You are on page 1of 1

San Roque District

MALOBAGO PAGSANG-AN NATIONAL HIGH SCHOOL


San Roque, Northern Samar

NAME: GRADE AND SECTION


PANUTO: Basahin ng Mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot na makikita sa loob ng box
sa ibaba.
Teknikal Balbal hambingang magkatulad Lalawiganin o Diyalektal
Hambingang pasahol Kolokyal hambingang di-magkatulad
Hambingang palamang Pampanitikan pang-uring pahambing
1) Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. to ang pinakamababang antas ng wika. Itinuturing na
ang mga salitang ito ay karaniwang likha.
2) Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap. Karaniwang may palit koda (code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin
pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles
3) Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram
ang salitang lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan
4) Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.
5) Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan
kabilang dito ang matatalinghagang salita at pahayag na.nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at
larawang diwa.
6) ang pang-uring naglalarawan o nagbibigay-katangian sa dalawang tao, bagay, lugar o pangyayari
7) Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad, pareho o
timbang.
8) Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring pinaghahambing ay di-magkatulad, di- pareho o di-
patas.
9) Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang itinutulad sa pinagtutularan
10) Maliit, alangan, mababa ang uri ng inihahambing sa pinaghahambingan.
Piliin at isulat ang kahulugan ng mga salitang nakasulat ng palihis na ginamit sa pangungusap.
Isulat ang tamang sa got bago ang numero.
1) Alaws siyang tigil sa pagbabasa ng wattpad, kaya't hindi niya a. inai
namamalayan ang pagtabi ng pulis sa kaniya. b. bahay
2) Ang kapatid ko ay madalas na sabihin ang bilmoko. c. wala
3) Napagkamalan kong ang lespu ang kumuha ng aking biskuwit. d. bili mo ako
4) Nagmamadali kaming sumakay ng tsekot matapos ang panonood ng sine. e. kotse
5) Madalas na kasama ng aking ina ang katulad niyang ilaw ng tahanan. f. pulis

Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Pillin ang mga pahayag na naghahambing. Pagkatapos,
suriin kung anong uri ito ng pahayag na naghahambing.
1. Katulad ng palay, naging mainam na hanapbuhay ang pagtatanim ng mangga sa Guimaras.
2. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng hangin sa lungsod.
3. Ang mangga sa aming lugar ay higit na matamis kaysa sa lloilo.
4. Mabuting di-hamak sa kalusugan ang karne ng baka kaysa sa karne ng kalabaw.
5. Kasinsipag ng magsasaka ang mga manggagawa.
6. Di-gaanong mainam sa kalusugan ang pagpupuyat.
7. Mas mainam ang pagiging maagap kaysa sa pakikipag-unahan.
8. Di-hamak na matamis ang manggang galing sa Guimaras kaysa sa ibang lugar sa Pilipinas.
9. Mas malayo ang Negros Oriental kaysa sa Antique.
10. Kasingkinis ng mansanas ang bunga ng manggang Guimaras.

Prepared by: Approved by:


MARLON E. SIERVO ROQUE M. GALDONES
Subject Teacher School Head

“Pag-aram kam si maupay”


-Sir Marlon

You might also like