You are on page 1of 42

Araling

Panlipunan
Ikalawang Markahan Modyul 6:
Konsepto at Konsteksto ng
Migrasyon
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Araling Panlipunan- Grade 10


Alternative Delivery Mode
Quarter 2, - Module 6: Konsepto at konteksto ng Migrasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph

10
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 6:
Konsepto at Konteksto ng
Migrasyon

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan.Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas

ii
TALAAN NG NILALAMAN
TAKIP NG PAHINA PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG –ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 – Konsepto ng Migrasyon
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 4
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 7
Tayahin 8
Aralin 2 – Pananaw at perspektibo ng Migrasyon
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 3
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 9
Tayahin 10
Aralin 3 – Dahilan ng Migrasyon
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 3
Suriin 3
Pagyamanin 5
Isaisip 6
Isagawa 8
Tayahin 9
Karagdagang Kaalaman

iii

Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ang Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto at Konteksto ng Migrasyon

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong na makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Para sa mga Guro at Tagapagdaloy
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
iv

Para sa mga Magulang


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinaharap ng ating
mga mag-aaral.Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado
sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa,pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

iv
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
Subukin (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
Tuklasin suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
Suriin konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
Pagyamanin
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Karagdagang Gawain aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan ang tungkol sa konsepto at konteksto ng


migrasyon dulot ng globalisasyon kung saan matutunghayan ang isyu ng migrasyon
particular ang mga banta sa kalagayan ng mga migrante. Naglalayon din ang
Modyul na ito na matutuhan mo ang mga dahilan ng migrasyon. Maipakikita rin sa
modyul na ito kung paano suriin ang iba’t ibang pananaw at perspektibo na
makatulong upang lubusang mauunawaan ang isyu ng migrasyon, paano ito
nakakatulong sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Tanggapin mo ng mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa
gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan.Sapat
na ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong kaparaanan.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa iyo na
matutunan ang konsepto at konteksto,pananaw at perspektibo at dahilan ng
migrasyon upang mapangalagaan ang mga migrante.

vi
Ang modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong pangkaalaman.Ang
mga aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod
sa asignatura.Ganoon pa man ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay
maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.

Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

. Aralin 1: Konsepto ng Migrasyon

. Aralin 2: Pananaw at Perspektibo ng Migrasyon

. Aralin 3: Dahilan ng Migrasyon

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang kosepto at dahilan ng migrasyon dulot ng


globalisasyon.
vii

Aralin Konsepto ng Migrasyon Dulot ng


1 Globalisasyon

Alami
n

Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para sa pangkaisipan. Ito ay


makatutulong na masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng
migrasyon. Ang saklaw ng modyul na ito ay naipapaliwanag ang kahulugan ng
migrasyon dulot ng globalisasyon. Masubok ang iyong pasiunang kakayahan sa
Subukin at Basahin ang modyul ng may pagsusuri upang masagutan ang mga
katanungan at mga gawain sa susunod na pahina.

Aralin 1 –Migrasyon

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakauunawa sa salitang migrasyon
2. Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo ng migrasyon dulot globalisasyon,
3. Nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.
Subukin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay susubukin ang iyong
pasiunang kalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita
mo lamang ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat
ng aytem.

_____1. Ano ang ibig sabihin ng salitang migrasyon?


A. Pag-alis ng magulang para ng trabaho.
B. Paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
C. Pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gusto ng puntahan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa
ibang pook upang doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y
pangmatagalan

_____2. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magagandang tanawin sa ibang
Bansa

_____3. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?


A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang bansa.
B. Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na bansa.
C. Sila ay mula sa mayamang bansa patungo mayaman ding bansa.
D. Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.

_____4. Ilang uri mayroon ang migrasyon?


A. 1
B. 2
C. 4
D. 7

_____5. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?


A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga nagTNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ng mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas
ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.
_____6. Ano ang ibig sabihin ng OFW?
A. Overworked Filipino Worker
B. Overseas Filipino Writers
C. Owner of Foreign Website
D. Overseas Filipino Worker
Sa bilang 7-9 tunghayan ang talahanayan
_____7. Mula sa talahanayan, saang rehiyon ang may pinakamaraming OFW?
Table 2. Regional Distribution of Land-based Overseas Filipino Workers,
2004*

Region Numbers Percent


Asia 266,609 37.84
Middle East 352,314 50.00
Europe 55,116 7.82
America 11,692 1.66
Africa 8,485 1.20
Trust 7,177 1.02
Territories
Oceania 3,023 0.43
Others 170 0.02
Total 704,586 100.00
Pinagkunan: http://www.migrationpolicy.org/article/philippines-culture-migration
A. Africa
B. Asia
C. Middle East
D. Oceania

_____8. Anong bansa ang may pinakamaliit na bilang ng nangingibang bansa?


A. Asia
B. Europe
C. Middle East
D. Oceania

_____9. Ilang porsyento ang OFW sa rehiyon ng Middle East?


A. 0.02 %
B. 7.82 %
C. 50 %
D. 37.84 %

_____10. Ano ang tawag sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa


bansang nilipatan.
A. Departures
B. Figures
C. Flow
D. Stocks
Bago mo umpisahan ang araling ito, balikan ang mga nakaraang
aralin sa paggawa.
1. Ano- ano ang mga suliraning natatamasa ng mga manggagawa sa
ating bansa?
2. Bakit kaya patuloy pa rin ang problema sa contractualization?
3. Bilang mag-aaral, ano ang iyong mai-ambag sa lipunan upang maibsan ang
problema sa paggawa?

Tuklasin

Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong


matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang
masubok ang iyong kakayahan sa paksa.
Panuto: Hanapin sa youtube ang music video sa kantang ‘Babalik ka Rin’ by Gary V.
Pakinggan at tingnang mabuti ang video upang maging handa sa mga
katanungan pagkatapos ng awitin.

youtube.com/watch?v=gYAWpb_w83w

1. Anong linya sa awitin ang pumukaw sa iyong damdamin?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
2. Sa iyong pag-unawa, Ito ba ay isyung panlipunan? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________________________________.

Suriin

Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang umalis sa kanilang tirahan at


pumunta sa ibang lugar o bansa. Hindi maipagkaila na maraming mga Pilipino ang
iniwan ang kani-kanilang pamilya upang mangingibang bansa. Bakit nga ba? Ilan sa
mga rason ang ang dulot ng kahirapan at gustong makatulong sa pamilya.

Ang lumilipat patungo sa ibang pook upang doon na manirahan ay tinatawag


na migrasyon. Ang mga tao ay nagmimigrasyon patungo sa ibang bansa o
lalawigan. Madaming mga dahilan ang mga Pilipino kung bakit sila’y
nagmimigrasyon papunta sa ibang lugar at ang pangunahong kadahilanan ay
kahirapan. Ang kanilang pag-alis ay katumbas ng salapi o kita na kanilang
pinagtratrabahuan. Maaring sa lugar na kanilang pinuntahan ay isang maunlad na
bansa at sa tingin nila ay madali silang uunlad dahil sa laki ng sahod.
Ayon sa Commision on Filipino Overseas, may tinatayang 8.6 milyong
Pilipino ang noong 2009 ang naninirahan sa iba’t ibang bansa kasama ang
magtratrabaho bilang seaman. Ito ay patunay na parami ng parami ang mga umaalis
sa bansa upang makapagbigay ng masaganang pamumuhay sa kani-kanilang
pamilya na naiiwan na ang kapalit ay ang pagtitis na malayo sa mga mahal sa
buhay.
Ngunit hindi lamang sa ibang bansa may naganap na migrasyon, maging sa
loob din ng bansa. Madami din sa mga tao na nagmimigrasyon lalo na sa malaking
bayan o lungsod tulad ng Maynila kaya lumalaki ag populasyon dito.

Panuto: Ibigay ang iyong sariling paghihinuha sa mga sumusunod.


1. Sa palagay mo, bakit umaalis o patuloy na nangingibang bansa ang mga
Pilipino sa kabila ng pagtitiis na malayo sa kanilang mahal sa buhay? Maaring
maglahad ng karanasan na magpapatunay nito.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
2. Paano mapipigilan ang pagdagsa ng mga kababayan nating Pilipino na
dumayo sa lungsod o bayan upang doon maghahanapbuhay? Magbigay ng iyong
sariling mungkahi.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
Magaling! Kaya’t halika, tapusin mo ang gawaing inilaan para sa iyo sa
Pagyamanin upang mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagyamanin

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula


sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan ito man ay
pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan. Maraming dahilan kung bakit ito
nagaganap, dahil sa kabuhayan, tirahan, oportunidad at maging sa mga sakunang
nagaganap sa kanilang pinanggalingan. Hindi lang overseas o pangingibang bansa
nagaganap ang migrasyon dahil sa kahit anong rehiyon o lugar na kapag ang tao ay
lumilipat ito’y maituturing na migrasyon. Meron ding itong kaakibat na epekto, ito
man ay nakakabuti o ‘di nakakabuti.
May dalawang uri ng migrasyon:
1. Migrasyong panloob
Ito ay ang paglipat ng tao sa loob lamang ng bansa, maaring ito ay sa
lalawigan, bayan o rehiyon.

2. Migrasyong panlabas
Ito ay kapag lumilipat ang mga tao upang manirahan sa ibang bansa, pag alis
o paglabas ng tao sa bansa.

Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay


mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa
disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok
sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas
ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries o immigration. Kasama din dito
ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang
emigration, departures o outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang
ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.
Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o
nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy
ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.
Pamprosesong tanong
1. Kung ang isang OFW ay umuwi sa Pilipinas, ano ang salitang angkop sa kanya,
immigration o emigration? Pangatwiran.
2. Anong uri ng migrasyon ito?
● Ang iyong kapatid ay natanggap sa trabaho sa Davao at doon na
naninirahan______________
● Si Rosh ay nakakuha ng scholarship sa bansang Australia, kaya doon siya
mag-aaral ng limang taon.______________
● Nakapag-asawa ang iyong pinsan ng foreigner, nagustuhan niyang tumira sa Bohol
kaysa Singapore. _____________

Isaisip

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod.


1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

2. Ang migrasyong panloob ay ang


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

3. Migrasyong panlabas ang tawag kapag


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

4-5. Sa international migration ay mahalagang maunawaan ang ilang termino o


salitang madalas gamitin. Ang pagkakaiba ng flow sa stockfigures. Ang flow ay
ang
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
at ang stockfigures naman ay
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Base sa mga natutuhan at naintindihan sa paksang migrasyon, ikaw ay


inaatasang gumawa ng embentaryo sa iyong pamilya o kamag-anak
tungkol sa migrasyon. Iulat kung sila ba ay kabilang sa tinatawag na
migrasyong panlabas o migrasyong panloob.

Gumawa ng journal gamit ang rubriks sa ibaba bilang gabay.


Nagsisimula Nalilinang Natutupad Natatangi
Pamantayan
1 2 3 4

Walang May Malinaw ang


Magkakaugna
kaugnayan kaugnayan paksa. ang
y ang mga
Paksa ang mga ang mga mga pahayag
pahayag sa
pahayag sa pahayag sa ay
paksa
paksa paksa magkaugnay

Maayos at
Walang May kaayusan,
Maayos ngunit may
kaayusan at ngunit hindi
may ilang kahulugan at
Kaayusan ng hindi maliwanag ang
pahayag ang kaugnayan
nilalaman makahulugan simula at
walang ang simula at
ang mga katapusan ng
kaugnayan katapusan ng
detalye ulat
ulat
Maganda nag
Kalidad ng Hindi tama o pagkakasulat Malinis at
Maayos ang
impormasyo tiyak ang mga ngunit may maayos ang
pagkasulat
n detalye bahaging pagkasulat
marumi
Puntos Kahulugan
11-12 - Natatangi
8-10 - Natutupad
5-7 - Nalilinang
3-4 - Nagsisimula

Tayahin
Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay tatayahin ang iyong
nalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo
lamang ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat ng
aytem. Kung mataas ang iyong makukuha at makakapasa, maaari ka nang magpa-
patuloy sa susunod na modyul. Subalit kung ang iyong nakuha ay mababa sa
hinahangad na lebel, ikaw ay kinakailangang bumalik at kunin ulit ang modyul na ito.

_____1. Ano ang ibig sabihin ng salitang migrasyon?


A. Pag-alis ng magulang para ng trabaho.
B. Paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
C. Pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gusto ng puntahan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa
ibang pook upang doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y
pangmatagalan
_____2. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magagandang tanawin sa ibang
Bansa

_____3. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?


A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang bansa.
B. Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na bansa.
C. Sila ay mula sa mayamang bansa patungo mayaman ding bansa.
D. Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.

_____4. Ilang uri mayroon ang migrasyon?


A. 1
B. 2
C. 4
D. 7

_____5. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?


A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga nagTNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ng mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas
ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.

_____6. Ano ang ibig sabihin ng OFW?


A. Overworked Filipino Worker
B. Overseas Filipino Writers
C. Owner of Foreign Website
D. Overseas Filipino Worker
Sa bilang 7-9 tunghayan ang talahanayan
_____7. Mula sa talahanayan, saang rehiyon ang may pinakamaraming OFW?
Table 2. Regional Distribution of Land-based Overseas Filipino Workers, 2004*

Region Numbers Percent


Asia 266,609 37.84
Middle East 352,314 50.00
Europe 55,116 7.82
America 11,692 1.66
Africa 8,485 1.20
Trust 7,177 1.02
Territories
Oceania 3,023 0.43
Others 170 0.02
Total 704,586 100.00
Pinagkunan: http://www.migrationpolicy.org/article/philippines-culture-migration

A. Africa
B. Asia
C. Middle East
D. Oceania

_____8. Anong bansa ang may pinakamaliit na bilang ng nangingibang bansa?


A. Asia
B. Europe
C. Middle East
D. Oceania

_____9. Ilang porsyento ang OFW sa rehiyon ng Middle East?


A. 0.02 %
B. 7.82 %
C. 50 %
D. 37.84 %

_____10. Ano ang tawag sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa


bansang nilipatan?
A. Departures
B. Figures
C. Flow
D. Stocks
Arali
Pananaw at Perspektibo ng
n
Migrasyon
2

Alamin

Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para pangkaisipan. Ito ay


tumutulong na masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang dahilan at epekto ng
migrasyon. Ang saklaw ng modyul na ito ay naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon
sa aspektong panlipunan, pampolitika at pangkabuhayan.

Aralin 2 – Konsepto ng Migrasyon

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Napag-alaman ang konsepto at perspektibong pananaw ng migrasyon,
2. Nagkaroon ng kamalayan ng iba’t ibang perspektibong pananaw ng migrasyon
na dulot ng globalisasyon sa ating bansa,
3. Nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.
Subukin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungansa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot sa pagpipilian.

_____1. Ang ____________ ay ang pagkuha ng isang kompanya sa isang


indibidwal na subcontractor upang gawin ang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon.
A. Flow
B. Iskemang Subcontracting
C. Migrasyon
D. Overseas

_____2. Ano ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon?
A. Globalisasyon
B. Naturalisasyon

C. Sosyo-kultural
D. Teknolohikal

_____3. Ano ang kasunduan na nilagdaan noong 1989 na pang internasyunal sa


pamamagitan ng mga International Accrediting Agencies na naglalayong
iayon ang Engineering Degree Programs sa iba’t ibang kasaping bansa?
A. BPO
B. Magna Carta
C. Washington Accord
D. Washington DC

_____4. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang pang-


ekonomiya ang umiiral na nagbibigay daan sa mas malawak na kalakalang
internasyunal at pamumuhunan?
A. Kapitalismo
B. Monopolyo
C. Monopsonyo
D. Oligopolyo

_____5. Sino - sinong tao ang tinutukoy na nakatutulong o demand sa


kasalukuyang globalisasyon?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga manggagawang sumama sa rally
C. Mga online seller
D. Mga skilled worker

_____6. Ang pagrecruit, pagpapadala, paglilipat, pagtatago o pagtanggap ng mga


tao sa pamamagitan ng di tamang paraan.
A. Human Trafficking
B. Slavery
C. Terorismo
D. Training

_____7. Ano ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa ibang lugar maging ito man ay pansamantala o
permanente ay __________?
A. Globalisasyon
B. Migrasyon
C. Recruitment
D. Seminar

_____8. Ang _____________ ay isang anyo ng human trafficking ayon sa ILO na


konektado sa mga sitwasyon kung saan ang mga tao ay puwersadong
pinagtatrabaho sa pamamamagitan ng dahas.
A. Actual labor
B. Emergency labor

C. Forced labor
D. Human labor

_____9. Ang ______ ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan


ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
A. Human migration
B. Migration transition
C. Translation
D. Vacation

_____10. May mga mamamayan na nangingibang bansa na hindi dokumentado,


walang permit sa pagtratrabaho at overstaying. Ano ang tawag dito?
A. Celebrity
B. Irregular migrants
C. Permanent migrants
D. Tourist

Balikan
Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga konseptong may
mahalagang aral sa paksang migrasyon.
Punan ang mga hinihingi sa ibaba.
1. Ano ang migrasyon?
2. Paano kinukwenta ang “net migration”?

Tuklasin

Ang layunin sa bahaging ito ay pag-aralan at unawain ang nga pananaw at


perspektibo sa paksang migrasyon dulot ng globalisasyon. Alamin mo rin ang mga
impormasyon at datos at iba’t ibang programa ng pamahalaan upang
mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan sa mga pagbabagong
naganap.

Ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa ng mga artikulo


tungkol sa paksa.

Panuto: Basahin na may panunuri sa mahalagang ideya tungkol sa aralin.


Ang artikulong ito ay nai-post sa Bulwagan ng Karunungan at
maaring panoorin sa https://www.youtbe.com/watch?v=tpGh4fzEm0
Sanhi at Bunga ng Pagdami ng Overseas Filipino Workers
Pamprosesong katanungan:
1. Ano-ano ang dahilan sa pangingibang bansa ng mga kababayan nating Pilipino?
2. Ano-anong suliranin sa paggawa dulot ng globalisasyon ang nabanggit?
3. Nakatulong ba ang pangingibang bansa ng mga Pilipino? Pangatuwiran.

Suriin

Ang pangingibang bansa ng Pilipino ay isang halimbawa ng migrasyon na


dulot ng globalisasyon. Dahil dito ang mga manggagawa ay mas may kakayahan na
magtrabaho sa ibang bansa sanhi ng kanilang pangangailangan sa sarili at pamilya
sa umusbong na ekonomiya ng ibang mga bansa.
Panuto: Mula sa artikulo na nabasa, bumuo ng buod nito sa pamamagitan ng isang
graphic organizer sa ibaba.

Mga Dahilan ng Pangingibang Bansa ayon kay: Mga Dahilan

1.David Ricardo

2. Susan Ople

Sagutin: Paano nakatutulong ang pangingibang bansa sa manggagawang Pilipino


sa pagiging matatag na ekonomiya ng bansa?

Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng


kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kaniya
ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad
(politikal) o maging personal.

Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung ihahambing


sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng
bansa ay masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa
lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan
ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly qualified specialists, entrepreneur,
refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.

Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang


The Age of Migration na sa buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon ang
nangyayari bilang tugon sa pagbabagong pangkabuhayan, pampolitikal, kultural at marahas
na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

Tanong: Mayroon ka bang kamag-anak o kakilala na nangingibang bansa bilang


isang manggagawa? Sila ba ay maituturing na specialists, entrepreneur o manual laborers?

Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pang-ekonomiya sa


pagpunta ng maraming mga Pilipino sa ibang bansa. Binanggit sa mga naunang aralin sa
kwarter na ito na malaki ang naipadadalang dolyar ng mga OFW sa kani-kanilang
kamag-anak sa bansa na nag-aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Pagyamanin

Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng mga


pangkalahatang obserbasyon tungkol sa usaping ito na mababasa sa mga
sumusunod na ideya.
1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia,
New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa
katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito.
Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin
America at Africa.
Tanong:
Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas dayuhin ang mga bansang nabanggit
sa binasang teksto? Ipahayag ang iyong saloobin.
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t
ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasyon nito sa mga batas at polisiya na
ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga
bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour
migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang
sabay-sabay.
Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at
permanent migrants.
Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing
overstaying sa bansang pinuntahan.
Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo
sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga
foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang
manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.

Samantala, ang permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang


layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang
nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at
rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
5. Paglaganap ng ‘migration transition’
Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang
nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican
Republic at Turkey.
6. Peminisasyon ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa
kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at refugees ay binubuo
halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng
kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang
kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at Thais
sa Japan ay nagpapatunay rito.
.

Isaisip
Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng bilang sa tatlong uri ng migrasyon ng
mga Overseas Filipinos ng taong 2012-2013.

2012 2013

Irregular Migrants 1.07 Million 1.16 Million

Temporary Migrants 4.22 Million 4.21 Million

Permanent Migrants 4.93 Million 4.87 Million


*source 2014 CFO Compendium of Statistics

Panuto:Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga kata-


nungan. Batay sa estadistika, dumarami ang mga Koreans na pumupunta
sa Pilipinas upang mag-aral ng kolehiyo. Partikular sa mga lugar na
kanilang pinupuntahan ang lungsod ng Baguio, Manila, at Cebu. Sa anong
uri kaya ng migrasyon sila nabibilang? Ano kaya ang epekto nito sa mga
lugar na madalas nilang puntahan? Ipaliwanag o ibahagi ito nang maayos.
Isulat ang iyong sagot kalahating papel.

Isagawa

Panuto: Tunghayan ang datos na nasa kahon na naglalahad ng daloy ng migrasyon


ng mga Pilipino batay sa kasarian mula 2005 hanggang 2014.

Number of registered Filipino Emigrants by Gender: 2005-2014

Year Male Female Total Sex/Ratio

2005 27,333 41,695 69,028 65M/100F

2006 32,259 50,708 82,967 64M/100F

2007 30,877 49,722 80,599 62M/100F

2008 27,839 42,961 70,800 65M/100F

2009 31,793 47,925 79,718 66M/100F

2010 36,287 49,788 86,075 73M/100F

2011 34,563 48,847 83,410 71M/100F

2012 34,076 49,564 83,640 69M/100F


2013 31,288 46,940 78,228 67M/100F

2014 32,368 48,321 80,689 67M/100F

TOTAL 318,683 476,471 795,154 67M/100F

Annual Average 31,868 47,647 79,515 67M/100F


*Sex Ratio is number of Males for every 100 Females

Source: Commission on Filipino Overseas (CFO)

Pamprosesong tanong:
1. Anong taon nagkaroon ng may pinakamaraming rehistro na Filipino emigrants?
2. Sino ang may pinakamaraming emigrants base sa gender?Bakit?
3. Bakit kaya dumarami ang umaalis o nangingibang bansa?
4. Paano mapanatili ang mga mamamayan sa ating bansa upang dito
maghanapbuhay at hindi na maiiwan ang kanilang pamilya?
5. Nakatutulong ba ang pangingibang bansa sa pag-unlad ng kanilang pamilya?

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

_____1. Ang ____________ ay ang pagkuha ng isang kompanya sa isang


indibidwal na subcontractor upang gawin ang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon.
A. Flow
B. Iskemang Subcontracting
C. Migrasyon
D. Overseas

_____2. Ano ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon?
A. Globalisasyon
B. Naturalisasyon
C. Sosyo-kultural
D. Teknolohikal

_____3. Ano ang kasunduan na nilagdaan noong 1989 na pang internasyunal sa


pamamagitan ng mga International Accrediting Agencies na naglalayong
iayon ang Engineering Degree Programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
A. BPO
B. Magna Carta
C. Washington Accord
D. Washington DC

_____4. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang pang-


ekonomiya ang umiiral na nagbibigay daan sa mas malawak na kalakalang
internasyunal at pamumuhunan?
A. Kapitalismo
B. Monopolyo
C. Monopsonyo
D. Oligopolyo

_____5. Sino - sinong tao ang tinutukoy na nakakatulong o demand sa


kasalukuyang globalisasyon?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga manggagawang sumama sa rally
C. Mga online seller
D. Mga skilled worker

_____6. Ang pagrecruit, pagpapadala, paglilipat, pagtatago o pangtanggap ng mga


tao sa pamamagitan ng di tamang paraan.
A. Human Trafficking
B. Slavery
C. Terorismo
D. Training

_____7. Ano ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa ibang lugar maging ito man ay pansamantala o
permanente ay __________?
A. Globalisasyon
B. Migrasyon
C. Recruitment
D. Seminar

_____8. Ang _____________ ay isang anyo ng human trafficking ayon sa ILO na


konektado sa mga sitwasyon kung saan ang mga tao ay puwersadong
pinagtatrabaho sa pamamamagitan ng dahas.
A. Actual labor
B. Emergency labor
C. Forced labor
D. Human labor

_____9. Ang ______ ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan


ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
A. Human migration
B. Migration transition
C. Translation
D. Vacation

_____10. May mga mamamayan na nangingibang bansa na hindi dokumentado,


walang permit sa pagtratrabaho at overstaying. Ano ang tawag dito?
A. Celebrity
B. Irregular migrants
C. Permanent migrants
D. Tourist

Arali
n Dahilan ng Migrasyon
3

Alamin

Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para sa pangkaisipan. Ito ay


tumutulong na masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang dahilan ng migrasyon .
Ang saklaw ng modyul na ito ay naipaliliwanag ang mga dahilan ng migrasyon na
dulot ng globalisasyon. Sa araling ito suriin mo at isa - isahin ang mga dahilan na
dulot ng migrasyon. Ihanda ang iyong sarili upang higit pang mapagtibay ang iyong
pag-unawa tungkol sa paksang ito. Gamitin ang iyong mga natutuhan sa bahagi ng
Suriin upang maisagawa nang maayos ang mga gawain sa susunod na bahagi ng
modyul, ang Pagyamanin at Isagawa.

Aralin 3 – Mga Dahilan ng Migrasyon

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon na nakaaapekto sa pammuhay ng
tao,
2. Naiuugnay ang iba’t ibang dahilan at pananaw ng globalisasyon sa migrasyon
bilang isyung panlipunan,
3. Nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Subukin

Panuto:Isulat ang titik sa nakalaang ispasyo bago ang bilang.

A. Sosyal E. Economic migrants I. House-husband M. Refugee


B. Ekonomikal F. Undocumented workers J. PSA N. Kalamidad
C. Politikal G. OFW K. Edukasyon O. Babae
D.Heograpikal H. OWWA L. Remittances

_____1. May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas


ang migrasyon mula sa ibang bansa na kilala sa tawag na_____.

_____2. Bahagi rin ng mga migrante ang _____na lumikas sa kanilang sariling
bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at gutom sanhi
ng kalamidad.

_____3. Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag


na economic migrants. Anong dahilan ng migrasyon ito?

_____4. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang


kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng _______.

_____5. Paghahanap ng ligtas na tirahan na sanhi ng migrasyon.

_____6. Nangunguna sa mga dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang mga


Pilipino ayon sa survey ng Soroptimist International noong 1994.

_____7. Isa sa mga sanhi o dahilan ng politikal na migrasyon kung saan ang mga
tao ay lumilisan sa kanilang lugar.

_____8. Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng


pagiging komportable sa buhay sa kahilanang kasama niya ang mga mahal
sa buhay, kapamilya o kaibigan.

_____9. Dahilan ng migrasyon na kinakailangan ng tao ang lumikas upang


maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang pupuntahan tataas ang
bilang ng populasyon. Maaaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na
nang magandang pagkakaitaan o tirahan.

_____10. Ang mga____________ang nangunguna sa pangingibang-bansa upang


makatulong sa pamilya.

_____11. Ito ang bansag ng mga kalalakihan na siyang naiwan sa bahay, nag-
aalaga ng mga anak at nag-aasikaso samantalang sa ibang bansa ang
kabiyak nito.

_____12. Humigit kumulang na sa 2.2 milyon ang naitala ng _______na bilang ng


mga Pilipinong nangingibang bansa.

_____13. Nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal


sa pagpasok ng mga domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang
mga_____na laganap sa ibat ibang panig ng mundo.

_____14. Tawag ng mga Pilipinong nangingibang-bansa.

_____15. Ahensiya na nangangalaga ng mga Overseas Filipino Workers.

Balikan

Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga konsepto na may
mahalagang aral sa paksang migrasyon.
Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang permanent migration?
2. Nakatutulong ba sa ekonomiya ng bansa ang mga OFW? Bakit?

Tuklasin

Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga sa


migrasyon. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul upang higit
na mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito.
Panuto: Tapusin ang sanaysay sa loob ng dalawang minuto. Isulat ito sa kalahating
malinis papel.
1. Ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa abroad ay nakakaapekto sa
ating ekonomiya sa pamamagitan ng
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
2. Ang mga nangingibang bansa ay may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas
dahil
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Suriin

Sa dinami-dami ng mahihirap sa bansang Pilipinas, trabaho at sapat na kita


ang pangunahing lunas para dito. Ngunit pahirapan ang pagbubukas o paghahanap
ng trabaho para sa bawat mahihirap na Pilipino kaya’t ang tanging paraan ay
mangingibang bansa.
Migrasyon ang tawag sa paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa iba
pang pook upang doon manirahan ng pangmatagalan o panandalian. Ang Pilipinas
ay may mataas na bilang ng mga migrante,Humigit kumulang na sa 2.2 milyon ang
naitala ng Philippine Satistic Authority (PSA) na bilang ng mga Pilipinong
nangingibang bansa o tinatawag na Overseas Filipino Workers. Tiyak na higit na
mataas ang bilang ngayon sa mga umalis sa bansa dahilan sa patuloy sa pagtaas
ng demand sa ibang bansa ng mga manggagawa na nakapang-akit sa maraming
Pilipino at dahil sa pag-asang makabangon sa kahirapang tinatamasa.
Ano nga ba ang dahilan ng paglawak n migrasyon sa Pilipinas? Ang mga
aspekto na nagtutulak sa kagustuhanng makapagtrabaho sa ibang bansa ng mga
Pilipino ay may iba’t-ibang dahilan, ayon sa Overseas Filipino Workers Welfare
Administration (OWWA), 1991. Ang mga karaniwang dahilan ay mataas na antas ng
pamumuhay, kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho, at kagustuhang
makapagtapos sa pag-aaral ang mga anak. Ayon naman sa Soroptimist International
(1994), isang pandaigdigang pribadong organisasyon ang nagpahayag na ang
pinakapangunahing dahilan ng mga Overseas Contract Workers (OCWs) ay ang
sumusunod:
Pangunahing Dahilan ng OCW’s Porsyento

Edukasyon 80.7

Mataas na Sahod 63.3

Makabili ng bahay at lupa 50.0

Pambayad ng mga utang 31.3

Pangkapital sa negosyo 29.3

Makabili at makapundar ng ari-arian 17.3


Ekonomikal na pangangailangan 22.0
Source: Soroptomist International, 1994

Ang kadahilang ito ay patuloy na nagiging matibay na dahilan upang ang


migrasyon sa bansa ay lumawig at maging isang panlipunang pangyayari o ganapin.
Ito ang katotohanan sa lahat ng mga mahihirap na bansa at papaunlad pa lang na
mga bansa. Ang walang humpay na pagyabong ng Filipino Diaspora (Overseas
Filipinos) sa buong mundo ay kapansin-pansin at nagdudulot ng iba’t-ibang epekto
sa pamilyang Pilipino.Milyon-milyon ang sumugal ng kanilang kapalaran upang
makahanap lamang ng ilaw at pag-asa upang may paipangtustos sa
pamilya.Hahamakin ang lahat maibigay lamang ang magandang kinabukasang
hinahangad ng bawat pusong ang nais lang ay maayos na buhay.
Panuto: Sumulat ng repleksiyon kung papaano makakamit ang isang matatag at
makapagsabayang pag-unlad ng bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng
migrasyon dulot ng globalisasyon.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Pagyamanin

Sa mga papaunlad na bansa sa daigdig, isa ang Pilipinas na may


pinakamataas na antas ng paglago ng mga lungsod kung saan 60 porsiyento ng
populasyon ay naninirahan sa mga lungsod. Ang bawat pag-alis o paglipat ng tao ay
may kaabibat na dahilan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Mga Sanhi ng Migrasyon
1. Paghahanap-buhay (Ekonomikal)- Malaking porsiyento ng mga migranteng
nangingibang-bansa ay tinatawag na economic migrants o iyong naghahanap ng
mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Kung
ang tao ay may nakikitang magandang oportunidad na magandang hanapbuhay,
kabuhayan at kita. Dumarami ang tao sa lungsod na nagbibigay trabaho sa mga
mamamayan. Kahit nagsisiksikan ay pilit na manirahan sa lungsod dahil doon
nakakita ng magandang hanapbuhay na nakapagtustos sa mga pangangailangan ng
bawat mamamayan.
May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas ang
migrasyon mula sa ibang bansa na kilala sa tawag na migrants o mga economic
migrants na tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang kanilang
pinanggalingan sa pamamagitan ng remittances.
2. Ligtas na tirahan (Politikal)- Ang tao ay gusto ng kapayapaan kaya naman
kung magulo ang kanilang lugar nililisan nila ang kanilang lugar at lumipat sa isang
lugar na tahimik at mapayapa. Ang ganitong kalakaran ay matagal nang laganap sa
iba’t-ibang bahagi ng mundo. Bahagi rin ng mga migrante ang refugee na lumikas sa
kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at
gutom sanhi ng kalamidad.
3. Paghihikayat ng pamilya (Sosyal)- Ang tao ay naninirahan sa isang lugar
kapag siya ay nakaramdam ng pagiging komportable sa buhay. Halimbawa na lang
ang pagpapakasal ng isang Pilipino sa dayuhan at nahikayat na tumira sa ibang
bansa sa kadahilanang nandoon ang kanyang pamilya, kaibigan o doon mas
maraming kakilala na maaring tatanggap at tutulong sa kanila anumang oras kaya
piniling doon na lamang manirahan.
4. Klima at panahon (Heograpikal)- Ang mga kalagayang pangkapaligiran ay
isa din sa dahilan kung bakit may nagaganap na migrasyon. Halimbawa na lamang
ang ang mga lugar na biktima ng landslide o bagyo. Kinakailangan ng tao ang
lumikas upang maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang pupuntahan tataas
ang bilang ng populasyon. Maaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na nag
magandang pagkakaitaan o tirahan.

Panuto: Gumawa ng islogan tulad ng halimbawa sa ibaba tungkol sa paksang


migrasyon na angkop sa rubrik sa ihahanda.

Rubrik sa Pagsasagawa ng Islogan

Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng


dagdag na
pagsasanay
4 3 2
1

Malinaw na Hindi gaanong May kalabuan ang Malabo ang


nailahad ang malinaw ang mensahe. mensahe.
mensahe mensahe

Wasto at kumpleto Wasto ngunit May ilang mali sa Mali ang


sa detalye hindi sapat ang mga detalye ang mensahe.
detalye ng mensahe.
mensahe.

Napakamasining Masining ang Ordinaryo ang Magulo ang


ang pagkagawa pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa.

Puntos Kahulugan
11-12 - Napakahusay
8-10 - Mahusay
5-7 - Katamtaman
3-4 - Nangangailangan ng dagdag na pagsasanay
Isaisip

Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa isang


pamilya. Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang bansa ang asawang babae ang
mas higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan. Sa kalagayan sa Pilipinas
kapag ang asawang babae ang nangibang bansa pangkaraniwan na na kumuha ng
tagapag-alaga ang lalaki sa kanyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang
pangtahanang gawain sa kapatid na babae, sa magulang o di kaya ay sa mga
kamag-anak.

Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto (2013) kapag ang lalaki ang nangibang


bansa hindi ito masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad ang pag
uusapan sa dahilan na patuloy na ginagawa ng babae ang kanyang responsibilidad
bilang asawa at nananatiling “breadwinner” ang lalaki. Subalit sa kaso ng Pilipinas at
Thailand, napag alaman at lumabas sa pag-aaral na malaki ang epekto kapag ang
isa sa magulang o pamilya ang nangibang bansa dahilan ito sa tradisyunal na
kaisipan ng nasabing bansa lalo na kung babae ang umalis upang magtrabaho
malayo sa pamilya dahil mas higit na nararamdaman ng mga anak ang kawalan ng
isang miyembro kahit pa ito ay nakakatulong ng malaki sa pagpuno ng gastusin sa
kanilang pamumuhay.
Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng konseptong “house husband”
kung saan inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang
gawain ng isang ina (kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang
mapangalagaan ang buong pamilya lalo na ang mga anak. Hindi ito marahil
nakakaapekto sa kalagayang panlipunan ng mga lalaki at unti unti nang natanggap
ng lipunan sa kadahilanan na mas tinatanggap na dahilan ay upang mapaunlad at
maiangat ang katayuan ng kani-kanilang pamilya.
Mahalagang banggitin na maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng
proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais
nilang puntahan. Halimbawa na lang ang bansang Bangladesh na nagpanukala ng
tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga
domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang mga undocumented workers na
laganap sa ibat ibang panig ng mundo. Sa bansang Nepal nagkaroon din ng
panukala na ang lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na magkaroon ng
approval permit mula sa kanilang embahada bago kumuha ng mga Nepalese worker
upang maprotektahan ang kanilang mga mamamayan at maiwasan ang mga illegal
na pagpasok sa ibang bansa
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa
ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Nakabuti ba ang pangingibang-bayan ng iyong mga magulang, kamag-
anak o kakilala? Ipaliwanag ang sagot.
3. Sang-ayon ka ba na ang mga babae ang mag-abroad at ang mga lalaki
ang mag-aalaga ng mga anak o tinatawag na house-husband? Panindigan.

Isagawa

Panuto: Gumawa ng journal gamit ang rubriks sa ibaba bilang gabay.

Katangi-tangi Mahusay Katam-taman Kailangan pa


ng dagdag na
Pamantayan pagsasanay
4 3 2 1

May mga
Tiyak ngunit
Tiyak at tiyak na Hindi tiyak at
hindi
Impormasyo kumpleto ang impormasyon maraming
kumpleto ang
n mga ngunit kulang sa mga
mga
impormasyon maraming impormasyon
impormasyon
kulang

Malinaw
Malabo at
Malinaw at ngunit hindi
Paglalahad hindi
makatuwiran makatuwiran Walang ibinigay
ng mga makatuwiran
ang lahat ng ang lahat ng na reksiyon o
Reaksyon o ang mga
mga reaksiyon mga opinyon
Opinyon reaksiyon o
at opinyon reaksiyon at
opinyon
opinyon

Angkop at May angkop


maayos na na May Hindi gumamit
Ilustrasyon o
naihanay ang ilustrasyon at ilustrasyon at ng ilustrasyon o
Halimbawa
mga ilustrasyon halimbawa halimbawa halimbawa.
at halimbawa upang
upang mabigyang-di ang mga
mabigyang diin in ang mga punto
ang mga punto punto.

Puntos Kahulugan
11-12 - Katangi-tangi
8-10 - Mahusay
5-7 - Katamtaman
3-4 - Nagsisimula

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot na angkop sa bawat pangungusap.

A. Sosyal E. Economic migrants I. House-husband M. Refugee


B. Ekonomikal F. Undocumented workers J. PSA N. Kalamidad
C. Politikal G. OFW K. Edukasyon O. Babae
D.Heograpikal H. OWWA L. Remittances

_____1. May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas


ang migrasyon mula sa ibang bansa na kilala sa tawag na_____.

_____2. Bahagi rin ng mga migrante ang _____na lumikas sa kanilang sariling
bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at gutom sanhi
ng kalamidad.

_____3. Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag


na economic migrants. Anong dahilan ng migrasyon ito?

_____4. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang


kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng _______.

_____5. Paghahanap ng ligtas na tirahan na sanhi ng migrasyon.

_____6. Nangunguna sa mga dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang mga


Pilipino ayon sa survey ng Soroptimist International noong 1994.
_____7. Isa sa mga sanhi o dahilan ng politikal na migrasyon kung saan ang mga
tao ay lumilisan sa kanilang lugar.

_____8. Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng


pagiging komportable sa buhay sa kadahilanang kasama niya ang mga
mahal
sa buhay, kapamilya o kaibigan.

_____9. Dahilan ng migrasyon na kinakailangan ng tao ang lumikas upang


maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang pupuntahan tataas ang
bilang ng populasyon. Maaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na
nang magandang pagkakaitaan o tirahan.

_____10. Ang mga____________ang nangunguna sa pangingibang-bansa upang


makatulong sa pamilya.

_____11. Ito ang bansag ng mga kalalakihan na siyang naiwan sa bahay, nag-
aalaga ng mga anak at nag-aasikaso samantalang sa ibang bansa ang
kabiyak nito.

_____12. Humigit kumulang na sa 2.2 milyon ang naitala ng _______na bilang ng


mga Pilipinong nangingibang bansa.

_____13. Nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal


sa pagpasok ng mga domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang
mga_____na laganap sa ibat ibang panig ng mundo.

_____14. Tawag ng mga Pilipinong nangingibang-bansa.

_____15. Ahensiya na nangangalaga ng mga Overseas Filipino Workers.


Susi sa Pagwawasto

Konsepto ng Migrasyon Pananaw at perspektibo ng Migrasyon

Dahilan ng Migrasyon
Sanggunian
Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson
Maria Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga Kontemporaryong isyu,
Binagong Edition
Learners Manual, Mga Kotemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10
http//.google.com

You might also like