalarawan
yag ng
talumpati

Pagsasalaysay

83
D. Aplikasyon: Pagtupad sa Worksheet:

Upang mas malinang pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral, pangkatin


ang klase. Batay sa talakayan at binasang tekstong “Tuwid na Landas ang
Tinahak ni Rizal”. Ipasagot sa mag-aaral ang worksheet na naglalaman ng
mga katanungan sa ibaba:

Paglalahad

Sino ang Naging mabisa ba


Kailan binigkas Ano ang usaping
tagapagsalita ng ang paglalahad?
ang talumpati at inilahad ng
talumpati at sino Ipaliwanag ang
ano ang okasyon? tagapagsalita?
ang tagapakinig? sagot.

Pangangatwiran

Isa-isahin ang mga Naging mabisa ba


Magbigay ng 1-2
inihaing argumento ang
ebidensya na
ng tagapagsalita pangangatwiran?
sumuporta sa bawat
batay sa usaping Ipaliwanag ang
argumento.
inilahad. sagot.

Paglalarawan

Ibigay ang mga Naging mabisa ba


Ilarawan ang tuwid
katangian ni Rizal na ang paglalarawan?
na daan batay sa
inilarawan ng Ipaliwanag ang
talumpati.
tagapagsalita. sagot.

84
Pagsasalaysay

Isalaysay ang
Naging mabisa ba
buod ng isang
ang
kwentong ginamit
pagsasalaysay?
ng tagapagsalita
Ipaliwanag ang
sa
sagot.
talumpati.

Bigyan ng 10-15 minuto ang mga mag-aaral upang pag- usapan at


sagutin ang worksheet.
Pagkatapos ng pangkatang gawain, tumawag ng isang pangkat
upang sagutin ang isang partikular na katanungan sa itaas. Isa-isahin ang
mga pangkat hanggang maubos ang lahat ng tanong. Siguraduhing
makakasagot ang lahat ng pangkat. Tumawag lamang ng isang mag-
aaral na magsasalita para sa isang pangkat.

E. Ebalwasyon:

Susumahin ng guro ang talakayan batay sa mga sagot ng mga


mag-aaral. Muling bigyang-diin ang katangian ng paglalahad,
pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay at ang naidudulot na
epekto nito sa talumpati.

IV. KAsunduan
Ipabasa ang mga tekstong may pamagat na nakatala sa ibaba at
humada sa talakayan.
1. Talumpati sa Pagtatapos 2015 ni Keith Andrew D. Kibanoff
2. Dangal at Parangal ni Bienvenido Lumbera

85
Linggo 9 Araw 1

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong
sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nakabubuo ng isang balangkas halaw sa binasang talumpati.
2. Natutukoy ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa binasang
talumpati.
3. Nakapagpapasya ng balangkas ng sariling talumpating gagawin.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex
Bookstore, Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang


A. Aktibiti 1: Basahin at I-like

Pandalawahang Gawain: Ipakuha sa mga mag-aaral ang kopya nila ng


Talumpati sa Pagtatapos 2015 ni Keith Andrew D. Kibanoff at Dangal
at Parangal ni Bienvenido Lumbera.

Papiliin ang mga mag-aaral kung anong talumpati ang mas


nagustuhan nila at humanap ng kaklase na may kaparehong piniling
talumpati. Magpagawa ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap
ng talumpating pinili. Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat isaalang-
alang sa paggawa ng isang balangkas. Magbigay ng 5-10 minuto para
matapos ang gawain.
86
Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tig-isang magkapareha
upang ipresenta ang ginawang balangkas para sa Talumpati sa
Pagtatapos 2015 at Dangal at Parangal. Ipasulat ito sa manila paper at
pagkumparahin ang mga balangkas.

B. Analisis:

1. Paano sinimulan ang introduksyon ng dalawang talumpati?


2. Alin sa apat na paraan (paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan
at pagsasalaysay) ang ginamit sa gitnang bahagi ng talumpati.?
3. Paano naman tinapos (konklusyon) ang mga talumpati?
4. Sa kabuuan, ano ang komentong masasabi mo sa talumpati?

Pagbabahagi ng karagdagang input

Ito rin ay nangangailangan ng nakakapukaw interes na


introduksyon. Sa gitnang bahagi nito, maaaring gamitin ang
paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay. At dapat
ito ay may konklusyon o pagtatapos na naglalagom ng pangunahing
punto ng talumpati.

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, ilahad ang bahagi ng


talumpati at nilalaman ng bawat isa.

Talumpati

Introduksiyon Katawan Konklusyon

Pagpapakilala ng Paksa Paglalahad Paglalagom

Pangangatwiran

Paglalarawan

Pagsasalaysay

87
D. Aplikasyon: Magbahaginan Tayo

Ipabasa sa piling mag-aaral ang introduksyon, ang bahaging


nagsasaad ng pagsasalaysay, paglalarawan. pangangatwiran at .paglalahad,
at konklusyon ng talumpati. Pagkatapos ay mag isip ng sariling pakasa ng
talumpati at sundan ang banghay sa ibaba. Maaaring pumili ng isa o
dalawang paraan ng pagpapahayag lamang.

Paksa:________________________
Introduksyon
Katawan
Pagsasalaysay
Paglalarawan
Pangangatwiran
Paglalahad
Konklusyon

E. Ebalwasyon:

Tukuyin kung ang bawat pahayag ay simula, katawan o konklusyon ng


talumpati.
1. Kaya sa inyo mga kabataan, palaging tandaan na ang edukasyon ang
susi tungo sa tagumpay.
2. Ipinagmamalaki ng pamahalaan ang mga programang pangkabataan
gaya ng mga leadership training at self awareness seminar na mag-
aangat ng karunungan.
3. Muli magandang gabi at mabuhay tayong lahat.
4. Taos pusong pasasalamat ang nais kong ipahatid sa pagdalo ninyo sa
programang ito.
5. Mula pa noong una hanggang sa kasalukuyang henerasyon ay kinikilala
na ang husay at talento ng mga kabataan.

Susi ng Pagwawasto
1. Konklusyon
2. Katawan
3. Konklusyon
4. Introduksiyon
5. Introduksiyon

88
Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:

Rebyuhin ang ginawang banghay ng talumpati at lagyan pa ito ng


karagdagang input upang maging masanay sa mga bahagi ng talumpati.
GaGagamitin ito sa pagsisimula ng pagsulat ng talumpati.

89
Linggo 9 Araw 2

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikon
sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nakabubuo ng isang balangkas mula sa mga tema, sitwasyong gagamitin
sa sariling talumpati.
2. Nakasusulat ng sariling talumpati gamit ang mga kaalamang
natalakaymula sa mga halimbawa ng talumpating nabasa.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex
Bookstore, Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Handa.. Sulat

Pandalawahang Gawain: Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng


kapareha upang eebalweyt ang ginawang banghay na talumpati. Hingan
ng komprehensibong komento ng kapareha.

B. Analisis:

1. Ano ang magiging pokus ng aking talumpati?


2. Sino ang magiging tagabasa ng aking talumpati?
90
3. Paano magiging kawiliwili ang aking talumpati?
4. Paano magiging makabuluhan ang aking talumpati?
Pagtalakay sa magiging pokus ng talumpati, magiging tagabasa
nito at paraan upang maging kawiliwili at kapakipakinabang ang
talumpati.

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.

Paksa Uri ng Mambabasa

Ang paksa ay kailangang nararapat na matukoy


makapukaw ng interes ng manunulat ang
ng mambabasa, demograpikong propayl
napapanahon at na mambabasa sapagkat
makabuluhan. dito maiibabatay ang
kaangkupan ng paksa.

Upang matamo ang


Karaniwang ito'y mga kawilihan at
isyung di satispaksiyon
panapagpapasyahan hinahangad ng
mambabasa

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, lagumin ang mga dapat


isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.

E. Paglalapat / Aplikasyon: Ala eh.. Pili na:

Sabihin sa mga mag-aaral na gagawa sila ng talumpati at


maaaring pumili sa mga sumusunod:
1. Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng
talumpati para sa mga bagong pasok na mag-aaral sa Grade
11 sa pag-uumpisa ng klase sa senior high school.
2. Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng
talumpati para sa araw ng pagtatapos ng klase sa senior high
school na may temang “Kabataang Mula K to 12, Tagapagdala
ng Kaunlaran sa bansang Pilipinas.”
3. Kinatawan ng mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati
sa isang paaralan sa junior high school upang himuking pumasok
sa inyong paaralan para mag-aral sa senior high school.

91
4. Kinatawan ng mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati
sa lahat ng mga papasok na mag-aaral sa senior highschool upang
himuking kumuha ng Academic Track.

Matapos pumili ang mga mag-aaral, magpasulat sa isang buong


papel ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap ng talumpati.
Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat may ng pamagat, may introduksyon,
may lohikal na pagkakasunod-sunod ang katawan at may konklusyon ang
isusulat na talumpati.

Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng balangkas ang mga


mag-aaralupang magabayan sila. Sa oras na matapos ang paggawa ng
balangkas ng mag-aaral, kailangang tsekan ng guro kung sapat na ito.
Kapag natapos na ng mag-aaral ang balangkas, maaari nang
umpisahang isulat ang talumpati. Kailangang maipakita muna ang
balangkas sa guro bago umpisahang gumawa ng borador ng talumpati.

Mga kahingian sa pagsulat ng talumpati:


1. Bibigkasin sa loob ng 3-5 minuto.
2. 5-8 pahina na laktaw-laktaw o double space (maaaring
kompyuterisado o computerized o sulat kamay)
3. May pamagat, introduksyon, katawan at konklusyon.
4. Gumawa ng 4 na kopya ng talumpati.

IV. Kasunduan:

Ipauwi sa mag-aaral ang balangkas upang masimulan na ang


pagsulat ng talumpati. Dalhin ito sa sunod na araw.

92
Linggo 9 Araw 3-4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong
sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nakasusulat ng sariling talumpati gamit ang mga kaalamang natalakay
mula sa mga halimbawa ng talumpating nabasa.
2. Narerebisa ang sinulat na talumpati at nakakagawa ng pinal na anyo.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex
Bookstore, Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

II. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Pakritik sa Talumpati

Indibidwal na Gawain: Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng


pagki-kritik ng isinulat na talumpati ng kaklase upang mas mapaganda pa
ang talumpati.

Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap.

1. Basahin sa harap ng mga kapangkat ang talumpati. Kailangang


pakinggan ng mga tagapakinig ang talumpati upang makapagbigay sila

93
ng komento pagkatapos magtalumpati ng kaklase. Huwag munang
ibigay ang kopya ng talumpati.
2. Magbigay ng kopya ng talumpati sa mga kapangkat at ipabasa ito sa
kanila upang matingnan ang kamalian sa ispeling, gramatika at iba pa.
Maaari na rin itong sulatan ng mga positibo at negatibong komento na
makakapagpaayos ng talumpati.
3. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang
nagsulat ng talumpati.
4. Tatanungin ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat
tungkol sa napakinggan at nabasang talumpati.

B. Analisis:

1. Mayroon bang interesanteng introduksyon ang talumpati?


2. Naging lohikal ba ang daloy ng katawan?
3. Nagamit ba nang mahusay ang paglalarawan/ pagsasalay/ paglalahad/
pangangatwiran? Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa sa teksto.
4. Naging akma ba ang binigay na konklusyon/ pagtatapos?

C. Abstraksyon:

Paglalagom ng mga komento/pidbak sa mga sinulat na talumpati ng


kamag-aaral.

D. Aplikasyon: Pagrebisa sa Talumpati

Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang


kanilang talumpati batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito
sa guro sa susunod na sesyon.

Mga kahingian sa sulatin:

1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon.


2. 6-10 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay)
3. May pamagat, introduksyon, katawan at konklusyon.

94
Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat

Gawain sa Pagsulat: Talumpati


Pangalan ng mag-aaral:

Katangian 10 6 3 1

May isang May isang May isang Hindi


malinaw at malinaw at paksa. Hindi malinaw ang
tiyak na paksa, tiyak na gaanong paksa at ang
na paksa, ngunit malinaw ang mga
sinusuportahan hindi mga argumento.
ng mga detalyado ang suportang
Pokus at detalyadong mga impormasyon
Detalye impormasyon o suportang o argumento.
argumento. impormasyon
o argumento.

Kawili-wili ang May introduk- May Hindi


introduksyon, syon, introduksyon, malinaw ang
naipakilala nang mahusay na pagtalakay, at introduksyon
mahusay ang pagtalakay, at pagtatapos o pagtalakay
paksa. may konklusyon. sa paksa, at
Mahalaga at karampatang ang
nauukol sa pagtatapos o pagtatapos o
paksa ang konklusyon. konklusyon.
Organisasyon mga
impormasyon
na ibinahagi sa
isang maayos
na paraan.
Mahusay ang
pagtatapos o
konklusyon.
Malinaw ang May Nasasabi
May ng
kaunting Limitado ang
Hindi
intensyon
Malinaw angat intensyon
Malinaw angat kalinawan
manunulat sa malinaw
paggamitang
sa
layunin
paggamit ngng layunin
paggamitang
ng intensyon
ang nais at intensyon
mga salita.at
manunulat.
mga salita. manunulat.
mga salita layunin
sabihin,ng layunin ng
Pagpili ng Kapansin-
Angkop ang May
bagaman sa manunulat.
bagaman manunulat.
pansin ang Limitado
mga angkop gamit ng mga kaalaman
ilang ang walang ang
kahusayan ng manunulat kaniyang
na salita salita, natural at pagkakataonsa baryasyon sa
manunulat sa paksa. kaalaman.
hindi pilit.
paksa. ay hindi paggamit ng
angkop at mga salita.
natural.
Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi
pagkakaayos ng pagkakaayos ng mga maayos ang
Estruktura,
mga salita at ng mga salita pangungusap mga
Gramatika,
pangugusap.
95 at na may pangungusap
Bantas,
Walang pangungusap. saysay. at hindi
Pagbabaybay
pagkakamali sa May kaunting Maraming maunawaan.
gramatika, pagkakamali mga Lubhang
bantas at sa gramatika, pagkakamali maraming
baybay. bantas at sa gramatika, pagkakamali

You might also like