You are on page 1of 2

FILIPINO 2

st
1 Summative Test
2nd Quarter

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: _______

I. Basahin ang kasunod na talata. Isulat ang PR kung parirala, at PP kung


pangungusap ang nakasulat sa bawat bilang.

Alagaan ang kalikasan. Isa ito sa mga tagubilin ng ating gobyerno. Dapat nating
panatilihing ligtas at malinis ang kapaligiran. Iwasan ang pagtatapon ng mga basura kung
saan- saan. Huwag magtapon ng mga dumi sa mga anyong-tubig. Patuloy na magtanim ng
mga puno at halaman para sa mga hayop at nang sila ay may masisilungan.

__________1. Alagaan ang kalikasan.


__________2. ng ating gobyerno
__________3. Iwasan ang pagtatapon ng mga basura.
__________4. Dapat nating panatilihing ligtas at malinis ang kapaligiran.
__________5. nang may masisilungan

II. Tukuyin ang uri ng mga pantig na may salungguhit. Isulat sa iyong kuwaderno
kung ito ay patinig, katinig, kambal-katinig, o diptonggo.

_____________6. bahay
_____________7. plano
_____________8. apoy
_____________9. klima
_____________10. ilaw

III. Basahin ang kwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

Ang mga Alagang Manok ni Mang Nardo

Mahusay mag-alaga ng manok si Mang Nardo. Araw-araw niyang winawalisan at


tinatabunan ng lupa ang dumi ng manok. Ayaw niyang magrereklamo ang kaniyang mga
kapitbahay na mabaho at marumi ang kaniyang manukan. Pagkatapos maglinis, nakikinig ng
drama sa radyo si Mang Nardo.
Isang araw, habang kumukuha ng tubig si Mang Nardo, narinig niya ang kaniyang
manok na nagpuputakan. Laking gulat niya, sapagkat nakita niyang nangingitlog na ang mga
ito.
Inilagay niya sa tray ang mga itlog. Masayang-masaya si Mang Nardo dahil marami
siyang maibebenta sa palengke. Ang ibang itlog naman ay ibibigay niya sa kaniyang mga
kapitbahay. Hindi niya nakalilimutang ibahagi sa iba ang kaniyang natatanggap na biyaya.

11. Ano ang kakaibang katangian ni Mang Nardo?


_________________________________________________________________________
12. Gaano kadalas niyang nililinis ang kulungan ng mga manok?
_________________________________________________________________________
13. Bakit kailangang linisin ang kulungan?
_________________________________________________________________________
14. Ano ang ginagawa ni Mang Nardo pagkatapos maglinis?
_________________________________________________________________________
15. Saan niya inilagay ang itlog ng mga manok?
_________________________________________________________________________
File Created by DepEd Click

KEY:
1. PP
2. PR
3. PP
4. PP
5. PR
6. diptonggo
7. kambal-katinig
8. patinig
9. dahidiptonggo
10. mawakatinig
11. masipag
12. araw-araw
13. para hindi bumaho ang kulungan
14. nakikinig ng drama
15. tray

You might also like