You are on page 1of 3

ARALIN 08 : PANUKALANG PROYEKTO

PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO


Isang inisyal na balangkas para sa pagtataguyod ng konsepto ng proyekto, kasama ang mga nais makamit,
paliwanag ng mga layunin, at mga plano para sa pagkamit ng mga ito.

Ito ay isang dokumento na ginagamit upang mangumbinsi ng isang panukala na magbibigay solusyon sa isang
suliranin.

Isang detalyadong pagtatalakay sa dahilan at pangangailangan ng proyekto.

Kadalasang nakasulat ngunit maaari ring oral na ipinipresenta.

Ayon kay BESIM NEBIU, ito ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawain naglalayong
lumutas ng isang problema.

Ayon kay PHIL BARTEL, ito ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao sa samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.

2 URI NG PANUKALANG PROYEKTO

MAIKLI – Nasa 1 o 2 pahina lamang.


MAHABA – Nasa higit 10 pahina. May istrukturang sinusunod at mas detalyado.

MGA ESPISIPIKONG LAMAN NG PANUKALANG PROYEKTO


✓ Pamagat – Tiyaking malinaw ang pamagat.
✓ Proponent ng Proyekto - Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat
dito ang address, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organinsasyon.
✓ Kategorya ng Proyekto - Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak,
konsiyerto o outreach program.
✓ Petsa - Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang
proyekto.

PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO


Ang unang mahalagang hakbang bago isulat ang kabuoang panukalang proyekto ay ang pag-alam at pagsusuri
sa mga pangngailangan ng komunidad, organisasyon o samahang pinag-uukulan ng panukala.

Ang mga gabay na tanong sa ibaba ay makatutulong sa pagsulat ng unang


bahagi ng panukala:
1. Ano-ano ang mga suliraning nararapat lunasan?
2. Ano-ano ang mga pangangailangan ng komunidad o samahang gustong
latagan ng panukalang proyekto?
Mula sa mga sagot sa mga ibinigay na tanong ay makakukuha ka ng mga
impormasyong maaaring magamit sa pagsisimula sa pagsulat ng panimulang
bahagi.

KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO


1.Layunin - Makikita rito kung ano ang nilalayong gawin ng panukala. Nakasaad dito ang mga bagay na nais
matamo, solusyon sa suliraning binanggit at mga paraan kung paano makakamit ang proyekto. (SIMPLE :
Specific, Immediate, Measurable, Practical, Logical, Evaluable)

2.Plano ng Dapat Gawin - Makikita rito ang talaan ng mga gawain na naglalaman ng mga hakbang na
isasagawa upang malutas ang suliranin.

3.Badyet - Ito ay talaan ng kalkulasyon ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasagawa ng proyekto.


Maituturing na isa ito sa pinakamahahalagang bahagi sapagkat ito ay nagiging matibay na batayan sa pag-
aapruba ng panukala. Ang paggamit ng talahanayan sa pagpapangkat ng mga aytem ay makatutulong upang
mas maging organisado at mapadali ang pagtutuos nito.

PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO

Matapos na maisulat ang panimula at katawan ng panukalang proyekto, gawin ang huling bahagi nito- ang
katapusan o konklusyon. Nilalaman nito ang tungkol sa kung paano mapakikinabangan ng pamayanan o
samahan ang proyekto.

HALIMBAWA NG PANUKALANG PROYEKTO

You might also like