You are on page 1of 3

Modyul SULYAP NG KATUTUBONG

II PANITIKAN
LAGOM-PANANAW
Sa modyul na ito, iyong mapag-aaralan ang tungkol sa mga pangkat
na dumating sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.
Matatalakay din sa modyul na ito ang mga karunungang bayan gaya ng
mga salawikain at mga bugtong na nagmula sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas.

INAASAHANG MATUTUHAN

Sa pagtatapos ng pag-aaral o talakayan sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

▪ Naiuugnay ang panitikan sa kasaysayan


▪ Naihahambing ang pamumuhay ng mga Ita sa nakaraang panahon
sa kasalukuyan
▪ Nakikilala ang mga taong dumating sa Pilipinas bago dumating ang
mga Kastila

PAGBASA AT PAG-UNAWA

Alam mo bang magkaugnay ang panitikan at kasaysayan? Isinasaad ng


kasaysayan ang mga naganap na pangyayari at tinutukoy ang tiyak na panahon.
Inilalarawan naman ng panitikan ang kultura, pamumuhay, hanapbuhay, paniniwala,
kaugalian at karanasan ng mga tao. Ipinahahayag ng panitikan ang iba’t ibang mukha
ng buhay at damdamin ng bawat nilalang katulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, tagumpay, kabiguan, poot at iba pang damdaming naipahahayag sa
pamamagitan ng panitik.

Aralin 1 SANLIGANG KASAYSAYAN

Ang mga sumusunod ang mga pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas
bago dumating ang mga Kastila.

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 10 Princess Mae Ydian-Irinco
Ang Mga Ita o Mga Negrito

Ayon sa kasaysayan, sila ang mga unang


nanirahan sa Pilipinas. Tinatawag silang Negrito, Ita,
Aetas o Baluga. Wala silang sariling kultura at wala
rin silang nalalaman sa agham, sining,
paghahanapbuhay, pagsulat at pamumuhay. Sila'y
walang palagiang tirahan. May 25,000 taon na ang
nakalilipas, sila'y nakarating sa mga pulong sakop
ng Pilipinas dahil sa ugali nilang maglakbay. Sinasabi sa kasaysayan na ang mga pulo
sa Pilipinas at ang mga pulo sa Asya ay dating magkakadugtong.
Ang Mga Indonesyo

Nakarating sa Pilipinas ang mga Indonesyo may


8,000 na ang nakaraan. May sarili na silang sistema ng
pamahalaan, nagsusuot ng damit, marunong gumawa
ng apoy sa pamamagitan ng pagkikiskis ng dalawang
patpat ng tuyong kahoy, at may mga alamat, pamahiin
at mga epiko. May higit silang kabihasnan kaysa mga
Ita.
Ang Mga Malay

Tatlong pangkat ng mga Malay ang dumayo sa Pilipinas. Ang unang pangkat
ang mga Anuno ng lahing Igorot, Tinggiyanes at Bontoc. Ang ikalawang pangkat ay
ang mga ninuno ng mga Tagalog, Kapampangan, Bicolano, Bisaya, Ilokano,
Pangasinense, Ibanag at iba pa. May dala silang alpabeto na nakilala sa tawag na
Alibata, mga karunungang bayan, alamat at kuwentong bayan. Nagdala sila sa Plipinas
ng sistema ng pamahalaan na tinawag na Balangay na hinango sa sinakyan nilang
balsa.
Ang Mga Intsik na Manggugusi
Nakarating dito ang mga Intsik mula sa taong 30 o
hanggang 800 A.D. Tinawag silang manggugusi sapagkat
inilalagay nila sa gusi ang namatay na kaanak at ibinabaon
sa kanilang bakuran. Nanggaling sa kanila ang mga
salitang gusi, susi, kawali, talyasi, kawa, kuya, diko, sangko,
ate, ditse at iba pa.

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 11 Princess Mae Ydian-Irinco
Ang Mga Bumbay
Nakarating sa Pilipinas ang unang pangkat ng mga
Bumbay noong mga ikalabindalawang dantaon, A.D.
Sila'y may pananampalatayang Beda at sinasamba nila
ang Araw at ang Kalikasan. Ang ikalawang pangkat ay
dumating noong ikalabintatlong dantaon. Sila'y may
pananamnpalatayang Bramin.
Mga Arabe at Persiyano
Sila'y mga biyaherong dumayo at nanirahan sa katimugan ng
Pilipinas mula nang taong 890 A.D. hanggang
ikalabindalawang dantaon. Ang mga misyonerong Arabe at
Persiyanong nagsiparito upang ikalat ang Mahometanismo sa
Malaysia at Pilipinas ay nandayuhan dito noong ikalabinlimang
dantaon na. Sa Mindanao at Sulu sila nagsipanirahan.

GAWAIN 2.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ilahad ang pagkakaugnay ng panitikan at ng kasaysayan.


2. Paghambingin ang pamumuhay ng mga Ita bago dumating ang mga
Kastila sa pamumuhay ng mga Ita sa kasalukuyan.
3. Ano-ano ang minana nating bagay, kaugalian o katangian mula sa
mga Indonesyo, Malay, Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano na
hanggang ngayon ay patuloy na makikita sa ating mga Pilipino.

Binabati kita! Napakagaling mo! Natapos at napagtagumpayan mo ang


aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa
araw na ito.
Bagaman tapos na tayo sa araling ito, ihandang muli ang iyong sarili sa
panibago na namang aralin, ang Modyul III: Pananakop ng mga Kastila.

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 12 Princess Mae Ydian-Irinco

You might also like