You are on page 1of 2

INTERBENSYONG PROGRAMA/ GAWAIN PARA MATUGUNAN ANG MGA DI- GAANONG AT HINDI NAMASTER NA

MGA KASANAYAN SA PILING LARANG 12- AKADEMIK (IKALAWANG KWARTER)

I. MAIKLING DESKRIPSYON NG PROGRAMA

Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayan na kinakailangang matamo at makita mula sa mga mag-
aaral. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa pagsulat ng isang teksto, ay maituturing na asset ng mag-aaral tungo sa
pagkamit ng makabuluhang pagkatuto hindi lamang sa loob ng klasrum, maging sa pang-araw- araw na pamumuhay.
Ilan sa mga mag-aaral ngayon ang may kakayahan sa pagsulat ngunit nagkakamali sa ilang aspeto katulad ng
pagsasalin at wastong paggamit ng bantas. Maraming pwedeng epekto nito, ilan sa mga ito ay ang kakulangan ng
interes sa pagsusulat, kakulangan sa bokabolaryo, at social media.

Kaya, ang Pagsulat ng Repleksiyon ay isa sa mga nakitang paraan ng guro upang malinang at maisaayos ang
kasanayan at ideya ng mga mag-aaral sa pagsusulat.

II. LAYUNIN NG PROGRAMA / GAWAIN

 Makapagsusuri sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusulat.


 Maisa-isa ang mga wastong paraan sa paggamit ng bantas sa tulong ng muling pagsusulat.

III. TALAAN NG MGA DI- GAANONG AT HINDI NAMASTER NA KASANAYAN SA FILIPINO


Baitang DI-GAANONG NAMASTER NA MGA HINDI NAMASTER NA MGA
KASANAYAN KASANAYAN
12 CS_FA11/12PU-0d-f-93 CS_FA11/12PU-0p-r-94

Nakasusunod sa istilo at Nakasusulat ng organisado,


teknikal na pangangailangan malikhain, at kapani-
ng akademikong sulatin paniwalang
sulatin

IV. PROSESO NG PROGRAMA / GAWAIN

1. Pagpapabasa ng teksto; Pagpapanood ng pelikula;


2. Pagsusuri sa elementong nakapaloob sa teksto at pelikula
3. Pagbibigay-katanungan mula sa tekstong binasa o pelikulang napanood.
4. Pagpapasulat ng repleksiyon na may kaugnayan sa katanungang ibinigay.
5. Pagbigay- pidbak sa mga mag-aaral.
6. Pagpapasulat muli sa repleksiyong nabuo.

V. PARAAN NG PAGSUSUBAYBAY NG PROGRAMA/ GAWAIN

Ang pagkakaroon ng pag-unawa at kawastuhan sa pagsusulat ang pinakatinututukan ng programa.


Gayunpaman, binibigyang linaw at pokus din nito ang wastong bantas, at gamit ng wika mga mag-aaral sa gawaing
pagpapasulat.

VI. KINALALABASAN NG PROGRAMA/GAWAIN

Ang mga mag-aaral ay nagpapakita ng positibong resulta sa paggawa ng repleksiyon ng kanilang binasa o napanood
na kung saan sila ay matagumpay na nakapagsusulat ng teksto at nasasagot ang mga katanungan na may kaugnayan
sa teksto.

You might also like