You are on page 1of 1

Si Dr.

Jose Protacio Rizal Mecado Alonzo Realonda y


Quintos (Hunyo 19, 1861- Disyembre 30, 1896) ay ang pampito
sa labing -isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alonzo at ang asawa nitong si Teodora
Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal
sa Calamba, Laguna. Si Saturnina, Paciano, Narsisa, Olimpia,
Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad ang
kanyang mga kapatid.

Ang ina ni Rizal ay siyang kanyang unang guro at nagturo sa kanya ng abakada
noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Binan, Laguna upang
mag-aral sa pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas,
pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.

Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kanyang unang
pinasukan noong ika-dalawa ng Enero 1872. Ayon sa salin ng Noli Me Tangere ni Guzman.
Sa kanyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng ng panauhing
medalya at notang sobresaliento kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon siya ay kumuha ng Pilosopoya at Panitikan sa Pamantasan


ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng pagsasaka. Pagkaraay
kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) matapos
mabatid na ang kanyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa
hindi na siya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo sa mga paring kastila sa
mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya doo’y pumasok siya sa Unibersidad
Central De Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang medisina,
bilang “Sobre Saliente’’ .Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo niya sa Pilosopiya
at titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa na paggamot ng sakit sa mata sa
isang kinikilalang klinika noon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heiderlberg, Alemanya,
kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng medisina,
siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang
malalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaalam ng Arabe, Katalan,
Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Etalyano, Hapon, Latin, Portuges, Sankrit,
Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika ng Pilipinas.

You might also like