You are on page 1of 37

Pangkat 12

PAGSULAT NG
KARTUN
Kartun
■ Isang larawang-guhit o serye ng mga larawang-guhit na
dagling nakapagbibigay ng kuwento na maaaring
nagpapatawa, nanunuya, nanunudyo, o kaya’y
nagkukuwento ng isang madulang pangyayari.
Karikatura
■ Isang uri ng pananalita o larawang-guhit na lubhang
pinalalabis sa karaniwan ang isang katangian ng
tao, bagay, o lunan sa layuning mapapangit lalo ito
upang maging katawa-tawa o kalibak-libak.
Mga Uri ng Kartun
5 uri ng Kartun na umiiral hanggang sa kasalukuyan

1. Kartung Mapagbiro
• Ito ang isang larawang-guhit na maaaring may kasamang isa o
ilang linya ng mga salita na mapagbiro.
• Ito ay nakakatawa o may pagkabastos sa paningin ng karaniwang
mamamayan kaugnay ng kanilang kalagayan sa pang-araw-araw na
pamumuhay, kasama na ang pamumulitika, pamamahala sa
pamahaan o sa negosyo.
• Karaniwang nakikita sa pahinang libangan ng mga pahayagan o
magsain.
Halimbawa ng Kartung Mapagbiro
5 uri ng Kartun na umiiral hanggang sa kasalukuyan

2. Kartung Pampulitika o Pang – editorial


• Ito ang isang uri ng larawang-guhit na may taglay na
malakas na puwersang nakakahubog sa kaisipan ng tao
upang sumang-ayon o sumalungat sa mensaheng
inihahatid nito.

Halimbawa:
5 uri ng Kartun na umiiral hanggang sa kasalukuyan

3. Kartung Pangnegosyo

• Ginagamit ang kartun na ito sa pag-aanunsiyo sa pahayagan ng


mga bagong produkto sa larangan ng komunikasyon,
transportasyon, edukasyon, siyensa at teknolohiya, gayon din
ang iba’t ibang serbisyong profesyonal upang lumaki nang higit
sa karaniwan ang benta o ang kita ng mga kinauukulang
kompanya.
Halimbawa ng Kartung Pangnegosyo
5 uri ng Kartun na umiiral hanggang sa kasalukuyan

4. Kartung Pangkarikatura

• Larawang-guhit na naglalantad ng labis na pinalaki o pinaliit


kaysa sa karaniwang anyone ng isang kapansin-pansing
katangian ng tao, bagay o lugar sa layuning makapagpatawa,
makapanlinbak o makapanudyo sa sinumang pinatutungkulang
may mataas na katungkulan sa pamahalaan o sa negosyo.

• Tuwirang paraan na mapakilos ang kinauukulan upang gumawa


ng mabuting pagbabago.
Halimbawa ng Kartung Pangnegosyo
5 uri ng Kartun na umiiral hanggang sa kasalukuyan

5. Kartung Komiks
• Ito ang serye ng mga larawang may kuwento ng katawa-tawa,
kakaiba, mapanudyo, at iba pa.
• May kuwento rin naman ng romansa at pakikipagsapalaran.

Halimbawa:
7 Uri ng Pagpapatawa
7 uri ng Pagpapatawa
1. Paggamit ng mga salitang nakakatawa.
•︎ Isang simple ng uri ng panunudyo at pinakamadaling
maintindihan.
• Ito ang gamit ng nakakatawang salita, lalo na ang mga salitang
may dalawang kahuluguhan.
Halimbawa:
7 uri ng Pagpapatawa
2. Pagpapakita ng sariling karanasang nakakatawa.

• Ang karaniwan bagay na nakakapagpapatawa sa atin ay ang


mga bagay na pag nakita natin ay nakakapagpaalala sa alin
mang nakakatawa nating karanasan – mga naging kamalian
noon, pagkukulang, depekto at iba pang uri ng pagkalulang.

• Isinasaalang – alang rin ang nakikinig o manonood.


Halimbawa:
7 uri ng Pagpapatawa
3. Kartung walang salita, ngunit nakakatawa.

• Ang uri ng kartung ito ay hindi nangangailangan ng salita at


paliwanag: sa mismong larawang-guhit lamang ng ipinakikitang
bagay ay nakakatawa na sa hitsura.

• Gumagamit ng tinatawag na Visual pun (pagpapakita ng hitsura ng


larawang-guhit na nakakatawa, maaring katangian ng isang bagay
na kahawig ng kaagapay niya.
Halimbawa:
7 uri ng Pagpapatawa
4. Katangahang naipagpapatawa
• Magandang halimbawa nito ay ang mga kuwento ni Juan
Tamad.
• Kabilang dito ang matandang babae o lalake na kumikilos na
parang bata, nagsusuot ng damit pambata, nagsasalita na
parang bata.
Halimbawa:
7 uri ng Pagpapatawa
5. Exaherasyon

• Sa uring ito ng kartun, pinalalaki ng kartunista ang higit sa


karaniwan ang bagay na gusto niyang bigyang-diin, sa gayon ay
nagiging katawa-tawa.
• Ito ay ginagawa hindi lamang sa katawang pisikal, kundi gayon din.
gayon din ang sa exaherasyon sa kilos na ipinakikita ng mga guhit-
kilos, pakaliwa, pakanan, pataas, pababa o paikot.
Halimbawa:
7 uri ng Pagpapatawa
6. Panunuya at Panunudyo

• Sa pamamagitan ng larawang-guhit nagagawa ng kartunista na


na kutyain o pagtawanan ang mga katangahan o kabaliwang
ginagawa ng mga tanyag na tao.

Halimbawa:
7 uri ng Pagpapatawa
7. Pagsasa-ugaling tao ng hayop o pagsasaugaling hayop ng tao

• Sa uri ito ng pagpapatawa, ginagamit ng kartunista ang


dalawang sumusunod: (1) kilos na hayop na magagamit sa
pamumuna tungkol sa ating sarili, (2) sa ating kapwa o kaya’y
kilos ng tao nakikita sa nayon.

Halimbawa:
Kapag laging nag-aaway ang dalawang tao, sinasabing “para
kayong about pusa.”
Mga Hakbang sa Paggawa at Paliwanag sa
Kartun
Mga Hakbang sa Paggawa at Paliwanag sa Kartun
■ Una, kailangang matingnang mabuti ang bagay o mga bagay
na nasa kartun.
■ Ikalawa, sumulat agad ng mga tatlo man lamang na naisip
na mabisang paliwanag sa nakaguhit na kartun.
Kung Paano Gumawa ng Kartun
Kung Paano Gumawa ng Kartun
■ Una, kailangan mong gumawa ng krokis.

■ Ikalawa, pamamagitan ng krokis na ito, madali nang makakalkula


ang mga mata, kilay, ilong, bigote at balbas (kung kailangan), bibig,
tainga at buhok.
Kung Paano Gumawa ng Kartun
■ Ikatlo, kapag naiguhit na ang kailangang hitsura ng mukha, maaari
na itong iguhit sa tinta.

■ Ikaapat, burahin ng mabuti ang pamburang tinatawag na kneaded


rubber ang mga guhit-lapis para maging malinis ang hitsura.
Kung Paano Gumawa ng Kartun
■ Ikalima, gawin ang panapos na gawain, tulad ng pagsosombra o
pagpapaitim na dapat paitiming mabuti, gayon din ang paglalagay ng
anino kung kinakailangan, gayon din sa pagwawasto ng kaunting
mali, kung mayroon, sa pamamagitan ng pamahing pinturang puti.
Kung Paano Gumawa ng Larawang Komiks
Kung Paano Gumawa ng Larawang Komiks
■ Una, gumuhit ng kuwadro. Sa loob nito, gumuhit ng mga linyang
masusulatan ng mga salita, sa ibabaw ng mga linyang ito, gumuhit
ng isa o dalawang lobo, sa ibaba nito, krokis naman ng tao, kasama
ang krokis ng larawang panlikuran.

■ Ikalawa, ayusin ang larawan.


Kung Paano Gumawa ng Larawang Komiks
■ Ikatlo, isulat na sa tinta ang mga salita sa loob at susugin na sa
tinta ang mga larawang panlikuran, gayon din ang mga larawan ng
tauhan.

■ Ikaapat, burahin nang kneaded rubber ang mga guhit-lapis at iba


pang duming lapis para maging malinis ang hitsura ng larawan.
Kung Paano Gumawa ng Larawang Komiks

■ Ikalima, gawin na ang oanapos na gawain, tulad ng pagpapatina


na mabuti ng mga broken dapat na paitim, gayon din ang
paglalagay ng anino kung kinakailangan, pati na ang pagwawasto
ng kaunting mali.
Mga Gabay sa Pagpapaganda ng Kartun
Mga Gabay sa Pagpapaganda ng Kartun
1. Matinding expresyon sa mukha ng galit, tuwa, takot, gulat o
pagkalito.

2. Exaheradong expresyon ng lenggwahe ng katawan. Sa anumang


bagay na inieexahera, ang forma ay madaling makatawag-pansin
na maaaring nakakagulat o nakakatawa.

3. Focus. Napakahalaga rin ng focus, tama ng tingin sa lahat ng uri


kartun. Dapat na tandaan na ang mga Pilipino ay karaniwang kung
bumasa ay mula sa kaliwa pakanan. Sa gayon, dapat na ang kartun
ay iguhit sa gayunding direksiyon.
Mga Gabay sa Pagpapaganda ng Kartun

4. Pagsosombra at Pagkukulay. Bagamat hindi naman talaga


malinaw na makatutulong sa pagpapatawa ng isang kartun ang
pagsosombra – pagpapatingkad ng pagkaitim – at pagkukulay
nito, mahalagang elemento naman ito sa paglalantad ng
katangian na Nanaimo ihantad ng kartun.
Maraming Salamat!!

You might also like