You are on page 1of 38

Published by the

Department of Education
Region X - Northern Mindanao
Division of Tangub City

PAUNAWA SA KARAPATANG SIPI

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Tangub

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Agustines E. Cepe
Office Address: Anecito St. Mantic, Tangub City
Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 –Modyul 1:
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Tangub

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Agustines E. Cepe

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6

Manunulat: Jean C. Jumawan
Reviewers: Razel E. Bacotot
Trecita P. Antipolo
Cristine S. Monternel
Maristhel B. Gutang
Illustrator and Layout Artist: Ken Wella T. Ocampos
Management Team
Chairperson: Agustines E. Cepe, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Lorena P. Serano

Assistant Schools Division Superintendent
Members:
Carmelita A. Jubay, CID Chief
Romel E. Huertas, EPS-ESP
Gina L. Mandawe, LRMS Manager
Marilou S. Garlvez, PDO II
Binepie M. Tapao, Librarian II

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Tangub City
Office Address: Anecito St.,Mantic, Tangub City,
Telefax: (088) 395-3372
E-mail Address: www.depedtangub.net
6
Edukasyon sa Pagpakatao
Ikalawang Markahan - Module 1
(Pagpapakita ng Kahalagahan ng Pagtupad
sa Pangako o Pinagkasunduan)

This instructional material was collaboratively developed and reviewed

by selected teachers, school heads and division program supervisor, of the
Department of Education - Tangub City Division. We encourage teachers and
other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education Tangub at
www.depedtangub.net.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND DISCLAIMER: This SLM (Self Learning Module) is for
educational purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures,
photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their
respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made significant
contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman

Leksyon 1:
(Pagpapakita ng Kahalagahan ng Pagtupad sa Pangako o
Napagkasunduan)
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Pagtataya ………………………………………………………………………….6

Susi sa Pagtataya ............................................................................................................................. . 7

Apendiks …………………………………………………………………………………………….........
Sanggunian ......................................................................................................................
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 1 ukol sa Pagpapakita ng Kahalagahan ng Pagtupad sa
Pangako o Napagkasunduan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na
ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

Layunin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin,gawain o isang sitwasyon.

Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling

Suriin pagtatalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawain para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pag-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o

Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo sa aralin.

Pagtataya Ito ay gawaing na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagpapakita ng Kahalagahan
ng Pagtupad sa Pangako o
Lesson Napagkasunduan
1
1. Naipakikita ang kahalagahan ng pagtupad sa pangako o
napagkasunduan
2. Napananatili ang pagiging mabuting kaibigan
3. Nakatutupad sa pangakong binitawan

Pangako Ko: Tutuparin Ko

Kabilang si Jose sa mga magagaling na mag-aaral sa

pagkanta, pagsayaw, at maging sa sining biswal. Nagmana lang
naman siya sa kanyang mga magulang na bukod sa kilala bilang
mga mahuhusay na guro sa kolehiyo ay pawang mga mababait pa,
may isang salita, at malaki ang pagpapahalaga sa pangakong
binitawan.
https://www.canva.com/photos/MAD4ga2IBvU-boy-holding-pencil-while-smiling/

Sa paparating na paligsahan sa campus journalism, napili si Jose bilang kinatawan ng

paaralan sa editorial cartooning. Masaya niyang tinanggap ito at nangakong pagbubutihin niya
ang kanyang pagsasanay. Agad siyang nagsimula sa pagsasanay. Ilang linggo pa lamang ang
nakalipas, ipinatawag si Jose ng kanyang guro sa EsP upang maging kalahok sa paligsahan sa
pag-awit sa EsP. Gustong-gusto ni Jose sumali dahil mahal din niya ang pag-awit ngunit alam
niyang mahihirapan siya sa pagsasanay lalo pa’t halos magkasabay ang skedyul ng mga
naturang paligsahan.
Alam ni Jose na hindi niya pwedeng pagsabayin ang pagsali sa mga paligsahan. Kaya
naman ipinayo ng kanyang mga magulang na dapat panindigan niya ang kanyang naging unang
desisyon sa pagsali sa campus journalism. Mahalagang pangatawanan niya ang kanyang
binitawang pangako sapagkat siya ay may pananagutan at dito nakataya ang kanyang dangal at
ng buong pamilya.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanay sa editorial cartooning. Agad namang
nakahanap ng panibagong kinatawan sa patimpalak sa pag-awit ang kanilang guro sa EsP.

1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tama ba ang naging desisyon ni Jose sa pagtupad niya sa kanyang pangako?

Bakit?
2. Anong kabutihan ang naidulot kay Jose sa pagtupad niya sa kanyang pangako?
3. Kung ikaw si Jose, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

Basahin ang akrostik sa ibaba.

M – ga bata man kami sa inyong paningin

A – ng pagtupad sa pangako
Y ̶ aman na naming maituturing

I ̶ sinasagawa namin
S ̶ alitang
A ̶ ming
N ̶ abitawan
G – abay ang tamang asal

S – a pangakong
A – aming naibigay
L – agi naming
I ̶ sinasaisip
T – iwala ng tao
A – ng katumbas ay buong pagkatao

Ang pagtupad sa pangako o pinagkasunduan ay may malaking bahaging

ginagampanan sa paghubog ng mabuting pagkatao. Ito ay tanda ng
pagkamapanagutan dahil ang taong responsable ay ginagawa ang kanyang
sinasabi. Bata man o matanda ito ay madalas pinaghuhugutan ng tiwala sa isa’t isa
at nagbibigay ng kadahilanan sa pagtatagal ng ugnayan at matagumpay na relasyon.

Ang bawat pangako ay may kaakibat na tungkulin at pananagutan. Ito ay

madaling sabihin ngunit mahirap tuparin. Huwag kang magbitiw ng isang pangakong
hindi mo naman kayang panindigan o labas sa kakayahan mong gampanan.

Tandaan:
Huwag mangako na hindi mo kayang gampanan.

2
Gawain 1
Panuto: Buuin ang crossword puzzle. Punan ang mga kahon ng mga letra upang mabuo
ang salitang kaugnay sa ating leksiyon. (Gamitin ang Gawaing Papel 1 sa
pahina 8.)

PAHALANG: PABABA:
1. Responsableng pagtupad sa 3. Mapagkakatiwalaan sa paggawa
kasunduan ng nakatakdang gawain
2. Sinumpaang bagay na gagawin 4. Pagganap sa inaasahang
tungkulin
3
P

1
M

4
P

2
R

Gawain 2

Panuto: Ano ang saloobin mo sa mga sumusunod na pahayag? Isulat kung sang-ayon ka
o di sang-ayon. (Gamitin ang Gawaing Papel 2 sa pahina 9.)

___________1.Mali ang hindi pagsipot ni Carlos sa tagpuan.

___________2.Dumalo si Annie sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang
kaibigan gaya ng kanyang pangako.
___________3.Isinauli ni Cardo ang aklat na hiniram sa tamang oras.
___________4.Para lamang sa matatanda ang pagtupad ng pangako.
___________5.Pagsikapang matupad ang bawat pangakong binitawan

3
Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon.Bilugan ang titik ng iyong sagot.
(Gamitin ang Gawaing Papel 3 sa pahina 9-10.)
1. Ipinangako ng ate mo na ibibili ka niya ng bagong sapatos bilang regalo sa iyong
darating na kaarawan. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang inyong bunso kung
kaya’t ang naipong pera ng iyong ate na pambili ng iyong sapatos ay nagastos nyo
sa pagpapagamot ng inyong bunso. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Magagalit ka sa iyong ate.

b. Magpasalamat ka pa rin sa iyong ate kahit di man nabili ang pangakong
sapatos nito para sa iyo ay naipagamot naman at gumaling ang inyong
bunso.
c. Kamuhian si bunso.

2. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglalaro kayo ng volleyball sa

volleyball court ng inyong barangay. Nakatakda kayong magkita-kita sa tapat ng
bakery sa may kanto ika-3 ng hapon para sabay-sabay kayo na magtungo sa court.
Matagal kang naghintay pero hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo na
lang na nauna na pala sila sa volleyball court. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Kausapin mo sila tungkol sa nangyari at ipahayag mo ang tunay mong

damdamin.
b. Balewalain na lang ang nangyari dahil napatunayan mo naman ang tunay
nilang ugali.
c. Huwag na silang kausapin kailanman.

3. Inutang ng kaibigan mo ang inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi
pagkatapos ng klase. Nangako siyang babayaran ka niya sa recess kapag naibigay
na ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit, naglakad ka na lang pauwi sa bahay
dahil hindi ka niya binayaran. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Magalit ka at huwag na siyang pautangin muli.

b. Paalalahanan siya sa kahalagahan ng pagbayad ng utang sa takdang oras
na pinag-usapan.
c. Awayin siya at isumbong sa inyong guro.

4. Nangako ang bestfriend mo na ipapasyal ka niya sa museum sa darating na Sabado.

Isinugod sa hospital ang kanyang nanay sa mismong araw ng inyong kasunduan.
Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Magalit ka sa kanya ngunit hahayaan mo na lang siya.

b. Pupunta ka sa museum mag-isa.
c. Intindihin na lamang siya at ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang nanay.

5. Hiniram ng kapitbahay mo ang pantalon mong itim dahil gagamitin niya itong
costume sa folkdance nila sa PE. Nangako siyang isasauli ito kaagad dahil gagamitin
mo rin ito sa susunod na araw ngunit nakalimutan niyang isauli ito. Ano ang
magiging reaksiyon mo?

a. Hayaan na lang siya at ibigay na lang sa kanya ang pantalon.

b. Ipagsabi mo sa iba ang ginawa niya.
c. Puntahan mo siya kaagad sa bahay nila at kunin mo ang pantalon. Labhan ito
kaagad nang may magamit ka sa susunod na araw.

4
Gawain 1
Panuto: Nakagawa ka na ba ng isang pangako? Kanino mo ito ipinangako? Natupad mo ba
ito? Kung hindi, bakit? Kung oo, ipaliwanag kung paano. Isulat sa talata ang iyong
sagot. (Gamitin ang Gawaing Papel 4 sa pahina 11.)

Ako at ang Aking Pangako

________________________________________________________________

Panuto: Pag-aralan ang talata sa ibaba. Piliin ang naaangkop na salitang makikita sa loob
ng kahon upang mapunan ang mga patlang. (Gamitin ang Gawaing Papel 5 sa
pahina 12.)

tuparin damdamin nais

makasakit pangako natupad

Masaya at magaan sa pakiramdam kapag ang 1_______ na ating

binitawan ay ating 2_______. Iwasang magbitiw ng mga pangakong hindi mo
naman kayang 3_______. Sa ganitong paraan maiiwasan mong 4_________ sa
5________ ng iba.

5
Susi sa Pagwawasto

7
Apendiks
Gawaing Papel 1

Pangalan: ________________________________ Iskor: ________

Panuto: Buuin ang crossword puzzle. Punan ang mga kahon ng mga letra upang mabuo
ang salitang kaugnay sa ating leksiyon.

PAHALANG: PABABA:

1. Responsableng pagtupad sa 3. Mapagkakatiwalaan sa paggawa

kasunduan ng nakatakdang gawain
2. Sinumpaang bagay na gagawin 4. Pagganap sa inaasahang
tungkulin

3
P

1
M

4
P

2
R

8
Gawaing Papel 2

Pangalan: ________________________________ Iskor: _______

Panuto: Ano ang saloobin mo sa mga sumusunod na pahayag? Isulat sa

patlang kung sang-ayon ka o di sang-ayon.

______________1. Mali ang hindi pagsipot ni Carlos sa tagpuan.

______________2. Dumalo si Annie sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang
kaibigan gaya ng kanyang pangako.
______________3. Isinauli ni Cardo ang aklat na hiniram sa tamang oras.
______________4. Para lamang sa matatanda ang pagtupad ng pangako.
______________5. Pagsikapang matupad ang bawat pangakong binitawan.

Gawaing Papel 3

Pangalan: ________________________________ Iskor: _______

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Ipinangako ng ate mo na ibibili ka niya ng bagong sapatos bilang regalo sa iyong

darating na kaarawan. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang inyong bunso kung
kaya’t ang naipong pera ng iyong ate para sa bago mong sapatos ay nagastos nyo
sa pagpapagamot ng inyong bunso. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Magagalit ka sa iyong ate.

b. Magpasalamat ka pa rin sa iyong ate kahit di man nabili ang pangakong
sapatos nito para sa iyo ay naipagamot naman at gumaling ang inyong bunso.
c.Kamuhian si bunso.

2. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglalaro kayo ng volleyball sa

volleyball court ng inyong barangay. Nakatakda kayong magkita-kita sa tapat ng
bakery sa may kanto sa ika-3 ng hapon para sabay-sabay kayo patungo sa court.
Matagal kang naghintay pero hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo na
lang na nauna na pala sila sa volleyball court. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Kausapin mo sila tungkol sa nangyari at ipahayag mo ang tunay mong

damdamin.
b. Balewalain na lang ang nangyari dahil napatunayan mo naman ang tunay
nilang ugali.
c. Huwag na silang kausapin kailanman.

3. Inutang ng kaibigan mo ang inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi
pagkatapos ng klase. Nangako siyang babayaran ka niya sa recess kapag naibigay
na ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit, naglakad ka na lang pauwi sa bahay
dahil hindi ka niya binayaran. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Magalit ka at huwag na siyang pautangin muli.

b. Paalalahanan siya sa kahalagahan ng pagbayad ng utang sa takdang oras
na pinag-usapan.
c. Awayin siya at isumbong sa inyong guro.

9
4. Nangako ang bestfriend mo na ipapasyal ka niya sa museum sa darating na Sabado.
Isinugod sa hospital ang kanyang nanay sa mismong araw ng inyong kasunduan.
Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Magalit sa kanya ngunit hayaan na lang.

b. Pumunta ka sa museum mag-isa.
c. Intindihin na lamang sya at ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang nanay.

5. Hiniram ng kapitbahay mo ang pantalon mong itim dahil gagamitin niya itong
costume sa folkdance nila sa PE. Nangako siyang isasauli ito agad dahil gagamitin
mo rin ito sa susunod na araw ngunit nakalimutan niyang isauli ito. Ano ang
magiging reaksiyon mo?

a. Hayaan na lang siya at ibigay na lang sa kanya ang pantalon.

b. Ipagsabi mo sa iba ang ginawa niya.
c. Puntahan mo siya kaagad sa bahay nila at kunin mo ang pantalon. Labhan ito
kaagad nang may magamit ka sa susunod na araw.

10
Gawaing Papel 4

Pangalan: ________________________________ Iskor: _______

Panuto: Nakagawa ka na ba ng isang pangako? Kanino mo ito ipinangako? Natupad mo ba

ito? Kung hindi, bakit. Kung oo ay ipaliwanag kung paano. Isulat ito sa isang talata.

Ako at ang Aking Pangako

11
Gawaing Papel 5

Pangalan: ________________________________ Iskor: _______

Panuto: Pag-aralan ang talata sa ibaba. Piliin ang naangkop na salitang makikita sa loob ng
kahon upang mapunan ang mga patlang.

tuparin damdamin nais

makasakit pangako natupad

Masaya at magaan sa pakiramdam kapag ang 1_______ na ating binitawan ay ating

2
_______. Iwasang gumawa ng mga pangakong hindi mo naman kayang 3_______. Sa
ganitong paraan maiiwasan mong 4_________ sa 5________ ng iba.

12
Gawaing Papel 6

Pangalan:________________________________ Iskor: _______

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang sumusunod na pahayag ay tama at M kung mali.

________1. Tuparin mo ang pangakong hindi na mahuhuli sa klase.

________2. Isauli mo ang hiniram na bagay sa kaklase sa takdang oras na
pinagkasunduan.
________3. Huwag mong tuparin ang tungkuling panatilihing malinis ang silid-aralan.
________4. Tuparin mo ang pangakong magsisimba tuwing Linggo.
________5. Gawin mo ang lahat para hindi matupad ang mga pangako.
________6. Huwag kang sumipot sa nakatakdang oras ng pagsasanay sa isports.
________7. Tuparin mo ang pangakong hindi na makikipag-away sa loob ng klase.
________8. Magtago ka sa nakatakdang araw sa pagbabayad ng utang.
________9. Sikapin mong makarating sa mahalagang pagdiriwang o okasyon ng pamilya.
________10. Kalimutan mo ang pinagkasunduang takdang oras sa pagpasa ng proyekto sa
Science.

Rubric sa Pagtataya ng Talata/Sulatin

Mga Krayterya 1 2 3 4
Paggamit ng Kailangang May kahinaan Mahusay dahil Napakahusay
Wika at baguhin dahil dahil maraming kakaunti lamang dahil walang
Mekaniks halos lahat ng mali sa ang mali sa mali sa
pangungusap ay grammar, grammar, grammar,
may mali sa baybay at gamit baybay at gamit baybay at
grammar, ng bantas ng bantas bantas, may
baybay at gamit mayamang
ng bantas vocabularyo

13
Sanggunian

“Boy Holding Pencil While Smiling”, Canva for Education --- Accessed October 27,2020,
https://www.canva.com/photos/MAD4ga2IBvU-boy-holding-pencil-while-smiling/

Zenaida R. Elarde,Gloria A. Peralta, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6, (Vival

Group Inc.,2016), 40

Lawrence B. Duque, Rubric sa Pagtataya ng Talata/Sulatin, Feb. 11, 2016, accessed June
19, 2020, https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-panlipunan

14
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tangub City

Division Address: Anecito St., Mantic, Tangub City

Telefax: (088) 395 – 3372

Website: www.depedtangub.net
Lesson Title of the Lesson
2

1.
2.

 Content Input
 Activity/Activities based on the competency
(Introduction of the new lesson through
activity)

You might also like