You are on page 1of 1

Oswald Lyndon V.

Salapare
BSHM31A1
TATLONG KONSEPTO NG WIKA

• KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO


Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na kinamulatan ng
isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang sa wikang
katutubo ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng
Higaonon o Ivatan. Ito rin ang tinatawag na “unang wika” ng isang tao—ang kinagisnan
niyang wika sa pamayanang kinalakihan niya.

• KONSEPTO NG WIKANG OPISYAL


Ang wikang opisyal ito ay ang itinadhana na batas ng maging opisyal naa talastasan
ng pamahalaan. Ito rin ang wikang maaring gaamitin sa loob at labas ng alinmang sangay
o ahensiya ng gobyerno.

• KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA


Ang Wikang Pambansa, o Filipino, ay ang opisyal na wika ng Pilipinas. Ito ay batay
sa Tagalog, ang wika na sinasalita sa Kalakhang Maynila at ilang mga kalapit na lalawigan.
Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay mahalaga upang maipakita ang pagkakaisa at
identidad ng mga Pilipino.

ANO BA ANG WIKA?


Ang wika ay isang bahaging pakikipagtalastasan. Kalipunan Ito ng mga simbolo, tunog. at
mg a kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginag amit arg
pamamaraang ito sa pagpapaabot re kaisipan at damdamin sa pamamag it an ng pag sasalita at pag
sulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mg a hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanarg lumilikha ne tunog at kabuuan din to ng
mga sagisag sa parang binibig kas Sa pamamagitan nito, nag kakaug nay an, nag kakaunawaan at
nag kakalsa ang mg a kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

You might also like