You are on page 1of 2

OUR LADY OF LOURDES ACADEMY OF BACOOR CAVITE INC.

B5 LOT6, 7 &8 Guijo St., Mambog IV, Perpetual Village 6, Bacoor City,
Cavite

Ikaapat na Lagumang Pagususulit

ESP 7

Name: Score:

Grade and Section: Date:

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na sitwasyon

1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na
kinabukasan “.
Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller?
a. Mahirap maging isang bulag
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay

2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?

a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising.
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang
natutulog.
c. A at B

3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?

a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip.
b. Ang pagpapantasiya ay pananaginip ng gising.
c. Ang pagpapantasya ay ginawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya.
d. Lahat ng nabanggit

4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?

a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o negosyo
b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng diyos sa atin
c. Mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o sahod
d. Lahat ng nabanggit

5. Ito ay pinakatunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.

a. Panagarap
b. Mithiin
c. Panaginip
d. Pantasya

6. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:

a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action oriented
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-refreshing, T-time-bound, A-action oriented
c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action oriented
d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-affordable
7. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
a. Pangmatagalan at Panghabambuhay
b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay

8. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?

a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
b. Maging guro sa aming pamayanan
c. Makatapos ng pag-aaral
d. maging iskolar ng bayan

9. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?

a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin

10. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?

a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan.
b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa iyong mga kaibigan.
c. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin.
d. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin

II. Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa iyong mithiin at pangarap na nais abutin sa
buhay.

Ang Aking Mithiin at Pangarap sa Buhay

________________________________________________________________________________

You might also like