You are on page 1of 4

Aralin 7: Paggawa ng Unang Burador

Sa pagsulat ng unang burador kinakailangang maunawaang mabuti ang bawat bahagi ng pananaliksik
na mula sa mga naunang talakayan sa konseptong papel. Ang unang burador ang nagsisilbing
paghahanguan ng mga impormasyon ng mga mananaliksik batay sa pagbuo ng isang pananaliksik.

Gumagawa ng unang borador ang mga mananaliksik upang mailatag ang kabuuaan ng
kanilang ginawang pananaliksik. Ang nilalaman at mga impormasyon ng pag-aaral ay kinakailangang
may konsistensi na kaugnay sa pamagat ng pananaliksik upang maging malinaw ang bawat bahagi ng
pag-aaral at makikita ang koneksyon nito sa iba pang mga bahagi.

Ang nilalaman ng unang burador ay ang mga sumusunod:


Panimula, Layunin ng Pananaliksik, Metodolohiya, at ang Inaasahang resulta ng pananaliksik
kabilang dito ang Konklusyon at ang Rekomendasyon ng Pananaliksik
Narito ang halimbawa ng unang burador:

PANANAW SA PAGPAPATUPAD NG SENIOR HIGH SCHOOL (GRADE 11) SA TAONG 2016-2017

NG MGA GURO SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY, LUNGSOD VALENZUELA

Panimula

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pulso ng mga guro ukol sa

pagpapatupad ng Senior High School (Grade 11) mahalagang malaman ang pananaw ngmga guro

tungkol sa usaping ito sapagkat sila ang itinuturing nating pangalawang magulang kayat karapatan

nilang maipahayaag ang kanilang mga saloobin ukol sa programang k-12. Ang programang ito o ang

Enhanced Basic Education Act. Of 2013 ay aang karagdagang grade 11 at grade 12 na nagnanais na

ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school sa ibat-ibang larangan dahil nais ng

pamahalaan na maging globally competitive ang mga mag-aral sa Pilipinas gamit ang inilunsad na

bagong kurikulum ang k-12 program.

Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng pananalisik na ito ay mabigyan ng pannsin ang mga ideya,

saloobin, opinion at hinaing ng mga guro sa Our Lady of Fatima University ukol sa pagpapatupad ng

bagong kurikulum ang k-12 program.

Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang disenyong ginamit sa pananaliksik na ito ay sa paraang deskriptib o paglalarawan upang

masuri at maunawaang mabuti ng mga mananaliksik ang kanilang mga kakayahan sa programang k-

12. Ang paraang deskriptib ay isa sa pinakagamitin sa ilang paraan ng mga disenyo, dahil inilalarawan

nito at matamang nailalatag ang mga impormasyong nakalap.


Konklusyon

Makikita sa bahaging ito ang positibong dulot ng k-12 program sa pag-aaral ng mga

estudyante, ngunit alanganin ang tiwala ng mga guuro na maipapatupad ito ng gobyerno sa tama at

mabisang paraan. Samakatuuwiid, makakatulong ang k-12 program upang mahasa ang mga mag-

aaral kung ito ay pagbubuhusan ng gobyerno ng pondo at atensyon. Ang mga sagabal o hadlang ay

ang kakulangan sa pasilidad at pondong inilaan ng gobyerno upang maisagawa ang epektibong paraan

ang programang k-12. Makikita dito na ang pinaka alternatibong paraan upang maiwasan ang

sagabal ay ang paghahanap ng mga guro nng paraan upang maipamahagi ang nadagdag na bagong

impormasyonn gamit ang makalumang paraaan ng pagtuturo. Hindi malaking kawalan ang

pagkakaroon ng gadyets kung maihahatid padin sa mga estudyante ang kaalamang kailangan.

Rekomendasyon

Nirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral, na magkaroon ng masidhing

kooperasyon sa mga guro.

Para sa mga guro, nawa’y gamitin ang mga programa at mga pamamaraan sa kanilang

pagtuturo sa ilalim ng bagong kurikulum.

Sa Administrasyon ng mga Institusyon, magbiggay ng libreng seminar ukol sa pagpapatupad

ng senior high school (grade 11).

At para sa mga mananaliksik, bigyang pansin ang mga maaaring maging pagbabago

pagdating sa sistema ng edukasyon sa bagong kurikulum na ipapatupad.


Aralin 8: PAGSULAT NG PINAL NA SIPI

Kagamitan at Pormat ng Pananaliksik

1. Kompyuter; printer, bond paper, ink at iba pang materyales.


Sukat ng papel – 8 1/2 x 11 o short bond
Kapal o nipis ng papel 20-26 (Substance)

2. Margin
Kailangan gumamit ng tamang margin, sa kaliwang bahagi ay 1.5 o 1 1/2 na pulgada samantalang sa
kanan, itaas at sa ibaba ng papel ay 1 pulgada laman.

3. Font
Ang font stayl na gagamitin ay Times New Roman o Arial samantalang ang font size ay “12.”
Samantalang kundi maiiwasan ang paggamit ng mga dayuhang salita ang font stayl ay Italics.

4. Spacing
Ginagamit ang double space sa panimula ng talata, subheading, sa pagitan ng isang heading, at sa
pagitan ng bawat linya ng talata, maliban na lamang kung ito ay siniping kotasyon na isusulat ng single
space lamang ang bawat linya at nakapasok ang magkabilang panig. Ginagamitan ng double space
ang bawat entri ng bibliograpi o sanggunian na ginamit, ngunit ang mga linya sa loob ng entri ay single
space lamang.

5. Centering
Ang mga bilang ng bawat kabanata, pamagat ng bawat kabanata at subtitles ay dapat na naka- gitna
o nakasentro sa pahina ng papel.

6. Pagwawasto sa mga Sulatin


Ito ay mahalaga sapagkat ito ay ginagamit ng mga editor sa pag-eedit sa isang pamanahong
papel.

You might also like