You are on page 1of 3

Produkto:

Diru

Munisipalida:

Bacnotan

Konsepto:

Honey ang mas kilalang katumbas nito sa Ingles na dahil sa matamisna lasa ay ginagawang palaman sa
tinapay. Bukod dito, mabisa rin itong natural na gamot para sa sipon at maaaring isinasama sa beauty
regimen Ng kababaihan upang mapakintab ang buhok.

Kultura at Identidad:

Ang matatag na determinasyon ng mga Ilokano ang kinakailangan upang hindi sila masiludan ng
bubuyog. Nagiging kaakit-akit ang pagbili sa aytemna ito dahil inilalagay ito sa sari-saring uri ng
presentasyon o lalagyan. Ang diru ay inihahalintulad sa pagtanggap ng ng mgallokano sa kanilang bisita.
Mula sa pakikitungo at pamaraan ng pakikipag-usap, ang mgallokano ay kagandahang-asal na
inihahalintulad sa natural na tamis ng diru.

Produkto:

Buneng

Munisipalida:

Bangar

Konsepto:

Ang likha ng mga panday na pamutol ng kawayan o kahoy na ginagamit na panggatong. Ito rin ay
nakatutulong sa pagkatay ng baboyat paghiwa ng karne. Maliban dito, mabisa itong kagamitan sa
paglilinis ng mga damo at pagbubungkal sa Lupa.

Kultura at Identidad:

Ang presisyon ng panday ay lubos na pangangailangan upang perpektong makamit ang disenyo o tulis
(tadem) ng produktong ito. Maaari itong lumabas sa iba’t ibang sukat at hugis. Nakaayon din ito sa
layunin ng paggamit ng isang gumagamit nito.
Produkto:

Tabako

Munisipalidad:

Bauang

Konsepto:

Anigpangunahing sangkap o mismong sarıgkap ng sigarilyo para samatatanda.

Kultura at Identidad:

Ang natural na pagpapatuyo sa dahong ito ang nagdudulot ng de-kalidad o hindi magaspang na anyo
nito ang nagiging batayan upang maibenta sa palengke at/o sa mga nagaangkat ng produktong ito. Ang
anus o pagtitiyaga ang kailangang pairalin sa paggawa nito mula sa pagtatanim na kailangang paulit-ulit
na diligan, paglalagay ng abono, at paglilinis upang alisin ang damong tumubo sa paligid ng bawat
tangkay ng tabako. Kailangan ang matatag na pagtitiis upang alagaan ang bawat dahon nito sa
pamamagitan ng pagsubaybay at pagtanggal sa mgauod na maaaring makapinsala sa kalidad ng dahon.
Kailangan din itong bantayan upang maging maayos ang pagkaluto ng mga dahon sa pugon.

PRODUKTO:

Laga

Munisipalidad:

Sudipen

Konsepto:

Mga produktong dumaan sa proseso ng pag-haha.bi o weaving na gawa sa kawayan tulad ng sambalilo,
alat, labba, bilao at salakot.

Kultura at Identidad:

Ang malikhaing pag-aanyo ng mga strips ng kawayan ang nagbubunsod sa mga mamimili upang bilhin
ang iba’t ibang produktong yari sa kawayan. Ang lohikal na pag-iisip upang makabuo ng mga patern sa
paglalaga ay isang pangangailangan upang makabuo ng isang obra na praktikal

Na nagagarnit sa kanilang probinsiya. Ang paglalaga ay tulad ng pagtanaw ng mga Ilokano sa konsepto
ng tagumpay. Ito ay pinaghihirapan at kailangang dumaan sa masusing proseso upang lubos na
mapahalagahan ang bungang dulot ng kanilang paghihirap.

You might also like