You are on page 1of 2

Katangian, Kalikasan, at Tungkulin ng Akademikong Pagsulat

Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

 Ang akademikong pagsulat ay ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo na
ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang
paksa.
 Isinasagawa ito upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.
 Ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal, at obhetibo na itinatakda sa isang tagpuang akademiko.

Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

 Katotohanan - Ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.


 Ebidensiya - Ang manunulat ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensiya upang suportahan ang
katotohang kanilang inilahad.
 Balanse - Ang manunulat ay gumagamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, at hindi emosyonal sa paglalahad ng
mga makatuwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat

 Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.


 Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
 Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.
 Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.

Mga Katangian ng Akademikong Pagsulat

Katangian Paliwanag
- Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika dahil
Kompleks ginagamitan ito ng mahahabang salita, mas mayaman na leksikon at
bokabularyo.
- Hindi angkop ang paggamit ng mga kolokyal at balbal na salita at
Pormal
ekspresyon.
- Ang mga datos ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang
Tumpak
kulang.
- Ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin at
Obhetibo
hindi lamang nakabatay sa sariling opinyon ng manunulat.
- Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw at magkakaugnay-
Eksplisit ugnay ang iba’t ibang bahagi ng teksto gamit ang iba’t ibang signaling
words.
Wasto - Gumagamit nang wastong bokabularyo o mga salita.
-
Ang manunulat responsable sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay
Responsable o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kinikalala niya ang
mga hanguan ng impromasyong na kanyang ginamit.
- Sa pagtalakay ng manunulat sa isang paksa, kailangang matugunan ang
Malinaw na Layunin
mga tanong/layunin kaugnay dito.
- Ang manunulat ay naglalahad ng sariling punto de bista batay sa mga
Malinaw na Pananaw
ideya at saliksik ng iba.
- Ang bawat pangungusap at talata ay kailangang sumusuporta o
May Pokus
magkakaugnay sa tesis na pahayag.
- Ang akademikong papel ay may introduksyon, katawan, at kongklusyon.
Lohikal na Organisayon
Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
Matibay na Suporta - Ang katawan ng talataan ay kailangang sapat at ito ay maaaring
kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan,
1|FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.
Malinaw na Pagpapaliwanag - Kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
- Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong
Epektibong Pananaliksik
hanguan ng mga impormasyon.
- Sa pagsulat ng akademikong papel, sinisikap dito ang kalinawan at
Iskolarling Estilo sa Pagsulat
kaiklian.

Layunin ng Akademikong Pagsulat

Layunin Paliwanag
- Mahikayat ang mambabasa na maniwala sa
Mapanghikayat na Layunin kanyang posisyon hinggil sa isang paksa.
- Ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa
Mapanuring Layunin isang tanong at piliin ang pinakamahusay na
sagot batay sa ilang pamantayan

- Ipinaliliwanag ang mga posibleng sagot sa isang


tanong upang mabigyan ang mambabasa ng
Impormatibong Layunin bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang
paksa.

2|FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

You might also like