You are on page 1of 1

“ Ang pangako ni Maria ”

Isang umaga, habang naglalakad si Maria papunta sa paaralan, naisip


niya na matutuwa ang kanyang guro na si Bb. Reyes kung bibigyan
niya ito ng bulaklak para sa kanyang plorera sa mesa. Sa paglalakad ni
Maria papunta sa paaralan ay nadaanan niya ang isang hardin na
mayroong magagandang Rosas na nakatanin. Nabasa niya ang babala,
“bawal pumitas ng bulaklak”. Ngunit ng magkaroon siya ng
pagkakataon, palihim niyang pinitas ang magagandang rosas at agad
niya ito ibinigay sa kaniyang guro at pinasalamatan siya ng kanyang
guro. Nagkataon na ang kanilang aralin sa araw na iyon ay tungkol sa
pagpapahalaga at pagsunod sa paalala sa paaralan. Isa nga dito ay ang
pagbabawal na pumitas ng mga bulaklak, pagkatapos ng paliwanag ni
Bb. Reyes, naisip ni Maria na mali pala ang kanyang ginawa at
ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na niya uulitin ang
pagkakamali na iyon.

1) Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2) Saan nangyari ang kuwento?
3) Kailan naganap ang kuwento?
4) Ano ang ginawa ni Maria nang malaman niya na Mali pala ang
kanyang ginawa?
5) Paano Pinitas ni Maria ang mga Rosas?

You might also like