You are on page 1of 17

Ama naming bukal at tagapagtaguyod ng karunungan.

Dakilang pinagmulan ng lahat at Siyang tamang daan. Nawa’y


tanggapin ang aming pasasalamat sa iyong mga biyaya. At
buong pusong paghingi ng kapatawaran sa aming mga
nagawang pagkakasala sa Iyo at sa aming kapwa. Gabayan
Ninyo po kami sa aming mga gawain sa araw-araw. Bigyang
lakas at husay sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay.
Habang nananatiling nagpupunyagi at nagsusumikap. Para sa
ikauunlad ng aming sarili at pamayanan. At para sa ikararangal
ng aming Paaralan at ng bansang Pilipinas. Amen
✓ Dumalo sa klase sa tamang oras
✓ Panatilihing nakabukas ang inyong video
✓ Ilagay sa mute ang inyong audio habang nagtatalakay at
✓ i-unmute ito kapag naatasang sumagot
✓ Gamitin ang chat box kung may mga katanungan
✓ Lumahok sa talakayan at mga gawain
✓ Iwasan ang pagkain habang nagkaklase
✓ Iwasan ang paggamit ng “gadgets” na hindi nakalaan sa
✓ pag-aaral
✓ Panatilihin ang respeto sa bawat isa sa lahat ng pagkakataon
YUNIT 1
MGA PANGUNAHUNG KONSEPTO NG
EKONOMIKS
ARALIN 1: Kahulugan ng Ekonomiks

➢ Kahulugan ng Ekonomiks
➢ Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks
➢ Ang Ekonomiks bilang Isang Agham at
Kaugnayan nito sa Ibang Agham
➢ Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
➢ Naipaliliwanag kung bakit itinuturing na agham
panlipunan ang Ekonomiks
➢ Naipaghahambing ang iba’t ibang pananaw sa pag-aaral
ng Ekonomiks.
➢ Napahahalagahan ang kontribusyon ng mga iskolar sa
paglinang ng pangunahing kaisipan sa Ekonomiks
Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG
EKONOMIKS
1. Matutuhan ang mga kaisipan, pananaw,
kasanayan at konsepto na nagpapaliwanag kung
bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na
kumikilos upang maghanapbuhay at magkaroon
ng ikabubuhay, maging ang mga galaw ng
pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya.
2. Matutuhan ang paggawa ng rasyonal na
pagdedesisyon sa buhay, na maari ring makaapekto
sa ekonomiya ng bansa.
Hal:
▪ paggastos ng allowance
▪ pagpili ng magiging kaibigan
▪ pagsapi sa mga organisasyon
▪ pagpili ng kurso sa kolehiyo
▪ Pagpili ng papasukang trabaho
3. Mapapahalagahan ang pagtupad at pagganap mo
sa iyong tungkulin bilang mamamayan.
Hal:
▪ pagbabayad ng tamang buwis
▪ pagtangkilik sa sariling produkto
▪ pagsunod sa mga batas
▪ pagsuporta sa mga programa at proyekto ng
pamahalaan
▪ pagboto sa eleksyon
4. Lilinang sa kaisipan ng mga mamamayan upang
maging mapanuri, mapagmasid at kritikal sa mga
kaganapan sa ating lipunan upang higit na
maunawaan kung paano nakakaapekto sa ating
buhay ang mga pangyayari sa ekonomiya.
5. Matutuhang maging matalinong konsyumer na
hindi nagpapadala sa panghihikayat ng mga
patalastas.
GAWAIN #8: ANG PAYO KO!
Ano ang maipapayo mo sakaling ang isang kaibigan mo ay humaharap sa mga
ordinaryong pagsubok sa araw-araw na pamumuhay. Punan ang speech bubble.
GAWAIN # 9: PAGBUO NG REPLEKSIYON AT REYALISASYON
Bumuo ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon
tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungan sa ibaba.

Paano nakatutulong ang kaalaman mo sa


ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay?
PAGLALAHAT
Ang kaalaman sa Ekonomiks ay
magagamit sa pagpapaunlad ng ating
pamumuhay at ng ating lipunan.
MARAMING SALAMAT!

You might also like