Department of Education: Gawain Sa Pagkatuto Edukasyon Sa Pagpapakatao 6 Ikalawang Markahan-Ikatlong Linggo

You might also like

You are on page 1of 1

Republic of the Philippine

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY
Gawain sa Pagkatuto
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikalawang Markahan- Ikatlong Linggo

Name of Learner: __________________________________ Pesta :_______________


Seksyon: _____________________

Blg ng MELC : 5/ EsP6-lld-1-31


MELC: Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa

Pamagat ng Aralin: Pagiging Responsible sa Kapwa

Gawain 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung ito ay nagpapakita
ng paggalang sa suhestiyon o damdamin ng kapuwa. Lagyan ng tsek ( / )ang
patlang kung tama at ekis (X) kung mali.
______1. “Ano ba ‘yan? Dapat ako na lang ang gumawa ng ating project para
siguradong maganda.”
______2. “ Rosanna, huwag ka nang magbigay ng suhestiyon, hindi naman
maganda ang mga ideya mo. “ sabi ni Adela.
______3. “ Huwag kayong mahiyang magbigay ng suhestiyon . Tandaan n’yo na ang
mga suhestiyon ay puwedeng pagkunan ng ideya para sa ikagaganda ng isang
gawain.” pahayag ni Gng. Dela Cruz sa mga mag-aaral.
______4. “ Suhestiyon ko lang ang dapat masunod kasi ako ang lider sa grupo.”
maangas na sabi ni Cesar sa kanyang mga kasama.
______5. “ Mga kasama, ang inyong suhestiyon ay kailangan natin upang magawan
natin ng angkop na solusyon ang gagawin nating pagtatanghal sa susunod ng
Linggo. “ ani Ruth sa mga kaeskwela.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha sa
patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagiging responsable sa
kapuwa sa pamamagitan ng pagtupad sa pangako at malungkot na mukha
kung hindi.
______6. Tinutupad ni Rosie ang pangako sa kanyang nakababatang kapatid na
lagi itong tulungan sa kanyang mga takdang-aralin.
______7. Hindi ko pinuntahan ang aking kaibigan sa aming napagkasunduang
pagkikita dahil tinamad ako.
______8. Nangangako ako lagi sa aking mga magulang na pagbubutihin ko ang
aking pag-aaral pero pinagsasawalang bahala ko lamang ito dahil mas gusto ko
ang maglaro.
______9. Nanghiram ng aklat si Jonna sa kanyang kaklase at nangakong isasauli
ito kinabukasan . Tinupad ni Jonna ang pangako.
_____10. Ginagawa ni Alex ang lahat ng kanyang makakaya upang matupad ang
anumang ipinangako niya sa kanyang mga pinangakuan.

Inihanda ni Iwinasto ni:


GLORIA A. COSTA RONALD T. SIA
Dalubguro 1 Dalubguro 2

You might also like