You are on page 1of 12

Mga Pahayag sa Pagsang-

ayon at Pagtutol sa
Pagbibigay ng Puna o
Panunuring Pampanitikan

Ginawa ng Filipino 10 │Ikalawang Markahn


Panunuri o Suring Basa

Suring Basa - isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng
nobela, maikling, kwento, tula, sanaysay, o iba pang gawa/uri ng
panitikan

Pagsusuri o rebyu -ang pag-Alam sa nilalaman, kahalagahan at ang estilo ng


awtor o may-akda.
Balangkas o Pormat ng Suring Basa

I. Pamagat, may-akda, genre


a. Pamagat- Ang pamagat ay parte ng isang kwento, o kahit ano mang
paksa na pwedeng mag bigay ng pangunahing kaisipan sa panitikan.

b. May-akda - ang may katha o gumawa sa isang likhang panliteratura.

c. Genre- nangangahulugan ng mga istilo o kategorya ng isang sining,


musika, o literatura.
II. Buod

a. Buod- ang mga pinagsama-samang mga pangunahing ideya ng mga


manunulat gamit ang kanilang sariling pangungusap.

III. Paksa
a. Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa

IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)


a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang
pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral,
tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan.
V. Mensahe
a. Mensahe- ito ang aral na gustong ikintal ng may-akda sa kaniyang
mambabasa

VI. Teoryang Panitikan


a. Teoryang pampanitikan – ito ay ang mga hinihinalaang pinagmulan
ng ideya ng mga manunulat para sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan
na rito ang:
1. Teoryang Klasismo- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-
iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
2. Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro
ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino, talento atbp.

3. Teoryang Imahismo- Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na


higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
ibahagi ng may-adka

4. Teoryang Feminismo- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan


at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.

5. Teoryang Pormalistiko- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang


nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
6. Teoryang Eksistensyalismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan
ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng
kanyang pananatili sa mundo (human existence).

7. Teoryang Romantisismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na gagawin at


gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.

8. Teoryang Bayograpikal- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o


kasagsagan sa buhay ng mayakda.
9. Teoryang Moralistiko- Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at
mali.

10. Teoryang Realismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan
Basang-suri
Sa mga kuko ng Liwanag
Ni Edgardo Reyes

Mula sa kaniyang trabaho bilang mangingisda, lumuwas sa Maynila si Julio upang


hanapin ang kasintahang si Ligaya. Si Ligaya ay nasa Maynila nang sumama sa isang
Mrs. Cruz dahil sa alok nitong trabaho.

Dahil matagal nang walang komunikasyon ang dalawa, sumunod na si Julio sa


lungsod. Ngunit imbes na mahanap ang nawawalang si Ligaya, iba ang nahanap ni
Julio—ang sunod-sunod na pighati at paghihirap sa Maynila.
Namasukan man ng iba’t ibang trabaho upang mamuhay, tila hindi naman umayon
ang swerte sa kaniya. Madalas siyang apihin sa mga napapasukang trabaho.
Nananakawan din siya at nabubugbog ng mga maaangas. Dahil din sa napakaraming
dinanas, hindi na rin napigilan ni Julio ang sarili at nakapaslang na rin ng iba.

Sinabi ni Julio sa sarili na upang manatiling buhay sa mabangis na lungsod,


kinakailangan na niyang sumakay sa agos at palakasin ang sarili. Hindi na dapat siya
magpaapi sa kalaban na naging sanhi ng pagiging mapangahas niya.
Nagkita rin sina Ligaya at Julio. Dito ay nalaman niyang pinagsasamantalahan siya
ng isang banyagang Tsino at hindi maayos na trabaho ang mayroon siya sa lungsod.
Nagkasundo naman ang dalawa na gagawa sila ng paraan upang makatakas, kahit
mayroon pang dugong dumanak o buhay na mabuwis.
Salamat sa
Pakikinig 

You might also like