You are on page 1of 4

LIWANAG SA LIKOD NG LENTE: PAG-ASA AT PISARA

PART 1: INTRODUCTION
*Filler clips*

Grace VO
Maihahalintulad ang mundo sa isang paraiso. Wala pang
sinuman ang talagang nakapaglibot nito. Kayamanang
maituturing, subalit hindi pa nasususod ninuman ang
lahat ng dako, magmula pahilaga, timog, silangan o
kanluran.

Napakaraming tao ang naninirahan saan ‘man dito sa


mundo, iba't-ibang lugar, iba’t-ibang tao, at
iba’t-ibang kuwento. Sa Daet, Camarines Norte, ilang
taon ka mang naninirahan ay hindi pa rin mapupulbos
ang lahat ng bayan, barangay, eskinita, at
bahay-bahay. Kahit tricycle driver minsan ay
naliligaw, minsan ay mapapaisip kung tama pa rin ang
tinatahak na daan.

Katulad na lamang ng mga mag-aaral mula sa Goito


Pimentel Elementary School at Porfirio R. Ponayo High
School, gaano ‘man ka-miserable at kadilim ang
tatahakin patuloy pa rin sa paglalakbay patungo sa
inaasam at minimithing mga pangarap. May mga
pagkakaiba-iba mang maituturing makikita pa rin ang
LIWANAG SA LIKOD NG LENTE: kaakibat ang PAG-ASA mula
sa PISARA.

*Insert clip featuring school or students*

Sa pagkakataong ito, silipin natin ang ilan sa mga


silid na hindi pa nakikita ng ating mga kapwa
Camnorteño. Maaaring alam na natin ang lahat ng
pasyalan dito sa bayan. Maging ang mga kwento o
kasaysayan saan mang puntahan. Subalit, tila ay wala
pa rin tayong ideya sa kung ano ‘man ang mga kaganapan
dito sa mga paaralan. Halina’t tuklasin at unawain ang
kanilang kasaysayan at kultura sa loob ng itinuturing
na pangalawang tahanan.
Ito | ang LIWANAG | SA LIKOD NG LENTE *flash title on
screen*, PAG-ASA AT PISARA.

PART 2
*Introduction of Members*
*Dito na mag-iintroduce tayong lahat, including course and
school at i-explain kung ano ang project (mag-feature ng lugar
na hindi pa masyadong napapasyalan) at sabihin ang rason kung
bakit natin napili yung dalawang schools*

PART 3:
*Maglalakad na papasok ng school*
*Magtatanungan kung ano ang pinaka-memorable na Grade School at
High School memories*
*Kapag nasa loob na, shoot na ng school tour*

PART 4: INTERVIEWS
*Before starting the interview*

RUSSEL
Ayon kay Rizal, ang kabataan ay ang pag-asa ng Bayan.
Kaya naman, hindi magiging kumpleto ang paaralan kung
wala ang ating mga butihing mag-aaral. Atin nang
silipin at pakinggan ang kanilang mga gawain sa loob
at labas ng silid-aralan, pati na rin ang laman ng
kanilang isipan.

*insert interview clips*

EUNICE
Iba’t-ibang pagkakakilanlan, wangis, katayuan, maging
ang gawain sa loob at labas ng tahanan ang nalaman sa
nahuling panayam. Ngayon naman ay atin ng pakinggan
ang mga ilaw ng pangalawang tahanan, ang ating mga
ikalawang magulang, ang mga tagapagturo, ang ating mga
guro.

*insert interview clips*


MHERVIEN
Kung mayroong pangarap ang mga guro para sa kanyang
mag-aaral, ang mga punong guro ay mayroon din sa
kanyang nasasakupan. Sila ang nagsisilbing pundasyon
at haligi ng isang paaralan.

*insert interview clips*

PART 5: SHARING

PART 6: CLOSING
Grace VO
*insert filler clips*

Hindi sa lahat ng oras ay may pagkakataon tayong


bumisita sa mga lugar na hindi pa natin napupuntahan.
Hindi sa lahat ng oras ay kaya nating makapakinig ng
mga kwentong galing sa isang mag-aaral, mula una
hanggang sa ikasampung baitang. Hindi natin araw-araw
nakikita ang laman ng adhikain ng ating mga guro,
punong guro, at iba pang namumuno saan mang
institusyon.

Ang bawat paaralan ay mayroong kultura, kasanayan,


paboritong kinagawian, bagay na iniiwasan, at
pinagbabatayan ng tama at mali.

Ang mga ito ay mayroon ding kasaysayan. Mga


pinagmamalaki, maging sa mga pang araw-araw na
kaganapan.

Higit sa lahat, ang bawat silid aralan ay mayroong


nababalot at natatagong kuwento. Ang bawat linya sa
pisara ay hindi lamang siyang nagdidikta sa kung ano
ang dapat nating sundin at gawin. Bagkus, ito ay
sumisimbolo sa bawat isa sa atin upang magkaroon ng
muang patungo sa pag-asang ating pinakaaasam.

Nawa ay sa pagkakataong ito, bagama’t panandalian


lamang, ay nabigyan tayo ng pagkakataong silipin…
*flash title*
…ang LIWANAG SA BAWAT LENTE, kasama ang PISARA at
PAG-ASA.

*end credits*

*suggested song: Makulay na Buhay by Kitchie Nadal


Excerpt lyrics
Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay
Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay

You might also like