You are on page 1of 16

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Likas na saating mga Pilipino ang pagkakaroon ng panitikan sa bansa, halos lahat

ng mga tribu, pangkat etniko o isang angkan ng lahi ay mayroong sariling panitikan na

pinagmamalaki. Ang kanikanilang panitikan ay nagsisilbing simbolo at pagkakakilanlan

nila. Sa kanilang panitikan nakikita ang kanilang purong kaugalian at kultura, kaya naman

ito ay iniingatan at patuloy pang pinahahalagahan. Ayon kay Kindipan at Tag-ing, 2018 sa

panitikan nila naipakita ang puro at sarili nilang saloobin at damdamin na hindi nila

masabi-sabi. Ang bawat panitikan ay naingatan at naitago sa pamamagitan ng pagbigkas

at pagkwento sa mga ito sa bawat henerasyon, kaya hindi ito nakakalimutan at naibabasura

dahil mahalaga ito sa mga tao. Nagpalipat-lipat ito sa dila ng iba’t ibang mga tao kaya

hanggang ngayon ay mayroon paring natitira at nananatiling buhay na panitikan.

Sa kabilang banda’y ano ng aba ang panitikan?

Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming

Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at

pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. Ang panitikan ng isang lahi ay ulat na

nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa

mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o

kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay

nakaiimpluwensiya sa panitikan nito. Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay

nakaiimpluwensiya sa panitikan nito. Ang tunay na panititkan ay isang matapat na

paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang makasining. Ito ay isang maayos na


pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng

pagpapahayag.

Ang panitikan ayon kay Long (1917), ay nasusulat sa tala ng pinakamabubuting

kaisipan at damdamin ng tao. Ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro (1949), ang panitikan

ay katuturang bungang-isip na naisatitik. Ayon sa libro nina Paz N. Nicasio at Federico B.

Sebastian na may pamagat na Sariling Panitikan (pahapyaw na kasaysayan) ang salitang

“Panitikan” ay galling sa salitang “titik” o “letra”, samakatwid, upang maging bahagi ng

panitikan sa tunay na kahulugan ng salita, kailangan ay nakasulat. Ang alinmang bansa o

baying natatawag ay may sariling panitikan. Sa pamamagitan ng panitikan, ang

kasaysayan, kalagayan at pinagdaanan ng isang bansa’y nababatid. Subalit sila’y

naniniwala na ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian,

paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling

salita, sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Malimit na

banggitin ng mga manunulat na ang panitikan ay siyang “Salamin ng Isang Lahi”. Upang

maging ganap ang pagkadalisay at pagkamakatotohanan ng alinmang panitikan, ito ay

lalong magiging masulat sa wika ng bansang kinauukulan. Hindi matatawaran ang

nagagawa ng katutubong wika sa paglalahad ng mga dinanas, dinaranas at daranasin ng

mga tao sa isang lahi. Kaya naman ang panitikan ay may dalawang anyo, ang tuluyan at

prosa. Ang uri o anyong tuluyan ay ang mas natural na pagkakasulat. Tuloy-tuloy at

gumagamit ng mga pangungusap at talata. Walang binibilang na mga salita o tunog na

kinakailangang itugma sa iba pang salita. Naglalayon itong makapagpahayag sa mas

malayang paraan. Sa kabilang banda, ang prosa naman ay pagpapahayag ng isang

manunulat sa pamamagitan ng mga may sukat, bilang at espesyal na pagkakaayos upang


sa malikhaing paraan ay makapagpadala ng mensahe o emosyon sa mga mambabasa. Ang

patula naman ay nagpapahayag ng damdamin. Ito’y isinusulat ng patalata.

May iba’t ibang anyo tulad halimbawa ng awiting bayan, maikling kwento, dula at

tula. Ang mga ito’y ilang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang

damdamin sa malayang pagsusulat.

Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang

matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaring binubuo ng mga idyoma. Ang bawat

kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng mga

taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon naming hindi. Ito ay na-

aayon sa opinyon at saloobin ng indibidwal na gumagawa at sumusulat nito.

Nag-iiwan ito ng mga aral at pilosopiya sa bahat magbabasa. Ang ibang kasabihan

ay nagging bahagi ng ating kulturang pangwika, lalo na iyong mga sinulat at binigkas ng

mga dakila nating mga bayani at mga batikang manunulat. Marami sa mga ito ay karniwan

na nating nababsa sa mga aklat at ginagamit bilang pampakulay sa mga pananalita.

Mahalaga ang salawikain sa buhay ng isang Pilipino. Ang mga salawikain, proverbs o

sayings ay mga salitang sumasalahin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito

maaari ring tawaging mga katuruan o pilopiya sa Pilipinas. Maaari ring katutubong

karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan o

basahin ang mga ito. Mga tradisyonal na kasabihan ang mga salawikaing ginagamit ng mga

Pilipino at ang mga ito ay nakabatay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya

sa Pilipinas. Ayon sa mga akademikong sulatin, kapag daw ginamit sa pang-araw-araw na

buhay lalo at sa mga pag-uusap o pakikipagdiskurso, gumaganap ang mga salawikain

bilang mga pagbibigay-diin sa isang punto o kaisipan ng mga paliwanag o dahilan. Ang
mga salawikain ay ginagamit bilang karunungang natutunan mula sa ating mga karanasan,

na nakapagsasaad ng ating mga damdamin, paglalahad, o kahi pa mga opinyon. Bukod

ditto ginagamit ang salawikan upang hindi makasakit o makainsulto ng ibang damdamin

ng tao. Ayon sa tradisyon, sa pamamagitan ng tamang pag-gamit ng mga salawikain at

paghahalo ng napapanahong kasanayan, maaaring maipahayag ng isang tao ang kaniyag

awa’t paglalagay ng kaniyang sarili sa ibang katauhan o marramdaman ng tao.

Ang salawikain ay mga butil ng karunungang kinapalalaman ng mabuting payo at

hango sa tunay na buhay. Ito’y inihanay ng patulo at katulad ng bugtong at ito’y matandang

panitikan na nagpapasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno. Ito’y nagiging gabay ng

matanda at bata sa pakikisalamuha sa matuwid na landas ng buhay. Noong 1890 ay

nalathala ang isang manipis na babasahin na kinapapalooban ng mga salawikain at

kasabihang tagalog. Ang lathala ay pinamagatan Colleccion de Refrances, Frases Y

Modismo Tagalog na isinalin at ipinaliwanag sa kastila nina P. Gregorio Martin at Mariano

Cuadrado at isinaayos ni P. Miguel Lucio Bustamante. Ito’y naglalaman ng 876 na

kasabihan at salawikain at inaayos ng pa abakada batay sa mahalagang salita ng salawikain.

Hingil sa pahayag na ito ang mga mananaliksik ay tinangkang pasukin at aralin ang

pampanitikan ng iba pang lahi tulad ng Ilocano sa barangay Luttuad, Diffun, Quirino. Ang

mga mananaliksik ay may layuning magtala at magsalin ng mga katutubong salawikain ng

mga Ilocano, upang sa ganoon ay mapalawak pa ang pampanitikan at magsilbi itong

instrument upang mapaigting at madagdagan ang kaalaman ng bawat isa patungkol sa

pampanitikan ng iba pang lahi. Napasalin salin na ang iba’t ibang anyo ng pampanitikan

upang maging daan ito para sa mabilis nap ag-unawa. Ngunit ano ng aba ang Pagsasaling

Wika?
Ang pagsasaling wika ay ang pagsasalin o Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga

salawikain. Binubuo ito ng mga salitang matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaring

binubuo ng mga idyoma. Ang bawat kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga

salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at

mayroon naming hindi. Ito ay na-aayon sa opinyon at saloobin ng indibidwal na gumagawa

at sumusulat nito.

Ayon kay C. Rabin, 1958, ang pagsasaling wika ay isang proseso kung saan ang

isang pahayag, pasalita man o pasulat ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may

katulad ding kahulugan sa isang dati ng umiiral na pahayag sa ibang wika. Ayon naman

kay F. Nida, 1959-1966, ang pagsasaling wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika

ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal na mensaheng isinasaad ng wika. Una,

ay batay sa kahulugan, at ikalawang batay sa istilo.

Kaya naman ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pagtatala ng pagsasalin ng

mga salawikain sa wikang Filipino ng mga Ilocano sa barangay Luttuad, Diffun, Quirino.
Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito, sinikap ng mga mananaliksik na magtala at magsalin ng mga

salawikain sa Wikang Filipino ng mga matatandang Ilocano sa barangay Lttuad, Diffun,

Quirino.

1. Ano ang propayl ng mga tagatugon batay sa kanilang:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Anu-ano ang mgasalawikain ng mga Ilocano at ano ang salin nito sa Wikang

Filipino?

3. Ano ang uri ng mga salawikain ng Ilocano? At saan ito nagsimula?

4. Ano ang implikasyon ng pag-aaral sa mga salawikain ng mga Ilocano sa pagtuturo

ng panitikan?

5. Mayroon bang mahalagang relasyon sa pagtala at pagsalin sa Wikang Filipino ng

mga salawikain sa pagtuturo ng panitikan?


Layunin ng Pag-aaral

1. Malaman ang propayl ng mga tagatugon batay sa:

1.1 edad

1.2 kasarian

2. Mabatid ang mga salawikain ng mga Ilocano at ano ang salin nito sa Wikang

Filipino.

3. Malaman kung ano ang uri ng mga salawikain ng Ilocano at saan ito nagsimula?

4. Mabatid ang implikasyon ng pag-aaral sa mga salawikain ng mga Ilocano sa

pagtuturo ng panitikan.

5. Malaman ang kahalagahan sa pagtala at pagsalin sa Wikang Filipino ng mga

salawikain ng mga Ilocano sa pagtuturo ng panitikan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang mabigyang pansin ang mga mamamayan ng

Barangay Baguio Village, Diffun, Quirino. Malaman ang katumbas ng mga Tula ng

Kankanaey sa Wikang Filipino, at higit na maunawaan ito ng mamamayan. Gayun din ang

mga guro, mag-aaral at mananaliksik.

Ang mga makikinabang sap ag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:


Mamamayan ng Luttuad

Magbigay ng ilang mga impormasyon patungkol sa tulang mayroon ang kanilang

angkan o lahi. Higit na mauunawaan at maisapuso ang kanilang mga tula.

Mga mag-aaral

Magkaroon sila ng kaalaman patungkol sa mga salawikain ng mga Ilocano na

naisalin sa Wikang Filipino.

Mga Guro

Makakatulong sa kanilang pagtuturo ng panitikan, maipakilala at mapalawak ang

kanilang kaalaman sa mga salawikain at gawin itong halimbawa sa pagtuturo.

Mga Mananaliksik

Makakatulong ito upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman at magkaroon

ng sanggunian para sa isasagawang mga susunod pang pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtatala at pagsasalin ng mga salawikain

sa wikang Filipino ng mga Ilocano sa Barangay Luttuad, Diffun, Quirino.

Ang mga tagatugon sap pag-aaral na ito ay Sampung Ilocano na may edad

animnapo (60) pataas. Ang mga orihinal na salawikain ay binuting isinalin sa Wikang

Filipino at inuri ang mga ito.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Bilang tugon sa mabilis na pag-unawa ng mga mambabasa sa mga katawagang

gagamitin sa pag-aaral na ito, binigyang katuturan at tuon ang mga sumusunod:

Salawikain- isang kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang

aral o gabay sa pamumuhay, sa asal sa pakikipagkapwa na siyang matatalakay sap ag-aaral.

Panitikan –nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at

diwa ng tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng katuwiran o

tuluyan at patula.

Pagsasalin –ito ay paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural na

katumbas ng mensahe ng simulang wika, unay sa kahulugan at pangalawa sa estilo (Eugene

Nida. 1964). Isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa malapit na katumbas

na diwa gamit ang ibang wika (Griarte, 2014)

Ilocano– katutubo, angkan o tribu na mayroon ang isang komunidad. Ito ang mga tagatugon

o isa sa mga kasangkapan ng pag-aaral.

Karunungan- isang mahalagang katangian ng tao upang isakatuparan ang mga gawaing

nalalaman.
Akademikong sulatin – isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng mga

mahahalagang impormasyon. Ito ay ginagamit upang maibahagi nila ang kanilang kaalam

sa ibang tao.

Kultura- pagsasalin- salin ng kaugalian, tradisyon, paniniwal , sining at pamumuhay ng

mga tao sa isang lugar.

Tradisyon- ang kolpeksyon ng mga paniniwala, opinyon, mga kwento, alamat , kultura at

pamantayang panlipunan na karaniwang isinasalin mula sa isang henerasyon papunta sa

isaang henerasyon.

Wikang Filipino- pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Piliponas.

Katutubong Wika- kilala rin bilang inang wika o unang wika. Ito ang wikang natutunan ng

tao mula sa kaniyang kapanganakan.

Pagtatala – paglilista at pagsulat ng mahahalagang datos na kailangan sa pagsasagawa ng

pag-aaral.
Konseptong Balangkas

Tinatalakay ditto ang mga konsepto na nagging batayan ng mga mananaliksik sa

pagbuo ng pagsisiyasat na ito. Ang konseptong balangkas ng pag-aaral na ito ay ang mga

sumusunod.

Ang pag-aaral ay gumamit ng modelong Pinagbatayan, Proseso at Kinalabasan sa

paglalahad ng konseptong balangkas. Pinapakita rito ang ilang mahahalagang baryable sa

pag-aanalisa sa pag-aaral.
ngjgjhvuyrutyfdgdgfg
Proseso

 Pakikipanayam
Pinagbatay sa mga Kinalabasan

 Mga may  Mga naisalin


katutubong
animnapo ng mula sa mga
Ilocano na higit
gulang pataas naitalang
na nakaaalam sa
ng mga Ilocano. salawikain at
mga salawikain
 Konleksiyon ng ang nauri na ito
ng kanilang lahi.
mga orihinal na at ang
 Pagtatala at pag-
salawikain ng kahalagahan
uuri-uri ng mga
mga Ilocano. nito sa pagtuturo
salawikain ng
 Mga tanong sa ay panitikan.
mga Ilocano.
pakikinayam.
 Pagsasalin sa

mga salawikain

ng mga Ilocano.

Feedback
Propayl ng mga Tagatugon
1. Edad
2. Kasarian

KABANATA III

METODO, PAMAMARAAN AT DISENYO NG PAG-AARAL

Disensyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay gumamit ng pamamaraang palarawan. Layunin ng

pamamaraang ito na alamin, uriin at isalin ag mga salawikain ng mga Ilocano. Ang

pamamaraang ito ay nagsisilbing gabay sa maayos na pagkuha ng datos, sa pagsulat at pag-

unawa sa mga datos na nalikom, dahil ditto matibay at makabuluhan ang mga datos na

nakalap.

Lugar ng pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Barangay Luttuad, sa bayan ng Diffun, lalawigan ng

Quirino. Ang mga tagatugon ay ang mga may edad na limampo (50) pataas na Ilocano

sapagkat sila ang higit na nakakalam sa mga tula ng kanilang barangay o angkan.
Pamamaraan sa Paglikom ng mga datos

Bilang panimula ng paglikom ng mga datos, sumulat ang mga mananaliksik ng

isang liham para sa kapitan ng barangay Luttuad, Diffun, Quirino na si Rodolfo dela Torre

na kung maari ay pahintulutan magsagawa ng pag-aaral tungkol sa mga salawikain ng mga

Ilocano.

Matapos ang pormal na pahintulogt, nagtakda ng oras, at panahon ang mga

mananaliksik upang simulant ang pakikipanayam at pag-aral.

Nagtungo Ang mga mananliksik sa mga tagatugon at maayos na tinanong ang ito

patungkol sap ag-aaral sa pamamagitan ng pakikipanayam. Mula rito ay nagsimula na ang

mga mananaliksik ng kinakailangang datos na kailangan sa pag-aaral.

Instrumento ng Pag-aaral

Sa paghahangad ng mga mananaliksik na makakuha ng kinakailangan at

makatotohanang datos ginagamit nila ang maayos na pakikipanayam upang makakalap ng

impormasyon at datos na kailangan. Sa pag-aaral na ito, ang ginawang pakikipanayam ay

may dalawang bahagi (1) talatanungan para sa propayl ng mga tagatugon, (2) pag-alam sa

mga impormasyong nalalaman nang mga mamamayang Ilocano tungkol sa mga Slawikain

ng kanilang barangay.
Pang-istadistikang Ginamit
Ang isdadistikang ginamit sap ag-aaral ay deskriptib o palarawan upang makuha

ang tama at amg mga nararapat na datos. Ito ay nakatutuling sa mga mananliksik upang

malaman at masalin ng maayos at masalin sa wikang Filipino ang mga salawikain na

mayroon ang mga Ilocano.

Paraan ng Pagpili ng mga Tagatugon

Sa pagpili ng mga tagatugon minabuti ng mga mananaliksik na piliin ang may edad

apat napo’t lima (45) pataas bilang tagatugon sa isinagawang pag-aaral sapagkat ang mga

ito’y higit na nakakaalam sa kanilang mga salawikain. Pinili ang lugar ng Luttuad, Diffun,

Quirino, dito matatagpuan ang maraming mamamayan ng Ilocano.


Pagtatala at Pagsasalin ng mga Salawikain sa Wikang Filipino ng mga Ilocano sa

Barangay, Luttuad, Diffun, Quirino

Bacani, Judith

Butchayo, Elizabeth

Fernadez, Jerson

Retotal, Vanessa

Sabado, Kristine Lawrence Artriz P.

You might also like