You are on page 1of 6

MEKANIKS SA MANWAL/TOOLKIT SA

PAGTUTURO NG FILIPINO SA MGA DAYUHAN

Maria Fe G. Hicana, PhD.


Pagtuturo ng Filipino sa mga Dayuhan
CAPSTONE PROJECT SA 2S FIL16
Para sa IV-4
KALIGIRAN NG MANWAL/TOOLKIT
▪ Magiging batayan ang manwal na ito ng mga gurong magtuturo ng
wikang Filipino sa mga dayuhang nagsisimula pa lamang matuto ng
wikang Filipino (i.e. novice/beginner)
Ito ay may APAT na bahagi:
A. SILABUS – nakasaad sa bahaging ito ang mga paksang tatalakayin sa
isang buong semestre/termino; mga estratehiya/gawain, mga
pagsasanay at pagsusulit, Sistema ng pagmamarka, rubric,
panuntunan sa klase at iba pang mahahalagang impormasyon
B. NILALAMAN- nakasaad dito ang mga paksang tatalakayin upang
malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral na dayuhan sa wikang
Filipino at ang mga pagsasanay sa bawat aralin
KALIGIRAN NG MANWAL/TOOLKIT
C. CULMINATING EXAM/ ACTIVITY- nakapaloob ang isang malaking
gawain o proyekto batay sa kaganapan ng pagkatuto ng mga mag-aaral-
ito ay pangkatan (hal. Pagtungo sa palengke upang mamili, showcase ng
kapistahan, pagsasagawa ng teleradyo, programang pantelebisyon,
tiktok, reels at iba pa. Isama ang rubrics sa huling bahagi.

D. PAGTATAYA/EBALWASYON - nilalaman nito ang placement na


pagsusulit : pasalita (oral interview) at pasulat na pagsusulit upang
mataya kung ang mag-aaral ay beginner, intermediate, o advanced
learner. Pokus ang gagawing placement test para sa beginner/novice
bilang HL at FLL (heritage learner at foreign language learner)
MEKANIKS ng MANWAL/TOOLKIT
1. Magpangkatan sa TATLO (pangkat sa ULAT)
2. Maging maingat sa pagkopya ng mga datos para sa talakay upang maiwasan
ang copyright infringement. Tiyaking sariling-likha ang mga pagsasanay at
mga gawain.
3. Dalawang bahagi ang gagawin:
a. MANWAL/TOOLKIT nasa PDF file; 1.5 spaced, Arial font, 1” margin border,
walang tiyak na bilang ng pahina, file name: Grp #_LIDER_MANWAL (e.g. Grp
#1_DELA CRUZ_MANWAL)
b. Presentasyon Onlayn. Maaaring ang presentasyon ay nasa ppt, canva, flip
notebook atbp. pang platform. May 25- 30 minuto lamang ang nakalaang oras
sa paglalahad ng bawat pangkat. Binibigyang-kalayaan ang bawat pangkat sa
estilo ng kanilang presentasyon. Ang file name:
Grp #_LIDER_ONLAYN PRES (e.g. Grp #1_DELA CRUZ_ONLAYN PRES)
MEKANIKS ng KP
4. ISKEDYUL NG PRESENTASYON via GMeet - Hulyo 24,
2023; 1:00 -3:00 n.h.
5. Pagrerebisa ng KP – mula Hulyo 25 hanggang Agosto 2
6. AGOSTO 3, 2023- 5:00 n.h. Dedlayn ng Pagpapasa ng
Manwal/Toolkit.
7. Pakilagak sa link na ito ang Manwal/Toolkit:
https://drive.google.com/drive/folders/15G6mK49o77V_nSbu452_Z0Jy
ISMUBmdA?usp=sharing
8. at ang Onlayn Presentasyon sa link na ito:
https://drive.google.com/drive/folders/1V3XPv-
WdYTDnvwu1KqPVafYG_RdDeLeq?usp=sharing
MARAMING
SALAMAT!

You might also like