You are on page 1of 9

Ilang p

WESLEYAN
An Autonomous Methodist University
Mabini Ext., Cabanatuan City, Nueva Ecija 3100

KOLEHIYO NG MGA SINING AT AGHAM

Instruksyong Modyular sa kursong


Fili 2- Filipino sa Iba`t Ibang Disiplina

MODYUL 1

Aralin 1. FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

I. Introduksyon

May malaki at mahalagang gampanin ang wika sa isang lipunan. Ang iba`t ibang mga
gawain sa lipunan ay nagkakaroon ng katuparan at kaganapan dahil sa wika., pasulat man ito o
pasalita. Ito ang pangunahing instrumento upang ang mga tao ay magkaunawaan,
magkaugnayan at patuloy na makisangkot sa mga gawaing panlipunan. Anumang ideolohiya
ang mayroon sila ay madaling naibabahagi o naisasalin dahil sa wika, positibo man ito o
negatibo. Wlang larangan sa lipunan ang hindi nangangailangan ng wika sapagkat bahagi na ito
ng pang-araw-araw na proseso ng buhay ng tao. Hindi mapasusubalian ang papel na
ginagampanan ng wika mula sa tahanan, sa paaralan, sa pamayanan at sa pamahalaan.
Samakatuwid, nagpapatuloy sa pag-iral ang lipunan dahil sa wika.

Mga inaasahang Matutuhan sa Kurso (Learning Outcomes)

Sa pagtatapos ng araling ito Inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral mga sumusunod na


bunga ng pagkakatuto ( learning outcome)
1. Maipaliwag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa,
wika ng bayan at bilang wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng
sambayanan.
2. Nakapagbibigay ng malalim na pagpapahalaga sa gampanin ng wikang Filipino sa iba`t
ibang gawaing panlipunan.

Pagtatampok ng Aralin (Overview)

Ano ba ang gampanin ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa?

Ano naman ang role ng wikang Filipino sa ating Lipunan?

At gaano kahalaga ang gampanin mg wikang Filipino sa larangan ng Pananaliksik?

Ilan lamang ito sa mga tanong na may maraming sagot na di sigurado kung
tama o mali. Ito ang mga tanong na tiyakang sasagugutin sa modyul na ito. Halinat basahin
ang kabuuan ng modyul na ito upang ganap nyong maunawaan at makilala ang mga gampanin
ng wikang Pilipino sa bansa, sa pananaliksik, sa bilang wikang Pambansa.

ll. Pagtalakay sa Aralin

READ

PANUTO: Bago natin simulan ang pagtakay sa paksa. Sagutan muna ninyo ang mga
panimulang gawain ibaba.

Panimulang Gawiain Blg. 1.

1. Panoorin sa Youtube ang isa sa mga tampok na dokumentaryo na isinagawa ng


Investigative Documentaries ng GMA na may pamagat na “ Ang Estado ng Wikang
Filipino”
a. Siyasatin ito nang Mabuti at itala ang mahahalagang ideya na makukuha mo buhat
dito.
b. Balikan ang panahon na ikaw ay kasing-edad ng mga batang nasa video. Pareho ba
ang inyong karanasan sa wika? Sa iyong palagay, bakiy ganito ang estado ng wikang
Filipino. Ibahagi sa talagayan conference.
PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na paksa. Itala ang mga mahahalagang
impormasyon. At sagutan ang pagtataya sa ibaba.

Filipino Bilang Wikang Pambansa

Ano ang wikang Pambansa ng mga Pilipino? Tagalog, Pilipino o Filipino? Bakit ba iba-
iba ang nagiging sagot sa tanong na ito? Kung sa mga dayuhan ito itatanong ay madali at
magaang tanggapin na hindi iisa ang kanilang kasagutan sapagkat hindi naman ito ang kanilang
sariling wika at maaaring bahagi ng kanilang interes o kaya`y wikang pinag-aaralan. Subalit
kung sa isang Pilipino ito itatanong, ang iba-ibang kasagutan ay tunay na nakapanlulumo. Ikaw
alam mob a ang sagot sa tanong na ito? Kilala mo ba ang sarili mo bilang Pilipino? Ano nga ba
talaga ang wikang Pambansa ng mga Pilipino? Bakit nga ba nagdudulot ng kalituhan sa
maraming Pilipino ang simpleng tanong na ito?
Mahalagang muling sipatin ang kasaysayan ng wikang Pambansa upang maging ganap
ang pag-unawa rito.

Ang pagnanais at pangangailangan na magkaroon ng isang wikang Pambansa ay


nagsimula nang magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas mula sa kamay ng mga dayuhang
sumakop ditp. Ang wikang Pambansa ang nagiging sagisag ng ganap n akalayaan ng bansa at ito
ang magsisilbing instrument upang ang diwa at dila ng mga Pilipino ay lumaya sa kolonyalismo.
Ito ang pangarap ng noo`y pangulo ng Pamahalaang Komonwelt na si Manuel L. Quezon kasama
ng sambayanan.
Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Sa konstitusyon ng 1935, iniatang sa
kongreso ang mabigat na pananagutan ng paglinang sa isang pambansang wikang panlahat batay
sa isa sa mga katutubong wika. Ang pagkapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa
ay bunga ng mga pag-aaral at masusing pananaliksik ng mga kagawad ng unang Surian ng
Wikang Pambansa ( na ngayon ay tinawag na Komisyon ng Wikang Filipino) na hinirang ng
Pangulong Quezon sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 184 na pinagtibay noong 1936 alinsunod
sa itinadhana ng konstitusyon. Napatunayan nila ang wikang ito ang may pinakamaunlad na
kayarian, mekanismo at literature at tinatanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino. Kaya`t
sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap ay ipinahayag ni Pangulong Quezon ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas na Batay sa Tagalog noong 1939. May kahabaan, kaya`t pinaigsi
ito sa Wikang Pambansang Pilipino, dakong 1946, at wikang Pilipino , 1951. Noong 1959, ang
kalihim ng Edukasyon ay nagbatas na Pilipino ang katawagan gamitin, kahalintulad ng tawag sa
Espanyol para sa Espanya, Ingles sa Inglatera at iba pa.
Sa Konstitusyon ng 1973, ang pananagutan ng paglinang sa wikang Pambansa ay
ipinaubaya rin sa Pambansang Kapulungan, lamang, sa pagkakataong ito, ang pambansang
wikang panlahat na kikilalanin sa tawag na “ Filipino” ay inaasahan at minamarapat na mahango
sa mga katutubong wika at diyalekto ng bansa. Inisip ng mga tagapagbalangkas ng konstitusyon
ng 1973 ang isang pambansang wikang hindi papanig sa anuman o alinmang etniko-linggwistikal
na grupo. Ang kaisipang pantay-pantay na pagkatawan sa paglinang ng isang pambansang wika
ay hindi matatawaran.
Ang panaginip na wikang “Filipino” na itinakda ng Konstitusyon ng 1973 ay isang
konseptwal na wika na nanatiling gayon lamang sa loob ng humugit-kumulang sa labintatlong
taon(1973-1986)( Abad at Rueda)

Filipino Bilang wika ng Bayan

Walang ibang wika ang epektibong makapaglalahad at makapasasanay ng tungkol sa


kaakuhan ng isang lahi kundi ang sarili nitong wika. Subalit tanungin mo ang ilang Pilipino at
mabibigo kang sila`y umayon sa pahayag na ito. Ganito ang kalagayan ng pambansang wika sa
sarili niyang bayan. Kinukutya, minamaliit, ikinahihiya. Ayon kay Antonio P. Conteras (2014)
“Tunay ngang nakapanlulumo na hanggang sa ngayon ay marami pa tayong pinadaraanang
hidwaan at bangayan para manahan ang isang wikang Pambansa sa ating kamalayan at
mapapaisip ka lalo kapag malaman mong ang mga pag-aalinlangan ay nakikita lamang sa mga
elitistang uri o sa mga uring intelektwal o nagpapakaintelektwal at hindi sa kamalayan ng mga
ordinaryong mamamayan…”
Bakit nangyayari ang ganito? Dalawa ang maituturing na dahilan ng patuloy na pag-
aalinlangan sa kakayahan ng Filipino. Una ay ang kaisipang Kolonya, lubos na nabighnai ang
mga Pilipinong kabilang sa mataas na uri o ang mga tinatawag na elitista sa wikang dayuhan.
Nadodominahan ng wikang ingles ang karamihna sa mga institusyong panlipunan sa bansa. Mula
sa mga ahensya ng pamahalaan, kalakalan, komunikasyon, midya at Sistemang pang-edukasyon.
Mataas ang pagtingin sa wikang Ingles ngunit hindi sa wikang sarili. Hindi naman masam ang
matuto ng wikang Ingles bilang pangalawang wika sapagkat ito ang pandaigdigang daluyan ng
komunikasyon. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng kasangkapan at kapangyarihan ang mga
Pilipino sa kanilang pamumuhay at paghahanapbuhay saan mang panig ng mundo sila naroon.
Ang masama ay ang magpailalim ditto at hayaang sakupin ang kamalayan ng wikang dayuhan at
tuluyang talikdan ang sariling kaluluwa at kalinangan.
Ikalawa ay ang kaisipang rehiyonal, dahil sa pagiging multilinggwal ng bansa ay sumibol
ang kaisipang ito. Nagsimula ito nang maitadhana ang Tagalog bilang batayan ng wikang
Pambansa hanggang sa ito ang maging nukleyus ng wikang pambansang Filipino. Sa sitwasyong
ito ay masasalamin pa rin ang hayagang pagtanggi sa wikang Filipino ng mga hindi Tagalog
sapagkat pinaniniwalaang ito ay Tagalog pa rin na may ibang pangalan.
Sa gitna ng mga ito, ano ang papel na ginagampanan ng Filipino sa bansa at sa lipunang
Pilipino? May puwang pa ba ang Filipino bilang wika ng bayan? Mainam na muling balikan at
sipatin ang mga probisyon pangwika sa mga dati at sa umiiral na konstitusyon ng bansa.

Narito ang mga probisyon sa Konstitusyon kaugnay ng wikang opisyal:

 Konstitusyon ng 1935, artikulo XIII, Seksyon 3:


Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa debelopment at
adaptasyon ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
Hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at kastila ay patuloy na mga
wikang opisyal.

 Konstitusyon ng 1973, artikulo XV, Seksyon 3:


Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag na opisyal sa Ingles at Pilipino at isalin sa
bawat dyalektong sinasalita ng mahigit sa limampumng libong taong-bayan, at sa kastila at
Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig
Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na pagpapatibay ng panlahat na wikang Pambansa na tatawaging Filipino.
Hanggang wala ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ay magpapatuloy
na mga wikang opisyal.
 Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6-9:
Seksyon 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa umiiral na
mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opsyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon

Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga`t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na
mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.

Maliwanag na makikita sa tatlong konstitusyon na kasama ng wikang Filipino ang Ingles


sa pagiging wikang opisyal ng bansa. Dahil sa pagiging wikang opisyal ng Filipino at Ingles, Ito
rin ang nagsisilbing wikang panturo sa bansa. Tinatawag na wikang panturo ang opisyal na
wikang ginagamit sa pagtuturo sa pormal na edukasyon. Sa pamamagitan ng mga wikang ito ay
mahusay at matagumpay na nailalahad ng guro ang mga aralin at maliwanag naman itong
nauumawaan at natututuhan ng mga mag-aaral. Ito rin ang wikang ginagamit sa pagsulat ng mga
aklat at pagbuo ng iba`t ibang kagamitang panturo.
Bukod ditto ay ginagamit din ang mga rehiyon na wika sa pagtuturo bilang mga wikang
panulong at sa pagpapatupad nga ng Kurikulum ng k to 12 sa bansa ay binigyang-pagpapahalaga
ang paggamit ng unang wika bilang wikang panturo sa kindergarten hanggang grade 3. Ito ang
tinatawag na Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE) na nakasaad sa
Department Order No. 16, s. 2012 ng Department of Education na may kabuuang pamagat na
Guidelines on the Implementation on the Mother Tongue Based- Multilingual Education. Bunga
ito ng maraming mga pananaliksik at pag-aaral na nagmumungkahi ng paggamit ng unang wika
bilang wikang panturo sapagkat sa wikang ito nakapag-iisip nang analitikal at kritikal ang isang
mag-aaral.
Kung pagninilayang mabuti ay hindi naman dapat na maging isyu at maging sanhi ng
hidwaan ang mga usapin kaugnay ng wikang banyaga, wikang rehyunal at wikang Pambansa.
Hangga`t batid ng isang Pilipino ang papel at gamit ng mga wikang ito sa kanyang araw-araw na
gawaing komunikatibo kailanman ay walang wikang magiging mataas at makapangyarihan
kaysa sa isa. Walang wikang magiging magkalaban. Ngunit sa reyalidad ay hindi nga ganito ang
nangyayari. Sarado ang isip ng marami lalo na ang mga kabilang sa mataas na antas ng lipunan
at maging ang karamihan sa mga nanunungkulan sa pamahalaan. Hanggat may mga Pilipinong
naghahayag ng lantarang di pagpabor sa wika ng bayan at nag-aalis ng puwang nito sa lipunan ay
tunay ngang bukod tanging ito lamang ang pambansang wikang kailangan pang ipagtanggol at
ipaglaban sa sariling bayan.

Filipino Bilang Wika ng Akademya`t Pananaliksik

Isang malaking hamon sa wikang Filipino gayundin sa mga tagapagtaguyod ng wikang


ito ang inilabas na CHED Memo No. 20. Series 2013 na kung saan ay nakalahad na walang
asignaturang Filipino sa bagong kurikulum ng CHED subalit sa pagpupunyagi at pakikipaglaban
ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino ay napagtagumpayan ang labang ito. Nagkapit-
kamay ang mga propesor mula sa iba`t ibang kolehiyo at Pamantasan sa buong kapuluan kasama
ng iba`t ibang samahang pangwika particular na ang Tanggol Wika sa pangunguna ng
Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. Bienvenido Lumbera sa pagsampa ng kaso sa korte
Suprema. Kinatigan ng koerte Suprema ang kasong ito sa pamamagitan ng pag-isyu ng TRO o
Temporary Restraining Order noong Abril 21, 2015. Bunga nito ay naglabas ng panibagong
memorandum ang CHED. Ito ay ang CHED Memo No. 4, Series of 2018 na siyang dahilan kung
bakit may Filipino at Panitikan pa rin sa Kolehiyo ngayon.
Sa tagumpay na ito ay lalong dapat itanghal ang kakayaha at kapangyarihan ng wikang
Filipino hindi lamang bilang wika ng komunikasyon kundi bilang wika ng akademya at ng mga
iskolarling gawain gaya ng pananaliksik. Higit na mararamdaman ang kakanyahan ng wikang
pambansa kung gagamitin ito bilang wika ng mga pananaliksik na magtitiyak sa pag-angat ng
kamalayan ng mga Pilipinong nasa laylayan sa lipunan. Ang mga pananaliksik na nasa wikang
Filipino ang tunay na magbibigay ng pakinabang sa mga mamamayan sapagkat gagap nila
kaagad ang kahulugan lalo pa`t ang gagamiting mga pamamaraan at metodo ay iyong angkop sa
diwa at kulturang Pilipino.
Ang hangaring ito ay maaari ng simulant at bigyan-katuparan ng mga estudyante upang
sa kanilang kabataan ay mamulat at Makita na nila ang kabuluhan ng paggamit ng sariling wika
tungo sa isang gawaing kapaki-pakinabang. Isa itong mabuting paraan ng paghubog sa kanila
upang kanilang malandas ang pagbuo ng maka-Pilipinong pananaliksi na hindi malayo sa
kanilang diwa at wika na nakaangla sa pangangailanagan ng mga mamamayang Pilipino.
Malaki at makabuluhan ang gampanin ng pananaliksik sa buhay ng lahat ng tao. Ang
mga pagbabagong nararanasan at tinatamasa sa kasalukuyan ay bunga ng pananaliksik. Lahat ng
mga bagay na tinatangkilik ngayon ng mga tao ay nagkaroon nang higit na kahusayan dahil sa
gawaing ito. Bawat larangan sa lipunan ay umuunlad dahilsa pananaliksik.
Ang larangan ng medisina ay hindi rin humihinto sa pagtuklas at pananaliksik sa mga
gamut at proseso tungo sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalusugan ng tao at pagpapagaling sa
mga karamdamang nagpapahirap sa mga tao.
Patuloy rin ang pananaliksik ng mga Edukador upang higit na mapaghusay ang
kurikulum ng edukasyon sa bansa tungo sa paghubog nang higit na responsible at kapaki-
pakinabang na mga mamamayan. Gayundin ang pagbuo ng Iba` ibang kagamitang pampagtuturo
na magpapadali at magpapabilis sa gawain ng pagtuturo at pagkatuto.
Walang larangan ang hindi nagsasaliksik. Lahat ay nagnanais ng progreso kaya naman
nagpapatuloy ang gawaing ito. Kaya naman sa kasalukuyang panahon, ang bawat isa lalo na nag
mga estudyante ay hinihubog at sinasanay sa gawaing ito upang sila man ay magkaroon ng
ambag o kontribusyon sa pagpapabuti ng buhay ng mga tao. Ang mga estudyanteng Pilipino ng
Siglo 21 ay hindi lamang nag-aaral ng tungkol sa pananaliksik kundi mga mananaliksik na rin
mismo na gumagamit ng maka-Pilipinong teorya at mga metodo.

(REFLECT)
Repleksyon: Pagplanuhang mabuti kung paano mailalahad sa pamamagitan ng isang Dayagram
o larawan ang Filipino bilang wika ng bayan, wikang Pambansa at wika ng pananaliksik.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like