You are on page 1of 1

PANGALAN: SHEENA MAE L.

OSIAS
COURSE: BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION MAJOR IN
FINANCIAL MANAGEMENT

ABSTRAK

Pamagat ng Pag-aaral: Kahalaganahan ng Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino at Epekto


nito sa Modernisasyon ng ating Kabataan.

Ang ating wika ay may napakahalagang ginagampanan sa ating lipunan at


pamahalaan. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nangangahulugan ng pagkaka-isa ng
mga mamamayan. Ang pananaliksik na ito ay layon na malaman ang kahalagahanng
wikang Filipino sa lipunang Pilipino at Epekto nito sa Modernisasyon sa ating kabataan.
Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din
ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Maraming kabataan o estudyante sa
panahon ngayon ang gumagamit ng mga social media sites gaya ng Facebook, Twitter,
Instagram at napinaglalaanan nila ng napakadaming oras . At dahil sa paggamit sa mga ito
maraming lumilitaw na mga salita na siyang maaaring nagbubunsod ng modernisasyon ng
ating pambansang Wika. Layunin ng pananaliksik na ito na malaman kung may epekto ba
ang modernisasyon, mga makabagong teknolohiya, at social media sa tuluy6ang
pagkalimot sa mga lumang salita. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng input-process-
output sa paggawa ng paradym ng batayang konseptwal ng pag-aaral. Ang mga
mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral ng kursong STEM sa General
Artemio Ricarte Senior High School panuruan 2020-2021 at mga lokal ng City of Batac,
Ilocos Norte. Ang pag-aaral na jto ay isinagawa sa disenyo ng deskreptibong paraan ng
pag-aaral. Ang pangunahing instrument na ginamit ay ang sarbey kwestyoner. Sa
pangangalap ng sarbey ay napatunayan na Malaki ang kinalamn ng modernisasyon sa pag-
unlad at poaglaganp ng Wikang Filipino.

You might also like