You are on page 1of 26

Pagsunod-sunurin ang mga larawan.

Lagyan ng bilang
1 hanggang 4 ang larawang mauunang gagawin o
mangyayari.
Aktibidad: Problema Mo, Solve Mo!

Mag-isip ng isang kakulangan o suliranin sa


iyong komunidad na nangangailangan ng
agarang solusyon. Magbigay ng dalawang
solusyong naiisip mo para malutas ang
suliranin.
Sagutin ang sumusunod na mga
katanungan.

1. Ano sa palagay mo ang kulang sa iyong


komunidad?
2. Bakit mahalagang makamit ang
pangangailangang ito?
3. Ano-ano ang mga solusyon na iyong naisip
para malutas ang suliranin?
4. Bakit kailangang lutasin ang mga suliraning
nangangailangan ng agaran na tugon/aksyon?
Pagmasdan nang mabuti ang larawan.
1. Ano-anong mga suliraning pangkomunidad
ang iyong nakikita sa larawan?
2. Maliban sa mga nasa larawan, ano pa ang
ibang suliranin na nararanasan ng iyong
komunidad?
3. Paano kaya ito matutugunan?
4. Ano ba ang tawag sa pagpaplanong
magkaroon ng isang proyekto upang
matugunan ang suliranin.
Panukalang
Proyekto
Ano ang pagkakilala mo sa panukalang
proyekto? Isulat ang iyong mga ideya
hinggil dito.
Ano ang Panukala?

➢ Ang panukala ay isang proposal na


naglalayong ilatag ang mga plano o
adhikain para sa isang komunidad o
samahan.
Ano ang Panukalang Proyekto?

➢ Isang kasulatan o mungkahing naglalaman


ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao
o samahang pag-uukulan nito na siyang
tatanggap at magpapatibay nito.
➢ Ito ay detalyadong deskripsyon ng isang
serye ng mga aktibidad na naglalayong
maresolba ang isang tiyak na problema.
(Nebiu, 2000)
Ano ang Panukalang Proyekto?

➢ Ayon naman kay Bartle (2005), kailangan


nitong magbigay ng impormasyon at
makahikayat ng positibong pagtugon mula
sa pinag-ukulan nito.
➢ Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang,
sa halip ito ay kailangang tapat at totoo sa
layunin nito.
Mga Uri ng Panukalang Proyekto

1. Maikling Panukalang Proyekto


- ito ay mayroon lamang dalawa hanggang 10
pahina na kadalasang nasa anyong paliham
lamang.
2. Mahabang Panukalang Proyekto
- Naglalaman ng mahigit sa sampung pahina.
Magkapareho ang nilalaman ng dalawang uri
ngunit mas detalyado at sumusunod sa isang
nakabalangkas na pormat ang uring ito.
Katangian ng Panukalang Proyekto

1. Solicited – isinasagawa dahil may pabatid


ang isang organisasyon sa kanilang
pangangailangan ng isang proposal.
2. Unsolicited – kusa o nagbabakasakali lamang
ang proponent.
3. Internal – inihahain sa loob ng
kinabibilangang organisasyon.
4. Eksternal – inihahain sa isang organisasyong
di-kinabibilangan ng proponent.
Mga Tagubilin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto Ayon sa
American Red Cross (2006)
1. Magplano nang maagap
2. Gawin ang pagpaplano ng pangkatan
3. Maging realistiko sa gagawing panukala
4. Matuto bilang isang organisayon
5. Maging makatotohanan at tiyak
6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na
jargon
7. Malinaw at madaling basahin
8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng
suportang pinansyal.
9. Gumagamit ng mga salitang kilos.
Karaniwang Nilalaman ng Panukalang
Proyekto

1. Panimula- Nakasaad dito ang mga


rasyonal, mga suliranin, o ang dahilan ng
panukalang proyekto.
2. Katawan- Binubuo ito ng mga detalye
tungkol sa mga kailangan gawin at ang
badyet para sa proyektong gagawin.
3. Katapusan o Konklusyon – Nilalahad dito
ang mga benepisyong makukuha sa
proyekto.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
1. Pamagat ng Proyekto
2. Proponent ng Proyekto
3. Deskripsyon ng Proyekto
4. Rasyonal ng Proyekto
5. Layunin ng Proyekto
6. Estratehiya
7. Implementasyon at Iskedyul
8. Halimbawang Larawan ng Proyekto (kung
kinakailangan)
9. Mga kasangkot sa Proyekto
10. Badyet
Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Gamit ang pormat na natalakay, bumuo ng


isang sulating panukalang proyekto ayon sa
pangangailangan ng inyong komunidad.
Maaaring sulat-kamay sa isang buong papel
o nakaprint sa long bond paper.
Gabay sa Pagmamarka sa Pagsulat

You might also like