You are on page 1of 25

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre – Modyul 10:
Disiplina sa Pananaliksik
at mga Responsibilidad
ng Mananaliksik

AIRs - LM
i
LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Baitang 11 – Ikalawang Semestre
Ikalawang Semestre - Modyul 10: Disiplina sa Pananaliksik at mga Responsibilidad
ng Mananaliksik Ikalawang Edisyon, 2022

Karapatang sipi © 2022


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Aries G. Madarang

Tagasuri: Jomari B. Banut at Larry O. Barbasina

Editor: Alvin D. Mangaoang


SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.

Tagalapat: Michael Jason D. Morales

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD

Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, PhD, CID Chief

Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union

ii
Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
Ikalawang Semestre – Modyul 10:
Disiplina sa Pananaliksik
at mga Responsibilidad
ng Mananaliksik

iii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kanikanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
Sapulin
Natutuwa ako mahal kong mag-aaral dahil marami kang natutuhan tungkol
sa katuturan, kahalagahan, at katangian ng pananaliksik gayon din ang batayang
kaalaman at konsepto ng maka-Pilipinong pananaliksiksik. Nalinang din ang iyong
kritikal na pag-iisip sa pagsusuri ng mga saliksik. Ngayon, magpatuloy ka lang dahil
panibagong kaalaman na naman ang iyong matutuhan.

Hindi maikakailang napakalaki ng maitutulong ng pananaliksik sa pangaraw-


araw na pamumuhay. Ito ang dahilan kung bakit patuloy na natutugunan ang mga
suliranin sa ating paligid maging sa ating lipunan. Ngunit, bilang mag-aaral na
mananaliksik, kinakailangang maging mulat kayo sa etikal na konsiderasyon sa
tuwing kayo’y magsasagawa ng pananaliksik.

Sa Modyul 10, mapag-aaralan mo ang tatlong disiplina sa pananaliksik –


Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham Pisikal o Natural. Malalaman mo rin
ang tungkol sa etikal na konsiderasyon sa pagsasagawa ng pananaliksik at ang iyong
tungkulin at responsibilidad bilang mananaliksik.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):


1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika sa pananaliksik. (F11PB-IVab-100)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Naibibigay ang kahulugan ng mga konseptong kaugnay ng pananaliksik;
2. Naipaliliwanag sa sariling pangungusap ang mga katuturang ibinigay sa
iba’t ibang disiplina sa pananaliksik;
3. Nabibigyang-kahulugan at naipaliliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga
konseptong kaugnay ng pananaliksik;
4. Nakasusuri ng ilang halimbawa ng teksto;
5. Natutukoy ang responsibilidad at mga katangian ng mahusay na
mananaliksik;
6. Nasusuri ang iba’t ibang kaso ng plagiarism sa mga halimbawa mula sa
iba’t ibang sitwasyon; at
7. Naisasagawa ang mga gabay sa etikal na pangangalap ng datos at aktuwal
na pagsulat ng pananaliksik.

Handa ka na ba mahal kong mag-aaral? Kung oo, halika na’t magsimula ka


na sa pag-aaral sa mga aralin at pagsagot sa mga gawain.

1 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Aralin
Tatlong Pangunahing
10.1 Disiplina sa Pananaliksik

Simulan
Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa aralin, magkakaroon muna
ng paunang pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa
paksang tatalakayin.

Gawain 1: K-W-H-L Chart


Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paksa: Tatlong Pangunahing Disiplina sa Pananaliksik Gabay


sa Pagsasagawa ng Gawain:
1. Itala sa hanay “K” ang alam mo na sa paksa.
2. Sa hanay “W” ay ilista mo ang mga gusto mong matutuhan sa aralin.
3. Itala mo naman sa hanay “H” ang mga naisip mong hakbang o paraan upang
matamo ang mga inilistang gustong matutuhan sa aralin.
4. Kailangan mo munang isagawa ang lahat ng gawain sa araling ito, pagkatapos
ay balikan mo ang hanay “L” upang itala ang iyong natutuhan sa aralin.

K W H L
Ano ang alam mo Ano ang gusto Ano-ano ang Ano-ano ang
na sa paksa? mong matutuhan maari mong aking
mula sa aralin? gawin upang natutuhan?
lubusang *Balikan mo ang
matuto? bahaging ito
pagkatapos mong
isagawa ang lahat
ng gawain sa
aralin.

2 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Binabati kita! Dahil nagpakita ka ng kahusayan sa mapag-aaralan nating
aralin. Ngayon, tayo na’t maglakbay sa mas malalim pang pag-aaral.

Lakbayin
Alam mo bang…

May tatlong disiplinang pang-akademiko sa pananaliksik? Sinasakop nito ang


mga larangan na siyang punto ng dalubhasa. Nakatala sa ibaba ang mga disiplina
kabilang ang mga larangang sumasailalim dito.

A. Humanidades (Humanities)

Ang mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao (Ingles: Humanities,
“pagkatao”, o The Humanities, “mga pagkatao” ng tao) ay mga disiplinang
akademikong nag-aaral sa mga kondisyong humano, na ginagamitan ng mga
metodo ng malawakang pagsusuri, pagpuna, at pagbabakasali; dahil sa tatlong
metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito – na tinatawag ding humanidades o
umanidades - mula sa mga emperikong (empirikal) gawi na ginagamit sa mga likas
na agham at mga agham panlipunan.

Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may kaugnayan sa humanidades


ang mga pag-aaral ng mga sinauna at makabagong mga wika, panitikan,
pilosopiya, pananampalataya, arkitektura, biswal na sining (napagmamasdang
sining kabilang ang pagpipinta, paglililok), mga sining na isinasagawa (performing
arts, kung saan kasama ang musika, pagsasayaw, at teatro) at malikhaing
pagsulat. Karagdagan dito ang mga paksang paminsan-minsang nauugnay sa
mga araling pantao: tulad ng antropolohiya, kasaysayan, at mga pag-aaral
pampook (area studies), bagaman itinuturing ang mga ito bilang mga agham
panlipunan. Tinatawag na mga humanista o “maka-pantao” (iba mula sa salitang
makatao) ang mga dalubhasang nag-aaral ng mga araling pantao.

B. Agham Panlipunan (Social Sciences)

Ang Agham Panlipunan ay isang malawak na larangang sumasakop sa lipunan


ng tao at ang ugnayan sa mga indibidwal sa loob nito. Ang larangang ito ay

3 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
mayroon ding malawak na bilang ng mga sub-larangan tulad ng sosyolohiya,
sikolohiya, paglilingkod panlipunan (social work), ekonomiks, heograpiya, agham
pampolitika, antropolohiya, kasaysayan, arkeolohiya, abogasya at batas, at
edukasyon.

Ang simula ng Agham Panlipunan bilang isang larangan ng pag-aaral ay


maaaring masubaybayan pabalik sa ika-18 siglo. Gumagamit ang mga dalubhasa
ng siyentipikong pamamaraan na kahawig ng mga ginamit sa natural na agham
upang maunawaan ang lipunan; gayonpaman, ang panlipunang mga kritikal na
pamamaraan at interpretasyon ay ginagamit din sa agham panlipunan.

Ang mga mag-aaral sa agham panlipunan ay maaaring magpatuloy sa mga


propesyong tulad ng pagiging abogado, hukom, manggagawa sa lipunan,
istoryador, arkeologo, mamamahayag, manunulat, guro, librarian, ekonomista,
atbp.

C. Agham Pisikal / Natural (Physical / Natural Science)

Ang natural na agham ay isang sangay ng agham na tumatalakay sa likas na


mundo. Sumasakop ito sa mga phenomena at bagay ng kalikasan at pisikal na
mundo. Ang natural na agham ay nagsasangkot ng pag-unawa, paglalarawan, at
paghula ng mga likas na phenomena gamit ang empirical at obserbasyong may
ebidensya. Ang hypothesis na nabuo sa mga likas na agham ay dapat na
napatunayan sa siyentipikong paraan na maituturing bilang isang teoryang
pangagham.

Ang natural na agham ay maaaring nahahati sa dalawang pangunahing sanga


na kilala bilang biological science (life science) at pisikal na agham. Ang agham na
biolohikal ay sumasakop sa mga nabubuhay na organismo samantalang ang
pisikal na agham ay sumasakop sa pisikal na mundo. Ang pisikal na agham ay
nahahati sa mga iba pang mga sangay, kabilang ang kemistri, pisika, astronomiya
at agham pangmundo. Ang mga sangay na ito ay maaaring higit pang nahahati sa
mas dalubhasang larangan. Maraming mga tanyag na propesyon tulad ng doktor,
nars, engineer, geologist, astronomer, chemist, biologist, atbp ay nangangailangan
ng kaalaman sa natural science.

Magaling mahal kong mag-aaral, Ngayon ay handa ka nang magsanay. Gamit


ang natutuhan sa aralin ay madali mo lamang maisasagawa ang mga inihandang
gawain sa susunod na bahagi ng modyul. Paghusayan mo!

Galugarin
Gawain 2: Itala Mo!
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat disiplina ng pananaliksik at magtala ng ilang
larangang sakop nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

4 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Disiplina Kahulugan Mga larangang sakop
1. Humanidades (Humanities) 1. 2.
3.

2. Agham Panlipunan (Social 1. 2.


Sciences) 3.

3. Agham Pisikal o Natural 1. 2.


(Physical / Natural Science) 3.

Gawain 3: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Basahin at unawain ang mga kahulugang ibinigay sa iba’t ibang disiplina
sa pananaliksik. Ipaliwanag ito sa sariling pananalita batay sa iyong
pagkaunawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. “Ang humanidades ay ang pag-unawa sa tao sa mundo. Layunin nitong gawin


tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan.’’ (J. Irwin Miller)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. “Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang


buhay natin ay lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa
indibidwal at sa kolektibong asal at kilos.” (Nicholas A. Christakis)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. “Ang Agham Pisikal ay nakatuon sa mga property at interaksyon ng panahon
espasyo, enerhiya at matter.”
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 4: Tanong-sagot
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano-ano ang iba’t ibang disiplina ng pananaliksik? Ipaliwanag ang pagkakaiba


ng bawat isa.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ano ang tatlong metodong gamit ng mga humanista sa pag-aaral sa mga
kondisyong humano?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Ano ang pamamaraan ng pag-aaral ang ginagamit ng mga siyentipiko upang
lubusang maunawaan ang lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
4. Ano ang dalawang pangunahing sangay ng natural na agham? Ipaliwanag ang
pagkakaiba ng bawat isa.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Paano nakatutulong ang disiplina ng pananaliksik sa paglago ng isang tao?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Palalimin
Gawain 5: Suriin Mo Na!
Panuto: Basahing mabuti ang halimbawa ng panitikang nasa loob ng kahon.
Pagkatapos ay suriin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino
sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa”, isang pahayag na hinango sa


Banal
na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.

Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang


dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan
sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban
ang sariling karapatan upang makapagpasya sa sarili. Lakas-loob din niyang
hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang
maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan
para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.

Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unti na ring napahahalagahan. Hindi


man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na
pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas
ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.

Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod


sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa
suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro
ng pamilya.

Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa


pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang
itinatag upang mangalaga at magbigay-proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan sa
mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga
samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa
pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at
kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

Pinaghanguan: Romulo N. Peralta et., al, Panitikang Asyano 9 (Kagamitan ng Mag-aaral sa FILIPINO)
(Meralco Avenue, Pasig City: Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS), 2014), PDF

1. Kanino dapat pasakop ang babae?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Sa anong aklat hango ang pahayag na, “Babae, pasakop kayo sa inyong
asawa”?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Ano ang hakbang na ginawa ng mga kababaihan upang sila ay pahalagahan
at igalang sa lipunan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Ano ang paksa ng teksto?

7 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Sa anong disiplina nauuri ang teksto batay sa paksa, layunin, anyo, at wikang
ginamit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

8 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Aralin Etikal na Pananaliksik

10.2 at mga Responsibilidad


ng Mananaliksik

Simulan
Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa pananaliksik,
magkakaroon muna ng isang gawain upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman
hinggil sa paksang tatalakayin.

Gawain 1: Katangian Ko, Ibigay Mo!


Panuto: Ibigay ang katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik. Gamitin ang
salitang RISERTSER sa pagbibigay ng katangian ng isang mananalik. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

R-____________________________________________________________________________

I-_____________________________________________________________________________

S-____________________________________________________________________________

E-____________________________________________________________________________

R-____________________________________________________________________________

T-____________________________________________________________________________

S-____________________________________________________________________________

E-____________________________________________________________________________

R-____________________________________________________________________________

Humahanga ako sa iyong pagsagot sa gawain! Ngayon atin nang alamin ang
mga etikal na pananaliksik at ang tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik.

9 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Lakbayin
Etikal na Pananaliksik at mga Responsibilidad ng Mananaliksik

Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika-14 siglo ayon
sa diksiyonaryong Merriam-Webster (2014). Ang salita ay nagmula sa Middle English
na ethik, mula sa katagang Griyegong êthikë, na galing naman sa katagang ethiko.
Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at
pakikipag-kapuwa. Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga
pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na idea sa
kung ano ang tama at mali. Sa larangan ng Pilosopiya, ang etika ay itinuturing na
isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa
kung ano ang mabuti at nararapat.

Samakatuwid, ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid,


makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat
ito sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuhang ang pagiging etikal sa larangang
ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan,
at pagpapanguna sa kapakanan ng kapuwa. Mahalaga ang indibidwal na pagpapasya
ng mananaliksik sa kung ano ang mabuti o hindi, ngunit lagi’t lagi ay nakasalalay ito
sa mga panlipunang pagpapahalaga. Makalipunan ang anomang pananaliksik. Ang
pagsasagawa nito, kahit pa nga sa indibidwal na pagsusumikap lamang, ay may
katangian at layuning sosyal. Hindi nananaliksik ang sinoman para sa sariling
interes at kapakinabangan, at lalong hindi para paunlarin lamang ang sariling
pagunawa sa isang tiyak na paksa. Maaaring maging bahagi ito ng layunin ngunit
higit natatapos rito ang tungkulin ng isang mananaliksik. Tungkulin ng
mananaliksik na mag-ambag ng bagong kaalaman at lumikha ng makabuluhang
pagbabago, gaano man kaliit ito. Ang pagbabago ay hindi para sa sarili kundi para
sa kapuwa at lipunan. Etikal ang anomang pananaliksik na nagpapanguna sa
ganitong adhikain.

Mahihinuha ang ganitong kalikasan ng pananaliksik sa pag-unlad ng mga


etikal na pamantayan nito. Sa pagsasakasaysayan ni William Trochim (2006) sa Web
Center for Social Research Methods, tinukoy niyang may dalawang mahahalagang
pangyayari pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagtulak sa mga
mananaliksik na pagnilayan ang pangangailangang bumuo ng consensus hinggil sa
mga etikal na prinsipyo sa pananaliksik. Ang una ay ang Nuremberg War Crimes Trial,
kung saan nailagay sa pampublikong kamalayan ang pamamaraan ng mga doktor at
siyentistang Aleman na gumagamit ng mga taong bihag sa mga concentration camp
bilang kasangkapan sa kanilang mga nakaririmarim na eksperimento.

Kasabay sa pagpaparusa sa mga siyentistang napatunayang nagsagawa nito,


nabuo ang Nuremberg Code na naglalaman ng sampung batayang prinsipyo sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Kabilang sa mga prinsipyong ito ang boluntaryong
paglahok ng mga respondente sa pananaliksik, hindi pagpapahintulot sa mga
hakbang sa pananaliksik na gagamit ng pisikal at mental na pagpapahirap sa tao,
pagkakaroon ng tamang kapaligiran at proteksyon para sa mga respondente, at

10 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
kagyat na pagpapatigil sa anomang eksperimento na magiging dahilan ng
pagkamatay o pagkapahamak ng sinomang tao. Gayondin, malinaw na tinukoy rito
na ang anomang pananaliksik ay kailangang mag-ambag sa kabutihan ng lipunan.
Noong 1950s hanggang 1960s naman ay nakuwestiyonng publiko ang
Tuskegee Syphilis Study, kung saan hindi hinayaang makagamit ng gamot para sa
syphilis ang mga kalahok sa pananaliksik na African-American. Ang mga
pangyayaring ito ay nag-udyok sa mga grupo ng mananaliksik at siyentista upang
muling pag-isipan ang panlipunang halaga ng mga siyentipikong pananaliksik,
tukuyin ang pangunahing layunin nito, at kung kanino ito dapat magsilbi.

Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik

Ang mga gabay sa etikal na pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu


sa iba’t ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang
prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at
ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga
nagsisimulang mananaliksik sa anomang larangan. Narito ang ilan sa mahahalagang
prinsipyong iyon:

1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik. Gaya ng


nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa
paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa
mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa
partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang
pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging
tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng
diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may
malasakit at iisang layunin.

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit


ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o
anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa
sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa
mga tagasagot ang kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok
ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang
kaniyang paglahok sa kabila nito.

3. Pagiging Kompidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.


Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyong
magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng
pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli
ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may
sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta
ng pananaliksik o kayay bahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring
ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing
pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam


sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa

11 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo
na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik
upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga
ito. Ito ay dahil sa mangilan-ngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik
upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may
awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang
rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa
kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay
na institusyong pinag-aaralan.

Katangian ng Mananaliksik

Mahalagang isaalang-alang nang mabuti at taglayin ng isang mananaliksik


ang katangian bilang gampanin sa pagsasagawa ng pananaliksik. Dapat taglayin niya
ang sumusunod na gampanin at responsibilidad.

Ayon sa pag-aaral ni Calmorin (1995), nagbigay siya ng mahahalagang


katangian at ito ang sumusunod:

1. Matalino at masiyasat ng mga karunungan – ang mananaliksik ay mahilig


mangalap ng impormasyon, magsiyasat ng mga bagay-bagay sa kaniyang
paligid, at inaalam ng isang mananaliksik ang kaugnayan ng mga bagay sa
isa’t isa at salik ng mga ito.

2. May mahusay na paghuhusga – ang paggamit ng apat na M- Man


(mapagkukunang tao ng impormasyon), Money (magagastos na salapi),
Materyal (materyal o kagamitan), Machinery (makinarya) ay maiuugnay rito.
Ang isang mananaliksiksik ay nagsasagawa ng kaniyang pag-aaral sa tamang
panahon, lugar ng matatalino, matipid at epektibo.

3. Mapanuri – ang isang mananaliksik ay hindi agad-agad naniniwala sa


kaniyang mga nababasa, naririnig o namamasid. Mahusay na inaalam niya
ang katotohanan ng mga impormasyong kaniyang nakalap. Ito’y kaniyang
sinusuri ng husto upang ang mga datos ay may sapat na katibayan, at kayang
panindigan ang nabuong papel.

4. Matapat – isinasaalang-ala ng isang mananaliksik ang wastong datos at hindi


nangongopya upang maiwasan ang isyu ng plagiarismo. Hindi nandaraya at
inilalahad ang katotohanan ng pananaliksik.

Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng Mananaliksik

Naging tampok na usapan sa social media ang ilang popular na kaso ng


plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersiyal ang naging paggamit ng isang malaking
negosyante ng mga sikat na linya sa kaniyang talumpati nang walang pagbanggit sa
malalaking pangalan na pinagmulan ng idea. Gayondin, binatikos ang isang senador
sa walang habas na paggamit ng idea at direktang pagkopya sa artikulo ng ilang
blogger tungkol sa isyu ng Reproductive Health Law sa kaniyang talumpati sa senado.

12 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Dahil sa mga pangyayaring ito, naging tampok sa media ang konsepto ng plagiarism
at ang mga kaugnay na usaping etikal nito.

Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang
tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o idea ng walang kaukulang
pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Ayon naman sa The New Lexicon
Webster’s Dictionary, ito ay tumutukoy sa paggamit o pangongopya ng kaisipan,
imbensiyon, sulatin, at iba pa na mula sa ibang tao na hindi binabanggit ang
pangalan ng pinagkunan. Tinukoy naman ng plaglarism.org (2014) ang iba pang anyo
ng plagiarism gaya ng:

1. pag-angkin sa gawa, produkto o idea ng iba;


2. hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag; pagbibigay ng
maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
3. pagpapalit ng mga salita sa Katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto
ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala;
4. at ang pangongopya ng napakaraming idea at pananalita sa isang pinagkunan
na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang
pinagmulan nito.

Bukod sa mga nabanggit, kaso rin ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o


anomang produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite ng iisang papel
sa magkaibang kurso (Council of Writing Programs Administrator 2003). Itinuturing na
rin na paglabag ang redundant publication kung saan nagpapasa ang isang
mananaliksik ng isang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa
publikasyon at ang self-plagiarism, kung saan ang bahagi ng isang pananaliksik ay
inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sarili ring
idea ang pinagmulan nito (University of Minnesota, Center for Bioethics 2003). Maging
ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit
na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik o kaya ay paglalagay ng mga aklat
o materyales na hindi naman personal na nabasa at ginamit, bagkus ay nakita
lamang na binanggit sa aklat ng iba, ay mga porma rin ng plagiarism (Evasco et al.
2011).

Bakit nga ba marami ang madalas na gumagawa ng mga karaniwang


pagkakamaling ito kaugnay ng plagiarism? Isa sa pangunahing dahilan ay ang
kamangmangan o kawalan ng idea, lalo na ng mga mag-aaral, sa kalikasan nito.
Kung minsan naman ay may kamalayan sa mga panuntunan ngunit sadya o hindi
sadyang binabalewala ang mga ito. Madalas ding itinuturong dahilan sa ganitong
mga kapabayaan ang labis na pagmamadaling makatapos sa pananaliksik o kaya ay
hindi pagbibigay ng sapat na panahon na nagreresulta sa kawalan ng sinop at
pagingat ng mananaliksik. Sa bahagi naman ng guro, karaniwan ding hindi
nabibigyan ng sapat na pagtalakay ang usapin ng plagiarism. Hindi rin nasasawata
ang kapabayaang ito dahil sa kawalan ng malinaw na mga institusyonal na polisiya,
o kung mayroon man, ay kakulangan sa mahigpit na implementasyon nito.

Upang solusyonan ang mga nabanggit na kahinaan, kailangang alamin ng


mananaliksik ang mga batayang etikal na prinsipyo sa pananaliksik. Makatutulong
din na maging maalam ang sinomang mananaliksik sa mga institusyonal na
polisiyang kaugnay ng pananaliksik. Susi rin sa pagpapatibay ng resulta ng
pananaliksik at pag-iwas sa pag-uulit ng mga idea ang malalim na pagbabasa

13 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
kaugnay ng paksang napili. Lahat ng responsibilidad na ito ay nakasalalay sa
mismong mananaliksik. Kailangang maunawaan na ang gawaing pananaliksik ay
isang seryosong gawain at hindi dapat minamadali para sa personal na kagaanan at
kapakinabangan. Tandaan na nakasalalay sa kasinupan at katapatan ng
pananaliksik at integridad nito. Kung isasapuso ng sinomang mananaliksik ang
makalipunan at makatao ang kalikasan ng gawaing ito, tiyak na susunod ang
pagiging matuwid at makatuwiran.

Mga Dapat Isaalang-alang upang Maiwasan ang Plagiarismo

1. Palaging banggitin ang pinagkukunan ng mga impormasyon. Kung hindi


tuwirang sisipiin ang mga tala mula sa sanggunian. Makabubuting ihawig na
lamang sa sariling pananalita ang kaisipan.
2. Lahat ng mga datos na makukuha ay itala sa isang note card upang hindi
makalimutan ang sangguniang pinagkunan ng impormasyon. Lagyan din ng
panipi (“ ”) ang mga direktang sipi.
3. Itala rin ang mga detalye ukol sa pinagkuhanan ng impormasyon katulad ng
may-akda, taon kung kailan ito naisulat, nag-imprenta, pahina at iba pa
upang maitala ito sa sanggunian o bibliograpiya.
4. Itala sa listahan ng mga sanggunian ang lahat ng mga datos na nakalap.
Maaari ring gumamit ng parentetikal na dokumentasyon ( ), sa pagbanggit ng
pinagkukunan ng mga datos.
5. Sundin ang panuntunan ng pagsulat ng mga datos ayon sa estilo ng
dokumentasiyon.

Narito ang halimbawa ng isang masinop at maingat na pagtatala.

Ang pananaliksik ay “sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na


pagsusuri sa mga haypotetikal na proposisyon ukol sa pagkakaugnay-ugnay ng
mga bagay sa isang phenomena”. (Walliman 2011; mula kay Kerlinger 1970:8)

Ayon kay Kothari (2006) sa kaniyang aklat na Research Methodology: Methods


& Techniques, ang pananaliksik ay pagpupursiging malaman ang katotohanan sa
tulong ng pag-aaral, pagmamasid, pagkukumpara at pag-eeksperimento; ang
pananaliksik sa karunungan sa pamamagitan ng mga layunin at masistematikong
paraan ng paghahanap ng mga solusyon sa isang suliranin.

Tandaan!

Ang pagkopya ng mga impormasyon na walang angkop na pagtatala at


pagbabanggit ng sanggunian ay maituturing na plagiarismo. Maging ang simpleng
pag-copy at pag-paste ng mga impormasyon at pinasa bilang proyekto sa guro nang
walang nakasulat na sanggunian ay isa ring halimbawa ng plagiarismo. Ang ganitong
gawain ay may kaparusahan sa ating batas. Kaya bilang isang mananaliksik,
mahalagang itala ang mga sanggunian o pinagkuhanan ng datos na magsisilbing
patunay na rin sa isinasagawang pag-aaral.

Nawa ay naunawaan mo ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting


mananaliksik at mga bagay-bagay na dapat iwasan ng isang mananaliksik. Ngayon

14 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
naman, isagawa mo na ang ilang kasanayan na inihanda ng guro sa susunod na
bahagi ng modyul.

Galugarin
Gawain 2: Tukuyin Mo!
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na kaso sa pananaliksik at tukuyin kung
may naganap na paglabag sa etikal na pamantayan sa pananaliksik.
Pangatuwiranan ang inyong sagot sa bawat kaso sa sagutang papel.

1. Nanaliksik si Ferdinand tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip


niyang basahin ang aklat ni Paulo Freire na Pedagogy of the Opressed upang
makatulong sa kaniyang pagsusuri, ngunit nahihirapan siyang maghanap ng
kopya. Nabasa niya sa isang paniniliksik ni Dr. Laura Sy na ginamit na tala
ang isa sa mahalagang bahagi ng libro ni Freire. Ginamit niya ang sipi ni Dr.
Laura Sy at binanggit ang dalawang awtor sa tala. Sa sanggunian, kapuwa rin
niya binanggit ang libro ni Freire at artikulo ni Dr.
Sy.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Pinag-aralan ni Leonora ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng


Eraserheads. Natanggap ito para sa publikasyon sa isang journal ng mga
pananaliksik sa kulturang popular. Hindi na niya ipinagpaalam sa bandang
Eraserheads ang paggamit niya ng mga kanta nito sa kaniyang pananaliksik.
Ang katuwiran niya ay matagal na itong isinapubliko at nagkawatak-watak na
ang banda
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 3: Punan Mo!


Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang patlang. Piliin ang tamang salita
mula sa kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Pananaliksik ay isang 1.__________________ 2.___________________ ng mga


bagong 3._____________________________________ gamit ang mga nakalap na
4._________________________________ upang 5.____________________________ ang isang
suliranin. Ang isang mananaliksik ay dapat na maging 6._________________________

15 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
sa kaniyang ginagawang pagsasaliksik at maging 7.________________________________
sa kaniyang materyal at kapuwa 8.__________________________. Ang
9._________________________ din ng mananaliksik ay dapat na nakabatay
10.__________________ ng kaniyang tentatibong balangkas.

sistematikong matapat
kaalaman layunin
datos mananaliksik
rasyonal obhetibo
masolusyonan pagtuklas

Palalimin
Gawain 4: Magsuri Ka!
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang teksto at isa-isahin ang mga paglabag na
katangian ng isang mabuting mananaliksik at patunayan. Ilagay ang inyong
sagot sa sagutang papel sa tulong ng graphic organizer sa ibaba.

Nagsasagawa si Bb. XYZ ng pananaliksik hingil sa paksang Isang Pag-aaral


sa mga Sanhi at Bunga ng Pagmamaltrato sa mga Kasambahay. Matapos siyang
makakuha ng mga datos at detalye mula sa pakikipanayam, pagmamasid, at
pagbabasa, may mga natuklasan siyang taliwas sa kaniyang layunin sa
isinasagawang pag-aaral. Ilang estadistika ang binago niya upang ang resulta ay
maging pabor sa nais niyang maging kalabasan ng pananaliksik. Gayondin,
inilahad niya ang mga tunay na pagkakakilanlan ng kaniyang mga respondente.

Mga Paglabag Patunay Paliwanag


1.

2.

3.

16 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Kaukulang
Batayan ng Grado Grado
Puntos
Nasuri nang maigi ang sitwasyon at naitala ang mga
paglabag. 5

Mahusay na napatunayan ang mga nailahad na paglabag. 5

Naipaliwanag nang maigi at maayos ang daloy at


pagkakaugnay-ugnay ng mga sagot. 5

Kabuoan: 15

Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil umabot ka sa bahaging ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong.
Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

______1. “Si Allen ay mapagmasid sa kaniyang paligid. Tuwi-tuwina ay inaalam


niya ang mga bagay na nakapupukaw sa kaniyang atensiyon o interes.”
Anong katangian ng isang mananaliksik ang tinutukoy sa sitwasyong
ito?
A. Matalino at masiyasat B. May mahusay na
paghuhusga
C. Mapanuri D. Matapat

______2. “Palaging itinatala ni Nina ang mga detalye ukol sa pinagkukuhanan niya
ng impormasyon sapagkat ilalagay niya ang mga iyon sa sanggunian ng
kaniyang pananaliksik.” Anong katangian ng isang mananaliksik ang
tinutukoy sa sitwasyong ito?
A. Matalino at masiyasat B. May mahusay na paghuhusga
C. Mapanuri D. Matapat

______3. “Nakakita ng isang magandang batayan si Julia tungkol sa paksang


Wika at Gramatika. Gayonpaman, naghanap pa rin siya ng ibang aklat
na mapagbabatayan niya ng mga impormasyong kaniyang makukuha.’’
Anong katangian ng mabuting mananaliksik ang tinutukoy sa
sitwasyong ito?

17 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
A. Matalino at masiyasat B. May mahusay na paghuhusga
C. Mapanuri D. Matapat

______4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa tuwirang pangongopya ng


impormasyong hindi kinikilala ang may akda ng pinagkuhanan ng
teksto?
A. Copywright B. Paraphrasing
C. Plagiarism D. Translation

______5. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy sa plagiarism? A.


Panghihiram ng mga salita mula sa wikang banyaga.
B. Paggamit ng direktang sipi at paglalagay ng panagalan ng awtor.
C. Pagnanakaw ng isang bahagi ng isang disenyo, banghay, o himig
ng isang awit.
D. Pagsasalin ng mga pahayag ng iba na nasa ibang wika at hindi
itinala na salin ang mga ito.

______6. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tungkulin ng


mananaliksik?
A. Maging mapagpasensya B. Maging masinop
C. Maging matapat D. Maging maagap

______7. Paano nakatutulong ang disiplina sa pananaliksik sa paglago ng isang


tao?
A. Nakatutulong ito upang malinang ang talento.
B. Nakatutulong ito upang makabuo ng relasyon sa komunidad.
C. Nakatutulong ito upang mas lalo pang lumawak ang kaalaman
ng isang tao.
D. Nakatutulong ito upang mas maging
mahusay sa pakikipagtalastasan.

______8. Anong disiplina ang may layuning mas lalo pang malinang ang
kakayahan ng isang tao?
A. Humanidades B. Agham pisikal
C. Agham panlipunan D. Wala sa nabanggit

______9. Anong disiplina ang nagsasabing ang buhay natin ay lubhang


mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidual at sa
kolektibong asal at kilos.
A. Humanidades B. Agham pisikal
C. Agham panlipunan D. Wala sa nabanggit

______10. Ang disiplinang ito ay nakatuon sa mga property at interaksyon ng


panahon espasyo, enerhiya at matter?
A. Humanidades B. Agham pisikal
C. Agham panlipunan D. Wala sa nabanggit

18 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
B. Panuto: Isulat ang T kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod sa
pamantayan ng etikal na pananaliksik at H naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag sa


tagasagot ang layunin ng pag-aaral.
_____ 2. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang idea
kung nakuha naman ito sa hindi kilalang blogsite sa internet.
_____ 3. Makabubuti kung ibabalik o ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan
ng pag-aaral.
_____ 4. Kailangang mulat na sumang-ayon ang mga kalahok sa pananaliksik.
_____ 5. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng idea kung isinalin
naman ito sa ibang wika.

Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong


pagsama sa pagtalakay sa mga aralin. Alam
kong marami kang natutuhan tungkol sa
Katuturan, Kahalagahan at Katangian ng
Pananaliksik gayondin ang Maka-Pilipinong
Pananaliksik. Ihanda mo ang iyong sarili sa
kasunod na modyul – Modyul 11: Mga Bahagi at
Proseso ng
Pananaliksik (Kabanata I: Ang Suliranin at
Kaligiran).

Sanggunian
De Laza. C.S et al (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila City: Rex Book Store, Inc.

Marquez, Servillano Jr. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City, Philippines: SIBS Publishing House

https://philnews.ph/2019/07/15/depinisyon-ng-pananaliksik-ibat-ibang-awtor/

https://www.slideshare.net/Cute_04/paghahanda-sa-pananaliksik-filipino-2

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T_IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK.


RexInteractive.com UP Diksyunaryong Filpino Makabagong Balarilang Filipino 2003
pp. 140 – 160Slideshare.net

“Kahulugan ng Humanidades” Dokumen.tip, nahango noong Marso 10, 2022 mula


sa https://dokumen.tips/documents/kahulugan-ng-humanidades.html?page=1
“Pangunahing Pagkakaiba - Likas na Agham vs Agham Panlipunan” Balita, nahango

19 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
noong Marso 10, 2022 mula sa https://tl.weblogographic.com/difference-
betweennatural-science

Romulo N. Peralta et., al. Panitikang Asyano 9 (Kagamitan ng Mag-aaral sa FILIPINO).


Meralco Avenue, Pasig City: Department of Education – Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2014). PDF.

20 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
2500 Telefax: 072-205-0046 Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like