You are on page 1of 1

Tamang Paggamit Ng Bagong Teknolohiya

Lubhang masuwerte ang kabataan sa ngayon dahil marami na silang


pagkukuhanan ng impormasyon di tulad noong unang panahon. Ngayon miski sa
loob lamang ng kanilang mga silid ay maari na nilang makuha ang impormasyon o
makisalimuha sa maraming tao gamit lamang ang kanilang computer at internet.
Kaya hindi nakakapagtaka na ang kabataan ngayon ay kabataan na ng mundo dahil
sa lawak ng kanilang nararating gamit lamang ang internet at ang kanilang
computer.

Ngunit sa kanilang paggamit ng makabagong teknolohiya na ito ay maraming


maaring mangyari. Malaking responsibilidad ang naka atang sa kanilang mga
balikat na kung hindi sila lubhang mag-iingat ay maari silang mailagay sa
kapahamakan. Kaya sa kanilang pang

araw-araw na paggamit ng makabagong teknolohiyang ito dapat nilang maisapuso


ang mga sumusunod:

1. Isipin mo muna bago ka magpost – dapat maintindihan ng kabataan na


kung ano man ang kanilang ilalagay sa internet ay hindi na nila ito
mababawi at maaring magkaroon ng problema sa hinaharap. Ang paglalagay
ng litroto at pagsusulat ng mga ibat ibang bagay na ilalagay sa internet ay
may kasamang malaking responsibilidad dahil ito ay makakaapekto sa
pagkilala at sa pagkatao ng gumagawa nito.
2. Huwag magbigay o maglagay ng personal na impormasyon sa mga
websites o sa mga taong hindi mo kakilala – maaring magamit ng mga
taong masama ang hangarin upang makapanloko o malaman ang iyong
kinaroronan upang biktimahin ka.
3. Mag ingat sa mga taong iyong makikilala gamit ang makabagong
teknolohiya – marami sa kabataan ay may mga kaibigan na hindi pa nila
nakikita ng personal dahil ang mga ito ay nakilala lamang nila sa paggamit
ng internet at pakikipag textmate. May posibilidad na nagpapanggap ang
mga taong ito upang makuha ang iyong tiwala at maari ka nilang
pagtangkaan ng masama.
4. Higit sa lahat tumangging makipagkita sa mga taong hindi mo kilala -
ang hilig hilig ng mga kabataan natin ngayon makipag “eyeball” sa mga
taong nakilala lang nila gamit ang internet o cellphone. Kung hindi mo
naman talaga kilala ang taong iyong makaka “eyeball” mas maigi na huwag
mo na lang ituloy ito para ikaw ay hindi mapahamak.

You might also like