You are on page 1of 8

OPEN CURTAIN

Narrator: Nakatira sa maliit na barong barong si Jairo, ang kaniyang Ina na si Pamela at
ang kaniyang nakababatang kapatid na si Rose. Si Jairo ay hindi man lamang nakatapos ng
high school, dahil sa hirap ng buhay at mas pinili na lamang na magtrabaho kung saan-saan
para lang matustusan ang kaniyang kapatid at ang kaniyang nanay.

Jairo: Sira-sira na ang bahay natin, at hindi naman sumasapat ang kinikita ko sa pagkuha
ng bote-bote sa daan.
Rose: (Patakbong pumunta ang kapatid) Kuya, pwede ba akong maghingi ng pera, may
kailangan kasi akong bilhin sa eskwela.
Jairo: magkano ba yan?
Rose: 100 po kuya eh
Jairo: (Tinignan ang bulsa, nakitang 120 pesos nalang ang pera)
Rose: Kung wala po kayong pera hayaan niyo napo kuya.
Jairo: Meron ako no, mapera kaya ako tinatago ko lang sayo. (Ibinigay ang 100)
Susuportahan kita sa pag-aaral mo
Rose: Salamat po kuya

Narrator: Si Jairo na ang nagpapa-aral at bumubuhay sa mga kasama niya sa bahay dahil
ang kaniyang ina ay…

Pamela: Nasan na yung alak ko dito sa lamesa


Jairo: Nay inalis kona po dahil sobra na yung lasing niyo, dalhin kona ho kayo sa kwarto
Pamela: Wag mokong hawakan, wala ka talagang kwentang anak. Kung kinuha mo na yung
trabaho sa dubai. Di sana tayo ganto. (Lumakad papasok ng bahay)

CLOSE CURTAIN

Narrator: Tumatak sa isip ni Jairo ang sinabi ng kaniyang Ina. Handa ba niyang iwan at
mawalay siya sa kaniyang pamilya niya sa pilipinas kung kapalit naman nito ay ang
karangyaan ng kanilang buhay. Kaya pinuntahan niya ang kaniyang kaibigan upang
magpatulong na mag apply sa immigration para siya ay maging Domestic Helper sa Dubai.

OPEN CURTAIN

Keith: Oy jairo ikaw bayan? halika , bat ka pala nabisita?


Jairo: Salamat, naalala mo ba yung sinabi mong trabaho sa akin, gusto ko na sanang
tanggapin yon
Keith: Oo naman, naghahanap pa sila ng DH sa dubai. Hintayin moko samahan kitang
kuhanin yung mga requirements.

CLOSE CURTAIN

Narrator: Sinamahan ni Keith si Jairo sa pagkuha ng mga kailangan papeles para sa


pagpunta Niya sa Dubai at makapag trabaho doon. Makaraan lamang ang ilang linggo.
Dumating na ang araw na aalis na si Jairo, papuntang Dubai.
OPEN CURTAIN (Play Leaves Instrumental)

Jairo: Mag-iingat ka rose ah at mag-aral ng mabuti. Magpapadala agad ako ng pera para sa
pag-aaral mo
Rose: Kuya kailangan mo ba talagang umalis? dito ka nalang
Jairo: Kailangan eh, para sa pag-aaral mo to. Oh sige na ikaw ng bahala sa bahay at kay
nanay ah wag mo siyang hahayaan na umiinom lagi at nagsusugal.
Rose: (Umiiyak, at ayaw paalisin si Jairo)
Jairo: Kaibigan ikaw ng bahala sa pamilya ko, habang wala ako dito
Keith: Sige na akong bahala sa pamilya mo. Mag-iingat ka don

CLOSE CURTAIN

Narrator: At umalis na nga si Jairo papuntang Dubai at doon nakipagsapalaran para sa


kinabukasan ng pamilya niya. Ngunit dito pa lamang pala magsisimula ang susubok sa
kaniyang buhay.

OPEN CURTAIN

Jairo: (Kumakatok) Excuse me. Is anyone here?


Lian: Ikaw ba yung pinadala ng immigration?
Jairo: Opo ako po si Jairo Evaristo (Ibigay ang mga papeles)
Lian: Oh sige ganito ang magiging trabaho mo dito, maglilinis ka, magluluto, aalagaan mo
ang batang yon. Nagkakaintindihan ba tayo?
Jairo: Opo kahit ano papo yang trabaho nayan

Narrator: Dumating ang Arabo na si Lance na siyang asawa ng babae. At ang batang tinuro
ng babae ay ang kaniyang anak. Na may espesyal na pangangailangan at pagkalinga.

Lance: Are you the one that we hired in the Philippines, Jairo right?
Jairo: Yes, im that one
Lance: So I assume that my wife () Inform you what the job is that you are going to do here.
Lian: Yes dear, I informed him na about what he will do, and he will take care of Batang
Anak
Lance: Yes, because I have a big business and Because I'm busy I'm having a hard time
taking care of my daughter. Say hi to him batang anak?
(Nahiya) She/He is shy I'm sorry
Jairo: Its okay, I take care her. I promise
Lance: Before I forget, my child is taking medication because of her/his illness. Never ever
let him intake hikaloposis that medicine is for my wife, because it can lead her life in danger.
You understand?

CLOSE

Narrator: Nagdaan ang ilan na buwan at naging komportable na sa kaniyang trabaho itong
si Jairo. Hindi din naging madali ang kaniyang trabaho, hindi lamang sa pagod at dami ng
trabaho pati nadin sa kaniyang alaga at sakaniyang among si Lian. Na kapag nandyan ang
Amo niyang si Lance ay napaka amo at bait ng babaeng ito ngunit kapag wala. Katakot takot
na pang aalipusta at pananakit ang nararamdaman ni Bernadette nito, at dahil sa awa ay
siya din ang sumasalo sa mga hampas, sampal at pananakit nito sa bata.

OPEN (Play Tension Background)

Bernadette: (Pinuntahan ang babae upang makipaglaro) Paunti-unti lamang maiinis ang
babae hanggang siya’y sisigaw
Lian: Ano ba sabi kong ayaw ko nga eh, hindi ka makuha sa isang sabe ah. (Kumuha ng
pamalo upang ihampas sa bata)
Jairo: Tama na po yan, nasasaktan napo yung bata
Lian: Wala kang karapatan na makelam katulong kalang dito. At yang bata na yan kanina pa
ako naasar sa pagmumukha na yan kaya nararapat lang sa kaniya to. Ikaw ang salot sa
buhay ko bata ka

CLOSE

Narrator: Tumigil na sa pagaalipusta ang babae kina Jairo at Bernadette. Ang bata’y
tumahan na sa pagiyak at si Jairo ay papunta na sa kaniyang kwarto upang magpahinga ng
may naririnig siyang nakikipag usap sa telepono.

OPEN (Play Antagonist Background Music)

Lian: Sawang sawa nakong maghintay at kailan ba matutuluyan yang bata nayan
Keith: Ano ba kasing ginagawa mo at bakit buhay padin yung bata?
Lian: Yung kasing nakuha naming katulong masyadung nagpapabida at siya pa tong parang
super hero dun sa bata
Keith: Dalian muna at hirap na hirap nako dito sa buhay ko sa pilipinas.
Lian: Konti nalang mahal, kapag nawala na yung bata na to lahat ng yaman at pera ng
matandang to ay mapupunta na sa atin.
Keith: Dalian mo at naiinip nako sa pangit na buhay nato

CLOSE

Narrator: Nadinig itong lahat ni Jairo, na may asawa pala siya sa Pilipinas at ang tanging
hangad lang ng babae ay ang kayamanan ng mag-ama. Makukuha niya lamang ito kung
mawawala na si Bernadette sa piling ng Kaniyang amang si Lance. Kaya etong si jairo ay
hindi mapakali sa kaniyang nadinig. Gulong gulo siya sa kaniyang gagawin, gusto niyang
magsabi sa kaniyang among lalaki, pero siya’y natatakot na baka hindi siya paniwalaan at
baka mawalan pa siya ng trabaho

OPEN

Jairo: (Recorded with background music) Ano ang gagawin ko, paniniwalaan bako ng
amo kong lalaki kung ano yung sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko na alam yung gagawin ko,
naguguluhan nako. Bahala na nga

Narrator: Napagpasyahan niyang kausapin ang kaniyang amo tungkol sa kaniyang nadinig.
Nakita niya sa sala ang amo niyang lalaki habang may binabasang libro.
(Play Heartbeat Sound)
Nakakabinging tunog na nanggaling sa kaniyang dibdib ang bumabalot sa kaniyang tenga
ngunit hindi dito nagpatinag si Jairo kaya siyang naglakad at kinausap ang kaniyang amo.

Lance: Oh jairo, where is Bernadette?


Jairo: It’s on her room sir, Sir can I talk for a second?
Lance: Yes, what is it?
Jairo: Its all about Ma'am Lian she is

Narrator: Nang akma na niyang sasabihin bigla na lamang may dumating sa kaniyang tabi
at sabi…

Lian: Yes, what is it about me?


Jairo: Nothing ma’am. Uhm
Lian: Oh yes, Jairo Bernadette is finding you in her room. I think she needs something.

CLOSE

Narrator: Naudlot na pagkakataon na makapagsabi si Jairo sa kaniyang lalaking amo


tungkol sa kaniyang nalaman.
Kaya siya na lamang ay pumunta sa kwarto ng kaniyang alaga, upang makipaglaro at
alagaan muna ito. Habang hinihintay na makaalis si Lian upang makusap niya ang kaniyang
among lalaki.

OPEN

Jairo: Alaga ko, come let’s play first


Bernadette: Tumango at kinuha ang laruan nito

Narrator: Nagpalipas ng oras si Jairo, at ng inakala niyang wala na ang madrastang babae
siya ay bumaba at hinanap ang kaniyang amo upang magsumbong.

Jairo: Alaga, I will only go to your father, and tell him a secret about your mother.
Bernadette: What secret (Hand movements)
Jairo: It’s for you and your father. I promise I will say it to you when its okay. Okay?
Wait for me here.

Narrator: Umalis ng mabilis itong si Jairo upang hanapin ang kaniyang amo ngunit (Play
Antagonist Background)
(Lumabas ang madrastang babae) merong nagbabadyang panganib na dadating sa
kaniyang alaga na di niya inaasahan.

Lian: Mukhang may mahalaga kang sasabihin sa arabo, at mukhang ipapahamak moko.
Uunahan nakita sa balak mong gawin.

Lian: Tinignan ang bata sa gilid


Lian: Bernadette anak, can you come here? I want to give you a big hug
Bernadette: (Pumunta sa babae ng masaya)
Lian: You want some candy? These candies are delicious, eat it all okay, can I see? There.
Okay you can go back and play there.

CLOSE

Narrator: Pinainom ng madrastang babae ang batang anak ng Hikaloposis na


magpapahamak sa buhay ng bata. Itong lubhang makakasama sa bata at ito’y pwede
niyang ikamatay.

OPEN

Narrator: Hindi nakita ni Jairo ang kaniyang among lalaki sa buong bahay nila. (Telephone
Ring Background)
Kaya ito’y tinawagan niya gamit ang telepono. Agad naman itong sumagot at ang nangyari

Jairo: Sir it’s Jairo, I want to tell you about Ma'am Lian
Lance: Yes jairo, what’s about her
Narrator: Malakas na sigaw ng batang anak

Lance: Is that my daughter? What happened to her?


Jairo: Nahulog yung cellphone at dali daling tumakbo
CLOSE
Lance: What happened Jairo? (Nagmamadali ding umuwi)

OPEN (Subtle Tension Background)


Narrator: Batang walang kamuang muang na nakahandusay ang nakita ni Jairo sa kaniyang
dalawang mata. Dali dali niyang pinuntahan ang bata at ng kaniyang hawakan ito ay may
isang tinig siyang nadinig na nagparindi ng kaniyang tenga.

Lian: Ah! Anong ginawa mo sa anak ko? Pinatay mo ang anak ko!
Jairo: wala akong ginawang masama, at kung meron sa ating dalawa ang gagawa ng
masama ay ikaw yun. Nadinig ko kayo nung asawa mo na naguusap, at sinabi mo na balak
mong saktan ang bata.
Lance: What happened to my daughter
Lian: He killed our daughter hon, He gave Bernadette hikaloposis look oh, it’s on the ground
Jairo: Sir, that’s not true. that girl is the one who is bad. I heard her speaking to someone
else in the phone and she…
Lance sinampal si Jairo
Lance: How dare you kill my daughter and insult my wife. After everything I have done to
you, this is how you repay me
Jairo: Sir I did not do anything wrong sir believe me. (Patuloy na nagmamakaawa si Jairo sa
arabo habang ito’y sinasaktan)
Lance: Call the police hon, and I will make sure that you will pay the life of my daughter.
Jairo: Nagmamakaawa parin

CLOSE
Narrator: Ipinakulong, ni Lance si jairo at siya’y hinatulan ng parusang kamatayan dahil sa
kasong pagbawi ng buhay ng isang bata. Walang magawa si Jairo dahil sa hirap ng buhay,
hindi niya kayang kumuha man lang ng abogado na magtatanggol sa kaniya.

(Sad Melody)
Kaya kahit mahirap tinanggap na lamang niya ang hatol sa kaniya, ang huling hiling na
lamang niya ay ang makausap ang kaniyang pamilya, na ito naman ay pinagbigyan ng mga
kinauukulan.

OPEN

Police: Here is the phone, the officer in charge give you permission to call to your family in
the Philippines before we do the trial
Jairo: Thank you sir

Jairo: Hello rose, si kuya ito


Rose: Oh kuya napatawag ka, umiiyak kaba kuya? Okay ka lang ba?
Jairo: Hindi ako umiiyak, masaya lang ako kasi nadinig ko yung boses mo. Kukumustahin
ko lang kayo ni nanay. Nasan pala ang nanay?
Rose: Ayun tulog na kuya, gisingin ko po ba?
Jairo: Huwag na, may susunod pa naman. Oh sige na ibababa kona. Magpapakabait ka lagi
kay nanay, at huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo ah. Pangako mo sa akin,
magiging abogado ka paglaki mo
Rose: Oo naman kuya pangarap ko yun eh, ano kaba para ka namang namamaalam
Jairo: Hindi, inaalala ko lang kayo. Sana magkita na tayo oh sige na papatayin kona.

Jairo: Thank you sir here’s the phone

Police: Prepare yourself at any moment. We will go now and execute the trial to you.

Jairo: Manalangin

Kanta: Kahit konting Awa

Narrator: Dumating na ang police na naatasang gumawa ng hatol sa kaso na pinatong kay
Jairo.

Judge: I declared that Jairo Evaristo is guilty of killing an innocent child. The punishment is
the death penalty using an electric chair. (Nod)

CLOSE

Narrator: Pagkaraan ang ilang araw ng nahatulan si Jairo, mayroong tumawag mula
embassy sa pamilya ni Jairo

OPEN

Rose: Hello po sino po sila?


Embassy: Sa embassy po kami, nandito na po sa Pilipinas yung bangkay ng kapamilya niyo
pong si Jairo Evaristo.
Rose: Anong bangkay po ang sinasabi niyo? (Sad Music)
Embassy: Hindi niyo po ba alam, si Jairo Evaristo po ay hinatulan ng kamatayan sa
kadahilanang pong napatay niya ang anak ng kaniyang amo
Rose: Hindi magagawa ng kuya kuyan, kilala ko ang kuya ko, mabait yun
Embassy: Para po sa kadagdagang kaalaman, maari po kayong makipagugnayan sa amin
pong opisina. Maari niyo din pong kuhanin ang maliit na pera na sana po makatulong po
sainyo upang makapagsimula uli. Maraming salamat po at humihingi po ako ng dispensa
sainyo pong nawalan.

Narrator: Umalingawngaw ang tinig ng iyak at sigaw ni kapatid sa kaniyang nadinig na


balita. Nadinig ng kaniyang nanay ang iyak ng kaniyang bunsong anak.

Pamela: Anong nangyayari sayo at sumisigaw ka


Rose: Nay patay na si kuya
Pamela: Anong sabi mo? Pano nangyari iyon? Nasaan ang labi ng kuya mo ngayon?
Puntahan natin

CLOSE

Narrator: Masakit na balita ang nadinig ng pamilya ni Jairo, biglaan lamang ang mga
nangyari at walang nag-akalang ganito ang pwedeng mangyari sa kaniya.

OPEN
Nakita ang labi ni Jairo

Iyak muna Ina at kapatid.

Kanta: Paalam na

Narrator:
Hindi ito naging madali lalo na kay Rose sa kaniyang Ina, ngunit sa hirap na ito ay ginamit
na motibasyon ng pamilya niya lalo na ang kaniyang kapatid na makapagtapos sa kursong
pangarap niya at ng kaniyang kuya.

CLOSE

Narrator: Makalipas ang sampung taon, at si kapatid ay magiting ng abogado, at


napatunayan niyang walang sala ang kaniyang kuya.

OPEN

Judge: I declare that Jairo Evaristo is not guilty of the crime of an innocent girl.
(Poem of Clouds Background)
Narrator: Napatunayan na ang ina-inahan ng biktima ang totoong nagpainom ng gamot at
siya’y makukulong ng habang buhay na pagkakulong

Kapatid and Ina magkakatinginan, malungkot na ina at panatag na kapatid.

Kapatid: Kuya, Malaya ka na

CLOSE

Narrator: Hindi madali ang buhay ng isang Overseas Filipino Worker. Nakikipag sapalaran
sila sa ibang lugar na hindi nila alam kung anong pwedeng mangyari sa kanila. Sinusugal
nila ang buhay nila para sa kinabukasan ng kanilang sariling pamilya. Tinatanggap ang kahit
anong trabaho magkaroon lang ng perang maibibigay sa pamilya nila sa Pilipinas na
naghihirap. Isang bayani ngang sila maituturing, kaya sa lahat ng OFW saludo kami sa
dedikasyon ninyo upang maitaguyod at maibuhay sa kahirapan ng panahon ngayon ang
inyong pamilya.

You might also like